5 Bagay na Importanteng Malaman mo Ngayon By Brain Power 2177
Photo by Анастасия Беккер from Pexels
Dapat MALINAW ang pananaw mo sa buhay. Kung hindi malinaw ang takbo ng buhay mo, kung wala ka sa pokus mo, makaka-attract ka lang ng kaguluhan sa buhay, na humahantong sa buhay na walang patutunguhan at hindi ka masisiyahan sa resulta nito. Kung hindi mo alam kung anong gagawin mo, at pakiramdam mo na-stuck ka sa pangit na sitwasyon, naco-confuse ka, nawawala ka sa tamang landas, at blanko ka na, tandaan mo, HINDI PA HULI ANG LAHAT. It's in fact the beginning of something good that's about to happen. Sa mga oras ng pag-aalinlangan, ang ilan sa atin ay nakakabangga ng matinding pagsubok at naparalisa tayo ng takot. Hindi tayo makakaabante at maitatanong na lang natin sa ating sarili,
Ano ang susunod kong dapat gawin?
Bakit ako narito?
Paano ko mahahanap ang aking kagustuhan?
In such testing times, what we really need is a change in attitude. Kung itigil lang natin ang pagpapaka-feeling victim, at kontrolin lang natin ang ating sarili, magbabago din ang resulta ng sitwasyon natin. Kung hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo sa buhay, gawin mo ang 5 BAGAY na ito:
NUMBER 1
MAGING RESPONSABLE
SA IYONG SARILI
Photo by Mikhail Nilov from Pexels
Hindi ang ibang tao ang naglalagay sa 'yo sa buhay na 'yan. IKAW lang ang naglalagay diyan sa sarili mo. Kung naghihirap ka ngayon, kasalanan mo na 'yon. Kailangan kitang saktan ng katotohanan upang matuto kang lumaban. 'Wag mong isisi sa iba kung bakit nagkakaproblema ka. Your life will be no better than the plans you make and the action you take. Ikaw ang arkitekto ng iyong sariling buhay. Ikaw ang nagdidisenyo ng kinabakusan mo. Don't seek clarity from outside. Take full responsibility for your life right now. Lahat-lahat, mapabuti man o masama, nasa sa yo na 'yon. May kalayaan kang pumili kung ano ang gagawin mo. Pero harapin mo rin ang resulta sa bawat ginagawa mo. It's really important to take responsibility, because when we are stuck, we tend to blame the outside world for our problems. Tigilan mo na ang pagsasabi na HINDI MO ALAM ANG IYONG GAGAWIN. Alam kong ALAM MO pero hindi ka lang umaaksyon. Paano mo malalaman kung palagi ka lang nagkukulong sa sarili mong isipan? Decide to make it happen! Lahat ng katanungan ay may sagot. Ang PAGKILOS na lang ang KULANG. Take responsibility for your thoughts, for your feelings, for your words and for your actions. To take responsibility for your life, is to take responsibility for your powers of thinking, feeling, speaking and acting, because this is the structure of all human experience. Nabubuo ang buhay mo ngayon dahil sa iniisip mo noon, dahil sa nadarama mo noon, dahil sa mga salita mo noon, dahil sa mga kilos mo noon. It's not a coincidence. You take responsibility when you accept that the thoughts you have, are your thoughts coming from your mind. Kung ano ang iniisip mo, mararamdaman mo ito. Ang lahat ng nararamdaman mo ay mabibigkas mo. Kung ano ang lumalabas sa bibig mo, magiging gawain mo rin 'yon. Ibig sabihin na IKAW lang ang bumubuo ng buhay mo. Nobody can make you think, feel, say or do anything. Nobody can push your buttons, because you are the button maker! Gano'n din sa ibang tao. Hindi mo sila makokontrol dahil sila lang ang kikilos kung ano yung nasa isipan nila. When we decide to gain clarity, we cut off any other possibilities from entering our lives.
NUMBER 2
ALAMIN MO ANG BAGAY
NA NAGDADALA NG LIWANAG SA BUHAY MO
Photo by Samuel Theo Manat Silitonga from Pexels
Paano mo ba malalaman na ang bagay na 'yon ay nagdadala ng liwanag sa buhay mo? Sa pamamagitan ng paglaan ng oras na MAG-ISA ka lang. Kung single ka o wala kang kaibigan, kung may makikita kang tao na may karelasyon at may mga tunay na kaibigan, siguro malulungkot ka. Kahit na nga sa social media mo lang nakikita, naiinggit ka na. That's why it can make you feel like spending time with yourself is a BAD THING. Kasi nahuhulma na ang isip mo na ang pangit palang mag-isa. Kaya pala ang gulo ng buhay mo kasi hindi mo nakikilala ng lubos ang sarili mo. What may seem like a very difficult time can actually be one of the most rewarding. By spending time alone, you can learn more about your true self and how to work toward ultimate happiness. Spend time with yourself. It is where everything BEGINS. Dito mo malalaman ang totoo mong layunin sa buhay. Spending time with yourself is a HUGE step in the right direction when it comes to being happy alone. Mas lalong hindi maging malinaw ang ating buhay kung palagi na lang tayong napapalibotan ng mga ingay. Take time to breathe. Don't put too much pressure on yourself. If you find that you are frequently feeling STRESSED, ANXIOUS, or DEPRESSED, make time each day to focus on your inner thoughts and feelings. Start a journal and write down anything that comes to your mind. If you let yourself write freely for half an hour each day, you may be surprised by what you come up with. Journaling can help reach the core of emotional problems and you may find that you learn something new about yourself each day. Subukan mong linisin ang isipan mo. Tanggalin mo ang sobrang pag-aalala. Tanggalin mo lahat ng negatibo na nasa loob ng ulo mo. Find a quiet place without distractions and just let yourself be. Hindi kasi lahat ng ginagawa natin ay nagdudulot ng kalinawan sa buhay natin. Some actions make us feel positive and some drain our energy. Pero kapag hihinto na lang tayo, hindi natin mapapansin kung ano ang mga pinagagawa natin at kung paano ito nakakaapekto sa buhay natin. Spend time with yourself so you will know what brings you clarity.
NUMBER 3
MAGTAKDA KA NG LAYUNIN
Photo by Markus Winkler from Pexels
Sino ba ang walang GOAL sa buhay? Siyempre yung mga taong walang narating sa buhay. Hindi ko sinasabi na mga taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Hindi edukasyon ang basehan ng pagiging matagumpay ng isang tao. Ang ibig kong sabihin, ang mga taong walang GOAL sa buhay ay ang mga taong nakatunganga pa rin hanggang ngayon. Kailangang may GOAL ka sa buhay mo. Kung wala kang TARGET, kung wala kang LAYUNIN, para ka lang naglalaro ng soccer, palagi kang tumatakbo pero hindi ka makakapuntos. Sabi ni Albert Einstein:
“Life is like riding a bicycle. To keep your balance, you must keep moving.”
In order to have balance, we must CHASE GOALS and work on something worthwhile. Ang mga gawain natin ang nagbibigay ng kahulugan sa ating buhay. Kung wala tayong mga gawain, ano pa ba ang silbi natin sa mundo? Do you set goals for yourself? What are your goals for the next 1 year? How about 3 years from now? 5 years? 10 years? What are your aspirations in life? Hindi ko sinasabi na GOAL mong yumaman. Kung 'yan naman ang gusto mo, e di 'yan ang gawin mo. Kung isa ka sa mga taong hindi nagse-set ng goal, dahil hindi mo alam ang gagawin mo, hindi mo alam dahil nasosobrahan ka lang sa pag-iisip. Don't find the perfect goal. Lahat ng goal na naiisip mo ay mas mabuti pa kaysa sa walang pinagkakaabalahan sa buhay. The trick is to start taking action and figure things out along the way. Kung gusto mong mag work out araw-araw, GOAL na 'yan. GOAL mo bang pumayat, GOAL mo bang magbasa ng mga libro, GOAL mo bang mag-ano? Kahit na mga maliit na bagay ay magagawa nating GOAL. Becoming ACTIVE is an important part of gaining clarity. Sa kasamaang palad, maraming nagsasabi tungkol sa mga kagustuhan nila. Pero wala namang nangyayari. Puro ka na lang salita pero wala ka namang ginagawa. Kasi wala kang GOAL sa buhay. Start with SMALL GOALS and use momentum to achieve the BIG GOAL.
NUMBER 4
MAG MEDITATE KA
Photo by SHVETS production from Pexels
Yun bang sanayin mong manahimik saglit. Kung kalmado ang isipan mo, siyempre mas makakapag-isip ka ng maayos. Alam mo kung bakit ka naguguluhan? Hindi naman ito dahil sa mga pangyayari e. Dahil ito sa isipan mo. Mind works like a magnet and attracts the things that vibrate at the same frequency. Kaya kailangan mong mapag-isa para makakapag meditate ka. Ito ang paraan para makontrol mo ang iyong isipan at ma-develop mo ng maayos ang focus mo. Uulitin ko ha, kung kalmado ang isipan mo, lahat ng problema mo ay mahahanapan mo ng solusyon. Para lang 'yang sa paaralan. Kung handa na ang estudyante, biglang may pasulit kaagad. Katulad din sa buhay natin. Kung handa na ang utak mo, magpapakita na ang solusyon. Ang isipan natin ay maihahalintulad natin sa ilog. Sa ibabaw ng tubig, sobrang lakas ng agos, hampas dito, hampas doon. Napakaingay. Pero kung sumisid ka na sa kailaliman, stable lang ang daloy ng tubig. Sa pinakailalim, napaka smooth lang na para bang walang tubig. Ganyan din tayo dapat. Marami na rin ang mga taong MAKIKITID ANG UTAK. Kung sino pa yung makikitid ang utak, sila pa yung napakaingay. Gusto mo bang maging isa sa kanila? Experience the stillness of your mind. When you reach deep down, with focus on any other nourishing activity, you'll find the answer to all the questions you have in mind.
NUMBER 5
MAGPATULONG KA
Photo by Brett Jordan from Pexels
Paano gagaan ang buhay mo, paano lilinaw ang buhay mo kung sobrang nahihirapan ka na? Alam mo, mahirap talagang magpatulong. Minsan nga maiisip natin, na napakahina na natin at incompetent pa. Mas nakakatakot pa kung ang taong hinihingan mo ng tulong ay hindi tutulong sa 'yo tapos may kasama pa 'yang masasakit na salita. Minsan din nakakahiya kung may tutulong man kasi maiisip natin na naging pabigat lang tayo sa buhay ng iba. Ganyan naman tayo, 'di ba? Lalo na kung pinapairal natin ang ating pride. But the truth is, most of the time, people LOVE to help others and love to be asked for help plus there's a lot of other reasons it's amazing to ask for help. Sa tingin mo ba ay uunlad ang isang negosyo kung wala ang mga empleyadong tumutulong? Sa tingin mo ba ay makakaya ng presidente ang trabaho niya kung wala ang mga nasa ibaba? Sa tingin mo ba ay aangat ang atleta kung walang nagti-train sa kanila? Hindi sisikat ang isang tao kung walang nagpo-promote sa kanila? Lahat ng mga umuunlad sa buhay ay may inaasahang tulong. May mga mentor na tumutulong sa kanila. May mentor din ako. NO MAN IS AN ISLAND. Hindi natin kayang mag-isa palagi. You don't have to do it all alone. There's no successful person in the world who has done it all by himself. So seek help from counselors, coaches and mentors, whenever you feel it's necessary. May mga bagay na hindi natin alam na alam nila. May mga alam din tayo na hindi nila alam. GIVE AND TAKE. Kaya't kailangan nating humingi ng tulong at mag-abot ng tulong. Halimbawa gusto mong magtayo ng gusali, siyempre magpapatulong ka sa arkitekto para sa magandang disenyo. Hindi mo kaya 'yon kung hindi ka architect. Hindi rin mabubuo ng architect ang gusaling 'yon kung wala ang engineer. Siyempre hindi 'yan mabubuo kung walang mga skilled workers. Kita mo 'yan, WE NEED HELP. WE NEED MENTORS. WE NEED COUNSELORS. Even asking your friend about a potential solution can really help. This is the VALUE of FEEDBACK. Kaya nga may mga comment section para naman makahanap tayo ng solusyon galing sa ibang tao. So if you don't know what to do, don't wait for clarity to magically enter your life. You are creating your life, CONSCIOUSLY or UNCONSCIOUSLY, with your THOUGHTS, EMOTIONS and ACTIONS. TAKE FULL RESPONSIBILITY for creating CLARITY and TAKE POSITIVE ACTION. Remove yourself from any external influences that PULL YOU DOWN and DRAIN YOUR ENERGY. Become ACTIVE and FIND YOUR CLARITY.
Comments
Post a Comment