10 Things That Will Make Your Life Stronger By Brain Power 2177
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
NUMBER 1
HABAAN MO ANG IYONG PASENSYA
Photo by Matthias Cooper from Pexels
Halos lahat ng tao'y nagmamadali na. Gusto agad-agad makuha ang kagustuhan nila. Namumuhay na tayo sa lipunan na gustong mabilis ang lahat ng proseso. Halos lahat pwede ng orderin online. Halos lahat gusto ng pinakamabilis na internet connection. There's little reason for us to exercise patience anymore. Palagi na lang tayong nagtatanong,
“Paano natin mapapadali ito?”
“Paano natin ito matatapos kaagad?”
“Saang daan tayo dadaan para mas madali?”
We have forgotten what it means to TAKE OUR TIME. Damhin muna natin ang bawat pagkakataon. TAKE YOUR TIME. HUMINAHON KA LANG. Makakarating ka rin sa 'yong paroroonan. May nakikita ka bang mga pananim na tumutubo kaagad? Kahit ang bagal nilang tumubo pero tingnan mo ang kagandahan ng ating kapaligiran. Look at how complex it is. Sobrang napakaganda at makulay ang ating mundo. Gusto kong mataas lang ang pasensya mo tulad ng mga pananim, mga punongkahoy, mga bulaklak. 'Wag kang magmadali baka may makaligtaan ka sa 'yong buhay.
NUMBER 2
PALAKASIN MO ANG IYONG SARILI
Photo by juan mendez from Pexels
Hindi lang ibig sabihin ay PISIKAL. Kundi pati na rin ang mentalidad at spiritwalidad mo. Kailangang malakas ka upang hindi ka madaling tumiklop sa laban ng buhay. Lumabas ka sa lungga mo at tignan mo ang puno sa paligid mo. Ilang taon na silang nandiyan? Ilang sakuna na ba ang kanilang nakaharap? You must find your strength to weather through everything that life presents you. Alam kong pagod na pagod ka na sa buhay. Pero alam ko ring may natitira pang lakas sa kaloob-looban mo. Kailangan mo pang sumulong. Weather the storm.
NUMBER 3
KAILANGAN MONG TUMULONG SA IBA
Photo by Maryia Plashchynskaya from Pexels
Positivity is not about you doing it for yourself, it's also doing it for other people. Ginawa tayo ng Diyos hindi para gumawa ng pansarili lang. Kaya nga ginawa ng Diyos si Eva para tumulong kay Adan. Ang pagtutulungan ay nakaukit na sa ating buhay. Kung hindi nagtutulungan ang mga tao noon, wala lahat ang mga bagay ngayon. Our species would never have survived. Pero ngayon, halos lahat ng tao'y iniisip na kaya nila ang lahat kahit literal na nag-iisa. Pwede ka namang mag-isa pero kung kailangan mo ng tulong, humingi ka ng tulong. Kung nangangailangan din ang iba, tulungan mo rin. Alam mo, hindi ka aasenso sa buhay kung wala kang positibong tao na karamay. Hindi ka magagamot kung walang manggagamot. Hindi ka makakasayaw kung walang gumagawa ng beat. Sa madaling salita, hindi natin masasaksihan ang kagandahan ng mga imbento kung wala ang nag-iimbento ng mga bagay. Kaya nga may mga mentors para turuan ka at tulungan kang makaahon. Siguro hindi mo pa alam 'to, ang mga malalaking puno ay tumutulong sa mga maliliit na puno gamit ang kanilang underground fungal networks para maipasa nila ang tubig, carbon at iba pang pangangailangan ng mga maliit na puno. Kung wala ang kooperasyon na ito, may mga puno pa bang mabubuhay ngayon? When we work together, we can accomplish so much more.
NUMBER 4
AYUSIN MO ANG IYONG SARILI
Photo by Andre Furtado from Pexels
Ibig kong sabihin ay kumalma ka lang. Maghihilom rin ang sugat sa puso mo. ADAPT and REGENERATE. Kapag nasusugatan ka, pupunta ang mga selula sa mismong sugat para pagalingin ito. You see, you have the power to HEAL YOURSELF. Katulad rin ng puno. Kung pinuputol mo ito, may selula rin ito na makapagtustos ng tubig o nutrients para muli itong mabuhay. We must be WILLING to ADAPT in order to HEAL OURSELVES. Kahit ano pa ang gagawin mo palagi kang makakaranas ng iba't-ibang pagsubok sa buhay. Pero ang REAKSYON mo ang tanging maghuhulma sa tunay mong karakter. When we begin to heal ourselves, we can begin to MOVE FORWARD.
NUMBER 5
MAGPAKATATAG KA PALAGI
Photo by Sharmaine Monticalbo from Pexels
'Wag kang magpapaapekto sa ibang tao. Dapat proud na proud ka sa sarili mo. Dapat proud ka sa mga nakamit mo sa buhay. There's always ROOM to GROW.
NUMBER 6
MAGPAHINGA KA KUNG PAGOD KA NA
Magpahinga ka lang pero 'wag kang hihinto. Pwede ka namang magpahinga. Pero hindi ka pwedeng sumuko. Don't allow the things stop you from doing what you love. Kung naaabotan ka na ng dilim. Magpahinga ka muna habang naghihintay ka ng liwanag. Take as much care to rest and conserve your energy. Kahit napakakaunting oras lang ng pahinga mo, may malaking benepisyo ito sa kalusugan mo. Lahat naman tayo'y napapagod. Hindi tayo robot. Marami tayong ginagawa sa araw-araw. At nakakalimutan na nating alagaan ang ating sarili. TAKE CARE OF YOURSELF.
NUMBER 7
MAGING TAPAT SA LAHAT
Photo by Engin Akyurt from Pexels
TAPAT sa lahat ng tao at TAPAT sa sarili mo. Magpakatotoo ka. Napapansin mo ba ang katangian ng mga pananim? Kapag spring season, may tutubong bagong pananim at tutubo ang mga bagong dahon. Kapag fall season naman, nalalaglag ang mga dahon nila. That's the BEAUTY of our nature. Each spring and upon every tree, thousands of leaves unfurl revealing themselves to the open air. Dapat ganyan rin tayo sa buhay. We too should be willing to open up and reveal our innermost selves to closest to us. Ang pagiging tapat sa sarili at sa ibang tao ay tanging daan para madali mong matanggap ang sarili mo at para madali mong maintindihan ang pangyayari. HONESTY and TRANSPARENCY will lead to TRUST. And TRUST is the FOUNDATION of all friendships.
NUMBER 8
PALAYAIN MO ANG IYONG SARILI
Photo by Quang Anh Ha Nguyen from Pexels
Lahat ng halimbawang ginamit natin sa videong ito ay nakabase sa kalikasan natin. Balikan natin ang mga pananim, tutubo sila kung saan nila gusto. MALAYA sila. There are no prescribed locations for a seed to germinate or a root to sprout. Trees will grow wherever conditions are best for them. It means you have to explore freely. 'Wag kang matakot sa mga bagong mararanasan mo. CHANGE can be GOOD.
NUMBER 9
IKAW AY BUKOD TANGI
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
So don't try to FIT IN. Tignan mo ang mga daliri mo, wala kahit isa ang kapareho ng finger print. Hindi magkapareho ang finger print natin. Kahit kakambal mo pa 'yan, magkaiba pa rin kayo. Lahat tayo ay may iba't-ibang laban sa buhay. Each one of us is UNIQUE. So don't be afraid to be different. Embrace your FLAWS. And DELIGHT in what makes you “YOU”. Never feel the need to adhere to others ideals. Just be YOURSELF. And GROW how you want to grow.
NUMBER 10
PATATAGIN MO
ANG IYONG PUNDASYON
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Bury your roots deep into the earth like trees. Hayaan mo lang kung may tutulong sa 'yo. Hindi ka mahinang nilalang kung tumanggap ka ng tulong o kung magpapatulong ka. Dahil ikakaunlad rin ito ng buhay mo. Stay GROUNDED in this PRESENT MOMENT. But don't be scared to spread your roots further. There's always more of the world to EXPLORE.
Comments
Post a Comment