10 Good Habits na Magpapataas ng Kasiyahan mo By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio from Pexels




Ang kaligayahan ay parang alon. Dumarating at mawawala at may panibago na namang dumarating. Minsan sobrang taas ng lebel ng kaligayahan natin. Minsan sakto lang. Ngunit tayong lahat ay maaari ring lumikha ng ating sariling kaligayahan. Kahit nakakapagod na, kahit nahihirapan na tayo sa buhay, pwede pa rin tayong sumaya at pwede pa rin tayong maging positibo sa buhay. Ang tanong ganito, bakit may mga taong sobrang nahihirapan sa buhay pero masaya pa rin sila? Paano nila ito ginawa? Kung matututunan mo lang kung paano harapin ang mga hamon sa buhay sa maayos na paraan, maaaring humantong ito sa mas maligayang pamumuhay. 

Ang mga masasayang tao ay hindi lang sumasaya ng biglaan. Hindi ito nagkataon lang. Ang mga taong nanatiling positibo at masaya, nagsusumikap sila sa pagsasanay ng tamang uri ng mga habits na makakatulong sa kanila na makasabay sa daloy ng buhay. Kung isa ka sa mga taong nahihirapang sumaya, hindi mo na kailangang mabahala. Dahil ikaw rin ay matuto kung sanayin mo ang mga habits ng masiyahing tao. Kaya gusto kong makinig ka ng mabuti at isapuso mo ito dahil may benepisyo ito sa buhay mo.


NUMBER 1
MAGLAAN KA NG ORAS
PARA SA SARILI MO
Photo by Gabriela Palai from Pexels


Deserve mong gumala mag-isa. Deserve mong makilala ng lubos ang sarili mo. Deserve mong mapag-isa. Deserve mong lumayo sa napakaingay na mundo. Deserve mo 'yan. Anuman ang gusto mong gawin habang mag-isa ka, deserve mo 'yan. Ayos lang na maging ambisyoso o ambisyosa. Ayos lang kung minsan inuuna mo ang ibang tao. Ngunit kung gusto mong maging masaya, maglaan ka rin ng araw para pangalagaan ang iyong sarili. Tandaan mo ito, okay? Kung hindi ka naglalaan ng oras para sa sarili mo, hindi mo makakamit ang saya na ninanais mo. Bakit? Kasi iniisip o inuuna mo ang ibang bagay o ibang tao. Wala namang masama do'n. Pero kailangan mo ring isipin ang sarili mo. Kailangan mong tutukan ang iyong sarili. Tanggapin mo na ang iyong sariling kaligayahan ay napakahalaga. Practice happiness-boosting routines. Ang dami mong magagawa na makakapagpasaya sa 'yo. Ikaw lang ang nakakaalam kung anong bagay ang nakakapagpasaya sa 'yo kasi iba't iba naman tayo ng kiliti sa buhay e. My point is, SELF-CARE is an important habit. Ang paglalaan ng kahit isang araw lamang sa isang linggo upang ma-enjoy ang iyong sarili at upang pangalagaan ang iyong mental health ay magpapabuti ng iyong mood.


NUMBER 2
MAKIPAG-USAP KA
SA 'YONG KAIBIGAN
Photo by Helena Lopes from Pexels


Yung kaibigan lang na mapagkakatiwalaan mo. Hindi yung nakikitsismis lang na kaibigan. Alam mo naman siguro kung sino y'ong mapagkakatiwalaan mo, 'di ba? Makipag-usap ka sa kanya, tawagan mo siya, at ilabas mo lahat ng iyong alalahanin. Minsan sa buhay natin, may mga bagay na mabibigat. Yun bang hindi natin kaya na tayo lang. Hindi naman pwedeng itago lang 'yon habambuhay. Kailangan mo rin ng makakausap at kailangan mo ng tulong. 'Wag mong kimkimin ang negatibong emosyon kasi sasabog ka diyan. Matuto kang buksan ang puso mo para mailabas mo lahat ng negatibo sa puso mo. Tumawag ka ng kakampi para matulungan ka nila. Kung may kaibigan kang toxic, sigurado naman ako na may mabuti ka ring kaibigan. Lumapit ka sa kanila upang ilabas ang lahat ng iyong mga alalahanin. Siguradong makikinig sila sa 'yo at madalas ay maaaring mag-alok pa sila ng mabubuting payo. Pero tandaan mo na tulungan mo rin sila kung sila ang may problema. Dapat kasi GIVE and TAKE para mas maging solido ang pundasyon ng samahan.


NUMBER 3
ILISTA MO ANG IYONG MGA GAWAIN
Photo by Suzy Hazelwood from Pexels


Paano ka sasaya kung hindi organisado ang mga gawain mo? Lalamunin ka ng oras sa kakahabol ng mga gawain mo. Matataranta ka. Mafu-frustrate ka lang sa sitwasyon. Ang mga listahan ng iyong gawain ay perpektong paraan upang harapin ang isang abalang iskedyul. You need to organize all the things that you need to do at siguraduhin mo na ang mga nasa listahan ay matatapos mo. Gaano man kalaki o kaliit na bagay man 'yan, anuman ang kailangang gawin sa araw na 'yon, dapat kasali 'yan sa listahan para wala kang makakalimutan. Dahil bukas may panibagong gawain na naman. Kapag gagawin mo 'to, magugulat ka na lang kung gaano kasaya ang mararamdaman mo kapag natapos mo ang nasa listahan mo.


NUMBER 4
MAGPAKABAIT KA
Photo by Ron Lach from Pexels


Simpleng simple. Sobrang napakaharsh na ng ating mundo. 'Wag mo ng idagdag ang sarili mo. Magiging masaya ka kung magpakabait ka. Wala namang masama kung mabuting asal ang ipapakita mo, 'di ba? Libre lang 'yon. At matutuwa pa ang Diyos sa kabutihang ipinakita mo. Doing good and being a good person is proven to make you feel better and happier. Pero hindi dapat umabot sa punto na tatapak tapakan ka lang ng iba tapos mabait ka pa rin. Hindi ko naman sinasabing makipag-away ka. Ang ibig kong sabihin dapat may standard ka rin para respetuhin ka ng mga tao. Here's the thing, when you bring happiness to someone else, you will remember how good it feels to be kind. At sana nga, yung taong pinakitaan mo ng kabutihan ay gumawa rin ng mabuti sa ibang tao. Para bang may hawaan na nangyari. Para mas madaling lumaganap ang positive vibes sa ating mundo. We are social creatures. Nasa ating dugo na ang makipag-ugnayan sa mga tao. Ang pakikipagtulungan at ang bawat mabuting gawa natin, ang tanging paraan upang maging mas positibo ang ating paligid.


NUMBER 5
TANGGALIN MO ANG MGA TAONG TOXIC
Photo by Liza Summer from Pexels


Kahit nahihirapan kang tanggalin sila, kasi minsan nasasanay ka na sa piling nila, pero kailangan e. Kasi ang taong toxic na nakapalibot sa 'yo ay may dalang negatibong enerhiya. Gusto mo ba 'yon? Paano ka sasaya kung napasailalim ka ng kadiliman? Pay attention to how they make you feel. Sometimes simply becoming more aware of how someone’s toxic behavior affects you can help you better navigate interactions with them. Karamihan din sa mga tao paminsan-minsan ay nakakapagsabi ng mga masasakit na salita na hindi naman nila sinasadya. Minsan ganyan din tayo, 'di ba? No one feels their best all the time, and being in a bad mood can make you lash out. This is not necessarily toxic. Parang mailalagay lang natin ito sa normal na sitwasyon. Pero kung ginagawa nila 'yan sa 'yo ng paulit-ulit, yung binabastos ka palagi, pinapahiya ka, emotional abuse o verbal man, hindi na pupwede 'yon. Kailangan mo ng bitawan ang ganitong mga tao. Kahit itinuturing mo pa siyang kaibigan, kahit kasosyo mo pa 'yan, kahit pamilya mo pa, hindi mo dapat hinayaan na gaganyanin ka nila. Paano ka sasaya kung palagi ka na lang nakaluhod? Tandaan mo ito palagi, ang iyong mental health ay mas mahalaga kaysa sa paglingkuran ang mga taong toxic.


NUMBER 6
KUMAIN KA NG MASUSTANSYANG PAGKAIN
Photo by Daria Shevtsova from Pexels


Talagang hindi ka sasaya kung walang kwenta ang kinakain mo. Ito rin ang sinabi ng Doctor ko n'ong akoy na-depress. Marami ang dahilan ng depression. Genetic o nati-trigger ng kaganapan sa buhay o maaari ring lifestyle choice mo. Kung ang kinakain mo ay mga unhealthy foods, ano ang mangyayari sa katawan mo? Unhealthy din. Imposible naman kung healthy ka pa rin, 'di ba? Manghihina ka. Maaapektuhan din ang utak mo. Mahirap sumaya kung apektado na ang mentalidad mo. Eating fruit and vegetables apparently boosts our happiness. And your body will thank you for it. 'Yan ang sabi ng Doctor ko at ibinahagi ko lang sa 'yo.


NUMBER 7
DAPAT MALINIS ANG LUGAR MO
Photo by Pixabay from Pexels


Kapag sinabi kong lugar, hindi ibig sabihin na buong barangay niyo. Pero mas lalong maganda 'yon, yung malinis ang kapaligiran. Ibig kong sabihin ay bahay niyo, kwarto mo, sa opisina mo. Nakakastress kung marumi ang paligid mo. Nakakairita ang mga dumi. Hindi ka makakapag concentrate. Have a happy space. Kapag nililinis mo ang lugar mo, bababa ang anxiety level mo. Plus, it’s so much nicer to spend time in a clean area. Nakakagaan ng pakiramdam. At preskong presko ang amoy. Cleaning has been found to have positive effects on our mental health by helping us gain a sense of control over our environment, whilst being absorbed in the activity itself can also help calm your mind. It has also been found to help improve mood and provide us with a sense of satisfaction.


NUMBER 8
ILIBRE MO ANG IYONG SARILI
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Hindi ko naman sinabi na magwaldas ka. Ang sabi ko ay deserve mong pasayahin ang sarili mo. Bumili ka ng bagong damit, bumili ka ng sapatos. You deserve it. Bigyan  mo ng reward ang iyong sarili dahil sa mga hard work mo. Marami ka ng nagawa sa mundo. You deserve something nice too. Hindi mo lang dapat pasobrahan ang ganitong ugali kasi baka pera mo naman ang poproblemahin mo. Sakto lang. Kontrolin mo lang ang saya na makukuha mo dito. Self-compassion is, basically, the concept of being kind to yourself: kind in the sense of forgiving, in the sense of nurturing, loving and supporting, katulad rin kung ano ang pagtrato mo sa 'yong kaibigan. Small treats are not just about provoking a little hit of dopamine in your neurochemistry, though that's powerful in itself. They're also part of a practice called "self-compassion," which is gaining increasing ground in the psychological community as a good way to think about self-care and good mental health practice.


NUMBER 9
MAG-ISIP KA NG POSITIBO
Photo by Kelvin Valerio from Pexels


'Yan ang isa sa mga nagpapasaya sa 'tin. Kahit ano pang negatibong impluwensya na makikita mo o maririnig mo sa mundo, sa positibo ka pa rin magpokus. Pero prangkahan na kita, hindi ito madaling gawin lalo na kung nasanay ka ng mag-isip ng negatibo. Mahihirapan ka talaga. Gusto ko lang magpakatotoo. Mahirap magpakapositibo pero hindi ito imposibleng gawin. The fact of the matter is, happier people focus on positive thinking. Rather than using negative words in their self-talk, happy people use a more positive outlook. Kapag na-master mo na kung paano gawing positibo ang iyong mga negatibong kaisipan, magiging mas masaya ka sa bawat araw. Your brain is constantly monitoring the emotional tone of your thoughts—too many negative thoughts and your brain responds by creating stress and sadness in your body. When you add more positive thoughts, your brain will create relaxation and happiness. Be aware of negative thoughts and feelings. For the entire week, pay attention to your thoughts. Whenever you catch yourself thinking about or feeling anything negative, sad or stressful, label that thought “unhappy.” Don’t worry if you have a lot of unhappy thoughts and feelings throughout the day. It's perfectly normal. Just pay attention and label them.


NUMBER 10
HINDI KA PERPEKTO
Photo by Monstera from Pexels


Tanggapin mo 'yan ngayon din. Mahihirapan kang sumaya kung palagi ka lang nag-iisip na perpekto ka. Kasi walang gan'on. Ilusyon lang 'yon. Kahit anong gawin mo, magkakamali ka ng paulit-ulit. But here's the thing that I want you to remember, the mistakes that we make don’t define us, and people who live happier lives know the power that forgiveness can have. So forgive yourself for being harsh with you. Patawarin mo ang iyong sarili kung may ginagawa kang kamalian. 'Wag kang magalit sa sarili mo. Tanggapin mo na tao ka lang, nakakagawa ka rin ng hindi kalugod-lugod. Life is going to keep moving forward, so we might as well be as kind to ourselves as we can!

Alam ko na iba't iba ang paraan ng ating kaligayahan. Kaya kung wala man sa sampung ito ang nagpapasaya sa 'yo, kung hindi ko man na-mention, ay dahil nakabase lamang ako sa sarili kong karanasan at sa sarili kong techniques, pero kung may maidagdag ka, welcome ka naman sa comment section para maisabuhay ko rin 'yang positibong ginawa mo sa aking buhay. Uulitin ko, iba't iba man ang ating paraan upang maging masaya pero ang 10 HABITS na binanggit ko ay makakatulong din sa 'yo. Gagana rin ito sa 'yo. Each person deserves to live a happier life, and the habits that lead you down that path are effective and healthy and can even help make the people around you more positive. Be kind to yourself. At 'wag mong madaliin ang lahat. Hindi ito magreresulta sa isang tulog lang. Kailangan mo lang sanayin ito ng sanayin hangga't magbubunga na ang lahat. It takes time and take your time. They are worth the effort.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177