9 TRUTHS To Help You Fight The Challenges In Life


Photo by Alexandr Podvalny from Pexels


Umpisahan natin ang videong 'to sa quote na ito:

HABANG MAY BUHAY,
MAY PAG-ASA

Totoo naman yan, 'di ba? Sinasabi ko na 'to ng paulit-ulit na lahat tayo ay nakakaranas ng kahirapan at makakaranas pa ng matinding kahirapan. Ang taong puno ng karunungan, ang taong mapagmahal, ang taong matalino, ang taong positibo sa buhay, lahat ng mga taong 'yan ay nakakaranas ng pagdurusa.

Nakakaranas ng kabiguan. Nakakaranas ng break up. Nakakaranas ng kalungkutan. But the great thing is, these people have found their way out of the depths of their own despair. These people have experienced many ups and downs, and have gained an appreciation, a sensitivity, and an understanding of life. Kaya't ito ang dahilan kung bakit sila ang mas nakakaunawa sa mga taong nabibigo rin sa buhay. Sila ang nakakaintindi dahil nakakaranas na sila niyan. At sila din ang marunong magmahal dahil nasubukan na nilang masaktan. At alam mo ba, na ang mga taong 'yan ay hindi isinilang na ganyan na agad ang ugali? Habang lumalaki sila mula sa pagiging negatibo ay unti-unting nagbago ang kanilang buhay dahil sa hatid na mga aral ng mga pagsubok.

Marami na akong nakausap na mga taong nawawala sa kanilang landas. Mga taong walang alam kung paano tratuhin ang kanilang sarili. Mga taong takot sa matinding problema. At sinabihan ko sila, na ang mga pagsubok na 'yon ay magpapalakas sa kanila. Magpapalakas sa ating lahat. We are living in this crazy world. Pati ako binabangga ng maraming pagsubok. Ilang beses na rin akong LUMUHOD, HUMIGA, NADAPA, UMIYAK. Minsan nga may mga araw na kinikwestyon ko ang Diyos kung bakit hinayaan Niya lang akong nahirapan. At normal lang lahat 'yon. May gusto akong ibahagi sa inyo na Bible verse na may tao rin na nahihirapan ng sobra at kinikwestyon niya ang Diyos. Basahin nga natin ang Habakuk 1: 2, 3,

“O aking Diyos,
hanggang kailan ako hihingi ng saklolo
at hindi mo diringgin?
Hanggang kailan ako makikiusap na iligtas mo ako sa karahasan
at hindi ka kikilos?”

“Bakit mo ipinapakita sa akin ang kasamaan?
At bakit mo hinahayaan ang pang-aapi?
Bakit nasa harap ko ang pagkawasak at karahasan?
At bakit laganap ang pag-aaway at labanan?”

Kita mo 'yan? Hindi lang tayo ngayon ang nahihirapan. Simula pa noong unang panahon pero mas lalo lang tumitindi ang mga problema ngayon. But here's the thing: Sa katotohanan lang tayo, kapag tinamaan tayo ng mahihirap na sitwasyon, yung sitwasyon na mahirap talagang banggain, ikaw lang ang magdedesisyon, magpapatalo ka na lang ba o gagamitin mo ito upang mas lalo kang tumatag? The choice is yours to make. Kaya ngayon, gusto kong ipaalala sa 'yo, na may magagawa ka pa kahit sobrang nahihirapan ka na at gusto mo ng sumuko.


NUMBER 1
ANG KALIGAYAHAN AT KALUNGKUTAN
AY PARTE NG ATING BUHAY
Photo by Monstera from Pexels

Tandaan mo 'yan. It helps you GROW. Marami kasing mga tao na humihiling na sana'y parang rose and butterfly na lang ang buhay araw-araw. Yung magandang buhay. Tama nga naman. Humiling ka ng rosas, pero hindi mo ba napansin na ang rosas ay may mga TINIK din? Ang paru-paro ay maikli lang ang LIFE SPAN. 'Yan kasi tayo e. Gusto nating MADALI lang lahat. 'Yan ang dahilan kung bakit mas lalo tayong nahihirapan, wala kasi tayong matutunan sa madaling bagay. So many of us are AFRAID of OURSELVES. AFRAID of our OWN TRUTH and AFRAID of OUR FEELINGS. We talk about how great the concepts of LIFE and LOVE are but then we HIDE from REAL LIFE and TRUE LOVE everyday. Palagi na lang tayong nagtatago sa tunay nating katauhan. Kasi ayaw nating tanggapin na ang buhay ay HINDI MADALI. Ayaw nating tanggapin na masasaktan tayo. How can we ever deal with REAL LIFE and TRUE LOVE if we are AFRAID to feel what we really feel? We need to feel the PAIN just as we need to feel ALIVE and LOVED. Pain is meant to wake us up. Pero ano ang ginagawa natin? Tinatago natin ang tunay nating nararamdaman. Kaya tayo nalulumbay. Hindi kasi natin inilabas ang ating nararamdaman. Realize this, PAIN is something to carry willingly just like GOOD SENSE. Because you can only learn how strong you are when being STRONG is the only CHOICE you have. It's all in how you carry the things that don't go your way. That's what really matters in the end. Ang SAYA at LUNGKOT ay parte ng ating buhay. Parte ito ng ating REALIDAD. If you HIDE your pain, you're letting the LIES of INSECURITY DESTROY your REALITY. Tanggapin mong NASAKTAN ka, LUMABAN ka ulit. Damhin mo ang SAKIT sa puso mo. Kapag tinatanggap mo ito ng buo, mas lalo kang LALAKAS.


NUMBER 2
ANG BUHAY AY GULONG NG PALAD
Photo by Mikhail Nilov from Pexels

Isa ito sa mga PINAKAGUSTO kong kanta. Gulong ng Palad. Minsan nasa ITAAS tayo. Minsan BUMABAGSAK tayo. And it's really OKAY. Kapag hiniling mo lang na maganda ang takbo ng iyong buhay sa lahat ng oras, para mo na ring HINILING na sana'y hindi na GUMABI pa. Malabong mangyari 'yang kahilingan mo. Kahit ano pa ang gawin mo, hindi mo mapipigilan ang hampas ng alon sa buhay mo. Tandaan mo 'to, ang alon ay TUMATAAS at BUMABABA rin. Ganyan na ganyan din ang cycle ng buhay. Tanggapin mo ang katotohanang 'yan. BUMITAW KA NA SA ILUSYON MO upang maging matiwasay ang buhay mo. It becomes CLEAR that life's UPS requires life's DOWNS. Sa madaling salita, walang perpektong buhay. Pero napakaganda pa ring mamuhay. Our goal shouldn't be to CREATE a PERFECT LIFE. But to LIVE an IMPERFECT life in radical amazement. Yun bang paggsing pa lang natin, ramdam na natin kung gaano kaganda ang nilikha ng Diyos. Everything in this Universe is EXTRAORDINARY. Every day is a GIFT. Kaya't 'wag mong hayaan na ang problemang 'to ang TATALO sa 'yo. 'Wag mong hayaan na ang matamis mong buhay ay mapapalitan ng pait habambuhay. CHANGE YOUR THOUGHTS and CHANGE YOUR REALITY. And MINDSET is especially POWERFUL when it comes to accepting that.


NUMBER 3
ANG TAKOT AY NAGSISIMULA
SA ISIPAN

Naramdaman mo naman ito, 'di ba? Takot ka sa 'yong KINABUKASAN. Takot ka sa mga bagay na hindi pa nangyayari. At ang nakakatawa pa diyan, hindi lahat ng inaakala mo ay mangyayari. Pinaglalaruan ka lang ng isip mo. Ang takot na 'yan ang pumipigil sa 'yo. You can't take another step because the LIES of FEAR, STOP YOU. Mas binibigyan mo ng kapangyarihan ang TAKOT kaya ito'y LUMALAKI na at nagiging ANXIETY. But you know what, FEAR is NOT as powerful as it seems. Fear is only as DEEP as your mind allows. You are still in CONTROL. So TAKE CONTROL. Kaya't kailangan mong harapin ang iyong TAKOT. Kapag hindi mo ito lalabanan, palagi kang matatalo nito. Dahil ang kalaban mo ay ang isipan mo. Hindi mo ito mahahawakan. Hindi mo ito masasapak. The KEY is to ACKNOWLEDGE your fear and directly address it. Fight hard to shine the light of your words upon it. I guarantee you CAN beat fear if you FACE it. Be COURAGEOUS. And remember, courage doesn't mean you don't get afraid. Courage means you don't let fear stop you from moving forward with your life.


NUMBER 4
ANG KARANASAN MO
ANG NAGPAPAUNLAD SA 'YO
Photo by Snapwire from Pexels

Dahil sa mahirap na karanasan ni Manny Pacquiao, nagtatagumpay siya. Si Bill Gates, Steve Jobs, Mark Zuckerberg, Henry Sy at marami pang iba. Kung babasahin mo lang ang kanilang tunay na kwento, mas lalo kang gaganahang mamuhay. Because the TRUTH is, you are GROWING through EXPERIENCE. Good things pass as well as bad things. This is what makes life so interesting. With a POSITIVE ATTITUDE, you will always be pleasantly surprised. Stop expecting things to be GREAT. Just appreciate them for what they are. At hindi lahat ng kagustuhan mo ay makukuha mo. Minsan masusungkit mo ang mga bagay na hindi mo inaasahan. Masasaktan ka sa pangayayaring 'yan. But turn that into WISDOM. You have to ACCEPT what has happened and use what you've learned to step forward.


NUMBER 5
MAGPOKUS KA LANG
SA NGAYON
Photo by Maurício Mascaro from Pexels

May marami pa ring tao na kumukontra sa aral na 'to. Sabi kasi nila, kaya raw walang nararating ang tao kasi hindi nila iniisip ang kinabukasan nila. Pero sa totoo lang, hindi mo maaayos ang iyong kinabukasan kung wala kang pakialam sa buhay mo NGAYON. Kasi ang BUKAS ay magiging NGAYON. Hindi mo ba nakuha ang punto? Paggising mo bukas, ito'y magiging NGAYON. People don't realize this. The FUTURE is always NOW. Gawin mo lahat NGAYON upang mahuhulma nito ang iyong kinabukasan. Life is not lived in some distance. It is lived HERE and NOW with the REALITY of the way things are. Yes by all means you can work toward an idealized tomorrow. Yet to do so, you must successfully deal with the world as it is TODAY. Sometimes we avoid experiencing exactly where we are because we have developed a belief based on past experiences that it is not where we should be or want to be. But the truth is, where you are NOW is exactly where you need to be to get to where you want to GO tomorrow. So APPRECIATE where you are. Sa bawat paggising mo, magpasalamat ka dahil buhay ka pa. 'Wag kang matakot sa panibago na namang pagsubok. Much of what you FEAR does NOT EXIST. HAPPINESS is a MINDSET that can only be designed into the PRESENT. Hindi ka magiging masaya kapag nag-iisip ka lang palagi sa kinabukasan mo. Bagkus maghahatid lang ito ng PAG-AALALA. How about thinking about your PAST? Maghahatid lang ito ng PAGSISISI. Some people seem to think all their happiness awaits them in the years ahead. While some people believe their best moments are behind them. Don't be one of them. 'Wag mong hayaang mawala ang POKUS mo sa NGAYON dahil lang sa kakapokus mo sa araw na hindi pa dumating at sa kakapokus sa nakaraan na hindi na maibabalik.


NUMBER 6
MARAMI KANG MAPAPASALAMATAN
Photo by Marcus Wöckel from Pexels

Hindi ka ba magpapasalamat na kahit sa kabila ng pasakit sa buhay ay buhay ka pa rin? Hindi ka ba natutuwa na may nagmamahal pa rin sa 'yo? Kahit nahihirapan ka na, nakukuha mo pa ring tumawa. Being POSITIVE in a NEGATIVE situation is NOT NAIVE. It's a SIGN of LEADERSHIP and STRENGTH. Kung nawala man ang mahal mo, pinalitan naman ito ng LEKSYON. Kung sinubok ka man ng panahon, hatid naman nito ay ang KALAKASAN. Kung pakiramdam mo ay walang nagmamahal sa 'yo, isipin mo ang TRILYONG selula sa loob ng katawan mo. Palagi silang nagtatrabaho para mabuhay ka lang. May irereklamo ka pa ba? May TRILYON kang KAKAMPI sa buhay at ibinigay 'yan ng Diyos para sa 'yo. Be thankful for all the SMALL things in your life because when you put them all together, you will see just how SIGNIFICANT they are. Ang problema lang kasi sa atin ay magpapasalamat lang tayo kung may mangyayaring maganda sa ating buhay at kung nagtagumpay na tayo sa buhay. 'Wag nating kalimutan ang maliliit na bagay na nasa sa 'tin na.


NUMBER 7
MAGPURSIGE KA LANG
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels

Walang dahi-dahilan. Walang pero-pero. 'Wag mo lang madaliin ang bagay. Pagdaanan mo muna ang PROSESO. GREAT THINGS TAKE TIME. With PATIENCE, you can greatly expand your potential. Ang pangit naman kung bukas agad-agad makakamit mo na ang tagumpay, 'di ba? Ang Diyos nga hindi nilikha ang lahat sa isang araw lang. Kahit alam nating kaya Niyang gawin 'yon. Pero hindi ibig sabihin na ang MAHABANG PASENYSA ay MAHABANG PAGHIHINTAY, na nakatunganga ka na lang sa kakahintay. Patience is the ability to keep a GOOD ATTITUDE while working hard for what you believed in. It's the WILLINGNESS to stay FOCUSED, confidently taking one small step at a time. Walang elevator sa tagumpay. Lahat tayo ay naghahagdan.


NUMBER 8
MATUTO KANG MAMUHAY NANG MAG-ISA

Ibig kong sabihin, 'wag kang maghintay kung ano ang idinidikta ng ibang tao sa 'yo. O kaya'y gumagawa ka lang ng kamangha-manghang bagay para magpa impress. Ganyan kasi ang karamihan. Kapag may nakamit na, gustong gustong ipagyabang sa iba. Pero para sa 'yo, ano ba ang dahilan mo kung bakit mo ipapakita sa iba ang nakamit mo? May mga tao ring tumulong pero pinapaskil naman sa social media. Para lang makaani ng respeto. To be honest, mas pinapa impress pa nila ang tao kaysa sa Diyos. 'Wag mo silang tularan. Kasi alam mo, kahit hindi mo na ipapaalam sa iba ang mga nagawa mo, alam ng Diyos ang lahat ng KABUTIHAN mo. I want you to remember this, you are NOT in this world to live up to the expectations of others. Nor should you feel that others are here to live up to yours. Dumaan ka sa sarili mong landas. May iba't-iba tayong daan sa buhay. Iba't- iba tayo ng kahulugan sa tagumpay. Success is ultimately about spending your life happily in your own way. You don't have to be FLASHY to be IMPRESSIVE. You don't have to be famous to be significant. You don't have to be a celebrity to be successful. Alam mo ba na kahit ganyan ka lang kasimple ay napakalaking halaga mo na sa mundong 'to. You just need to BELIEVE that and also BELIEVE IN YOURSELF. Manatiling magpakumbaba. Dahil balang araw, IAANGAT ka ng Diyos. Hindi dahil wala kang tagahanga ay wala ka na ring kwenta. Maraming SIKAT na tao pero sobrang DEPRESS naman. Ibig sabihin lang niyan, hindi kasikatan ang kailangan mo.


NUMBER 9
HINDI KA NAG-IISA
Photo by Pixabay from Pexels

Dito talaga tayo nasasaktan. Ewan ko ba kung bakit ibinabase natin ang kaligayahan kung may kasintahan tayo. Ibig sabihin na hindi mo kayang sumaya mag-isa. Gusto ko lang malaman mo, hindi naman tayo nag-iisa. God will always send someone. Maghintay ka lang sa blessing Niya. Kung tungkol naman sa mga problema mo, hindi ka rin nag-iisa. Sa kalagitnaan ng malupit na sitwasyon, mas madali mong maiisip,

“Bakit ako lang ang nagkakaganito?”

“Bakit ang iba'y okay lang?”

“Ba't ako hindi?”

Ganito rin naman ako noon. Normal lang naman ito sa mga tao. But the truth is, we are NOT alone in this game of life. We are all struggling in our own way. Ang dahilan kung bakit hindi natin alam ang problema ng iba ay hindi naman nila pina-public ang kwento nila. Siguro kong sasabihin lang nila sa 'tin ang problema nila, masasabi mo rin na hindi ka pala nag-iisa. Lahat tayo ay lumalaban sa iba't-ibang pagsubok. Ang iba'y lumalaban sa kanilang pisikal na karamdaman. Ang iba'y lumalaban sa kanilang mental disorder. Ang iba'y lumalaban para maka move on. Ang iba'y nauuhaw sa spiritwal. We are all in this together. No matter how embarrassed you feel about your own situation, know that there are others out there experiencing the same emotions. Kapag pakiramdam mong IKAW LANG ang nahihirapan, isipin mo na may MAS nahihirapan pa sa 'yo. Kung desperado kang marinig kung mayroon ba talagang mas namomroblema pa sa 'yo, pakingggan mo ako. Nakakaramdam din ako ng kalungkutan at kung saan-saan na lang tumatakbo ang aking isipan. Pareho lang naman tayo. Pareho tayong tao. I care about many of the things you care about. Just in my own way. Kaya't naiintindihan kita. Tandaan mo 'to palagi,

“Kung matindi ang iyong problema
dapat MAS MATINDI ka pa sa problema mo”

'Wag mong hilingin na gumaan ang buhay mo. Hilingin mo sa Diyos na bigyan ka Niya ng sapat na lakas upang malabanan mo ang lahat ng mabibigat na problema.




Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177

10 Dahilan Kung Bakit Hindi ka Nila Gusto By Brain Power 2177