4 LESSONS I've Learned In My Life By Brain Power 2177
Photo by ROMAN ODINTSOV from Pexels
Lahat tayo ay may iba't-ibang pananaw kung paano tayo maging masaya. Ang iba'y nagiging masaya kapag nakakamit nila ang kanilang kagustuhan. Ang iba'y pera ang nagpapasaya sa kanila. May iba din na ang Diyos ang sinisentro nila sa kanilang kasiyahan. People have many differing views on how to create happiness. I don't know about you. Pero ako, when I was in my teens, I spent a considerable amount of time deciding which approach is suitable for me. May mga pagkakataon na naguluhan din ako at hindi ko alam kung paano ako maging masaya. Alam kong naguguluhan ka rin paminsan-minsan, hindi mo alam kung ano ba ang nagpapasaya sa 'yo. Kaya't ginawa ko ang videong 'to upang ibahagi sa 'yo ang 4 na ARAL na napupulot ko sa mga taon na 'yon. Natutunan kong maging masaya sa pamamagitan ng pagpokus ko muna sa aking sarili.
NUMBER 1
(natutunan ko kung paano alagaan ang sarili) SELF-CARE
Photo by Hassan OUAJBIR from Pexels
Malamang sa hindi nakakaalam o hindi nakakaintindi, naiisip nila na madamot ka sa buhay dahil puro sarili mo na lang ang iniisip mo. But in fact, SELF-CARE is never a SELFISH ACT. It is the only gift we have. Every cell in my body loves me. So ano ba ang dahilan para hindi ko mahalin ang sarili ko? Gusto ko lang gisingin ka. Wala ng ibang tao ang magmamahal sa 'yo katulad ng pagmamahal mo sa 'yong sarili. Ibig sabihin na ikaw lang ang nakakaalam kung paano pasayahin ang sarili mo. That's the reason why I love to be different. Dahil sa pagiging iba ko nakahanap ako ng kasiyahan. To be honest, for the longest time, I thought I should be the same as everyone else. Lumaki ako nang may paniniwala na ang buhay ko ay ginuhit na ng kapalaran. Na wala na akong magagawa sa buhay o hindi ko na mababago. Kasi ito rin ang pinaniniwalaan ng karamihan. Papasok sa paaralan. Papasok sa trabaho. Magpapakasal. At naniniwala tayo na ganyan lang ang ating kapalaran. I used to think that this is the rite of passage of every young adult in the whole world. Pero n'ong nabuksan ko ang aking diwa, hindi pala totoo ang kapalaran. Tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Tayo ang nagkokontrol sa sarili nating buhay. Ang dahilan kung bakit tayo nahihirapang sumaya, kasi iniisip natin na ito na ang guhit ng ating palad. Simula n'ong bata pa tayo, ito na ang ating pinaniniwalaan. And then, I began to see that everybody has different values and opinions about what happiness is. Maraming iba't-ibang paraan para sumaya. 'Wag mo lang kalimutan ang Diyos, kasi siya ang pinakaunang nagpapasaya sa atin. The goal of our journeys is to become self-aware enough to know what makes us happy and to let others find their own happiness. This is the reason why I always practice daily self-reflection and meditation. I reflect on what makes me sad each day and what makes me happy. Nagninilay ako upang mas maintindihan ko pa kung ano ang masamang bagay na sumasakop sa aking isipan upang malabanan ko ito. Kapag nalabanan ko ang masamang pag-iisip, mas nakikita ko ang bagay na mas nakakapagpasaya sa akin. At doon ko ipinupokus ang aking pananaw sa kasiyahang 'yon. I also learned to be confident in living my own life. Wala na akong pakialam sa buhay ng iba. I will never bother with how other people live their life. Do the things that make you happy as I do the things that make me happy. Simple lang, 'di ba?
NUMBER 2
(natutunan kong) SUNDIN ANG AKING KAGUSTUHAN
Photo by Karyme França from Pexels
Paano mo naman masusundan ang iyong kagustuhan kung hindi mo alam kung ano ang kagustuhan mo? Paano ka maging masaya kung hindi mo alam ang kagustuhan mo? Ito ang isa sa mga problema ng maraming tao. Napakarami nilang gusto pero hindi nila alam kung ano ang kanilang uunahin. To discover what makes you feel passionate, try to find the things that you can spend all day doing. 'Yan lang naman. Ano ba ang ginagawa mo araw-araw na nakakapagpagaan ng iyong emosyon? Gusto mo ba ang trabaho mo? Gusto mo ba ang talento mo? Kung ano man ang ginagawa mo ngayon na nakakapagpagaan ng iyong buhay, 'yan dapat ang sundin mo. Diyan ka magpokus. When you're truly passionate about something, you stick to it. Kahit na ang kagustuhang ito ay nagpapahirap sa 'yo, LABANAN mo lang. Kasi ito ang kasiyahan mo. Alam mo, bata pa lang ako, gusto kong maging article writer. Gusto kong mainspira ang ibang tao. Tapos sinusundan ko ang kagustuhan ko hanggang sa nagiging naging freelance article writer ako. Pero hindi ibig sabihin na hindi ako nahihirapan. I have faced a lot of setbacks. May araw din na hindi ako tinanggap ng ilang website. Pero nagpatuloy pa rin akong naghahanap ng trabaho online bilang writer. Hanggang sa natanggap ako pero may mga negatibong komento akong natanggap. Normal lang naman na may mga taong ayaw sa atin o ayaw sa ginagawa natin. Kahit gusto natin ang ating ginagawa, may mga taong hindi nagkakagusto sa mga pinagagawa natin. And who cares? Ito ang passion mo. Ito ang gusto mong gawin. Ito ang nagpapasaya sa 'yo. May mga araw din na gusto ko ng sumuko sa buhay kasi pagod na pagod na ako. Pero napagtanto ko na ang kaligayahan ay makakamit lang natin kung pinapahalagahan natin ang mga bagay na nasa sa 'tin na. Be grateful for what is GOOD in your life. Accept what can be improved. Natutunan ko rin na ang kaligayahan ay nagsisimula sa pagbitaw sa mga bagay na hindi ko makokontrol. Halimbawa, nakokontrol ko ang paggawa ng mga videos, pero hindi ko makokontrol ang mga tao na panoorin ang mga videong ina-upload ko. Kapag pipilitin kitang manood, tapos ayaw mo talaga, diyan mawawala ang aking kaligayahan. Bakit? Dahil nakapokus lang ako na kontrolin ang bagay na hindi ko naman makokontrol. If you don't want to watch, if you don't want to subscribe, that's your act and I can't control it. The more I let go, the more I control my own happiness. I can never guarantee that everyone will like my videos. Para sa 'yo rin, you must always FOCUS MORE on the PROCESS than the OUTCOME. FOCUS on what you can IMPROVE instead of seeking to control. Gawin lang natin ang ating kagustuhan at tanggapin kung ano ang maaaring bunga ng ating ginagawa.
NUMBER 3
TANGGAPIN MO ANG IYONG SARILI
Photo by Alexandr Podvalny from Pexels
Ang pinaka dahilan kung bakit hindi ka masaya ay kung hindi mo tanggap ang tunay mong pagkatao. Stop reacting to many things that you can't control. Sarili mo lang ang makokontrol mo. Minsan napakahirap harapin ang realidad. Pero ang tanggapin ang kasalukuyan mong sitwasyon ay makakapagpagaan ng loob mo. Unawain mo ang iyong sitwasyon, tanggapin mo. Acknowledging your reality will help you choose your dreams wisely and then help you achieve them. Acceptance is the ability to unconditionally value all parts of who you are. That means you acknowledge all of yourself--the good and the things that need improvement. For most of us, self-acceptance can be hard. We tend to be critical of ourselves, but there are a number of ways to learn to accept yourself and to accept your life. It all begins with your state of mind.
NUMBER 4
(natutunan kong) BAGUHIN ANG AKING BUHAY
Photo by Gladson Xavier from Pexels
Natutunan ko lang ito noong 2015, isa ito sa mga mga pagbabago na nahihirapan ako. It's not an easy thing to do because changing the way we think, requires a lot of TIME and WILL. Mahihirapan tayong baguhin ang ating mga pinaniniwalaan sa loob ng mahabang panahon. Pero hindi ibig sabihin na hindi na natin kayang baguhin ang ating buhay. Halimbawa, sa loob ng mahabang panahon, pinaniniwalaan ko na ang aking kahinaan ay ang pagiging techie. But the more I show na hindi ako techie person, the more na tinuturuan ako ng mga taong mahihilig sa technology. So from there, I began to reconstruct my life narrative by seeing myself as THE MAN WHO IS WILLING TO LEARN. Unti-unting nabago ko ang takbo ng aking buhay. 'Wag kang magpokus sa 'yong kahinaan. Ang kahinaan mo ang gamitin mo para maging iyong kalakasan. There's no rule that says: you cannot change the narrative of your life. Minsan kasi, kung ano ang kahinaan mo, 'yon pala ang magbibigay ng karunungan sa 'yo. Dahil sa kahinaan na 'yon, kung babaguhin mo lang, 'yan ang magpapalakas sa 'yo. We just need to try to look at it with a different perspective.
Comments
Post a Comment