5 IMPORTANT THINGS We Can Learn From Being Single By Brain Power 2177
5 LEKSYON na matutunan natin sa pgiging SINGLE Photo by Pixabay from Pexels Oo aminin na natin, masaya naman kapag may karelasyon tayo. Ibig bang sabihin kapag single ka ay hindi ka na masaya? Hindi mo dapat tingnan ang pagiging single bilang MASAMA o hindi gaanong KASIYA-SIYA . Kahit na sa tingin natin ay parang nakakalungkot kapag walang partner, maaari kang makakuha ng maraming mahahalagang benepisyo sa panahong single ka. Single na babae o single na lalaki. Alam mo ba kung bakit ang ibang single ay malungkot? Dahil 'yan sa nakikita nila sa social media. Lalong lalo na sa tiktok, ang daming sweet couples d'on. Kadalasan din, itinutulak ng lipunan ang mensahe na magiging maligaya lang daw tayo kapag may karelasyon na tayo. Gayunpaman, ito ay napakalayo sa katotohanan. Kaya 'wag kang malungkot kung pinopromote nila 'yang sinasabi nila. 'Wag ka ring maniwala masyado sa social media. Sweet couples nga ang nakikita mo, pero sweet nga ba talaga? Kasi 'yang nakik...