5 IMPORTANT THINGS We Can Learn From Being Single By Brain Power 2177


Photo by Pixabay from Pexels


Oo aminin na natin, masaya naman kapag may karelasyon tayo. Ibig bang sabihin kapag single ka ay hindi ka na masaya? Hindi mo dapat tingnan ang pagiging single bilang MASAMA o hindi gaanong KASIYA-SIYA. Kahit na sa tingin natin ay parang nakakalungkot kapag walang partner, maaari kang makakuha ng maraming mahahalagang benepisyo sa panahong single ka. Single na babae o single na lalaki. Alam mo ba kung bakit ang ibang single ay malungkot? Dahil 'yan sa nakikita nila sa social media. Lalong lalo na sa tiktok, ang daming sweet couples d'on. Kadalasan din, itinutulak ng lipunan ang mensahe na magiging maligaya lang daw tayo kapag may karelasyon na tayo. Gayunpaman, ito ay napakalayo sa katotohanan. Kaya 'wag kang malungkot kung pinopromote nila 'yang sinasabi nila. 'Wag ka ring maniwala masyado sa social media. Sweet couples nga ang nakikita mo, pero sweet nga ba talaga? Kasi 'yang nakikita mo sa social media, HIGHLIGHTS lamang 'yon ng kanilang buhay. Hindi mo nakikita ang BEHIND THE SCENES. Kaya lumabas ka sa ilusyong 'yan. 

Kung wala ka pang asawa, kung wala ka pang girlfriend o boyfriend, hindi 'yan nangangahulugang KALUNGKUTAN at KAWALAN NG PAG-ASA. Sa katunayan, magugulat ka pa nga ng napatunayan ng pag-aaral na ang ilang mga taong single ay mas masaya pa kaysa sa in a relationship. Kung single ka man ngayon, matuto ka pa ring i-enjoy at pahalagahan ang iyong oras nang habang nag-iisa ka, nang sa gayon ay madama mong mas handa kang sumisid muli sa mundo ng pakikipag-date. Narito ang 5 mahahalagang aral na matututunan natin sa pagiging single:


NUMBER 1
SELF-LOVE
Photo by Tirachard Kumtanom from Pexels


Ang pag-ibig ay hindi lamang nakatali sa isang relasyon. Hindi lang sa isang tao ka pwedeng magmahal. Pwede mong mahalin ang lahat. Pwede mong mahalin ang alaga mong hayop. Pwede ang mga kaibigan mo. Hindi lang ito para sa karelasyon mo. Sabi ko nga kanina, naaapektuhan na tayo sa modernong pelikula, sa mga patalastas sa TV man o radyo, sa social media na rin, nabi-brainwash na tayo sa pag-iisip na ang pag-ibig ay umiiral lamang sa romantikong relasyon. Nakakalungkot isipin, isa na ako sa mga nalulungkot, kapag may nakita akong tao na habol ng habol ng special someone daw nila, para maging kompleto na sila. Nakakalungkot, di ba na hindi sila nakakaramdam ng saya o kompleto kung wala silang kapares. Hindi sila nakakaramdam na kamahal-mahal sila kung wala pa silang boyfriend o girlfriend. Kaya y'ong iba ay nagiging obsess na. Sa sobra ng pagka-obsess, napunta tuloy sa taong hindi sila mahal. Kasi ang obsession ay parang toxic na rin ito sa ating isipan e. Kaya toxic rin ang maa-attract natin. Obession can paralyze us. We lose touch with ourselves, our feelings, and we lose our ability to reason and solve our problems. Gayunpaman, ang pag-ibig ay walang kondisyones 'yan. Palagi itong umiiral, mapa-single ka man o in a relationship. It should just become our primary state of being. Ang ibig kong sabihin ay hindi mo kailangang magkaroon ng jowa para sumaya. Dahil isipin mo nga ng mabuti, noong wala ka pang jowa noon, bakit masaya ka na non? Bakit ngayon hindi mo na kaya? Simple lang, nadadala ka lang sa mga nakikita mo. Hindi mo tunay na pagkatao 'yon. Nabi-brainwash ka lang sa mga nakikita mo. May benepisyo naman ang pagiging single e, hindi lang pagmamahal sa isang tao ang hahanapin mo, hindi lang sa mga bagay o lugar, mahahanap mo rin ito sa kaloob-looban mo. Kapag nilinang mo ang sapat na pagmamahal sa sarili mo, makikita mo ang repleksyon ng pag-ibig na ito sa lahat ng bagay at sa iba pang tao sa mundo. Love should be a state of being, not a feeling you can only have in a relationship.


NUMBER 2
MAKIKITA MO ANG TUNAY MONG HALAGA
Photo by cottonbro from Pexels


Hindi mo na kailangan ng ibang tao para masabing may halaga ka sa mundo. Dapat alam mo 'yon sa sarili mo na may halaga ka. You validate your existence. Paano ko nasabi na IKAW lang ang may alam ng halaga mo? Kasi nakasaksi ka naman siguro ng mga taong in a relationship tapos hindi sila pinahalagahan ng partner nila, 'di ba? Hindi ko naman nilalahat. Pero isa lang ang ibig sabihin niyan, hindi sagot ang ibang tao para makita mo ang tunay mong halaga. Hindi porket walang nagkakagusto sa 'yo, walang nanliligaw sa 'yo ay wala ka ng halaga. Hindi dapat ganyan ang pinapasok mo sa isip mo. You should not look to anyone else for acceptance or assurance, because if you have to do that, this means you don’t see your own self-worth. Maaaring mapalakas ng ibang tao ang iyong self-esteem o maaaring makakapagbigay sila ng suporta sa mga oras ng kawalan ng katiyakan, ngunit hindi nila 'yon mapapalitan ang halaga na ibinibigay mo sa 'yong sarili. Kung single ka man ngayon, dapat matutunan mo kung paano mahalin ang iyong sarili at kung paano alagaan ang iyong sarili para hindi ka na umasa sa ibang tao para gawin ito para sa 'yo.


NUMBER 3
ORAS NG PAGPAPAGALING
Photo by cottonbro from Pexels


Lalo na kung galing ka sa matinding break up. Ito na ang oras para magpagaling ka muna. Para magpokus ka muna sa mga priorities mo. Ito ang tamang panahon para maglaan ka ng oras para sa sarili mo lang. Para makapag-enjoy ka. Abalang abala ka na sa jowa mo noon, nakakalimutan mo na yata ang sarili mo. Ibalik mo na ang panahon na mag-isa ka lang. Enjoyin mo lang ang aloneness. Kung hindi ka man galing sa break up, ito na rin ang tamang panahon para hubugin mo pa lalo ang iyong pagkatao. Pampa-handa lang kapag may dumating ng special someone sa buhay mo. Masarap mag-isa. Para tayong nagcha-charge. May panahon na tayong gawin ang mga gawaing kinagigiliwan natin. At noon ay hindi natin magawa dahil may nagbabawal sa 'tin. Oras na para linangin mo ang iyong mga kinahihiligan. Oras na para buksan mo ang iyong kamalayan. Kapag gumugugol ka ng oras ng mag-isa, mayroon kang pagkakataon para sa tahimik na pagmuni-muni at mayroon kang pagkakataong pagaanin ang iyong isipan, ito ay ang mga bagay na hindi mo talaga makukuha kapag may nakisawsaw sa buhay mo.


NUMBER 4
HINDI SILA ANG SOURCE
NG KALIGAYAHAN MO
Photo by juan mendez from Pexels


Maniwala ka man sa 'kin o hindi, ang ibang tao ay nagdaragdag lang ng kaligayahan sa buhay mo pero hindi sila ang tanging mapagkukunan ng iyong kaligayahan. Nakuha mo ba ang punto? Kasi IKAW ang source ng kaligayahan mo. Hindi ka dapat umasa o magmakaawa sa ibang tao na sana'y mahalin ka. Maling mindset 'yon. Kung 'yan ang ginagawa mo, talagang hindi ka sasaya. Oo alam ko na mapapasaya tayo ng ibang tao, masasabik tayong makasama sila, pero hindi ibig sabihin na lubos kang umasa sa kanila para lang maging masaya ka. Paano kung aalis na sila sa piling mo? Madudurog ka ng husto. Wala ng matitira sa sarili mo. Masakit man tanggapin, hindi mo hawak ang buhay ng ibang tao. Malaya silang makakaalis kahit kailan nila gusto. Ang ibig kong sabihin, kung nakadepende ka sa ibang tao para sa kaligayahan mo, mahihirapan kang maka-move on kung mawawala na sila. Kung nahanap mo ang kaligayahan sa 'yong sarili, walang sinuman ang maaaring makakakuha nito mula sa 'yo. Kaya, sa oras ng pagiging single mo, alamin mo kung ano ang gusto mo sa buhay at alamin mo rin kung ano ang hindi mo gusto at alamin mo kung ano ba talaga ang tunay na nagpapasaya sa 'yo. Sa panahong single ka, sigurado akong mahahanap mong muli ang iyong sarili at wala nang mas kapana-panabik kaysa sa pagkatuto kung paano magkaroon ng positibong relasyon sa 'yong sarili. Wala ng makakahigit pa diyan.


NUMBER 5
MAY LIBRENG ORAS KA
Photo by Julia Avamotive from Pexels


Oo sa 'yo na ang lahat ng oras. Hindi ka ba masaya na buo na ang oras mo. Wala ka ng paglalaanan nito, sarili mo lang. May maraming oras ka na para siyasatin ang iyong mga interes sa buhay at iyong mga hobbies. Hindi ka pa rin ba natutuwa na magagawa mo na ang lahat nang hindi na magpapaalam? Finally, malaya ka na. Malaya ka ng gawin ang mga bagay na talagang kinagigiliwan mo nang hindi na kailangang magpaalam pa sa ibang tao o hindi mo na kailangang magtanong kung gusto ba nilang sumama. Pero hindi ko sinasabi na ito'y isang inuman, okay? Ang ibig kong sabihin y'ong mga gusto mo sa buhay na nagdudulot naman ng magandang kalalabasan. Yun bang positibong gawain. Ikaw na ulit ang BOSS sa sarili mo. Wala ng magkokontrol sa 'yo. Malaya ka ng magdesisyon ng ikaw lang. Minsan kasi masarap maging malaya lalo na kung y'ong ex mo ay controlling. Nakakasakal na 'yon. Naalala mo pa ba y'ong mga oras na ginugol mo kasama ang iyong partner, nag-uusap kayo kung saan kayo pupunta sa susunod, saan kayo kakain, saan kayo lalabas, y'ong mga ganyang plano. Minsan nakakapagod din. Sa una siyempre masaya kasi nasa honeymoon stage pa kayo e. Butterflies and rainbows pa sa unang stage ng relationship. Pero kapag magtagal na, y'ong mga gan'on ay unti-unti ng mawawala. Ganyan talaga e. Hindi ko sinasabing lahat. Kasi may iba din naman na nagsasawa pero lumalaban pa rin sila. Humahanap pa rin sila ng bagong gagawin para maibalik ang spark ng relasyon. Dapat gan'on pero hindi mangyayari 'yon kung isa na lang ang nagbubuhat sa relasyon. Pero sabi ko nga, masarap maging single. Wala ka ng hinahanap, wala ka ng pinapangakuan na minsan hindi mo matutupad, at lalong hindi mo na malalaktawan ang mga bagay na gusto mo dahil wala ng magsasabi sa 'yo na HINDI MO PWEDENG GAWIN 'YAN kasi nasa sa 'yo na ang lahat ng desisyon.

Sa madaling salita, ang pagiging single ay nagbibigay sa 'yo ng KALAYAAN, nagbibigay sa 'yo ng kakayahang umangkop at nagbibigay sa 'yo ng oras upang mahanap mong muli ang iyong sarili, at matutunan mo rin kung paanong tunay na mahalin ang isang taong pinakamahalaga sa lahat, at y'ong taong 'yon ay IKAW.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177