9 REASON Why Being Alone Is Good For You By Brain Power 2177


Photo by Alexandr Podvalny from Pexels


Dahil sa sobrang abala natin sa iba't-ibang bagay, dahil sa dami nating aktibidad, nakakalimutan na nating gumugol ng panahon ng mapag-isa. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nababalot na tayo ng stress dahil hindi na natin nai-release. Pero iba't-iba tayo ng pananaw when it comes to pag-iisa. May ilang mga tao na nakakaramdam sila ng guilty habang nag-iisa sila. May ilang mga tao din na hindi nila gustong mapag-isa. May ilang mga tao din na iniisip nila kapag mag-isa lang sila ay parang katulad lang din daw ito ng kalungkutan. Hindi naman natin mapipilit kung ano ang pananaw nila tungkol dito. Pero para sa 'yo, masaya ka ba sa alone time mo? Anuman ang sagot mo, gusto ko lang malaman mo na ang pagiging mapag-isa ay kailangan din sa ating personal growth at sa ating personal development.

Ang pagiging MAPAG-ISA at pagiging MALUNGKOT ay dalawang magkaibang bagay. Ibig kong sabihin, hindi lahat ng nag-iisa ay malungkot. At hindi lahat ng may kasama ay masaya. Na-gets mo ba ang punto ko? Ipaliwanag ko ng mabuti, okay? Ang pagiging mapag-isa ay isang bagay na ginagawa natin upang pasiglahin ang ating kaluluwa at pasiglahin ang ating buhay, habang ang pagiging malungkot naman ay isang klaseng pamumuhay na naghihiwalay sa atin sa ibang tao. Ang isa ay nakakatulong sa ating pag-unlad at ang isa naman ay nagpapanatili sa atin sa mababang lebel ng buhay. Kaya ang dalawang ito ay magkaiba. ALONE is NOT LONELY.

Masyado tayong abala sa pag-iskedyul ng ating mga araw, kung kaya ang paghahanap ng oras upang makapag-isa ay parang struggle na sa atin. At hindi lang mga matatanda ang nangangailangan ng oras na mapag-isa, maging ang mga kabataan rin. Ako gusto kong mapag-isa dahil ayoko ng maingay na environment. Sa pag-iisa ko kasi, makikita ko ng malinaw kung ano ang layunin ko sa buhay. Nakakatulong talaga ang alone time sa akin. Hindi ako masyadong introvert. Hindi rin ako mahiyain. I do public speaking. Pero gumagaan ang pakiramdam ko at makakapag concentrate ako kung mag-isa ako. Ayon nga sa pag-aaral ng isang expert na si Reed W. Larson,


Anumang aktibidad na ginawa mo kasama ng ibang tao, pwede mo rin 'yang gawin nang mag-isa ka lang. Sanay na kasi tayo na sumama sa mga kaibigan natin at sa pamilya natin, sa ating pamamasyal, at bihira nating bigyan ang ating sarili ng pagkakataon na gawin ang mga bagay na 'yon ng mag-isa. Be spontaneous at sa susunod na magkaroon ka ng kagustuhan na manood ng sine, kumain sa labas, o kahit na mag shopping, subukan mong gawin ito nang mag-isa. At alamin mo kung ano ang pakiramdam habang naglalakad ka ng mag-isa. Dito mo kasi mahuhubog at makilala ng lubos ang sarili mo.

Kung hindi ka pa sanay, siguradong hindi ka komportable sa una at okay lang 'yon. Kung hahayaan natin ang ating sarili na mag obserba at iproseso lamang ang nangyayari sa ating paligid nang walang halong panghuhusga, magkakaroon tayo ng mahalagang pananaw at ilang mahalagang impormasyon upang matulungan tayong mas maunawaan ang ating mga PANGANGAILANGAN at KAGUSTUHAN sa buhay.

There is a movement going on in the world, one that is highlighting the importance of slowing down and enjoying the moment. There is no better way to slow down and become more mindful of the world around you than to spend some time alone. Hindi ka pa ba nakumbinsi sa mga sinasabi ko?  Well, maraming mga dahilan kung bakit ang paggugol ng oras nang mag-isa ay makakabuti para sa atin, ang una ay pinipilit tayo nitong maghinay-hinay lang at maging mas mapagmasid sa ating paligid. Narito ang 9 na DAHILAN kung bakit ang pag-iisa ay makakabuti sa 'yo.


NUMBER 1
NAKAKAPAG-ALIWALAS NG ISIPAN



Kasi kita mo naman, sobrang napakaingay na ng buhay natin. Napakaingay ng social media. Napakaingay ng mga balita. Napakaingay ng mga kasama natin sa trabaho. Napakaingay ng ating mga kaibigan. Napakaingay ng ating pamilya. Hindi na natin naririnig ang sarili nating pangangailangan at kagustuhan dahil sila na lang palagi ang naririnig natin. Kapag naglalaan tayo ng oras ng mag-isa, maaari nating maalis ang lahat ng ingay sa ating isipan at hayaang maging malinaw ang ating pananaw sa buhay. Kapag nag-iisa ka, 'yan na ang tamang panahon para bitawan mo na ang negatibong pag-iisip mo. Kasi alam mo, ikaw at ikaw lang naman ang nagkokontrol kung ano ang pumapasok sa 'yong isipan — ngunit kahit papaano marami sa atin ang hinahayaan ang ating sarili na mababalot sa mga negatibong kaisipan. Kung palagi kang nag-iisip ng negatibo, hinding-hindi talaga gaganda ang mood mo, kaya pinakamainam na iwanan mo ang mga negatibong kaisipan hangga't maaari, dahil mapapawi nito ang iyong isip sa sobrang stress. Kung tutuusin, kung may bagay na nagpagalit sa 'yo, ano ang silbi ng pagbitbit nito buong araw?


NUMBER 2
MAHUHULMA ANG ATING PAGKAMALIKHAIN

Totoo 'yan. Makakapagconcentrate ka ba sa ginagawa mo kung may ingay sa paligid mo? Halimbawa nagpipinta ka o kumakanta ka, sinasanay mo ang iyong talento, ano ang mangyayari kung napakaingay? Mahihirapan ka talaga. Nangyayari ang pagkamalikhain kapag ang ating isip ay malayang tumuklas at gumala. Kapag tayo ay nag-iisa, ang ating isipan ay kalmado lang. Kung kalmado anong mangyari? Nagbibigay-daan ito sa ating isipan ng kalayaan. Kalayaang maglakbay batay sa tunay na inspirasyon.


NUMBER 3
NAGBUBUO ITO NG KOMPIYANSA



Mahirap buuin ang kompiyansa natin dahil may maraming negatibong impluwensya sa labas. Being alone allows us to develop our authentic voice based on our values. This voice becomes stronger and steadfast when we are firmly planted in what matters most to us, not those around us. Pag-isipan mo kung saan o anong bagay ka magaling. Tayong lahat naman ay may talento at may kakayahan tayo. Walang tao na isinilang na walang silbi. Lahat tayo ay may gagampanan. 'Yan ang pag-isipan mo habang mag-isa ka. Para mas lalo kang maging confident. Recognizing what you’re good at, and trying to build on those things, will help you to build confidence in your own abilities.


NUMBER 4
MATUTUNAN NATIN ANG PAGKA-INDEPENDENT
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Ang pagiging independent ay nangangahulugan na ikaw ay lubos na umaasa sa numero uno, sino ang numero unong 'yon? IKAW 'yon. Matutunan mong yakapin ang sarili mo. Matutunan mong umasa sa sarili mo. Maniwala ka sa 'kin, mababawasan ang stress mo. By being your own emotional crutch, by being your own advisory, and by being your own counsel you are likely to reduce your daily stress. Kasi kung palagi ka lang umaasa sa iba, hindi madagdagan ang karunungan mo sa buhay. Paano mabubuksan ang pag-iisip mo kung palagi ka lang nakasandal sa ibang tao? Kapag independent ka, matutunan mong harapin ang mga sitwasyon nang nag-iisa ka lang kahit mahirap man 'yon. At matutunan mo at malalaman mong hindi ka na gaanong nababalisa kapag dumating ang mga oras ng kahirapan. When we spend time alone, we are allowed to dream and create goals that allow us to evolve independently of others.


NUMBER 5
NILILINAW ANG PANANAW
Photo by Pixabay from Pexels


Ang pananaw natin sa buhay, puro negatibo na lang. Paano maging malinaw kung wala kang oras para sa sarili mo, para makapag meditate? Kailangan mo 'yon. Kapag hinayaan mo lang ang mga negatibong pag-iisip na lamunin ang iyong utak, kadiliman lang ang makikita mo sa mundo. Kaya mahalagang malaman mo kung paano baguhin agad ang iyong pananaw upang maging mas positibo at mas maligaya ka. When we take the time to remove ourselves from the experience and spend time alone processing the events free from the emotion and influence, we gain clarity around the judgments we initially made.


NUMBER 6
MABABAWASAN ANG PAGKABALISA
Photo by RODNAE Productions from Pexels


Kapag may oras tayong inilaan para sa ating sarili, madali nating makontrol ang mga negatibong emosyon at negatibong pag-iisip natin. Mati-trigger kasi ang ating kaisipan dahil sa mga nakikita natin sa labas. Mag time-out ka muna. Oras na para gumawa ka ng bagay na nakakapagpagaan ng kalooban mo. Gawin mo 'yon ng mag-isa ka lang para mas madaling ma-proseso ang kalooban mo. Pwede kang makinig ng paborito mong musika. Pwede ring magpinta ka kung hilig mo 'yon. Gawin mo lang ang gusto mong gawin. Lumayo ka muna sa maingay na mundo. Lapitan mo muna ang tunay mong pagkatao. Dinggin mo ang positibong boses sa ulo mo. We can put some perspective on them and that happens when we spend time alone. Ito kasi ang problema ng mga tao, inaakala nila kapag nag-iisa sila habang nagce-cellphone at humaharap sa computer o nanonood ng TV ay 'yon na 'yon. Hindi dapat ganyan ang alone time. It could even make you more tense. Hindi pwedeng gumugol ka ng panahon na mag-isa pero nagbabad ka naman sa TV, sa screen, umiinom ka naman ng alak, nagdodroga ka, naninigarilyo ka, pekeng relaxation ang tawag dun. Bakit? Kasi sinisira mo ang iyong katawan. Kung naging masaya ka naman sa paggawa niyan, pansamantala lang 'yon. What the body really needs is daily practice of a relaxation technique — like deep breathing, that has a physical effect on the mind. For example, deep breathing helps to relax a major nerve that runs from the diaphragm to the brain, sending a message to the entire body to let go and loosen up.


NUMBER 7
MALALAMAN NATIN ANG ATING PRIYORIDAD
Photo by Polina Zimmerman from Pexels


Napakahalaga na patuloy nating masuri kung ano ang mahalaga sa atin. Ang pinakamaayos na paraan upang makilala ng lubos ang ating sarili at upang malaman natin ang mahalagang bagay sa ating buhay ay ang gumugol ng oras nang mag-isa. Marami ng tao ang nag-uunahan na. Kahit hindi importanteng bagay, binibili na, ginagawa na, para lang maabot nila ang naabot ng iba. Kaya ang resulta, hindi sila masaya. Dahil habol lang sila ng habol. Dapat alam natin kung ano ang tunay nating pangangailangan at kagustuhan at kung ano ang ating passion sa buhay. Malalaman natin 'yan kung may oras tayo na inilaan para sa ating sarili.


NUMBER 8
MAGIGING PRODUKTIBO KA
Photo by cottonbro from Pexels


Kapag tayo ay nag-iisa at nagagawa nating palinawin ang ating mga pangarap, ang ating layunin, at ang ating priyoridad, mas lalo tayong excited sa ating tagumpay. That excitement is the motivation that propels us into specific actions to support those goals and priorities. It makes us eager to work and gives us the energy to do the things that support our big plan. Pag-isipan mo itong mabuti, LIMITADO lang ang oras natin sa isang araw. Kaya pumili ka, maging produktibo o maging pabaya sa buhay mo? Kung ikaw ay produktibo, mas marami kang magagawa. Maraming paraan kung paano mo masisigurong nasa tamang landas ka, gaya ng paglalagay ng lahat ng iyong gawain sa 'yong kalendaryo para lang hindi mo makalimutan ang priyoridad mo. Doing more things is something all people are looking for, as we all have goals and dreams. But make sure that those things you want to do are important to you, and not casual stuff. Overwhelming yourself with tasks that can be delegated or not done at all can lead to burnout and can lead to symptoms of depression. So make sure you prioritize your tasks in a healthy way.


NUMBER 9
MAGPAPALAKAS SA IYONG RELASYON
Photo by Văn Thắng from Pexels


Hindi lang ibig sabihin na relasyon sa partner mo, pwede ring relasyon sa sarili mo. Pero kung may partner ka ngayon, nakakatulong ang alone time sa inyong dalawa. Maniwala ka man sa 'kin o hindi, nakakapagpatatag ito ng relasyon. Sa oras na palaging dikit ka ng dikit sa partner mo, dito magsisimula ang pagkairita. Dapat may space kayo. Oo magkasama kayo pero kayo pa rin ay indibidwal, may sarili o kanya-kanyang takbo ng pag-iisip. What I really mean is, when we have the time to understand and value ourselves, we are better able to understand and value other people.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177