Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177


Photo by Tima Miroshnichenko from Pexels


Kung pakiramdam mo na ang iyong mga panalangin ay hindi nagdudulot ng resulta, mayroon tayong sagot! Ang Bibliya ay may iilang mga hakbang sa mabisang panalangin na may 100% tagumpay, at ibabahagi natin ito sa 'yo ngayon.
 
Kung nagdarasal ka, ngunit parang ang iyong mga panalangin ay hindi nagdudulot ng resulta, mayroong sagot.



Malinaw na tinukoy ng Bibliya ang pormula para sa ganitong uri ng matagumpay na panalangin na 100% epektibo.

Nilayon mong mabuhay ng matagumpay. Ang Diyos ay may mga nakamamanghang plano para sa 'yo. Inilaan niya ang isang mana ng kasaganaan upang masisiyahan ka. Ngunit ang kalooban ng Diyos ay hindi awtomatiko. Mayroon ka ring isang bahagi na gagampanan.

Kung handa ka nang maranasan ang isang 100% tagumpay sa pagdarasal, narito ang mga hakbang sa panalangin na nagdudulot ng resulta.

NUMBER 1
HUMILING KA AYON SA KALOOBAN NG ATING AMA
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels






Hindi mo makikita ang resulta kung humiling ka sa Kaniya ng walang kabuluhang bagay. Hindi ka pwedeng hingi ng hingi na lang at aasa na may mangyari. 



Kung nais mong matanggap ang mga hinihingi mo sa tuwing manalangin ka, ang iyong mga panalangin ay dapat na nakabatay sa Salita ng Diyos.



Kaya, ang unang hakbang sa pagdarasal na magdudulot ng resulta ay hanapin ang mga salita na akma sa iyong sitwasyon sa Salita ng Diyos. Kung nahanap mo na ang eksaktong ipanalangin mo, ihagis mo na sa Kaniya ang panalanging 'yon nang may katapangan at kumpiyansa.

Ang prinsipyong ito ay gumagana sa anumang larangan ng pagdarasal. Gusto mo bang gumaling ang iyong karamdaman? 'Wag kang manalangin kung ano ang sinabi ng doktor sa 'yo o kung ano ang itinuro sa 'yo ng tradisyon.



"Salamat, oh Diyos ko,
na inilaan mo ang paggaling sa aking katawan.
Tulungan mo akong matanggap ito ngayon.
Pinasasalamatan kita
at pinupuri kita dahil dito!”

Mayroon ka bang pangangailangan sa pananalapi? 'Wag mong ipanalangin ang iyong problema, ipanalangin mo ang sagot.  Sinabi ng Diyos na maglalaan Siya para sa 'yo, kaya't manalangin,



Kapag nakatuon ka sa sagot, bubuhayin nito ang iyong pananampalataya.


NUMBER 2
MANALANGIN KA NANG MAY PANANAMPALATAYA
Photo by Luis Quintero from Pexels




Kapag nagsimula ka nang magdasal batay sa Salita ng Diyos, ang susunod na hakbang sa mabisang pagdarasal ay isubsob ang iyong mga panalangin sa pananampalataya. Nangangahulugan 'yon na hindi ka maghihintay na makikita mo ang mga sagot bago ka maniwala. Hindi 'yon totoong pananampalataya. Ang tunay na pananampalataya ay kahit hindi mo pa nakikita ang resulta, ay talagang naniniwala ka ng buo na ilalaan 'yon ng Diyos para sa 'yo.

Ito ay maaaring mahirap sa umpisa, ngunit sa pagsanay mong paglalapat ng iyong pananampalataya, ito ay magiging isa ng paraan ng iyong pamumuhay. Narito ang ilang mga tip sa mabilis na pagsisimula para sa pagdaragdag ng pananampalataya sa 'yong mga panalangin:

Una ay MANIWALA ka na matatanggap mo kapag nagdarasal ka.

Ang Salita ng Diyos ay laging totoo. Hindi siya nagsisinungaling. Kung sinabi Niya na tapos na, tapos na talaga. Kaya sa pagdarasal mo, MANIWALA ka na maglalaan Siya para sa 'yo at MANIWALA kang GAGAWIN Niya talaga 'yon. Dapat walang halong pag-aalinlangan.

Pangalawa ay IPAGTAPAT MO SA KANIYA

Simulan mo ang iyong pagtatapat nang may pananampalataya bago mo matanggap ang mga sagot sa panalangin mo. Hawakan nang mahigpit ang iyong pagtatapat nang hindi nag-aalinlangan. 'Wag kang mananampalataya ng isang araw lang at bukas nagdududa ka na naman ulit. Minsan kasi ang mga sagot na pinakahihintay natin ay hindi agad-agad natin matanggap. Kaya habaan natin ang ating pasensya at patuloy tayong MAGTIWALA na papalapit na 'yon sa atin. Hindi lang natin alam kung kailan.

Pangatlo ay KUMILOS KA

Hindi pwedeng hingi ka lang ng hingi at wala ka namang inaaksyonan. Nang ang 10 ketongin ay lumapit kay Jesus para magpagaling, sinabi Niya sa kanila na pumunta sa mga pari, at nang sila ay nagpunta, sila ay nalinis. Hindi sila tumayo roon at hinintay na may gawin si Jesus. Saktong ginawa nila ang sinabi ni Jesus na dapat nilang gawin. Kumilos sila ayon sa Kanyang salita. Iyon ay kung paano mo mailalapat ang iyong pananampalataya.

Ganun din ang nangyari sa babaeng may isyu sa dugo. Kumilos siya ayon sa kanyang pananampalataya, hinawakan niya ang balabal ni Jesus upang gumaling. Buo ang Kaniyang pagtitiwala na magagaling siya ni Jesus at inaaksyonan niya talaga. Kapag ang pananampalataya ay inilapat mo at kumilos ka lang, makikita mo ang mga resulta.

Faith can move mountains. Totoo ang pahayag na ito. Hindi 'yan magkakatotoo kung wala kang ginagawa. Gawin mo rin ang bahagi mo. Tutulungan ka palagi ng Diyos. Kapag may hihingin ka sa Diyos, hindi mo ito makikita. Hindi mo ito mararamdaman. Ngunit ALAM na ALAM mo na ibibigay Niya 'to sa 'yo. Kailangan mo lang ng mahabang pasensya. Sa bawat oras na kumilos ka nang may pananampalataya, nang may determinasyon, palagi kang magwawagi.

 
NUMBER 3
'WAG KANG MATAKOT SA 'YONG PAGLALAKBAY
Photo by Simon Migaj from Pexels






Si satanas ay isang master trickster.  Ngunit dahil wala siyang anumang tunay na awtoridad, kailangan niyang umasa sa parehong lumang taktika. At 'yon ay ang TAKOT. Ibabaon ni Satanas ito sa isipan mo. Nakakapanghina ang takot. Hahadlangan nito ang iyong paniniwala sa Diyos, pipigilan ka nitong makatanggap ng biyaya mula sa Diyos. Ngunit si Satanas ay mali sa lahat ng oras. Inaakala niya na masasakop ka niya. Hindi ka niya masasakop dahil buo na ang PAGTITIWALA mo sa Diyos.

Kung gusto mong makita ang mga resulta sa 'yong pagdarasal, ang takot at pag-aalinlangan ay hindi na maaaring maging bahagi ng iyong isipan. Hindi mo laging kailangang sabihin ang lahat ng iniisip mo. At tiyak na hindi mo kailangang sabihin ang mga bagay na hindi mo sinasadya. Sinabi ni Jesus,



Ang pagiging di-tapat ay nagmumula sa kasamaan. Linisin mo ang iyong isipan. 'Wag mong papasukin ang pag-aalinlangan at takot sa iyong isipan. Kayang-kaya mong harangan ang negatibong bagay na 'yon. Hindi mo makokontrol na may diyablong kakatok sa 'yong pintuan pero ikaw lang ang magpapasya kung pagbubuksan mo ba o hindi. Tulad ng hindi mo makokontrol ang mga ibon na lilipad sa ulo mo pero makokontrol mo ang iyong sarili na iwasan sila upang hindi nila mapupugaran ang iyong ulo. Hindi lamang si satanas, ngunit kahit na ang mga tao ay susubok na wasakin ang iyong pananampalataya. 'Wag kang magpapatinag sa mga sinasabi nila. 'Wag kang matakot. 'Wag kang mag-aalinlangan.
 

NUMBER 4
TINGNAN MO NA NAGTATAGUMPAY KA NA
Photo by Sora Shimazaki from Pexels




Magtatagumpay ka lang kung maniniwala kang magtatagumpay ka. Bahagi ng pagkakaroon ng pananampalataya para sa dasal na nagdudulot ng resulta ay ang pagtingin sa 'yong sarili na nagtagumpay ka na at aakuhin mo kung ano ang pinaniniwalaan mo. Nangangahulugan ba ito na nakikita mo ang mga sagot sa literal? Hindi. Nangangahulugan ito na nakikita mo ito sa 'yong espiritwal na mga mata. Kung talagang nakikita mo ito, hindi lamang sa 'yong isipan, ngunit sa kaibuturan ng iyong espiritu, ito'y maging isang REALIDAD sa 'yo, kasing totoo ng isang literal na bagay na nakikita mo sa paligid. 'Yon ang uri ng paniniwalang panalangin na nagdudulot ng mga totoong resulta.

Ngunit hinding hindi mo makakamit ang tagumpay kung hindi mo iiwasan ang mga taong toxic. Sila y'ong mga taong pilit kang ibagsak at papahinain ka. Hindi ka magtatagumpay kung sumama ka sa mga taong palaging nagsasalita tungkol sa pagkabigo. Sila ang hihigop ng iyong lakas spirituwal.

Magpasya ka ngayon din upang magtagumpay. Kung may plano ka sa buhay, paniwalaan mo na magtatagumpay ka sa mga planong 'yon. 'Wag mong haluan ng pag-aalinlangan. 'Wag mong haluan ng mga ‘What Ifs’ kasi 'yan ang magpapabagsak sa 'yo. Magplano ka para sa tagumpay. Magplano ka para sa kapanalunan. Magtiwala ka na ang mga planong 'yon ay ibibigay sa 'yo ng Diyos. Palawakin mo ang iyong pananampalataya. ‘HINDI KO KAYA’ ORAS NA para tanggalin mo 'yan sa isipan mo.
  

NUMBER 5
TUMESTIGO KA NA SINASAGOT ANG IYONG PANALANGIN
Photo by ROMAN ODINTSOV from Pexels




Sinasabi sa atin ng talatang ito na nadaig natin ang mga plano ng ating kaaway sa dalawang paraan: sa pamamagitan ng dugo ni Hesus at ng salita ng ating patotoo, dahil binibigkas natin ito. Ngunit mayroon tayong isang kaaway na magnanakaw, gumala-gala para pumatay at sirain ang ating mga karapatan. Ginawa na ni Hesus ang Kanyang bahagi sa pagtalo sa kanya, at ang bahagi natin ay simple lang, gamitin natin ang ating bibig upang magsalita. Ibahagi natin ang Salita ng Diyos. Ginawa mo na ang iilang mga hakbang upang makarating sa puntong ito, 'wag kang tumigil. Kapag nagpatotoo ka sa sinagot na panalangin, nakakamit mo ang dalawang bagay:

Una ay INAANGKIN mo kung ano ang para sa 'yo. You have the right to have anything the sacrifice of Jesus procured. When you testify to that right, it begins to take place in your life. Ang iyong patotoo sa pananampalataya ay maghihikayat sa iba at makakatulong na mabuo rin ang kanilang pananampalataya. Iyon ang dahilan kung bakit sinabi ni Jesus sa lalaking nasapian ng demonyo na umuwi at sabihin sa kanyang pamilya ang lahat ng ginawa sa kanya ng Diyos,





Ang iyong patotoo ay isang napakalakas na sangkap sa 'yong buhay sa pagdarasal.


NUMBER 6
TULUNGAN MO ANG IBANG TAO
Photo by RODNAE Productions from Pexels




Sa ngayon, nalaman natin na ang panalangin na nagdudulot ng resulta ay pinalakas ng pananampalataya. At ngayon, nakikita natin na ang pananampalataya ay gumagana sa pamamagitan ng pag-ibig. Sa madaling salita, kung nais nating tumaas ang antas ng ating pananampalataya, dapat nating ipahayag ang pananampalatayang iyon sa pamamagitan ng pagmamahal sa iba. Ang ating pananampalataya ay pinalalakas sa pagtulong natin sa iba. Kaya kung naninindigan ka at naniniwala para sa isang bagay sa pagdarasal, tulungan mo rin ang ibang tao. Sabihin mo sa iba kung ano ang ginawa ng Diyos sa 'yo. Kapag ginawa mo ito, lahat ng iyong mga problema ay tila titiklop.

Ang totoong kasaganaan ay ang kakayahang gamitin ang kapangyarihan ng Diyos upang matugunan ang mga pangangailangan ng sangkatauhan sa bawat larangan ng buhay - espiritu, emosyonal, pisikal, pampinansyal at panlipunan.


NUMBER 7
MATUTO KANG MAGBIGAY
Photo by Puwadon Sang-ngern from Pexels


'Wag mong SOLOHIN ang iyong mga biyaya. Matuto ka ring magbigay sa kapwa mo. Tandaan mo na lahat ng nagpapakataas ay ibinababa ng Diyos. Kaya Niyang bawiin ang lahat ng nasa sa 'yo.



Kung gusto mong makatanggap ng biyaya mula sa Diyos, ipagdasal mo rin ang iba na makatanggap rin sila. Kung gusto mong gumaling mula sa 'yong karamdaman, manalangin ka rin na gumaling sila.



The way you measure out is how it will be measured back. Parang KARMA lang rin, 'di ba? Ang Diyos ay pag-ibig. Kung gusto mong maisalba ang iyong sarili, tulungan mo rin ang iba kung paano isalba ang kanilang sarili. Kung gusto mo ng maraming pagkain, matuto kang magbigay kahit walang-wala ka. Ibabalik ito ng Diyos nang mas masagana pa sa inaasahan mo. Lumakad ka sa kaliwanagan at siguradong gagabayan ka ng Diyos.

God is looking for someone He can use to become a channel of His blessings. Kung bibigyan ka ng Diyos, ibahagi mo rin sa iba. 'Wag kang kuha ng kuha, hingi ng hingi, tanggap ng tanggap, matutuo ka ring magbigay nang taos puso. Magpokus ka sa pagbibigay at ika'y pagbibigyan Niya. Sasagutin Niya ang iyong mga panalangin.

Kung gagawin mo lang ang mga hakbang na 'to, ang lahat ng panalangin mo na ayon sa kalooban ng Diyos, ay matatanggap mo. Paunlarin mo lang ang iyong pananampalataya. 'Wag ka ng mag-aalinlangan. Alisin mo ang iyong takot. Magtiwala ka lang sa Kaniya at siya'y maglalaan ng anuman para sa 'yo.




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177