How To Stop Negative Self-Talk By Brain Power 2177

Tigilan mo na ang pag-iisip ng negatibo Photo by Pixabay from Pexels Ayon sa tantsa ng mga tagapagsaliksik, bawat isa sa atin ay may napakaraming iniisip bawat araw. Alam mo ba kung gaano karami ang iniisip natin? Ayon nga sa tagapagsaliksik, 50, 000 hanggang 70, 000 thoughts a day. Pero hindi lang natin namamalayan. Pero ang napakasaklap pa, 80% sa mga iniisip natin ay NEGATIBO. Nakakapanghina ng loob kung iisipin natin, 'di ba? Ano nga ba ang negative self-talk? Ito yung kinakausap mo, pinagsabihan mo, o tinatrato mo ang iyong sarili in a negative way. Ginugugol mo ang iyong oras sa pagpapabagsak ng iyong sarili. Paano ko nasabi? Palagi mo kasing sinasabi sa sarili mo na HINDI KA MAGALING, na BOBO KA, na WALA KANG TALENTO, na HINDI KA ATTRACTIVE. Palagi mong sinasabi sa sarili mo na HINDI KA DESERVING sa mga bagay na gusto mo. Palagi mong sinasabi sa sarili mo na hindi mo matutupad ang pangarap mo. Palagi mong sinasabi na hindi mangyayari ang kagustuhan mo at hindi k...