12 SECRETS To Stay Positive By Brain Power 2177


Mahirap talaga ang buhay. Hindi patas ang buhay. Minsan darating tayo sa punto na hindi na natin alam kung ano ang gagawin natin. Sa mga panahong nahihirapan na tayo, 2 lang ang mapagpipilian natin at maaari lamang tayong pumili ng isa. Sumuko na lang ba tayo sa ating sitwasyon o magpapatuloy pa rin tayo hanggang sa aangat tayo? Kung magpapatalo tayo sa sitwasyon natin, paano na ang maginhawang kinabukasan na hinahangad natin? 'Wag mong hayaan na talunin ka ng problema mo. Bounce back STRONGER. Because if we choose to see the SILVER LINING, we will have HOPE that everything will be BETTER one day. Alam kong napakadaling sabihin na maging positibo sa lahat ng oras but even a tiny streak of optimism will help carry us through life's challenges. Alam kong hindi madali. Pero may 12 sekreto para maging positibo ka lang kahit ang dami mo ng problema sa buhay.


NUMBER 1
MAGPOKUS KA LANG
SA MAGANDANG PANGYAYARI

May dalawang klase lang ang pangyayari sa mundo. May kasamaan at kabutihan. Magpokus ka lang sa kabutihan. Ang pagiging positibo ay nagsisimula sa positibong pag-iisip. Isa ito sa mga SIMPLE pero epektibong paraan para mas maging positibo ang pananaw mo. Kapag napapaligiran ka ng negatibong bagay i-proseso mo muna ang isipan at emosyon mo. At tanungin mo ang sarili mo,

“Ano ba ang maidudulot ng bagay nito sa 'kin?”

Can you find even one opportunity within the situation? Thinking about the good that can come out of it is better than beating yourself because you think you sucked.


NUMBER 2
CULTIVATE A POSITIVE ENVIRONMENT

Ang negatibong sitwasyon, bagay o tao ay sumisipsip ng lakas mo. Pero ang magandang balita ay ang pagiging positibo ay nakakahawa din. Kailangan mong iwasan ang mga negatibong tao. Mag-ingat ka kung sino ang mga kinakasama mo. Kilala mo ba ng lubos ang mga kaibigan mo? Mag-ingat ka rin sa mga impormasyong nakukuha mo sa TV at sa social media. Magdudulot ito ng negatibong epekto sa isipan mo. Sumama ka sa mga taong nagpapaangat sa 'yo. Kumuha ka ng impormasyong makakapagpabago ng buhay mo. Lahat ng nangyayari sa paligid mo ay makakaapekto sa buhay mo. So always take the time to think about the most negative sources of information you spend time on and how you can LESSEN the interaction.


NUMBER 3
DAHAN-DAHAN LANG
SA MGA GAGAWIN MO

Kung palagi ka lang nagmamadali, mas lalo ring dadami ang problema mo. Remember, HASTE is WASTE. Tumataas ang stress level kung palagi ka lang nagmamadali. Negative thoughts start to well up. Step back and go slowly. SLOWING DOWN will make your MIND and BODY calm down too. Madali lang natin maiintindihan ang isang bagay kung hindi natin ito minamadali. Kung negatibo na ang pag-iisip mo, tandaan mo na may malaking epekto ito sa buhay mo.


NUMBER 4
'WAG MONG PALUBOHIN
ANG MALIIT NA PROBLEMA

Madali lang mag-isip ng negatibo. At ang maliit na negatibong 'yan ay hahadlang sa ating paglalakbay. It becomes a terrifying mountain in our mind. Para maiwasan mo ito, pigilan mo agad ang iyong sarili. BREATHE and REFOCUS to get a more grounded perspective on the situation. Matuto kang bumitaw sa mga maliliit na bagay na hindi naman mahalaga sa buhay mo. Ang negatibong bagay ay hindi nangangahulugan na 'yan na ang buo mong pagkatao. Ang maliit na bagay ay maliit na bagay lang. Tigilan mo na ang pag-ooverthink ng lahat. Kasi hindi mo naman makokontrol ang sitwasyon mo. Ang reaksyon mo lang ang tanging makokontrol mo.


NUMBER 5
BIGYAN MO NG POSITIBONG PANANAW
ANG IBANG TAO

The Law of Karma states: What you send out will RETURN to you. When you give positivity to the people around you, you will receive positivity in return. Mag-ingat ka kung ano ang mga ibinibigay mo sa mga tao at kung paano mo sila tinatrato. Mag-ingat ka sa mga pinagagawa mo. Kung ano ang ibinibigay mo sa ibang tao at kung paano mo sila tinatrato ay may tao rin na gagawa nito sa 'yo ng parehong ginagawa mo. Try to think about the GOOD in other people. Because how you think of them tends to have a BIG EFFECT on how you view yourself. Maraming positibong bagay ang magagawa mo sa ibang tao.


NUMBER 6
INGATAN MO
ANG IYONG KALUSUGAN

A healthy lifestyle starts with a good night's sleep, starts with nutritious foods and exercise. Ang maayos na pangangatawan ang magbibigay sa 'yo ng mapayapang pag-iisip. Napakahalaga na healthy ang ating lifestyle. It's essential for a positive outlook in life.


NUMBER 7
TANGGAPIN MO
ANG MGA BATIKOS

Alam kong masakit kung may taong HINDI susuporta sa 'yo, babatikos sa 'yo, hihila sa 'yo. But if you look at it as a way to improve yourself, then you have used it for your own good. The KEY here is to learn how to handle criticism OBJECTIVELY. 'Wag mong hayaan na ang mga opinyon nila ang pipigil sa 'yo. Do things that you LOVE because you LOVE doing it. 'Wag mong patulan ang ganitong mga tao. Lahat ng mga negatibong komento na natanggap mo, gamitin mo 'yang GASOLINA para mas ma-improve mo pa ang sarili mo. 'Wag mong sayangin ang oras mo sa kakasagot sa kanila. Dahil hindi naman 'yan makakapagpaangat sa 'yo. Try to keep an open mind. Figure out how criticism can help you. Criticism can help you become a BETTER person. Isipin mo na lang na ang mga sinasabi nila sa 'yo ay para sa ikakabuti mo. Unawain mo na lang sila. Unawain mo na lang ang sitwasyon mo. The most important thing is to reply to criticism in a kind manner. Matuto kang BUMITAW at 'wag mong seryosohin ang sinasabi nila. Kasi para rin naman 'to sa ikakatahimik ng isipan mo.


NUMBER 8
UMPISAHAN MO ANG IYONG UMAGA
NG NAKANGITI

One positive thought in the morning can change your whole entire day. Simply put, how you start, sets the tone for the rest of your day. So be careful about how you spend your mornings. Organize your day for a more PRODUCTIVE WORKFLOW.


NUMBER 9
PRACTICE MINDFULNESS

Be mindful throughout your day. When you practice mindfulness it becomes so much easier to access positive emotions. Practice to mindfully stay in the moment you are IN. Always put your FULL attention on what's going on around you. MAGPOKUS KA LANG SA ARAW NGAYON. Feeling and reconnecting with the present moment can have a very positive effect on the rest of your day. PRACTICE MINDFULNESS.


NUMBER 10
ISIPIN MO LANG
ANG POSITIBONG BAGAY

Oo maraming negatibong bagay sa mundo pero hindi rin natin maitatanggi na palaging may POSITIBONG BAGAY rin sa paligid. Alam kong walang perpektong araw. Bawat araw ay may pagsubok na kailangan nating harapin. However, you can train your mind to focus on the good things, no matter how small or unimportant they seem.


NUMBER 11
LAHAT NG 'TO AY LILIPAS DIN

Lahat ng mahihirap na sitwasyon noon, nalampasan mo, 'di ba? NGAYON pa kaya? Lighten up your mood because everything will pass no matter what it is. Walang tao ang hindi natatamaan ng problema. Kahit mayaman ka pa o mahirap, tatamaan ka ng problema. Tayong lahat ay may problema. May kanya-kanya tayong problema sa buhay. Minsan mabibigat. Minsan madali lang solusyonan. Hindi natin makikita ang problema ng ibang tao dahil hindi naman nila sinasabi sa publiko. Alam mo naman na madaling magtago ng problema. Tingnan mo ang mga tao sa social media, parang walang problema, 'di ba? People are only sharing happy things that happened to them. They never share how their life SUCKS. Katotohanan 'tong mga sinasabi ko. Hindi lahat ng bagay na mararanasan natin ay maganda lang. Minsan may mga karahasan. Minsan hindi patas. Pero ang pinakamahalaga ay kung paano mo inalagaan ang isipan mo.


NUMBER 12
SA BAWAT PROBLEMA,
MAY PAGKAKATAON

Sabi ko nga kanina, lahat tayo ay may problema. Hindi lang IKAW. Ang pinagkakaiba lang ay kung paano natin NILABANAN, kung paano natin SINOLUSYONAN. Ang problema natin ang huhubog sa ating karakter. Ito ang nakakapagpatatag sa 'tin. It exercises our ability to manage up. It's an opportunity to develop efficiency. Ang problema ay bahagi na ng ating buhay. Hindi ito bangungot ng buhay. Look at it as an interesting challenge.

May isa lang akong idadagdag, the “POWER OF POSITIVE THINKING” is a concept that people from all around the world are familiar with. For some people, it can feel a little cliche. But for those who have embraced positive thinking, they will tell you it WORKS. Truly, we are all capable of being a positive person. We just need to start believing and practicing it. And the sooner we do, the greater the benefits we'll realize.




Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

God Is Talking To You (Don't Ignore These Signs) By Brain Power 2177

10 Dahilan Kung Bakit Hindi ka Nila Gusto By Brain Power 2177