25 TOXIC Things You Should Never allow People To Do To You By Brain Power 2177
Photo by SHVETS production from Pexels
Ang pakikisalamuha at pagkakaroon ng mga bagong kaibigan ay bahagi ng ating buhay. Sa katunayan, ito ay isang mahalagang bahagi ng masaya nating pamumuhay. Gayunpaman, mahalagang maging maingat sa mga taong pinapasok natin sa ating buhay at maging maingat din kung paano natin pinahihintulutan silang tratuhin tayo. Kung paano natin pinahihintulutan ang mga tao na tratuhin tayo, tayo na ang may kasalanan kung hahayaan na lang natin ang maling pagtrato nila sa 'tin. It says a lot more about us than them. Kahit bago mo pang kaibigan 'yan, kahit matagal mo ng kaibigan 'yan, kahit pamilya mo pa 'yan, 'wag mong hayaan na tratuhin ka nilang mababa. Kung tinatrato ka ng isang tao ng masama, malinaw na mayroon silang ilang mga isyu na nangyayari sa kanilang buhay. Kung negatibo y'ong tao na 'yon, malamang negatibo rin ang ipaparanas nila sa 'yo. Ngunit kung hahayaan mo silang tratuhin ka ng masama, para mo na ring sinabi na wala kang sapat na halaga. It's time to start standing up for the person you are at itigil ang pagpahintulot sa mga tao na gawin sa 'yo ang mga bagay na makakaapekto sa 'yo sa negatibong paraan. 'Wag mong hayaan ang mga tao na gawin ang 25 bagay na ito sa 'yo:
NUMBER 1
MARAMI SILANG PALUSOT
Photo by Brett Sayles from Pexels
Hindi sila makakagawa ng kabutihan sa 'yo kasi ang dami nilang dahilan para hindi gawin 'yong kabutihan na hinangad mo. Nasa mentalidad kasi nila na sila ang KAWAWA sa sitwasyon. That's the reason why they can’t contribute to your relationship in a positive way. Pahintulutan mo silang magdahilan. Pero saglit lang. Ngunit siguraduhin mong kumikilos din sila upang lampasan ang negativity nila sa buhay.
NUMBER 2
PEKENG PAPURI
Photo by Keira Burton from Pexels
May napapansin ka bang kaplastikan sa mga kaibigan mo o sa ibang tao? Pinupuri ka pero mararamdaman mo 'yon kung tunay ba 'yon o hindi. Tinatawag din natin itong FALSE FLATTERY. Dalawa lang ang dahilan kung bakit ginagawa ito ng mga tao, gusto lang nilang umastang nice daw sila o may gusto silang kunin mula sa 'yo. Ibig kong sabihin, ginagawa nila ito para maging bukas ka sa kanila at makapasok sila sa buhay mo. Kung gusto nilang makipagkaibigan sa 'yo, gagawa sila ng positibong bagay para sa 'yo at tutulong sila kung nangangailangan ka ng tulong. And this is how you build a network. Always lead with value. Umiwas ka na kung nararamdaman mong plastik ang mga tao sa paligid mo.
NUMBER 3
DUMIDIKIT SA 'YO
Photo by Alex Green from Pexels
Ano ang ibig kong sabihin na DUMIDIKIT SA 'YO? Yung mga taong palaging humihingi ng tulong kahit kaya naman nila 'yon. Masasayang ang oras mo kung may taong ganito. Hindi naman sila nahihirapan e. Sinadya lang nila 'yon para madisturbo ka, para madistract ka, para mawala ka sa tamang landas. Wala namang masama kung may humingi ng tulong sa 'yo, walang problema dun. Pero dapat balanse lang, hindi palagi na lang. Kasi may oras ka ring nilalaan para sa sarili mong gawain.
NUMBER 4
DEMANDING
Photo by Liza Summer from Pexels
Katulad rin ito ng mga taong DUMIDIKIT. Dumidikit na nga, demanding pa. Nakakasira 'yon ng magandang mood mo. Medyo cute sa simula. Lalo na sa magkasintahang bago pa lang. Parang may kilig moments pa 'yon. Pero kapag tumagal ang relasyon ng magkasintahan o kahit magkaibigan, nakakairita na 'yon. Oo alam ko kasi nararanasan ko na ang sitwasyong ito. Hindi ko naman pwedeng sabihin 'to sa 'yo kung hindi ko pa danas ang mga ito, 'di ba? Kung hindi titigil ang tao na mag demand sa 'yo, tanggalin mo sila sa buhay mo dahil nakakadagdag lang sila ng problema.
NUMBER 5
HINDI NILA GUSTO ANG IBA
MONG KAIBIGAN
Photo by Liza Summer from Pexels
Yun bang may natagpuan kang bagong kaibigan tapos y'ong kaibigan mong nauna, hindi gusto ang bago mong kaibigan. Kumbaga, hindi nila tanggap sa grupo niyo. Na-gets mo ba ang punto ko? Paano mag go-grow ang social support network mo kung may palaging nag re-reject? Dapat kung tunay sila sa buhay mo, tatanggapin nila kung ano ang tanggap mo. If they disapprove, then their disapproval is not your problem.
NUMBER 6
PINAPILI KA
Photo by Steve Johnson from Pexels
May mga taong ganito e. Yun bang papahirapan ang emosyon mo. Pinapili ka kung ang pamilya mo o sila. Siyempre mahirap 'yan. Lalo na kung tinuturing mo silang kakampi sa buhay mo. Ang tunay na nagmamahal sa 'yo, hindi ka pinapili. The reason why they do this is because they are seeking validation. Gusto nilang maramdaman na kamahal-mahal sila. Dapat malaman ng isang taong tunay na nagmamalasakit sa 'yo kung gaano kahalaga ang iyong pamilya at ang mga ugnayang pinagsaluhan ninyo ng pamilya mo sa buong buhay.
NUMBER 7
GUSTO NILA NA IKAW LANG LAHAT
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Hindi pwedeng IKAW na lang lahat. Kung magkakaibigan kayo, kung magkasintahan kayo, hindi magwo-work ang relasyon ninyo kung isa lang ang kikilos. A relationship is all about compromising but when you are the only person compromising there is bound to be trouble.
NUMBER 8
IRITA
Photo by Liza Summer from Pexels
Yun bang kaunting mali lang, maliit na bagay lang ay nagdadabog na. Isa ako sa mga taong ayaw ng gulo kasi gusto ko ng tahimik at payapang buhay. Oo maiirita ako minsan pero hindi umabot sa punto na sumusugod ako. Kung palaging gulo ang ipinapakita sa 'yo ng tao, isa lang ang ibig sabihin niyan, gusto nilang kontrolin ka. Hindi mo deserve ang ganito kanegatibong tao sa buhay mo. You deserve better than to subject yourself to constant negativity.
NUMBER 9
WALANG PAKI SA 'YO
Napakalinaw, 'di ba? Didikit ka pa ba sa mga taong ayaw ka naman? Malalaman mo lang naman 'yan kasi hindi ka priority. Kung naramdaman mong wala silang pakialam sa 'yo, stand up for yourself. Umalis ka na sa kinatatayuan mo. Kung hindi, masasaktan ka lang.
NUMBER 10
WALANG TIWALA SA 'YO
Paano mabubuo ang relasyon ng magkakaibigan o magkasintahan kung wala silang tiwala sa 'yo? Simple lang, umalis ka na diyan. Kitang-kita naman sa sitwasyon. Kung walang tiwala, walang mabubuong relasyon.
NUMBER 11
MAY TINATAGO O NILILIHIM
Kung may tinatago sila sa 'yo, ibig sabihin na hindi ka nila kailangan o wala silang tiwala sa pagkatao mo. Imposibleng palaguin ang isang relasyon nang hindi man lang sila nagbabahagi ng kanilang nararamdaman. Dapat kasali ka sa usapan. Dapat may tiwala sila kung may sekreto man silang ibubuklat. Be concerned if your partner or friends are not emotionally available to you.
NUMBER 12
NANGHAHALUNGKAT NG NAKARAAN
May mga taong tumitira sa 'yo gamit ang iyong nakaraang matagal mo ng ibinaon sa lupa. Gagamitin nila 'yon bilang bala para mapahina ka. Isa ito sa mga kahinaan natin, ang ating nakaraan. Marami kasi tayong nagawang mali sa buhay at kinalimutan na natin 'yon pero binuhay muli. Nakakasakit 'yon ng damdamin. There is no good that comes from constantly bringing up past mistakes. Sama ng loob ang mabubuo sa ganitong istilo.
NUMBER 13
STALKER
May mga taong stalker. Bawat kilos mo ay pinagmamasdan. Nakakatakot ang ganitong tao. Bawat galaw mo ay gusto nilang malaman. Dahil lang sa gustong malaman ng isang tao ang lahat tungkol sa 'yo ay hindi nangangahulugang dapat na mag stalk sila. Ibig kong sabihin, dapat nilang igalang ka ng sapat at dapat payagan ka nilang mamuhay sa paraang gusto mo. Walang pag-aabang. Dapat maintindihan nila na may ginagawa kang ibang bagay at wala na silang karapatang malaman kung ano 'yon. Minsan kailangan din natin ng privacy.
NUMBER 14
MAHILIG MAMBASTOS
Sa pagkarinig pa lang ng salitang BASTOS, ayaw na ayaw mo na ng ganitong tao. Kapag binastos nila ang ibang tao, asahan mo na, na gaganyanin ka rin nila. Kung pinapakita nila kung ano ang pagtrato nila sa ibang tao, gaganyanin ka rin. Kaya 'wag kang umasa na mabait lang sila sa 'yo dahil mapupunta ang katoxican nila sa 'yo pagdating ng panahon. You deserve to be around people that have the ability to be kind. Ganyan lang naman kasimple ang hinihiling natin, 'di ba?
NUMBER 15
SOBRANG TAAS NG INAASAHAN SA 'YO
May mga taong sobrang taas ng inaasahan sa 'yo at mahihirapan ka ng abutin 'yon. Magagalit pa sila kung hindi mo kaya. Napakatoxic ng ganitong ugali. Natural lang naman kung mataas ang inaasahan mo para sa 'yong sarili ngunit upang ipataw ang mga inaasahan sa iba ay hindi na katanggap-tanggap 'yon. Kung sa tingin mo ay hindi mo na masusukat ang hinahangad nila, then ang pagkakaibigang ito ay walang silbi.
NUMBER 16
KAMALIAN LANG ANG NAPAPANSIN
Mag-ingat ka sa mga taong ito. Nakaka-stress ang ganitong mindset. Kahit anong tama pa 'yang ginawa mo, wala kang papuring matatanggap. Pero kahit isang beses lang at kahit kaunti lang na pagkakamali, nag-aapoy na sila sa galit. Kung sa tingin mo ay parang wala ka ng ginawang tama, umalis ka na. Hindi na nakakatuwa ang sitwasyong ito. May nagawa kang tama pero sinadya lang nilang hindi tignan 'yon. Siguro ayaw nilang purihin ka.
NUMBER 17
KULANG SA PANSIN
May mga kaibigan ka bang ganito o kakilala man lang? Kulang sila sa pansin kasi wala silang bilib sa kanilang sarili. Gusto pa nilang manghakot ng pagtingin sa iba para tumaas ang level ng confidence nila. Bakit mo sila iiwasan, kasi mang-aagaw sila ng spotlight ng buhay mo. Gusto lang nila na sila ang makikita sa bawat sitwasyon. That person is not emotionally stable enough to be in a relationship with you.
NUMBER 18
WALANG TIWALA SA PANGARAP MO
Lalo na kung ang pangarap mo ay mataas. Isa lang ang maiisip nila, kahanginan lang. Pero para sa 'yo ay seryoso ang pangarap mo. Tanungin nga kita, gusto mo bang makihalubilo sa mga taong dina-down ang pangarap mo? Siyempre hindi. You must surround yourself with people who believe in your dreams. Kasi kung hindi, mahihirapan kang abutin ang pangarap mo.
NUMBER 19
MAHILIG MANISI
Sinisisi ka kung may nangyaring hindi maganda sa buhay nila. Labas ka naman dun. Pwera na lang kung sinadya mong hadlangan sila. Pero kung hindi naman, bakit sinisisi ka, 'di ba? Ang pagtanggap ng responsibilidad para sa kung ano ang mangyayari sa 'yong buhay ay isang mahalagang bahagi ng pagiging tunay at tapat na tao. 'Wag mong hayaang ibaling ng ibang tao ang problema nila sa 'yo. Hindi 'yan makatarungan.
NUMBER 20
PINAPAHIYA KA
May mga kaibigan tayo na ginawa tayong katatawanan sa grupo. Kasi sabi ng iba, diyan makikita ang pagiging tunay. Pero minsan sumusobra ang ganitong gawain e. Yun bang umabot sa punto na hindi na nakakatuwa. Ang dahilan kung bakit nila ito ginagawa kasi dahil kulang sila ng respeto sa 'yo. Tingnan mo ang mga taong mataas ang standard, hindi nila ito magagawa sa taong 'yon. Ibig sabihin na may nakita sila sa 'yo na kahinaan mo. 'Wag kang mahiya o magsabi ng totoo na ang ginagawa nila ay hindi na pwede sa 'yo.
NUMBER 21
MANGUNGONTROL
Kung may tao man na pilit kumontrol sa 'yo, layuan mo na kaagad. Kapag ang isang tao ay gumagamit ng emosyon o iba pang bagay na magagamit nila sa 'yo, para lang gawin mo ang isang bagay na hindi mo gustong gawin, ibig sabihin na ginagamit ka lang nila para matupad ang gusto nila sa buhay. Napakalupit, 'di ba? Gusto mo bang magpagamit?
NUMBER 22
TAMAD
Ginagamit nila ang kanilang katamaran para ikaw lang ang gumawa ng mga gawain. Ayaw nilang mapagod. Ayaw nilang madumihan. Wala silang pakialam sa damdamin mo. Kung ikaw na lang lahat, ano pa ba ang silbi nila sa buhay mo? Wala, 'di ba? Tanggalin mo na sila sa buhay mo.
NUMBER 23
BINAGO ANG NAKARAAN MO
Ano ang ibig kong sabihin? Babaguhin nila ang maganda mong nakaraan para magmukha kang masama. Ganito ang nangyayari sa politika ngayon, 'di ba? Binabago ang history para lang hindi manalo ang isa. May ganito ring tao sa paligid natin. Pinipili nilang inaalala ang mga kaganapan para baliktarin ang pangyayari at magmukha kang masama sa mata ng karamihan. Layuan mo na sila.
NUMBER 24
TATAKUTIN KA
Isa ako sa mga nakasaksi na may ganitong klaseng tao. Yun bang tatakutin ka para lang 'wag mabulgar ang kanilang baho. Mag-ingat ka sa mga taong ito. Kung tunay mo silang kaibigan, dapat pinag-uusapan ninyo ang negatibong nangyari sa buhay ninyo at magtulungan kayo.
NUMBER 25
HINDI NAGPATAWAD
Kung may kaibigan kang hindi marunong magpatawad, ibig sabihin kung may mangyayari sa inyong dalawa, hindi ka rin niya kayang patawarin. Diyos nga ay nagpatawad, tao pa kaya. Kung pinanghahawakan nila ang mga nakaraang aksyon at hindi nila kayang pakawalan ang mga negatibong 'yon, ibig sabihin na baon baon pa rin niya ang katoxican sa kanyang buhay at pwede yung maipasa sa 'yo.
Ang punto ko lang, 'wag mong hayaan na tatapak-tapakan ka ng ibang tao. May halaga ka. Hindi ka dapat nagpapaapi. Pakinggan mo ang sarili mo. Kung may napansin kang mali sa kinikilos ng mga tao, lumayo ka na kaagad at magpokus ka na lang sa sarili mong buhay.
Comments
Post a Comment