7 BELIEFS That Will Make Your Life Better By Brain Power 2177
Photo by Sebastian Voortman from Pexels
Maraming tao ang nalulunod na sa buhay. Maraming mga taong walang LAYUNIN, walang DIREKSYON, walang KASIYAHAN. Sa sobrang sanay na sa mga negatibong pangyayari, hindi na nila binigyang pansin kung paano maging masaya. Hindi man lang sila naghanap ng tamang solusyon. Paano ka makakahanap ng tamang solusyon kung ikaw mismo ang naglimita sa sarili mo? Kung limitado lang ang iyong pag-iisip, mamumuhay ka rin ng LIMITADO. Alam naman nating lahat na mahirap ang buhay. Paulit-ulit ko ng sinabi 'to. Pero 'wag natin 'yang gamiting dahilan para hindi tayo kumilos. May maraming pagsubok na nalampasan mo na. May mga darating pang pagsubok na kailangan mong banggain. May kalungkutan rin at pagdurusa. Pero idadahilan lang ba natin 'to? Naniniwala ka ba na wala na talagang pag-asa? Naniniwala ka ba na ito na talaga ang buhay mo? Hanggang dito ka na lang ba? Ano ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay? Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Hahayaan mo na lang ba na KOKONTROLIN ka ng buhay o IKAW ang magkokontrol sa buhay mo? Ngayon ay tuturuan kita kung paano ITAMA ang PAG-IISIP mo.
NUMBER 1
MATUWA KA PA RIN
KAHIT NAHIHIRAPAN KA NA
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Mahirap bang maging masaya kapag nahihirapan ka na? Alam kong OO ang sagot mo. Pero sa tingin mo ba ay makakatulong ang pagiging MALUNGKUTIN? Hindi, 'di ba? Mas lalong lulubog ang buhay mo kung hahayaan mo lang na ilulubog ka nito. Kapag palagi kang malungkot, mas lalo kang tatapak-tapakan ng sitwasyon. Alam mo kung bakit? Dahil hindi mo mapapansin ang mga magagandang bagay sa harapan mo. Nakapokus ka na lang kasi sa kadiliman. 'Wag mong hayaan na ang maliit na pangyayaring 'yan ay kakain sa KALIGAYAHAN mo. Traffic lang, galit ka na. Isang negatibong salita lang ng isang tao, galit ka na. Hiniwalayan ka, sobra na ang reaksyon mo. Pwede ka namang magalit. 'Wag lang araw-araw. At sa maliit na dahilan ng galit na 'yan, dinadala mo buong araw. 'Yan ang nagpapabigat sa buhay mo. 'Wag mong bitbitin. Let it GO. Hindi ba't IKAW lang din naman ang may kasalanan kung ba't ka nagkakaganyan? Kasi hinayaan mong maging ganyan ka. Ang pagiging masaya ay isang KAGUSTUHAN. Maaari mong piliing maging masaya. May mga bagay man na magpapalungkot sa buhay mo pero nasa sa 'yo pa rin ang huling pagpapasiya kung magpapaapekto ka ba o hindi. Bear this in your mind: LIFE WILL ALWAYS THROW YOU DISCOMFORT. BUT DON'T REACT NEGATIVELY. Ikaw lang ang may kontrol sa nararamdaman mo. Ipangako mo sa sarili mo na gagawa ka ng positibong bagay araw-araw. Kapag ginagawa mo 'yang pangako mo, mas lalong TATATAG ang buhay mo. Wala ng makakapigil sa 'yo. Alam mo ba kung ano ang tanging makakapigil sa 'yo? IKAW lang naman. Ang LIMITADONG PAG-IISIP mo. May kanya-kanya tayong sitwasyon at dapat rin nating malaman, na sa bawat sitwasyon ay may SOLUSYON. If you're sending positive energy into the world, positive things are attracted to you. Marami namang positibong nangyayari sa paligid, 'di ba? Hindi mo lang napapansin dahil nababalot ka ng negatibong pangyayari.
NUMBER 2
ANG DAMING BAGAY
NA MAPAPASALAMATAN MO
Photo by Matheus Bertelli from Pexels
Mahirap bang intindihin 'yan? Hindi lahat ng mayaman ay masaya. At hindi rin lahat ng masaya ay mayaman. May mga taong walang-wala rin sa buhay pero makikita mo ang wagas nilang mga ngiti. Minsan ba'y naiisip mo kung bakit gan'on? Masaya sila dahil pinapahalagahan nila ang mga maliit na bagay na nakamit nila. Bakit may mga mayaman na hindi masaya sa kanilang buhay? Kasi hindi sila natutong makontento sa mga bagay na mayroon na sa kanila. Palagi pa rin silang naghahabol ng dagdag na kayamanan. Hindi ko naman nilalahat pero ito talaga ang masakit na KATOTOHANAN. Ano ang pipiliin mo? Pahalagahan ang maliit na bagay na nakamit mo na o may marami ka ngang nahawakan pero pakiramdam mo ay kulang pa? Hindi ko naman sinasabi na kailangan mong maging mayaman para maging masaya. Ibig kong sabihin, ilagay mo ang iyong sarili sa tamang posisyon, na kahit walang-wala ka ay nakakaramdam ka pa rin ng kasiyahan. 'Yan lang naman ang hinahangad natin, 'di ba? Ang maging MASAYA. ALWAYS FEEL that you are BLESSED. Because you are really BLESSED.
NUMBER 3
MAGPAKATOTOO KA
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Ilang beses ko na 'tong sinasabi sa mga videos na ina-upload ko. Pero marami pa ring indibidwal ang nagtatago sa likod ng kanilang pagkatao. Naniniwala sila na kapag umaasta silang GANITO o GANYAN, marami na raw ang magmamahal sa kanila. Oo marami nga. Maraming PEKENG TAO ang maa-attract mo kasi pinipeke mo ang sarili mo. Real people recognize real people. So if you're FAKE, what do you expect? That's the sad truth. The truth cuts deep. You will never attract the right people by being someone you are NOT! Tanggapin mo ang sarili mo, tanggapin mo ang tunay mong pagkatao, upang madali ka ring matanggap ng ibang tao. Unawain mo ang sarili mo upang maunawaan ka rin ng iba. Dahil sa lipunang puno ng pandidikta, isang malaking tagumpay na ang hindi pagsunod sa kanila. Sundin mo ang utos ng puso't isip mo. Lakasan mo ang iyong loob na ipakita ang tunay mong pagkatao.
NUMBER 4
MAKAKAYA MO 'YAN
Photo by Hassan OUAJBIR from Pexels
Alam kong nag-aalinlangan ka kung makakaya mo ba ang problema mo o hindi. Dahil sa pag-aalinlangan na 'yan, wala ka na ring ginawa. Palagi mo kasing iniisip na hindi mo kaya. Kapag iisipin mong hindi mo kaya, TALO ka na kaagad. Tignan mo ang mga matagumpay na tao, nagsisimula sila sa WALA, pero nagtatapos sila sa MAYROON. Bakit? Dahil iniisip nila palagi na kaya nilang baguhin ang kanilang buhay, na kaya nilang banggain ang kahit anumang pagsubok, na ang iniisip nila ay magkakatotoo, at nagkakatotoo nga. If you can SEE it in your MIND, you can HOLD it in your HAND. Bumangon ka at sabihin mo: KAYA KO 'TO! Talagang kaya mo. Paniwalaan mo ang salitang 'yan. Ikapit mo ang salitang 'yan sa buhay mo. May pangarap ka, 'di ba? Pagplanohan mo ng maayos. Trabahuhin mo. Gawin mo ang lahat upang makamit mo.
NUMBER 5
MAGPAKABAIT KA
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
That's the GREATEST POWER YOU HAVE! Lahat ng taong mabait ay nananalo sa buhay. Hindi lang ito nangyayari sa TV. Kaya't 'wag mong tapak-tapakan ang ibang tao. Hindi dahil MABAIT kang tao ay MAHINA ka na sa mundong 'to. Takot ka bang magpakabait dahil iniisip mo na tapak-tapakan ka lang nila? Ang kabaitang ipinapakita mo sa mundo ay nakikita rin ng Diyos. Siya ang gaganti sa ipinakita mong kabaitan sa lahat. Mas lalo ka Niyang iaangat sa buhay. Paano kung may masamang tao na sumasawsaw sa buhay mo? Papatulan mo ba sila? Ito lang ang maipapayo ko sa 'yo: 'Wag mong kolektahin ang negatibo nilang enerhiya. Bakit? Ikaw ang masisira niyan. If you are KIND, you will also meet KIND PEOPLE. Positive attracts positive.
NUMBER 6
ISIPIN MO NA MAY PAGPAPALA
AT ARAL KANG NAPUPULOT
Photo by Jill Wellington from Pexels
Dalawa lang naman ang hatid ng ating problema, pagkatapos ng matinding problema, may darating na magandang PAGPAPALA. Kung wala ka namang pagpapalang natanggap, may ARAL ka namang makukuha sa problemang 'yon. O hindi ba't panalo ka pa rin sa huli? Lahat naman tayo ay nakakaranas ng matinding kahirapan sa buhay. Iba't-ibang uri ng paghihirap. Take note: LAHAT TAYO, hindi lang IKAW. Pero dalawa lang ang pagpipilian mo sa buhay: SUSUKO ka na lang ba o LALABAN ka pa? Ang mga taong madaling sumuko sa buhay ay ang mga taong hindi nakakaintindi kung ano ang kahulugan ng buhay. Ang mga taong patuloy na lumalaban kahit nahihirapan na ay palaging naniniwala na may PAG-ASA pa sila hangga't sila'y humihinga pa. Alin ka sa dalawang taong 'yan? Ikaw ba'y madaling sumuko o ikaw ba y'ong palaban? Marami kang matutunan sa mga kahirapan na dinanas mo. Magagamit mo 'yan sa hinaharap. Dumating ang problemang 'yan para PATATAGIN ka, para mas lalo kang MAGSIKAP, para mas maintindihan mo kung paano patakbuhin ang iyong buhay, para malaman mo rin na may dahilan ang lahat ng 'to.
NUMBER 7
MAGTATAGUMPAY KA
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Maniwala ka na magtatagumpay ka. Paano ka mananalo sa laban mo kung sa isipan mo pa lang ay TALO ka na? Tignan mo nga ang sarili mo sa salamin. Ang taong nakikita mo ay puno ng pasa sa buhay pero bumabangon pa rin siya. Maraming pinagdadaanan ang taong 'yan pero patuloy pa rin siyang humihinga, patuloy pa rin siyang lumalaban. Lahat ng magagandang bagay ay mapupunta sa 'yo kung MAGPAPATULOY ka lang.
Comments
Post a Comment