Don't Let These 5 Things To Control You By Brain Power 2177



Halos lahat ng tao ay nababalisa sa pangyayari. Nakapokus na lang sila sa negatibong pangyayari. Nakapokus na lang sila sa idinidikta ng ibang tao. Hindi sila namumuhay ng maayos dahil nakakulong sila sa kanilang nakaraan. Nakaraang hindi mababago. Kung gusto mong maayos ang buhay mo, 'wag mong hayaan na kontrolin ka ng 5 BAGAY na ito. Tandaan mo ang 5 BAGAY na 'to.


NUMBER 1
ANG NAKARAAN

Photo by Olga from Pexels


'Wag mong hayaang kontrolin ng nakaraan mo ang iyong KASALUKUYAN at KINABUKASAN. Ano man ang nangyari sa 'yong nakaraan, bitawan mo na 'yon. Wala kang kakayahan na baguhin ang nangyari sa nakaraan mo. Iwan mo na ang sakit dulot ng mga nangyari. Kapag bitbit mo pa rin ang bigat ng nakaraan mo, masisira nito ang iyong kasalukuyan. 'Wag mong dalhin ang kadiliman sa 'yong nakaraan sa araw na ito dahil isa itong hadlang sa pangarap mo. Ipasok mo ito sa kukote mo, ang nakaraan mo ay WALA na. Ano man ang nangyari noon, kahit napakasama man 'yan, kahit gaano pa 'yan ka harsh at kahit hindi makatarungan, kahit ano pa man 'yan, kapag palagi mong iniisip 'yon, walang magandang mangyari sa buhay mo. Kung may nananakit sa 'yo, kung may nakipagtalo sa 'yo, mananalo ka lang sa kanila kung hahayaan mo na lang sila. Hindi ka mananalo kung ang kalaban mo ay negatibo. Kung nakapokus ka lang palagi sa negatibo, talo ka. Kung magpapakabiktima ka rin, talo ka pa rin. Uulitin ko, kung gusto mong manalo, 'wag kang magpokus sa nakaraan mo, 'wag kang makipagtalo sa mga taong negatibo, magpokus ka lang kung paano palaguin ang kinabukasan mo. Gawin mo na 'to ngayon. Bitawan mo na ang bigat ng pinapasan mo upang gumaan ang buhay mo. 'Wag mong hayaan na ang nangyari sa nakaraan, na wala na, ay magpapabigat sa buhay mo ngayon. Your moment is PERFECT. LIVE FULLY TODAY. Ang nakaraan mo ay hindi pantay sa 'yong kinabukasan. Ang kinabukasan mo ay mahuhulma mo sa pamamagitan ng pagkilos ngayon. Pero ang nakaraan mo ay hindi mo na mababago kahit ano pa ang gagawin mo.


NUMBER 2
ANG NEGATIBONG OPINYON
NG MGA TAO

Photo by Victor Freitas from Pexels


'Wag mong hayaan na kontrolin ka ng iba. Babatuhin ka nila ng iba't-ibang opinyon. Pero sundin mo lang kung ano ang nasa kalooban mo. Hayaan mo na ang kanilang panghuhusga. 'Wag kang magpapaapekto sa kanila. Sa oras na pagtuonan mo ng pansin ang ginawa nila, mahihirapan ka sa 'yong paglalakbay. Kung gusto mong sumabay na lang sa kanila para lang magustuhan ka nila, parang dumaan ka na rin sa sa negatibong daanan nila. Don't ever please people. Follow your own path. Kahit walang magkakagusto sa 'yo, bahala na. People pleasing is a curse that should be avoided at all costs. Bago mo gawin ang lahat, tanungin mo muna ang sarili mo:

“Ginawa ko ba 'to dahil ito ang gusto ko?”

o o “Ginawa ko lang 'to dahil takot ako na may masasabi sila sa akin kapag hindi ko 'to gagawin?”

Pinanganak ka na bukod tangi. Hindi ka pinanganak na maging sunud-sunoran. You were born to stand out. You were born to be appreciated and you were born to be loved for WHO YOU ARE. May bitbit kang sarili mong liwanag. 'Wag mong patayin 'yon para lang masabayan mo ang kadiliman nila. 'Wag mong ikahiya ang pagkatao mo at ang mga ginagawa mo. Shine bright as YOU ARE, those who really care for you will see that light and they will shine with you.


NUMBER 3
ANG NEGATIBO MONG PAG-IISIP

Photo by Kourosh Qaffari from Pexels


Minsan kasi ang negatibong pag-iisip ang nagkokontrol sa 'tin. Madali na lang kasi ang mag-isip ng negatibo sa ngayon. Minsan sinadya mong mag-isip ng negatibo. Pero kadalasan parang naka built-in na sa 'yo ang negatibong pag-iisip. Ito yung mga pag-iisip na nag-uugat simula noong bata ka pa. May naririnig kang negatibo noon at bitbit mo pa rin hanggang ngayon. Lubos kang naniniwala sa mga limitadong paniniwala na 'yon. Ito ang isa sa mga hadlang sa buhay mo ngayon. May mga taong hindi matagumpay na magsasabi ng negatibo rin sa 'yo. Walang limitasyon sa buhay kung may gagawin ka lang. 'Wag kang maniwala na wala ka ng magagawa, na hanggang diyan ka na lang. Hindi naman 'yan totoo. Makakaahon ka pa. Maniwala ka lang na may maaabot ka. Kaya mong gawin 'to. Makakamit mo ang mga gusto mo. Sigurado ako na may mararating ka kung magtiwala ka lang sa kakayahan mo. Kung naniniwala ka na posible mong makamit ang pangarap mo, ano ang resulta? Talagang POSIBLE 'yon. Talagang mangyayari 'yon. 'Yan lang naman ang dapat mong malaman. Maniwala ka na hindi limitado ang potensyal mo. Hindi dahil mahirap ka ay wala ka ng magagawa. Hindi dahil may kapansanan ka ay wala ka ng maaabot. Depende lang 'yon sa DISKARTE mo. May mangyayaring maganda kung maganda ang iniisip mo. Tandaan mo 'to palagi: Kung hindi mo kinakalaban ang sarili mo, walang kalaban sa labas ang makakatalo sa 'yo. Kung walang negatibong nakatira sa ulo mo, hindi ka kakayaning ibagsak ng negatibo sa paligid mo. Kung babaguhin mo lang ang mindset mo, magbabago rin ang iyong buhay. Tingnan mo ang lahat ng bagay bilang regalo ng iyong buhay. See every challenge and circumstance as a blessing. Hindi ito sumpa. Ito'y natural lang na mangyayari sa ating lahat. 'Wag mong subukang kontrolin ang sitwasyong hindi mo makokontrol, mababaliw ka lang.


NUMBER 4
ANG RELASYON

Photo by Lukas from Pexels


Oo relasyon ang isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan kang makaabante. Lalo na kung ang karelasyon mo ang hahadlang sa pangarap mo. Hindi lahat ng tao, kahit mahal ka pa niya, ay susuporta sa 'yo. 'Wag mong hayaan na kontrolin ka nila. Kung hahayaan mo lang na hahawakan nila ang buhay mo, paano na ang tagumpay na hinahangad mo? Paano naman kung IKAW ang nangangailangan sa kanila? Kasi madalas naririnig ko ang ibang tao na hindi raw sila mabubuhay kung wala silang partner sa buhay. Ito lang ang gusto kong sabihin sa 'yo, kung nangangailangan ka ng isang tao para lang sumaya, para lang makompleto ka, isang pagkakamali lang, madudurog ka kaagad. 'Wag mong isentro ang kaligayahan mo sa isang tao. Ikaw lang ang makakapagpasaya sa buhay mo. Kaya mong pasayahin ang sarili mo kahit mag-isa ka lang. Hindi ko naman sinasabi na iwasan mong makipagrelasyon. Ang sarap magmahal at ang sarap kapag may karamay ka sa buhay. Ang gusto ko lang pagsabihan ay ang mga taong hindi kayang mabuhay kapag walang nagmamahal sa kanila. Ayaw nilang maging single kaya't naghahanap na lang sila ng kahit sino, kahit hindi naman mabuti ang kinakasama nila. 'Wag kang matakot maging single. Ang ibig kong sabihin, patatagin mo ang iyong mentalidad at patatagin mo ang iyong sarili upang makayanan mong mamuhay nang mag-isa. In fact, you don't need others to be happy. Pwede ka pa ring magsaya kahit ika'y mag-isa.


NUMBER 5
ANG PERA

Photo by Alexander Mils from Pexels


Pera ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang daming tao ang nabibilog ng pera. Basta't pera ang usapan, kayang gumawa ng masama ang tao. Halos lahat nakokontrol nito. Hindi naman ibig sabihin na layuan mo na ang pera. Wala namang kinalaman ang pera sa kasamaan. Naging masama ang tao dahil sa sobrang pagnanasa niya sa pera. Nabibilog ang kanyang ulo dahil na rin sa nag-uutos sa kanya kapalit ng pera. Hindi masama ang magpayaman basta't kabutihan lang ang hangarin mo. Money is not evil. The LOVE of money is EVIL. Alam nating lahat na mahalaga ang pera sa pang araw-araw na buhay natin. Alam rin nating lahat kung gaano kalaki ang tulong na maibigay natin kung may pera tayo. May magagawa tayong kabutihan kung may pera tayo. Ang punto ko lang, 'wag mong hayaan na pera ang nagkokontrol sa desisyon mo. Ibig sabihin na BAYAD ka. Gaya ng dahil lang sa pera ibinibenta mo ang iyong boto. Sino ang magdurusa kung maling tao ang pinapaupo mo sa pwesto? Tayong lahat. Desisyon mo ay desisyon mo. Dapat malinis 'yon. Kung namimili ka lang ng tao dahil lang sa pera na ibibigay nila sa 'yo, may mali sa pag-iisip mo. Kung mapera ka man ngayon o wala, gumawa ka pa rin ng kabutihan. Sundin mo ang puso't isip mo. Matuto kang pagsilbihan ng maayos ang ibang tao. Ibigay mo ang pagmamahal na nararapat sa kanila. Gawin mo 'yan sa lahat ng panahon. Sundin mo ang itinuturo ng Diyos sa 'tin. Matuto tayong magbigay nang walang involve na pera. 'Wag mong ipasok sa isip mo na pera pera na lang. Kung gawin mo lang ang bagay na gusto mo, ang pera ay palaging susunod sa 'yo. 'Wag mong habulin ang pera. Dapat ang pera ang naghahabol sa 'yo.

ALWAYS live the life you want to live. 'Wag mong hayaan na kontrolin ka lang ng 5 bagay na 'to. Palayain mo na ang iyong sarili. Hanapin mo ang iyong tunay na landas, ang iyong tamang landas, upang makalaya ka na. Mamuhay ka ng maayos.




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177