10 THINGS To LET GO To Be HAPPY By Brain Power 2177


Photo by Ekiideung from Pexels


I believe that HAPPINESS is a CHOICE. Bakit ako naniniwala? Kasi hindi ka naman magiging masaya kung ayaw mong papasukin ang positive vibes sa buhay mo. Halimbawa, kahit ano pa ang gawin ng tao sa 'yo kung hindi mo siya mahal, hindi ka magiging masaya sa kanya. Bakit? Hindi mo hinahayaan ang sarili mo na maging masaya. Happiness will not come to you from another person, from your job or from your experience. Happiness comes from WITHIN. Only if... you're connected with God. Kung galit ka man, naiirita, nai-stress, nalungkot, 'yan ang kakain sa kaligayahan mo. Alam na natin 'to, pero mas pinipili pa natin 'tong niyayakap kahit alam na natin na nakakasira ito sa ating buhay. Bakit nga ba hindi natin mabitawan ang mga bagay na nagdudulot ng pagdurusa sa atin? Ano nga ba ang mga bagay na nakakapagpabigat ng ating buhay? Kung ano man 'yon, dapat na natin itong bitawan.


NUMBER 1
BITAWAN MO NA
ANG NAKARAAN
Photo by Keegan Houser from Pexels


Gustuhin mo man natin o hindi, darating talaga tayo sa punto na kailangan na nating BUMITAW. Ang mga sakit, ang mga hindi natupad na plano, mga nawalang tao sa buhay natin o mga bagay, mga pag-asang nagiging kabiguan, mga pangarap na naudlot. IT'S A HEALTHY WAY TO MOVE ON. Paano ka makakaabante kung bitbit mo lahat ng BIGAT ng kahapon? Hindi ka na makakalakad niyan. Letting go is not giving up. It's not quitting. Letting go doesn't mean you don't know what to do or don't know how to do it. Letting go simply means that you are aware that in order to experience anything NEW and BETTER, you have to first LET GO. Please lang... wag mong pahirapan ang sarili mo. Piliin mong bumitaw para sa ikakabuti ng iyong buhay. Bitawan mo lahat pero gamitin mo ang iyong nakaraan upang maayos mo ang iyong hinaharap. Sino bang tao ang nagda-drive na palaging nakatutok sa rear view mirror? Wala. 'Wag dapat gano'n kung ayaw mong bumangga. Ganyan din dapat sa buhay. Tumingin ka sa harapan. Don't look back. But learn from your PAST MISTAKES, enjoy the JOURNEY NOW and be EXCITED FOR YOUR PLANS.


NUMBER 2
BITAWAN MO NA ANG GALIT
Photo by Quang Nguyen Vinh from Pexels

Alam mo, hindi ka pinaparusahan ng Diyos dahil may GALIT kang kinimkim. Ang GALIT MO mismo ang nagpapahirap sa buhay mo. Anger is MERCILESS. It leaves you feeling TORN UP inside. Lahat naman tayo ay nagagalit, 'di ba? Kapag nagagalit ka, nararamdaman mo ba ang lahat ng negatibong EPEKTO sa katawan mo? Sasakit ang iyong ulo, maninigas ang iyong panga, umiinit ang iyong katawan, bumibilis ang tibok ng iyong puso, maninikip ang iyong dibdib at marami pang iba. You see, your ANGER kills you. Kapag galit na galit tayo, tayo pa rin ang nakakaawa. But to be honest, the HARDEST THING to DO is to calm yourself down. But it is also one of the most empowering feelings in the world to CONQUER anger. Kapag nabibitawan natin ang GALIT na 'yan, ibig sabihin na may kontrol tayo sa ating sarili. Ako rin ay magagalit paminsan-minsan. Normal lang naman ito sa mga tao. Kahit nga mga hayop ay magagalit din. Pero pagkatapos kong magalit, I close my eyes and take a deep breath then releasing it, leaves me feeling strong and powerful. Palagi lang natin itong tandaan:

Ang GALIT ay nagdudulot ng NEGATIBONG ENERHIYA

It solves NOTHING. Mas nadadagdagan pa nito ang problema natin. Gusto kong huminahon ka lang sa buhay. Pwede ka namang magalit pero dapat pag-isipan mo ang posibleng kahahantungan sa galit mo na 'yan. Kontrolin mo ang sarili mo. Don't let anger clouds your judgement and ruin your body. BITAWAN MO NA ANG GALIT MO.


NUMBER 3
BITAWAN MO NA ANG POOT
Photo by riciardus from Pexels


Malamang maitatanong mo kung ano ba ang kaibahan ng PAGKAPOOT at PAGKAGALIT. Siyempre itong dalawa ay magpinsan lang. Ang GALIT ay isang pangkalahatang termino na tumutukoy sa isang matinding damdamin o reaksiyon ng di-pagkalugod. Ang POOT ay nagpapahiwatig ng isang NAPAKATINDING GALIT na maaaring makapagpahamak. There is nothing that can destroy your composure like hatred. Dahil sa pagkamuhi mo sa isang tao, para mo na ring hinayaan na sila'y manalo at ika'y nakakulong sa sarili mong hawla. It's like you've given them the POWER to HURT you. 'Wag mong hayaang matali ka na lang sa sarili mong POOT. O 'di ba masakit pakinggan na IKAW lang ang nagpapahamak sa sarili mo. If you make the decision to let go of that hatred, you free yourself from the object of that hatred. In doing so, YOU WIN.


NUMBER 4
BITAWAN MO NA
ANG PAGPAPAKA PERPEKTO
Photo by Julian Jagtenberg from Pexels

Tandaan mo 'to, kung pinipilit mo na maging perpekto o nagpapakaperpekto ka, ibig sabihin, na ipinapamukha mo sa ibang tao na wala silang laban sa 'yo, na palagi lang silang MALI at ikaw ang palaging TAMA. Ito ang dahilan kung bakit IKAW pa rin ang nahihirapan sa sitwasyong 'to. Pinipilit mong abutin ang pagiging perpekto na hindi mo naman maaabot. Nag-eeffort ka para lang maabot mo ang hinahangad mong kasakdalan ngunit sa totoo ay nag-iilusyon ka lang. Let me ask you, is it worth being right to be unkind to another person? Maraming tao ang nagpapakaperpekto at makikita mo sila madalas sa KOMPANYAng pinagtatrabahuhan mo. Maraming mga katrabaho mong bobo na nagmamarunong. May mga utak talangka. Kahit na pilitin mong IKAW ang TAMA at ipamukha mo sa iba na MALI sila, TALO ka pa rin. Bakit? Kasi ibinuhos mo pa ang LAKAS mo para lang MAKABITAW ng NEGATIBONG ENERHIYA sa mundo.


NUMBER 5
BITAWAN MO NA
ANG PAGDADAHILAN
Photo by Michael Burrows from Pexels

Halos lahat naman tayo ay may iba't-ibang dahilan kung ayaw nating gawin ang isang bagay. Parang ito na rin ang ating PROTEKSYON. We never mean for them to hold us back but that's exactly what EXCUSES do. They keep us trapped in our current circumstances. Sa oras na hindi na tayo makakaabante, sinisisi natin ang ibang tao sa sarili nating kamalian. Why do we blame others? Because we don't want to take RESPONSIBILITY. Napakarami nating DAHILAN, kesyo ganito, kesyo ganyan, dahil may TAKOT tayo. Takot tayong gumawa ng panibagong bagay. Kaya nagdadahilan na lang tayo. Let go of the NEED to make up excuses. Kung palagi ka lang nagdadahilan, wala kang patutunguhan. If you want to be happy, you need to be RESPONSIBLE for your own LIFE and for your own FUTURE.


NUMBER 6
BITAWAN MO NA
ANG TAKOT
Photo by S Migaj from Pexels

Speaking of PAGDADAHILAN, nang dahil sa TAKOT, nabubuo natin ang maraming dahilan,

FEAR CRIPPLES YOU
FEAR CLOUDS YOUR MIND
FEAR WASTES YOUR ENERGY

To be honest, for a very long time, FEAR has CONTROLLED me. It has paralyzed me, kept me living in DESPERATE situations and stopped me from living the life of my dreams. Kahit sinuman ay may takot na dinadala sa buhay. Hindi natin mapapahinto ang pagtakbo ng ating isipan pero makokontrol natin ito. Maraming bagay ang hindi importante sa buhay natin pero mas sineseryoso pa natin. Marami rin tayong kinakatakutan na nalalagpasan din natin. Maging HANDA ka lang palagi. 'Wag mong hayaan na uunahan ka ng takot.


NUMBER 7
BITAWAN MO NA
ANG PAGKOKONTROL SA IBA
Photo by cottonbro from Pexels

Alam mo ba kung bakit nangungontrol ka ng ibang tao? Dahil hindi mo kayang kontrolin ang sarili mo. Your insecurities run away with you. None of us are PERFECT. Everyone flies off the handle sometimes or gets LOST in their own THOUGHTS and FEELINGS. Pero marami pa rin ang walang kakayahang kontrolin ang kanilang sarili. Kaya nangingialam na lang sa buhay ng iba. Sa tingin mo ba'y maging masaya ka sa ganyang gawain? Gusto ko lang malaman mo 'to, sa oras na kontrolin mo ang ibang tao, mararamdaman mo rin na lalayuan ka nila kasi nakakasakal ka na. Mararanasan natin ito minsan sa relasyon. Mapababae man o lalaki, lahat tayo ay may ganyang pag-iisip o gawain. Mayroon tayong insecurities, mayroon tayong inggit sa katawan at mayroon tayong negatibong ugali. Kaya minsan gusto nating pahirapan ang ibang tao. But NOT anymore dahil NATUTO na tayo. Ang magagawa lang natin ay diligan natin ang iba. Maging masaya na lang tayo sa desisyon nila.


NUMBER 8
BITAWAN MO NA
ANG PAGPAPASIKAT

I have a confession to make and I must say I'm not very proud of it. I used to be a people-pleaser at tinatawag ko itong PASIKAT. Yes, I was a total PUSHOVER. Mas ginagawa ko pa ang iba't-ibang bagay para lang maging proud ang iba sa akin, ginagawa ko lahat para sa iba kahit hindi na ako masaya sa sarili ko. All the decisions I made and everything I did was based on what other people EXPECTED and WANTED from me. Oftentimes, I felt like I was not living my own life but someone else's. Ginagawa ko 'yon para hindi sila madismaya sa 'kin. Gusto kong proud lang sila palagi. I was too afraid of being disliked or rejected. Nararanasan mo ba ang naranasan ko? Kung OO, oras na para bitawan na natin ang ganitong mentalidad. Oras na para isipin lang natin ang ating sarili. Gawin lang natin kung ano yung nagpapasaya sa atin. Wala na tayong pakialam kung hindi natutuwa ang iba sa ginagawa natin. Become aware of everything that's going on inside of you. There are certain things you must DO in order to THRIVE and you should follow your INNER VOICE. Not what others want for you. The TRUTH is, you can't PLEASE all people. Kahit gaano ka pa kaGANDA, kaGALING, ka-AYOS at anu-ano pa, may mga tao pa ring gagawa ng butas para mapabagsak ka lang. Kaya sino ba ang masasaktan? Siyempre IKAW lang din. Hindi ka kailanman magiging masaya sa ganitong gawain. Bakit? Kasi hindi mo pinapakinggan ang sarili mong pag-iisip. Nakapokus ka lang sa inaasahan ng mga tao para sa 'yo. Oras na para sarili mo naman ang intindihin mo. Let go of what others tell you to do. Allow yourself to be YOURSELF. Allow yourself to be FREE.


NUMBER 9
BITAWAN MO NA
ANG NEGATIBONG PAG-IISIP
Photo by Cliford Mervil from Pexels

Noong kami pa ng ex ko. Kung tatawag ako sa kanya, tapos hindi niya sasagutin ng ilang beses, iba't-iba na ang papasok sa aking isipan. Alam kong naranasan mo na 'to. There's a lot of negative thinkers around the world. The eternal TRUTH OF LIFE is that NOTHING is BLACK or WHITE. This all is in EXISTENCE due to NEGATIVE THINKING. Negative thinking leads to view BAD STUFF in the extreme moments. Never let your thoughts take over you. Why live your life feeling bad? Life is such a beautiful and grand adventure and we are given such AMAZING power. May utak tayo na kailangan nating kontrolin. Ito kasi ang nakakatakot, kapag palagi na lang negatibo ang iniisip mo, mas lalo itong LALAKAS. Mas lalo kang makokontrol nito hanggang sa aabot ka sa depresyon. Only permit positive thoughts into your mind and be amazed at the enormous changes which will come about in your life.


NUMBER 10
BITAWAN MO NA
ANG KAKAISIP NG MGA LIMITASYON

Pero hindi ibig sabihin na UNLIMITED na lang ang LAHAT sa buhay. May limitasyon rin tayo. Katulad ng hindi tayo IMORTAL. Limitado lang ang ating HININGA. Pero hindi LIMITADO ang ating KAKAYAHAN. Your life is greatly determined by your beliefs and if you look around and pay attention, you will realize that it is not our ability or environment which holds us back but rather our beliefs. If you believe you can do something, you only need to PERSIST and be PATIENT and eventually you will GET it. Alam naman natin na si Thomas Edison ang nakaimbento ng ilaw. Paano kung sumuko na lang si Thomas Edison dahil maraming beses na siyang palpak sa kanyang imbensyon? Ano kaya sa tingin mo ang buhay natin ngayon? But he believed he could succeed and he DID because he PERSISTED. We only need to study the stories of success to realize that we are only LIMITED by our own BELIEFS.




Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177

If You Want To Give Up, READ This by Brain Power 2177