8 BAGAY na DAPAT MONG GAWIN NGAYON By Brain Power 2177
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Tayong lahat ay may parehong hangarin sa mundo. Alam mo ba kung ano ito? Gusto nating magbago ang ating pananaw sa buhay at gusto nating mag improve ang ating sarili. Sino ba naman ang ayaw ng gano'n, 'di ba? Pero sa kasamaang palad, marami pa rin ang hindi umaabante. Kahit alam na nila ang kanilang kagustuhan, wala naman silang inaaksyonan. But you know what, you are capable of making the BIGGEST transformation of your life. Ang matinding pagbabago ay hindi aabot ng isang taon. Pero hindi rin ibig sabihin na makakamit mo ang pagbabago sa isang araw lang. Maaari ring lumampas ng isang taon. Depende sa sitwasyon. Ibig kong sabihin ay paisa-isang hakbang lang at yakapin mo ang iyong bagong ugali. To create the level of life you ultimately want, you have to change something you do daily. Kung ano man ang iyong buhay ngayon, 'yan ang resulta ng ginagawa mo dati. It is your duty to live true to yourself. Your life's mission is to EXPRESS YOURSELF, create what you love and love what you create. It's about EXPANDING and LIVING YOUR VISION of yourself. Until it is the greatest possible expression of who you are. Ang pinaka IMPORTANTENG HAKBANG sa buhay ay...
NUMBER 1
MAGDESISYON KA NA NGAYON
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
MAKE A COMMITMENT. Dapat kang magdesisyon na GUSTO MO talagang MAGBAGO. Mag desisyon kang IWAN ang mga walang kwentang bagay na kumakain sa oras mo. Hanapin mo ang kasagutan sa lahat ng mga BAKIT mong KATANUNGAN upang MAGAGAWA mo ang lahat ng PAANO. Everyone craves CLARITY. It's the only way to reach deeper into yourself to find out what makes you come alive. Sino ba ang gusto ng masalimuot na buhay? Wala, 'di ba? Pero lahat tayo ay nagsisimula sa ganyang buhay bago tayo matuto. May iba din na natututo na pero wala pa ring ginagawa. Lahat na lang tayo ay bibitaw ng mga katanungan sa ating sarili:
“Ano ba ang LAYUNIN ko?”
“Ano ba ang KAYA kong gawin?”
Millions of people have no clue what they want to do with themselves. And that's PERFECTLY okay. SELF-DISCOVERY is a JOURNEY. Kapag handa ka ng malaman kung ano ang mga hakbang at kung handa ka ng banggain ang mga pagsubok, diyan mo makikilala ng lubos ang sarili mo. Kung alam mo na ang BAKIT-LIST mo, diyan na dapat papasok ang iyong AKSYON. Only when you know your WHY will you find the courage to take the risks needed to get ahead.
NUMBER 2
SUMAMA KA SA MGA TAONG
KA SAME-MINDED MO
Photo by Helena Lopes from Pexels
Kasi ang TAMANG TAO ay nakapokus sa TAMANG BAGAY at sigurado akong AANGAT ang taong 'yon. Kaya't sumama ka sa kanila kung gusto mo ring umangat. Paano kung negatibo lang lahat ng kaibigan mo? Makakasira sila ng positibong pananaw mo. BAKIT? Wala silang TIWALA sa kanilang sarili. At lalong WALA silang TIWALA sa 'yo. Ang pag-angat sa buhay ay nakadepende 'yan kung sinong tao ang sinasamahan natin. Kahit ang talino na ni Albert Einstein pero may Mentor pa rin siya na si Max Talmud. Nagbago rin ang aking buhay kasi may Mentor din ako. We all need Mentors in our lives. Sila ang gumagabay sa atin. Mga kaibigan na katulad nating POSITIBONG MAG-ISIP.
NUMBER 3
MAGTIWALA KA SA NARARAMDAMAN MO
Photo by Marcus Aurelius from Pexels
Kahit napakaingay ng ating mundo, kahit abalang-abala ka na sa buhay, may maliit na boses ka talagang maririnig sa isipan mo na magsasabing:
“KAILANGAN NATING LUMABAN”
That POSITIVE VOICE in your head, if you listen hard enough, you can still hear it. Kapag nagdesisyon ka ng magbago dahil pinaniniwalaan mo na ang bulong ng iyong isipan, marami talagang mahihirap na sitwasyon ang iyong madadaanan. Totoo na kapag may layunin ka na sa buhay, susulpot na rin ang mga pagsubok. Sa sobrang BIGAT ng pagsubok, 3 HAKBANG ang dapat nating gawin:
1. IWAN NATIN ANG MISERABLENG BUHAY
2. SUMULONG TAYO KAHIT MAHIRAP
3. IBIGAY NATIN ANG LAHAT NG ATING LAKAS
Napakahirap talagang banggain ang agos. Bakit mahirap? Dahil kung magbabago ka na, lahat ng kaibigan mo ay LALAYO sa 'yo. Sasabihin nila na ibang-iba ka na. Pero subukan mo pa ring umabante. Ang nakakatawa pa, kung magtatagumpay ka na, 'yang mga kaibigan mo na 'yan ay BABALIKAN ka upang purihin ka. At magtatanong sila kung paano mo nagawa 'yon. So always try the exact opposite and see what happens.
NUMBER 4
GAWIN MO KUNG ANO
ANG MAKAKABUTI SA 'YO
Photo by RF._.studio from Pexels
Sa buhay kasi natin, marami ang ibabato na opinyon galing sa iba't-ibang tao. Kung magpapaapekto ka, palagi kang TALO. BUHAY MO 'TO! Do what matters most to you. Do what makes you feel alive and happy. Don't let the EXPECTATIONS and IDEAS of others LIMIT who you are. If you let others tell you who you are, you are LIVING their reality. Gusto mo bang mamuhay na nakasunod sa kanila? Sa kakagaya sa kanila? There is more to life than pleasing people. There is much more to life than following others'prescribed paths. There is so much more to life than what you experience right now. You need to decide who you are for yourself. Become a WHOLE BEING. You have a UNIQUE GIFT and the world needs to know about it. Kung nasaan ka man ngayon, anuman ang ginagawa mo sa buhay, lahat ng pinagagawa mong 'yan ay DAPAT ginagawa mo para sa SARILI mo hindi dahil ini-impress mo sila. Alam kong magtatagumpay ka. Kaya lang hindi ka pa naniniwala sa kakayahan mo. Tandaan mo 'to: hindi ka isinilang sa mundo na ganyan lang. You have everything you need to make an impact in the world. 'Wag mong ibuhos ang oras mo sa kakaisip sa 'yong kinabukasan. Mawawala ang LANDAS mo NGAYON. If you're thinking about it too much, chances are you're killing the NOW.
NUMBER 5
GAWIN MO NA NGAYON
DAPAT may gagawin ka. Hindi pwedeng nag-iimagine ka na lang palagi. 'Wag kang maghintay. Gawin mo kaagad. Anuman ang paniniwala mo, maniwala ka na may Diyos tayo. Siya ang palaging gumagabay sa atin. There will always be RULES and LIMIT. Pero hindi ibig sabihin na ang LIMITASYON natin ay LIMITASYON na lang. Nakikita mo ba ang ebolusyon ng Apple? Palaging nag-a-upgrade, 'di ba? May palaging naiisip ang kompanya. Isa lang ang ibig sabihin niyan, HINDI LIMITADO ANG KANILANG ISIPAN. Palaging may bago silang ginagawa. Let me ask you, WHAT CAN YOU IMPROVE TODAY? Kaya mo bang maglakbay sa sarili mong landas? Siyempre KAYA MO! You think you are not capable but you can DO more than you think you can. 'Wag kang maniwala kung may tao man na magsasabing, ‘diyan ka lang nararapat’. Don't listen to them. Don't let them CONTROL you. Lahat ng nakapaligid sa 'yo ay nakakaapekto sa 'yong isipan. POSITIBO man o NEGATIBO. The important thing about any journey is the COURAGE to get BACK UP and CONTINUE. Halos lahat ng matagumpay na tao ay may maraming pinagdadaanang sobrang hirap. Pero bakit nagtatagumpay pa rin sila? Kasi GINAGAWA pa rin nila ang kanilang kagustuhan. Ano ba talaga ang PUMIPIGIL sa 'yo? 'Wag kang matakot mabigo. Kung takot kang mabigo, NABIGO KA NA. Ang daan na nilalakbayan mo ay pwedeng magbago. Pero dapat klaro pa rin ang iyong pananaw. It's about time you made your first innovative step. Minsan kasi kapag may ginagawa tayo, maiisip natin na WALANG MAGKAKAGUSTO SA ATING GINAGAWA. Who cares? This is what you LOVE. Put your mind to getting things DONE instead of focusing on all the things that could go wrong.
NUMBER 6
'WAG MONG GAYAHIN ANG IBA
Photo by Gratisography from Pexels
Ito ang kasi ang nakakatawa sa buhay:
Palagi tayong gumagaya. Palagi tayong sumusunod sa uso. Kung ano ang trending, ginagawa rin natin. Copy dito, copy doon. Gusto ko lang sabihin sa 'yo na 'wag mong ibuhos ang oras mo sa kakasunod sa iba. Dumaan ka sa landas na ikakaunlad mo. STOP LISTENING TO EVERYONE ELSE. The world is waiting for you to start something. The world is waiting to hear what you have to say. Waiting to share your ideas and original work. May pangarap ka ba ngayon na takot kang gawin? Hindi pa huli ang lahat para gawin mo 'yon. May mga tao kasi na nangangarap pero iniisip na hindi nila ito makukuha. 'Yan pa lang TALO ka na. SELF-DOUBT will always be PRESENT. And the ONLY SOLUTION is to just ACT in spite of them. STEP BY STEP we IMPROVE. Tanggapin mo na minsan magulong magulo ang kalalabasan ng pangarap mo. Pero matututo ka naman dahil sa kaguluhang 'yon. NOBODY can achieve PERFECTION. It's humanly IMPOSSIBLE. But please NEVER GIVE UP.
NUMBER 7
MAGPATULOY KANG BANGGAIN
ANG HADLANG SA HARAPAN MO
Photo by Annushka Ahuja from Pexels
Tandaan mo 'to, ang lahat ng hadlang sa ating pangarap ay binabangga natin. Challenge your obstacles. Write down all your obstacles. Reflect on those failures and figure out what stopped you from succeeding. Then write down how you plan to overcome them. Wala na tayong pakialam kung ano ang nangyari sa ating nakaraan. Ang gagawin lang natin ay ang pagbigay aksyon kung anong nangyayari sa buhay natin ngayon. Tandaan mo, ang problemang hindi makakapatay sa 'yo ay ang problemang magpapatatag sa 'yo.
NUMBER 8
UMPISAHAN MO NA NGAYON
Photo by Brett Jordan from Pexels
Kailan ka ba maging handa? O handa ka na pero kulang na lang ng PAGKILOS? Life sets us a CHALLENGE to test our COURAGE and WILLINGNESS to CHANGE. Wala na tayong oras sa pagkukunwari na walang nangyari. Wala rin tayong oras sa kakasabi na hindi pa tayo handa. The CHALLENGE will not WAIT. Life doesn't look back. Kung palagi ka lang naghihintay, papasok 'yan sa 'yong subconscious mind na hindi ka handa sa laban ng iyong buhay. Get ready to take a step. Get ready to start a healthy habit. Get ready to start a passion project. Get ready to love again. Get ready to launch that project on your mind. Saan ka sa 2 ito?
1. WALA NG MAGAWA
2. GAGAWIN NA
Wala ka ng ibang pagpipilian. 'Yan lang. Doing something might be extremely uncomfortable for us. Pero kailangan pa rin ng matinding aksyon upang magbunga ang ating ginagawa. Aanhin mo ang kakapokus sa RESULTA kung hindi ka naman nakapokus sa 'yong DAPAT GAWIN? Parang niloloko mo lang ang sarili mo. Do not miss the train. Opportunities are often late but they always go away fast.
Comments
Post a Comment