19 THINGS You Should Never Worry About By Brain Power 2177


Photo by Lukas Rychvalsky from Pexels


Oo aaminin ko, minsan tumitigil ang takbo ng buhay ko. I mean may mga araw na walang progreso ang mga ginagawa ko. May mga problema kasi tayo na hindi naman gan'on kaseryoso. Nag-aalala tayo sa mga bagay na hindi natin makokontrol. Maikli lang ang buhay para mag-alala ng sobra. Ito ang mga bagay na sobrang pinoproblema ng mga tao:


NUMBER 1
BAYARIN


Walang katapusang bayarin, 'di ba? Nagtatrabaho tayo para may pambayad. Ang iba'y nag struggle sa problemang ito. Kung hindi naman tayo magbabayad, mas lalo tayong mahihirapan. Magpatung-patong na ang mga bills. Kung hindi natin ito papansinin, lalo lang itong lumalaki, mas lumalakas, at mas mapanira. Nakakatakot, 'di ba? The thing is: LAHAT TAYO AY MAY BINABAYARAN pero 'wag mong hayaan na diyan na lang nakapokus ang buhay mo. 'Wag mong hayaan na ang mga bayarin na ang nagkokontrol sa buhay mo. Oo alam kong napakadali lang magsabi na 'wag mag-alala sa mga bayarin. Alam ng lahat na hindi magandang mag-alala na lang tungkol sa mga bayarin, ngunit kapag nalulunod ka na sa utang o mga bills at wala kang sapat na kita, magulo talaga ang isipan mo. Uulitin ko, 'wag kang masyadong mag-alala sa mga bayarin mo. I can assure you, kung mawawala man ang mga bagay sa buhay mo, hindi ka mamamatay. Pero ang PAG-AALALA ng sobra ay magpapaikli ng buhay mo. Itatak mo 'yan sa isip mo. May ibibigay akong TIP sa 'yo:

Dapat marunong kang mag BUDGET. Kung ano yung nasa budget list mo, 'yan lang ang gastusin mo. Put your budget over anything else. This will help you get a better view of your bills and how they affect you. Kung may mga bagay na hindi naman gaanong importante sa 'yo, 'wag mo munang bilhin. Bawas-bawas muna sa ibang gastusin. Magpokus ka lang sa basic needs mo. 'Wag mo munang paggastusan yung mga bagay na hindi naman pinaka kailangan. Bayaran mo ang mga nabarang utang sa ibang tao kung mayroon man.


NUMBER 2
PERA


Ang pera ay isa sa mga sanhi kung bakit mas lalo tayong namomroblema sa buhay. At ang pera din ang solusyon. Kailangan natin ng pera para makakain. Hindi natin 'yan maitatanggi. Kung ang kaya mo lang ay bigas, 'wag mo ng piliting bumili ng ulam kung walang wala talaga. Kasi kahit ganyan lang, mabubuhay ka pa rin. Ang punto ko lang, 'wag mong ipilit lalo na kung wala kang sapat na pera. Material wealth doesn’t equate to happiness. Totoo 'yan. Temporary lang ang kasiyahang dulot nito. Kasi kung totoo na PERA ang nakakapagpasaya sa tao, bakit ang daming mapera na nade-depress? Why they FEEL EMPTY? Sa halip na bigyang diin ang pera, pagtuonan mo ng pansin ang mga bagay na nagpapasaya sa 'yo. Kung naghahanap ka lang ng trabaho para magkapera, mapupunta ka lang sa trabahong hindi mo gusto. Money can't solve that. Dapat maghanap ka ng trabahong gusto mo, gumawa ka ng mga bagay na gusto mo at ang pera ay kusang susunod sa 'yo. That's the thing. People who pursue their dreams and passions always have more fulfilling stages than those motivated by money.


NUMBER 3
NAKARAAN


Ano pa ang magagawa mo sa nakaraan mo? Wala na. Hindi mo na 'yon mababalikan. Hindi mo na ma-twist ang pangyayari. Nangyari na ang lahat. Ang tanging magagawa mo lang ay matuto ka sa mga nangyari sa 'yo. The past is important to learn from, but you should not let it get in your way and become a burden. Umabante ka lang. Iwanan mo na ang nakaraan mo. Maiisip mo man pero 'wag mong bitbitin sa kasalukuyan mo. Lahat naman tayo ay may nagagawang pagkakamali sa ating nakaraan. Hindi na kailangang takbuhan pa 'yon o ikahiya kung sino ka talaga o kung saan ka nanggaling, ngunit huwag mong hayaan na kinokontrol ng nakaraan ang buhay mo. Matuto ka sa 'yong mga paghihirap at lumaban ka ng mas mahusay sa susunod. Patuloy ka lamang masasaktan ng isang bagay na nangyari na kung hahayaan mo ito.


NUMBER 4
BUHAY NG IBA

 
'Wag kang makipag tsismis. 'Wag mong pakialaman ang buhay ng iba kasi may sarili kang buhay. Walang magandang maidudulot ang tsismis sa buhay natin. Iba kasi ang taong concern talaga kompara sa nakikitsismis lang. Kung anuman ang ginagawa ng ibang tao, wala ka ng pakialam do'n. Wala ka ng pakialam sa buhay nila, sa mga desisyon nila. Bakit ka pa nag-aalala? Sa halip na sila ang nasa isip mo, SARILI mo na lang ang alalahanin mo. Worry about yourself. Hindi pwedeng alamin mo ang buong kwento ng iba. Hindi rin pwedeng ang iba ay makialam sa buhay mo. Life is just too short to worry about what others are doing.


NUMBER 5
HATERS


May haters ka ba? Kung mayroon man, isipin mo lang na you can't please everybody. May maraming sikat na wala namang ginagawang masama sa mga tao pero hate na hate sila ng karamihan. Kahit ano pa ang gawin mo sa mundo, may mga taong hindi magkakagusto sa 'yo. Kahit may mga haters ka man, ipagpatuloy mo pa rin ang ginagawa mo basta't wala ka lang tinatapakang tao. Kung makakabuti naman sa 'yo ang ginagawa mo, walang problema do'n. Again, people are not always going to like what you do; kahit saan ka lumingon, may makikita kang mga tao na ayaw sa 'yo. Alam mo, may mga kakilala akong pinakamabait, mahabagin, pinakamaalalahanin, at kagiliw-giliw na mga tao pero may mga taong ayaw pa rin makipagkaibigan sa kanila. Hindi natin maiintindihan, 'di ba kung bakit gan'on. Kung ako ay tumigil na at nagpaka-stress na lang sa tuwing may taong hindi magkakagusto sa mga desisyon ko, siguradong wala akong narating sa buhay ngayon. Wala naman akong haters siguro pero may mga taong hindi naniniwala sa pangarap ko. Pero hindi ko na iniisip 'yon. Nagpapatuloy pa rin ako hanggang sa nagbunga ang lahat. Kaya 'wag kang mai-stress sa mga haters mo, okay?
 

NUMBER 6
TRABAHO


Palaging may mga proyekto, mga gawain, at mga rush hour sa trabaho. Lahat naman siguro ay nai-stress sa trabaho, 'di ba? Nakakapagod. Nakatutulong naman ito para mahalin ang iyong ginagawa, ngunit kahit na hindi mo gusto ang ginagawa mo, ang trabaho ay isang bagay na dapat palumanay mo lang trabahuhin. Kung wala ka sa trabaho, wala kang alalahanin. Hindi ka inaantok. Kung naka duty ka na, be productive. The less you worry about work, the quicker it goes by. Kahit ang trabaho mo ay hindi naman kasosyalan, mahalin mo pa rin 'yon. 'Wag kang mag-alala sa iniisip ng iba. 'Wag mong ikahiya kung ano ang trabaho mo, marangal naman ang trabaho mo. Galing sa malinis ang pera mo. You’re not defined by your career; you define it.


NUMBER 7
EDAD


Sino ba dito ang takot tumanda? Ang dami. Kaya nga may maraming bitamina o pamahid na may anti aging, 'di ba? Para pigilan ang pagtanda. But there’s nothing you can do to stop the process. Natural na proseso 'yan sa buhay natin. Tanggapin na lang natin 'yon. Yakapin mo 'yan ng buo and make the most of your time. Aging is a part of life. Sa halip na mag-alala tungkol sa pagtaas ng edad mo, enjoyin mo lang ang bawat araw na buhay ka. Isa lang ang buhay mo, kaya gawin mo ang lahat ng masasayang bagay na gusto mong gawin sa edad mong 'yan. 'Wag ka ng umasa na babata ka kasi hindi mangyayari 'yon. Huwag mong sayangin ang iyong oras sa pag-aalala tungkol sa ganitong bagay. Enjoy your life the way it is right now.


NUMBER 8
KAMATAYAN


Lahat tayo ay pupunta sa puntong 'yan. 'Wag kang matakot. Kailangan mo talagang harapin ang hindi maiiwasang pangyayari. Hindi mo maiiwasan ang kamatayan. Kaya ibuhos mo lahat habang buhay ka pa. Para kapag dumating ka na sa huling hantungan, wala ka ng pagsisisihan. Pagkatapos mong harapin ang katotohanang 'yan, mas madali mong harapin nang paulit-ulit ang buong buhay.  Magkakaroon ka rin ng higit na tapang at tiyaga. Oo alam ko na hindi madaling harapin ang kamatayan. Walang kaseguruhan ang buhay. Kung tulog ka, pwedeng hindi ka na magigising. Kung magigising ka naman, pwede kang maaksidente. Walang kaseguruhan ang buhay. Kahit anong oras, pwede tayong mawala. So now face mortality and go live your life.


NUMBER 9
INIISIP NG IBA


Noong teenager pa ako, lagi kong sinasabi na wala akong pakialam kung ano ang iniisip ng mga tao sa akin at nakakagaan 'yon ng aking loob. I started to find my passion and I find what I'd love to do for my life. Kaya nagsimula akong maging ako, wala akong paki anuman ang iniisip ng aking mga kaibigan o pamilya tungkol sa mga plano ko. Wala akong pakialam kung hindi ako nagfifit-in sa kagustuhan ng iba. I-apply mo rin ito sa buhay mo. Kahit anuman ang sabihin nila, ikaw pa rin ang nakakaalam ng pinagagawa mo. Feel free to do what makes you happy, regardless of what people think of you.


NUMBER 10
GINAGAWA NG IBA


'Wag mong pasukin ang buhay ng iba. There's so much you can do in your life. Bakit sa kanila pa. May makukuha ka ba kung 'yan ang gagawin mo? Kung anuman ang kaganapan sa buhay nila, hindi ka kasali. Don’t worry about what other people are doing. They’re not paying your bills. They're not putting food on your table. Ang problema nila ay hindi mo problema. At walang dahilan para makisawsaw sa buhay nila. Kung palagi ka lang nakasubaybay sa buhay ng iba, maliligaw ka sa sarili mong landas. Yes, you will never get ahead in life. Walk your own path and inspire other people. Don’t worry about where everyone else is going or what they are doing – focus on you.


NUMBER 11
COMFORT ZONE


May oras pa para magplano ka. Kung ayaw mo pang lumabas sa comfort zone mo, 'wag mong pilitin kung hindi ka pa handa. I understand that it’s nice to have somewhere safe and comfortable to lay your head at night. Comfort foods and our comfort zone are important aspects of our life, and it’s difficult to feel comfortable if you’re not safe. This is why some aspect of safety and comfort is necessary. Pero hindi pwedeng ganyan na lang palagi ang buhay mo. Paano ka matututo kung wala kang ibang ginawang kakaiba? Sooner or later, you’re going to have to break out of your comfort zone and experience real life. Taking chances is important in life. If you never take chances, you will never stand up for yourself, and you will likely not have very much fun. You only live once.


NUMBER 12
PAGKAKAMALI


'Wag kang masyadong mag-alala kapag nagkamali ka. Walang perpektong tao. Kahit anong gawin mo, magkakamali ka talaga. Kapag nagkakamali ka, lalo na kung sunod-sunod na ang pagkakamali mo, mafu-frustrate ka talaga, mawawalan ka na ng gana sa buhay. Feels like everything is falling apart. Ang stress ay maaaring mag-compound kapag palagi mo 'yang iniisip. It’s okay to make mistakes. You may need to pay some sort of retribution for your mistake, but that which doesn’t kill you only gives you an opportunity to prove who you really are. Alamin mo kung ano ang sanhi ng pagkakamali mo at kung ano ang maaari mong gawin sa susunod na pagkakataon upang maiwasan mo ang mga kamaliang ito. Remember what Thomas Edison said about mistakes being the key to innovation.


NUMBER 13
SWERTE


Ang swerte ay nakadepende kung ano ang ginagawa mo sa buhay. Pero kung minsan matatalo ka sa laban ng buhay. Minsan mananalo ka. 'Wag mong masyadong dibdibin ang pagkatalo mo. 'Wag kang maghintay na darating ang iyong swerte. Umaksyon ka para matagpuan mo ang swerte mo. Walang mangyayaring maganda kung wala kang ginagawa. Kung umaasa ka lang na mananalo sa lotto, wala namang masama dun. Pero 'wag mong itaya lahat sa lotto. 'Wag kang umasa sa lottery lang. Work with what you have. By pursuing your dreams and goals, you will feel like you already won. Swerte ka na.


NUMBER 14
HINAHARAP


Hindi mo pa alam kung ano ang mangyayari. 'Wag mong pangunahan. If you don’t start something because you’re scared of all the things that may go wrong, you’re probably better off; because you can’t be successful if you don’t know how to react when faced with adversity. Gaano man kahusay ang iyong mga plano, minsan may mangyayaring mali. Stop letting what might go wrong stop you from doing what might go right. Start taking actions and stop procrastinating.


NUMBER 15
PAG-AALALA


Sa sobrang pag-aalala mo, nag-aalala ka na. Kung naiipit ka na sa cycle ito, mahihirapan ka ng makalabas. Although you’re better off not doing it, there’s nothing wrong with worrying – worrying about worrying is a good sign you need to stop it. Kung nandito ka na sa sitwasyong ito, ang unang bagay na kailangan mong tandaan ay huminga ka lang ng malalim. Stop getting frustrated with yourself.
 

NUMBER 16
NAGTAASANG PRESYO


Price is not everything. Kung nagtaasan ang presyo ng mga bilihin, wala ka namang kontrol dun. Magsimula kang mabahala kung mahal ang produkto tapos hindi naman de kalidad. Yes QUALITY is an important aspect in life.


NUMBER 17
MALIIT NA BAGAY


Kung maliit na bagay lang 'yan, tama na ang kaunting pag-aalala. 'Wag lang sobra. Don’t sweat the small stuff. Little things go wrong every day in our lives. May mga maliit na bagay na nakakasira ng mood mo pero kung ikonsider mo 'yan na bad day, you're archiving your life the wrong way. Instead of getting frustrated by the little things, focus on all the positives. There are entirely too many great things happening on a day to day basis to worry about the little annoyances in life, right?


NUMBER 18
MGA BAGAY NA HINDI MAKOKONTROL


Kung wala 'yan sa kontrol mo, wala kang magagawa. Ang isipin mo na lang, walang mananatili sa buhay mo. “THIS TOO SHALL PASS” “EVERYTHING IS TEMPORARY” The general idea is to stop yourself from getting annoyed about that which is outside your control. Hindi natin makokontrol ang lagay ng panahon. Hindi natin makokontrol ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Hindi natin makokontrol ang traffic, ang mga natural na sakuna. Ang tanging makokontrol mo lang ay ang iyong UGALI at PANANAW mo sa 'yong buhay. The easiest way to reduce stress is to stop thinking about all the stuff you can’t control so you can focus on whatever task is at hand. Whether it’s good or bad, focusing on your present is the easiest way to either resolve or enjoy what’s happening to you.


NUMBER 19
PERFECTIONISM


Marami kasing tao ngayon na feeling perfect na. Walang perpekto. Lahat tayo ay magkakamali. May kamalian tayong nagawa at may mali tayong magagawa pa. Life’s too short to dwell on anything for too long unless it makes you feel happy and fulfilled. Sure, you will make mistakes along the way, but that’s part of the fun. Stop wasting your time trying to be faultless. Because you can't. Test your own boundaries, and you will begin to enjoy life so much more.




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177

10 Dahilan Kung Bakit Hindi ka Nila Gusto By Brain Power 2177