14 na SALITA na DAPAT mong TANGGALIN sa BOKABULARYO mo By Brain Power 2177


Photo by Liza Summer from Pexels


Simulan natin ang videong 'to sa isang kasabihan:

“Ang bato ay nakakadurog ng buto
pero ang negatibong salita ay makakawasak ng kaluluwa mo.”

Totoo ang kasabihang 'yan. Ang bawat salita ay may malaking epekto sa atin. Ang positibong salita ay nakakataas ng kompiyansa sa sarili. Ang negatibong salita ay nakakasira ng pananaw mo sa buhay. Kaya't mamili ka kung ano ang pipiliin mo. Hindi man natin mababago ang binitawang salita ng ibang tao sa atin, pero mababago natin ang negatibong salita na ating bibitawan. Ibig kong sabihin, tayo ang nagkokontrol sa mga salitang ibinubuga natin. Hindi naman mababago ng salita ang realidad pero ang mababago nito ay ang pananaw natin sa realidad. Words create filters through which people view the world around them. Ito ang tinatawag nating the ILLUSION OF TRUTH. Kapag palagi mong binibigkas ang negatibong salita, 'yan ang mapapaniwalaan mo at 'yan ang magiging realidad mo. Kasi maa-attract mo 'yan. Kaya't napaka importanteng mag-ingat tayo sa ating bibitawang mga salita. Kapag tinanggal natin ang mga negatibong salita sa ating isipan, may positibong epekto ito sa ating buhay. May 14 na negatibong salita na gusto kong malaman mo. Kapag sinabi kong salita, hindi ibig sabihin na isang salita lang, pwede rin siyang pangungusap. Hindi naman siguro lahat ng ito ay binibigkas mo pero ikaw lang ang nakakaalam kung alin dito ang palagi mong sinasabi o palagi mong pinaniniwalaan.


NUMBER 1
WALA AKONG KWENTANG TAO
Photo by Monstera from Pexels


Alam ko na minsan, nasasabi mo 'yan sa sarili mo. Pero hindi mo ba alam, na kailangan mong tanggalin ang salitang 'yan sa buhay mo. There's such an ugly finality to this brutal condemnation. Kapag sinasabihan mo ang iyong sarili na wala kang kwentang tao o di kaya'y pagsabihan mo ang ibang tao na wala silang kwenta, parang kumuha ka lang ng negatibong salita para ipakain sa utak mo o sinadya mong ipakain sa ibang tao. At kailanma'y hindi 'yan nakakatuwa. Masasaktan ka at makakasakit ka. Which negate the inherent value of living every moment of our lives.


NUMBER 2
WALA AKONG GANANG KUMILOS
Photo by Alex Green from Pexels


Alam ko na may mga araw na tinatamad tayo. Aminin mo man o hindi, 'yan ang katotohanan. Pero ang katamaran ang mas lalong nagpapahina sa katawan mo. Ramdam mo ba na kapag wala kang ginagawa ay mas lalong mapapagod ka? Hindi mo maintindihan, 'di ba? At isa pa, ito din ang nagpapatagal ng pagkamit mo sa tagumpay. Imbes na malapit mo ng makuha ang gusto mo, umaandar na naman 'yang katamaran mo. Pero hindi naman ibig sabihin na hindi ka na magpapahinga. Kung napapagod ka, magpahinga ka. 'Wag lang umabot sa punto na hindi na normal 'yang pagrerelax mo. Kaya mo bang tanggalin ang salitang TAMAD sa bokabularyo mo? Hindi naman matatawag na katamaran ang dahan-dahang paglalakbay. Ang dahan-dahang paggawa sa mga bagay-bagay ay tinatawag nating… MINDFULNESS. Mas mabuti pang mabagal kaysa sa walang ginagawa.


NUMBER 3
HINDI KO KAYA
Photo by MART PRODUCTION from Pexels


Kapag palagi mong sinabi na HINDI MO KAYA, ibig sabihin, na wala kang sapat na lakas at wala kang kontrol sa sarili mo. Naiisip mo lang na hindi mo kaya kasi hindi mo pa nasusubukan. Ito ang napakagandang kwento ni Roger Bannister. Si Roger Bannister ay isang runner. Noong kapanahunan niya, gusto talaga niyang takbuhin ang isang milya sa loob lamang ng 4 na minuto. Pero ano ang sinabi ng mga scientists at mga doktor? Walang tao ang makakagawa niyan dahil ang baga natin ay hindi makakasustento ng sapat na hangin. Kung pipilitin mo man, magkaka heart attack ka. Pero hindi 'yan pinaniniwalaan ni Roger Bannister. Kompiyansa siyang makakaya niyang takbuhin ang isang milya sa loob ng 4 na minuto. Pero hindi nangyari 'yon sa isang pagsubok lang. Sumubok siya at siya'y nabigo. Pero hindi siya takot sa kabiguan, mas lalo pa nga siyang nagpursige. Palagi niyang sinasabi sa kanyang sarili, KAYA KO 'TO. PAPATUNAYAN KO NA MALI SILA. Sumubok siya ulit at nagawa niyang takbuhin ang isang milya sa loob ng 3 minuto at 59 na segundo. Anong nangyari noong nalaman ng mga tao na nakaya niya? Ang isipan ng mga tao ay nagbago. Halos lahat ay nagsasabi, kung kaya ni Roger, kaya ko rin. Ang lahat ng atleta ay nag-eensayo at sinubukan nilang takbuhin ang isang milya sa loob ng 4 na minuto, ano ang resulta? Marami ang nagtatagumpay. Kita mo 'yan? Mahirap lang sa umpisa kasi hindi mo pa nakikita ang resulta. Kaya't 'wag kang maniwala sa sinasabi ng iba o sa sinasabi ng isip mo na hindi mo kaya. Kailangan mo munang subukan. Magtiwala ka sa sarili mo. Sa halip na hadlangan mo ang iyong kakayahan, kontrolin mo ang iyong kakayahan.


NUMBER 4
PERO
Photo by Every Thing from Pexels


Ang ibig kong sabihin sa PERO ay yung pagdadahilan. Kasi ang salitang PERO ay may dalang WALANG KASEGURUHAN. Halimbawa,

“Gusto ko 'yang gawin PERO…”

'Wag ka ng mag DAHILAN pa. Wala ng pero-pero. Kung gusto mo talagang gawin ang isang bagay, gawin mo na. 'Wag mong haluan ng PERO. Ibig sabihin lang niyan ay hindi ka sigurado sa pinaggagawa mo.


NUMBER 5
SIGURO
Photo by SHVETS production from Pexels


Alam naman natin na ang pagdedesisyon ay mahirap gawin. Pero ang paggamit ng salitang SIGURO ay mas lalong nagpapahirap sa 'yong pagdedesisyon. Dapat may tiwala ka sa mga desisyon mo. Dapat panindigan mo ang iyong ginagawa.


NUMBER 6
GALIT AKO
Photo by Pixabay from Pexels


“GALIT AKO SA 'YO”

“GALIT AKO SA KANILA”

Alam mo, sa tuwing nagagalit ka, ikaw lang din ang magdurusa. Kapag galit ka sa isang tao, kakainin ka ng galit mo. Kasi ang galit ay isang negatibong emosyon. Palagi ko na 'tong sinasabi noon pa, para ka lang pumupulot ng baga para itapon mo sa isang tao pero ikaw ang unang napapaso. Ganyan ang galit. Palihim ka nitong inaatake. Such a strongly negative word tends to trigger MILD feelings to become WORSE. Kung may galit ka sa isang tao, normal lang naman 'yon. Ang hindi normal ay y'ong pinatira mo na ang galit diyan sa puso mo. Hindi naman natin mapipigilang magalit, 'di ba? Pero 'wag ka namang magpokus sa bagay na 'yan. Ang daming nakakatuwa sa mundo, ba't sa kadiliman ka lang? 'Wag mong hayaan na ikaw ang magdurusa sa negatibong emosyon.


NUMBER 7
ABALA
Photo by JÉSHOOTS from Pexels


OKUPADOHalos wala ka ng oras. Kapag palagi kang abala sa lahat ng oras, maiisip ng ibang tao na ang ganda ng buhay mo kasi marami kang ginagawa at iniisip nila na matagumpay ang buhay mo. Pero hindi mo ba alam na hindi lahat ng taong abala ay PRODUKTIBO? When people stress how busy they are, they're actually pushing away NEW BUSINESS, NEW OPPORTUNITIES, NEW RELATIONSHIPS, as well as NEW PEOPLE, NEW PLACES and NEW THINGS. Paano pa 'yan makakapasok sa buhay mo e palagi mong sinasabi na wala ka ng oras. Lahat tayo ay may oras. Sadyang hindi lang natin inuuna ang mga dapat unahin.


NUMBER 8
ANG DAMI KONG PROBLEMA
Photo by RODNAE Productions from Pexels


Tayong lahat ay may problema. Mayaman man o mahirap, may problema tayo. Iba't-ibang problema ang ating kinakaharap. Kahit nga baliw ay may problema rin. Bakit hindi natin 'yan dapat sabihin? Dahil sa palaging paggamit ng salitang ito, mas lalo kang mabibigatan sa buhay, na para bang wala ng kwenta ang buhay mo dahil sa mga problema mo. Sa halip na sabihin mo na ang dami mong problema, sabihin mo na ang dami mong mga HAMON na kailangang lagpasan. Para naman challenging ang buhay mo. Para naman maramdaman mo na kailangan mong umaksyon. Challenges make you PROACTIVE. And that's a GOOD THING.


NUMBER 9
ANG PANGIT KO
Photo by cottonbro from Pexels


Hindi ka naman pangit e. Sadyang may maganda lang kaysa sa 'yo. Ibig kong sabihin, iba't iba ang ating depinisyon sa kagandahan. Pero ayoko namang magpakabanal, may pangit naman talaga at may magandang nilalang. But that's the BEAUTY of life. Napakabalanse ng mundo natin. Pero ang salitang PANGIT ay isa sa PINAKA NEGATIBONG SALITA SA DIKSYONARYO. Kaya't 'wag na 'wag mo itong gamitin para ilarawan ang iba o para ilarawan ang sarili mo, kung ayaw mong makasakit ng iyong kapwa o makasakit pa mismo sa sarili mo. Being excessively critical of other people or yourself, ATTRACTS NEGATIVE ENERGY. Mas mahalagang magpokus ka na lang sa maganda mong katangian at sa kabutihan ng ibang tao at sa mundo natin. Hindi ka man perpekto sa mata ng tao, pero perpekto ka sa mata ng Diyos. IKAW ang perpekto Niyang nilalang.


NUMBER 10
TAMA AKO PALAGI
Photo by cottonbro from Pexels


Alam mo, kahit anong pagpapakahirap mo, hindi mangyayari 'yang hinahangad mo na PERPEKTO ka. Walang perpektong tao o bagay sa mundo. Hindi ka exempted. Kapag palagi mong ginagamit ang salitang PERPEKTO, kasi naniniwala ka na magiging PERPEKTO rin ang lahat, maniwala ka sa 'kin madi-disappoint ka lang. Sa palaging paghahangad ng kasakdalan, maraming papasok na kapalpakan. Since perfection is not an attainable thing, banning this WORD from your vocabulary, helps you feel better about yourself and your achievements. Perfectionism is the ENEMY of PRODUCTIVITY.


NUMBER 11
HANGGANG DITO NA LANG AKO
Photo by Pixabay from Pexels


Bakit mo tutuldukan ang iyong kakayahan? May pagkakataon ka pang makaahon. Pwede ka pang sumulong. Pero mas pinili mo ang HUMINTO na lang. Palagi mo lang iniisip na wala ng kaunlaran o wala ng pag-asang magbago ang buhay mo. But I want you to know, there's always room for GROWTH. You should never see yourself as STUCK within a situation. Instead, see your circumstances as offering TIME TO REFLECT and an OPPORTUNITY to CHOOSE YOUR NEXT PATH.


NUMBER 12
AYOKONG GAWIN 'YAN

Katulad lang ito ng HINDI KO KAYA. Kapag sinasabi mong HINDI MO GAGAWIN, ibig sabihin na KAYA MO pero sinadya mong hindi gawin, dahil siguro tinatamad ka o hindi mo ramdam. Para na kasi itong PAGTULDOK sa 'yong POTENSYAL. BELIEVE YOU ARE FLEXIBLE and OPEN TO LEARNING and OPEN TO NAVIGATING.


NUMBER 13
PAGOD NA AKO
Photo by Karolina Grabowska from Pexels


May mga araw din naman kasi na napapagod tayo. Tao lang naman tayo. May limitasyon ang ating lakas. Kapag napapagod tayo, kailangan din nating magpahinga. Kapag tinatanggal mo ang salitang ito sa 'yong bokabularyo, mas pinahintulutan mo ang POSITIBONG BAGAY na makapasok sa buhay mo. Kapag sinasabi mong wala ka ng gana sa buhay o wala ka ng ganang mabuhay, ibig sabihin lang niyan, na nauubusan ka na ng lakas mental at lakas pisikal. At mas lalo kang mapapagod kung palagi mo lang iniisip na PAGOD ka na. Negative thoughts attract negative feelings and negative circumstances. Pwede ka namang mag relax muna. Pwede ka namang matulog saglit. Gain back your energy.


NUMBER 14
PALAGI NA LANG AKONG NABIBIGO
Photo by Andres Ayrton from Pexels


Bilang tao, mabibigo tayo ng maraming beses. Tanggapin na natin 'yan. Sino ba ang taong kilala mo na hindi pa nabibigo? Kasi ako maraming beses na akong palpak. Sa sobrang dami, hindi ko na nga mabilang e. Pero hindi ibig sabihin, na araw-araw na lang tayong mabibigo. Marami mang hadlang sa buhay natin, marami mang mga pagsubok na kailangang harapin, minsan matatalo tayo, minsan mananalo rin, kapag tinatawag mo ang iyong sarili na TALUNAN, bago mo gawin 'yan, tanungin mo muna ang sarili mo,

Ano ba ang ginagawa ko na nakakapaglugmok ng aking buhay?

Pinagsabay ko ba ang mga gawain ko?

Gagaya lang ba ako sa kanila?

Kailangan ko ba ng approval ng iba?

Dapat malaman mo na SAPAT ka na. At darating din ang araw, na ika'y MAGTATAGUMPAY. Magtiwala ka lang at patuloy ka lang sumulong.




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177

10 Dahilan Kung Bakit Hindi ka Nila Gusto By Brain Power 2177