7 Ways To Face Your Challenges By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Kailangang handa na ang iyong pinakamahusay na strategy para malampasan mo ang mga hamon sa buhay. Dahil alam naman nating lahat, kahit anong oras, pwede tayong tamaan ng problema. Alam din natin na ang buhay ng bawat isa ay may mga araw ng kagalakan at may mga araw na grabe ang mga struggles. Kaya't napakahalaga na huwag mong hayaan ang mga negatibong sitwasyon na ubusin ang iyong lakas. Ganito na ang buhay e. Minsan umaahon. Minsan lumalagpak. Kaya't ito ang isa sa mga nagustuhan ko sa sinabi ni Tony Robbins na palagi ko pa ring iniisip hanggang ngayon,

“Every problem is a gift. Without problems, we would not grow.”

Tama nga naman, 'di ba? Kung walang problema, paano tayo matututo? Paano tayo uunlad?

It’s not easy to live a meaningful life, yet it’s worth the hard work. Kaya't ngayon pa lang, 'wag mong sayangin ang oras mo. Bawat minuto ay napakahalaga para sa 'yong pagbabago. Hindi mo man mapipigilan ang mga hamon, hindi mo man 'yan makokontrol, talagang lalapit 'yan sa 'yo, but know this, challenges are there to make you grow, to make you stronger and to make you more experienced. Isipin mo na lang ang mga hamon na 'yon bilang nakatagong regalo na nangangailangan ng pagsisikap para malantad.

Upang malampasan mo ang mga hamon sa buhay, simple lang, 'wag mong takasan. Kailangan mo munang harapin ang mga ito.  Samakatuwid, ang pinakamahusay na paraan ay alamin mo ang iyong mga problema at gawin mo ang lahat ng makakaya mo upang malutas ang mga problema mo.

Madali mong malaman kung umuusad ba ang buhay mo o nananatili lang ganyan. Paano ba natin malalaman na hindi umuusad ang buhay mo? Kapag nawawalan ka na ng interes sa mga bagay-bagay. Yun bang hindi ka na nasasabik sa mga pinagagawa mo. Wala ng nakakaakit ng iyong atensyon. Gaano man kaganda at kakulay ng iyong paligid, hindi mo ito makikita. Kung 'yan ang nararamdaman mo ngayon, ibig sabihin na hindi na tumatakbo ng maayos ang buhay mo. Para bang ang mga pangarap mo ay naka-hold na at wala ka ng masyadong inaabangan. Dapat buhayin mo ang iyong interes. Maghanap ka ulit ng mga bagay na bubuhay sa mga interes mo. Dapat manatili kang curious para naman mabuksan ang isipan mo. 

Ano pa ang sign na hindi na tumatakbo ng maayos ang buhay mo? Yung nananatili ka na lang kung saan ka komportable. Siguradong hindi talaga hindi uusad ang buhay mo. Kasi ano pang bago ang matutunan mo sa buhay e halos lahat familiar na sa 'yo. May kaseguruhan na sa 'yo. Let me ask you, why you don’t want to step forward? Is it because it irritates you? Is it because it disturbs your muteness. Siguro iniisip mo lang,

“wala naman akong matutunan diyan bakit pa ako pupunta?”

At nandito ako para sabihin sa 'yo na malaki ang matutunan mo sa labas ng iyong comfort zone. Out of the comfort zone, is the place when life starts. 'Yang comfort zone mo na 'yan, iwanan mo na 'yan, ngunit bago mo iwanan 'yan, kailangan mong paalisin ang mga negatibong pag-iisip sa loob ng iyong puso't isip, dahil 'yan ang dahilan kung bakit natatakot kang pumasok sa bagong yugto ng buhay. Kailangan mong ipasok sa isip mo ang positibong salita, positibong saloobin, para magbago ang pananaw mo sa buhay. Alam mo ba kung ano ang epekto ng negatibong pag-iisip? Ang iyong kalusugan lang naman. Ang mga negatibong emosyon ay sumasalamin sa iyong katawan. Your overall well-being and appearance show how unhealthy your eating habits are and of course your thoughts.

Ano pa ang sign na hindi tumatakbo ng maayos ang buhay mo? Ang dami mong dahilan, kesyo ganito, kesyo ganyan. Wala ka ng ginagawang makabuluhan sa buhay kaya't nandiyan ka pa rin sa sitwasyon na 'yan. Palagi kang may dahilan sa bawat sitwasyon at palagi kang takot at wala kang kompiyansa na salubungin ang iyong mga problema. What you allow will dominate. Excuses are the real reason killers, so you need to fight their origin. Find the real causes for that fear and hesitation. Always think of ways to solve problems not to silence your conscience.

Ano pa ang sign? Kung wala ka ng lakas. Weakness controls your body and soul. You can’t feel energized or motivated to do activities. Parang gusto mo na lang magpahila sa ibang tao. 'Yan ang literal na pabigat. Sana'y hindi umabot sa punto na gano'n na ang buhay mo.

Ngayong alam mo na ang mga signs na hindi ka umuusad, punta tayo sa main topic natin. 7 STRATEGIES para maharap mo ng maayos ang mga hamon sa 'yong buhay.

Hangga't buhay pa tayo, palagi tayong susubukan ng panahon. Walang katapusan 'yan. Pagkatapos ng isang problema, may bago na namang problema. May panibagong hamon na naman. Kung paano malalampasan ang mga hamon sa buhay ay nakasalalay sa kung ano ang gagawin mo. Kung naniniwala ka na ang bawat problema ay isang regalo, madali mo na silang durugin nang hindi nagpapanic. Pero kung ang tingin mo sa 'yong mga problema ay mga malalaking hadlang, mas lalo kang matatakot na harapin sila. At ang takot mo na 'yan ang magtutulak sa 'yo na tumakas at huminto sa pagsulong. Napansin mo ba? Dalawang mindset ang punto ko dito. May positibong mindset at negatibong mindset. Nakasalalay sa 'yo kung ano ang ginagawa mo.

Unang strategy na gawin mo,
MAG-ISIP KA NG POSITIBO
Photo by Michael Burrows from Pexels


Choose positivity in every situation. Sanayin mo ang iyong isipan na mag-isip ng TAMA. Ang isipan ay sumusunod lang kung paano mo ito kinokontrol. Kung negatibo ang pinapakain mo dito, negatibo din ang makikita mo sa paligid. Positive thinking is a habit to develop and master. Oo, madali lang 'yang sabihin pero mahirap i-master ang isip natin. Minsan nga tayo pa ang nakokontrol nito e. But here's the thing, life changes when you are determined to live on the bright side.


Pangalawang strategy na gawin mo,
HINDI LANG IKAW ANG MAY PROBLEMA
Photo by Jeswin Thomas from Pexels


Oo isipin mo 'yan. Kasi marami na akong naririnig, sa ibang tao, sa mga kaibigan ko, sinasabi nila na parang sila lang daw ang may problema. May problema din ako sa buhay. Hindi porket mino-motivate kita ay wala na akong pagsubok. Tao tayo. Walang sinuman ang nabubuhay sa ganap na KAGINGHAWAHAN at KASIYAHAN. Apektado tayong lahat sa kahirapan ng buhay. Hindi lang tayo pareho ng problema. Yung iba ay namomroblema sa pinansiyal. Yung iba may sakit na iniinda. Yung iba sa relasyon. Ang daming problema sa mundo. Mahirap ang buhay para sa lahat. Hindi porket may nakita kang tao na masaya sa social media ay talagang masaya na siya, hindi mo lang alam ang mga behind the scenes ng bawat isa. 'Wag kang panghinaan ng loob. Lumaban ka pa rin kahit ang dami mang hamon sa buhay mo.


Pangatlong strategy,
isipin mo lang na REGALO ANG MGA PROBLEMA MO
Photo by Karolina Grabowska from Pexels


Ika nga ni Tony Robbins, kung wala ang mga problema, hindi tayo aangat. Dahil ang mga problema natin ang makakapagbukas ng ating isipam. Kung ang dami mong problema ngayon, 'wag kang sumuko kaagad. Hindi mo naman alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap mo, 'di ba? Pero sa kasamaang palad, pinilit mong isipin ang mga bagay na hindi pa nangyayari. Nag-ooverthink ka. Hinuhulaan mo. Inuunahan mo. 'Yan ang dahilan kung bakit mas lalong bumibigat ang pakiramdam mo. Itatak mo ito sa kukote mo, bawat problemang dumarating sa 'yong buhay ay may dalang aral. Maniwala ka lang. Ilang problema na ba ang nasolusyonan mo? Ang dami na, 'di ba? May natutunan ka ba? Siyempre mayroon. Hindi ka ba natutuwa? Siyempre natutuwa ka.


Pang-apat na strategy,
LAWAKAN MO ANG IYONG PAG-IISIP
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Mag-isip ka ng mabuti. Kasi isipin mo ito ah, IKAW lang ang humahadlang sa sarili mong buhay. Bakit? Dahil IKAW lang ang nagpapahintulot na manatili sa ganyang buhay. May opportunity na dumating sa 'yo pero tinanggihan mo. May gusto kang negosyo pero natatakot ka. O sino ngayon ang may gawa ng hadlang? IKAW. Ikaw ang kumalaban sa sarili mo. Dapat pag-isipan mong mabuti 'yan. Gaano man kalaki ang problema mo, gaano man kahirap ang mga hamon mo, MAS MALAKAS ka pa rin. Kasama mo ang Diyos. Tutulungan ka Niya. Walang ibang tao ang makakapigil sa 'yo. IKAW lang. Kaya't mag-ingat ka sa mga pinagagawa mo kasi minsan, IKAW lang ang gumawa ng HADLANG sa sarili mong daan.


Panglimang strategy,
HUMINGI KA NG TULONG
Photo by SHVETS production from Pexels


Kung hindi mo na kaya, walang masama kung humingi ka ng tulong. Minsan kailangan mo ring lunukin ang pride mo. May mentality kasi tayo na

“KAYA KO ITONG MAG-ISA”

pero sa totoo, nahihirapan ka na. Sinasabi ko ito sa 'yo kasi Biblical ito e. Basahin natin ang Kawikaan 12:15,

“Ang lakad ng mangmang ay tama sa paningin niya,
Pero ang marunong ay tumatanggap ng payo.”

Kita mo 'yan, ang taong hindi magpapatulong ay inihahalintulad ng Bibliya sa taong mangmang. Kasi alam na alam ng Diyos na may mga bagay na mabigat sa atin. Sometimes God helps us by doing things Himself and sometimes God helps us through other people. We must never be afraid to get wise counsel and to get help for big decisions from other people. Hindi ka nag-iisa sa mundong ito. May mga kaibigan ka. May pamilya ka. Ang daming matulungin sa paligid mo. Dapat bukas rin ang mga mata ng puso mo para makita mo na may natitira pang mababait na tao sa mundo. Stay close and don’t hide from those who give you love and care. Let them be there for you when you need help.


Pang-anim na strategy,
MAPAGPASALAMAT
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Alam mo, siguro sa lahat ng pinakasimpleng bagay, ang pagpapasalamat ang nakakalimutan ng mga tao. Bakit ko nasabi? Sa bawat paggising mo sa umaga, ano ang ginawa mo? Hinahanap mo muna ang cellphone mo. Yun pa lang, minus points ka na kaagad. Hindi mo ba naisip na pasalamatan ang Diyos dahil sa panibagong buhay na naman? Dapat 'yan ang priority mo bawat umaga. Bigyan mo naman ng pansin ang mga biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa 'yo. Practice gratitude every day, count good things in your life. As you allow gratitude to overpower, your mind will reframe the overall situation, get a new aspect of the challenge, and a good way to overcome.


Pang-pitong strategy,
uulitin ko na naman, 'WAG KANG SUMUKO
Photo by Allan Mas from Pexels


Hangga't buhay ka pa, makakaya mo. May pag-asa pa. May pagkakataon ka pa. Malalabanan mo pa ang lahat. Kung gusto mo ng tumigil sa mga pinagagawa mo at kung gusto mo ng sumuko sa mga hamon ng buhay, matatawag mo na ang sarili mo na TALUNAN. Pero alam kong hindi ka TALUNAN. Alam ko na gusto mong lumaban. Nararamdaman ko e. We are all connected. I can feel it from here. Kung nabigo ka man sa mga plano mo, hindi ka talunan. Natural lang 'yan. Kung hindi mo naitama ang mga mali mo, hindi ka talunan. Pruweba lang 'yan na sinubukan mo. Ang pagpupursige sa kabila ng kabiguan ay isang bagay na dapat mong ipagmalaki. Dapat matuwa ka pa. Tanggapin mo na lang na hindi natin maiiwasan ang mga problema. Upang malampasan mo ang mga hamon sa buhay, kailangan mo ng malupitang pagsusumikap, at higpitan mo ang pagkapit sa Diyos. 'Wag mong kalimutan ang Source ng lahat. Ang Diyos. 'Wag mo ring kalimutan na hindi ka nag-iisa, may mga taong malalapitan mo kung nangangailangan ka. At alam kong matatag ka at alam kong malalampasan mo ang anumang pagsubok na iyong kinakaharap hangga't naniniwala kang KAYA mo.




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177

10 Dahilan Kung Bakit Hindi ka Nila Gusto By Brain Power 2177