11 Life Lessons That You Need To Learn By Brain Power 2177
Kung binabasa mo man ang artikulong ito, gusto kong namnamin mo ang bawat salita. Hayaan mong gisingin nito ang puso at isip mo. Hayaan mong makapasok ang positibong mensaheng ito sa kalooban mo. Ang aral na mapupulot mo dito ay galing sa mga matagumpay na tao.
NUMBER 1
SARILI MO MUNA BAGO ANG IBA
Maraming tao ang naghahangad na mabago ang mundo. Pero wala man lang nakaisip na baguhin ang sarili nila. Paano mo mababago ang mundo kung sarili mo nga mismo ay hindi mo kayang baguhin? Lahat ay nagsisimula sa 'yo. Nagsisimula sa isipan mo. Ang iniisip mo ay magiging salita. Ang salita ay magiging aksyon. Ang iyong mga aksyon ay magiging gawi. Ang iyong panggawi ay magiging pagkatao mo. At ang matatag mong pagkatao ang huhubog sa 'yong tadhana. Napakasarap namang isipin kung mababago natin ang mundo, 'di ba? Pero kailangan muna nating baguhin ang sarili natin. Kailangan nating suriing mabuti ang ating puso at alamin natin ang tunay nating intensyon.
NUMBER 2
LUMAYO KA SA MGA TAONG TOXIC
Kung sino pa yung walang alam ay sila pa yung nagmamarunong. Sila yung mga taong papatay sa kinabukasan mo. Sila yung mga taong pumupuna sa mga ginagawa mo, kahit mabuti pa 'yang ginagawa mo. Literal na humihigop sila ng lakas mo. Mga taong nababalot ng inggit. Ang taong toxic ay inihalintulad sa SAKIT at KAMATAYAN. Bakit? Kasi literal na nagdudulot sila ng sakit at maaari mong ikamatay ito kung palagi kang didikit sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit ang daming tao ang nai-stress. Toxic people keep injecting DOUBTS, FEARS, WORRIES, ENVY, into people's minds. May importanteng bagay na alam kong gusto mong gawin at isa sa mga humahadlang sa 'yo at makakalaban mo ay ang mga taong toxic. Kaya't kailangan mo lang magpokus sa mga bagay na makakapag-angat sa buhay mo. Iwasan mo muna ang mga bagay na wala namang kwenta. Para rin naman 'to sa ikakaangat mo.
NUMBER 3
IKAW LANG ANG MAKAKATULONG
SA SARILI MO
Kahit ilang beses ka mang tulungan ng maraming tao, kung hindi mo tutulungan ang sarili mo, useless lang ang lahat. Kahit may pamilya ka man at mga kaibigan pero mag-isa ka lang sa laban ng iyong buhay. Ginagabayan ka lang ng Diyos pero hindi ka Niya tutulungan kung hindi mo tutulungan ang sarili mo. Ikaw lang ang responsable sa mga pinagagawa mo. Kaya't hindi mo pwedeng isisi sa iba ang iyong mga pagkakamali. May aklat ka mang binabasa, may video ka mang pinapanood, makakatulong naman 'to para sa 'yo, pero hindi ang mga binabasa mo o pinapanood mo ang gagawa ng paraan para sa ikakaayos ng buhay mo. Nasa sa 'yo pa rin ang huling pagdedesisyon. Ang mga mahal mo sa buhay ang gawin mong inspirasyon at motibasyon para sa pagtatagumpay mo. Walk your own path because NO ONE will walk it for you.
NUMBER 4
MAY TALENTO KA
Minsan ba'y maitatanong mo sa sarili mo kung may TALENTO ka ba? Minsan ba'y masasabi mo na lang na wala ka talagang talento? Pero gusto kong malaman mo at maniwala ka sa sasabihin ko, BAWAT ISA SA ATIN AY MAY TALENTO. Gaya nga ng sabi ko kanina, kailangan mong suriing mabuti ang iyong sarili. Patahimikin mo muna ang ingay sa puso at isip mo upang marinig mo ang bulong ng tunay mong pagkatao. Halos lahat ay hindi umaangat sa buhay dahil sa kakapaniwala ng mga bagay na hindi kapani-paniwala. Alam mo ba kung anong mga bagay ang palagi mong pinakinggan?
WALA KANG TALENTO!
HINDI KA MAGALING!
WALA KANG ALAM!
HINDI MO KAYA 'TO!
Kumalma ka lang at pakinggan mo ang puso at isip mo. Upang malaman mo na ang mga salitang 'yan ay gawa-gawa lang ng isipan mo. Talaga bang wala kang layunin sa buhay? Relax ka lang at DAMHIN mo ang iyong sarili.
NUMBER 5
PAISA-ISANG HAKBANG LANG
Ito yung sinasabi ni Lao Tzu na hinding-hindi ko makakalimutan,
“The journey of a thousand miles begins with a single step.”
May gusto tayong gawin na hindi natin ginagawa dahil hindi natin alam kung saan tayo magsisimula. Minsan rin hindi tayo sigurado kung ito na ba ang para sa 'tin. Pero gaya ng sinabi ni Lao Tzu,
“It begins with a single step.”
Nagsisimula ito sa unang hakbang mo. Just start walking and the way will appear. Just take a single step.
NUMBER 6
GAWIN MO KUNG ANO ANG GUSTO MO
Sa totoo lang, may mga trabaho tayong hindi natin gusto. Sometimes jobs are KILLING us. Alam mo ba kung ano ang kahulugan ng JOB? Ayon kay Robert Kiyosaki, ang JOB ay Just Over Broke. Mayroon din akong nabasa na article online, ayon sa post, Juggling Our Bills. Ibig sabihin, kahit araw-araw kang naka-duty, hindi ka pa rin magtatagumpay. Lalo na kung ayaw mo ang trabaho mo. Doing what you hate is the cause of stress in life. Pero kung ang trabaho mo ay talagang GUSTO mo, hindi mo ito matatawag na TRABAHO, nagiging hobby na lang ito para sa 'yo. Kaya't sundin mo kung ano ang gusto mo. Sabi nga nila, “FALL IN LOVE WITH YOUR WORK” Work with meaning. Work with passion. Work with joy. Kaya tayo nai-stress kasi habol tayo ng habol sa pera. 'Wag mong habulin ang pera kung ayaw mong lumayo pa ito ng lumayo. Habulin mo ang kagustuhan mo at ang pera ay susunod sa 'yo.
NUMBER 7
ANG PAGMAMAHAL AY HINDI MO
MAHAHANAP SA LABAS
Oo totoo 'yan. Bakit? Mahahanap mo lang ang tunay na pagmahahal sa sarili mo. Abalang-abala ka na sa kakagawa ng lahat para mahalin lang ng iba, para lang mapansin ng iba. Paano ka mamahalin ng ibang tao, kung mismo sa sarili mo ay hindi mo nahahanap ang pagmamahal? kung hindi mo maibigay sa sarili mo ang pagmamahal na hinahangad mo? Hindi mo madarama ang pagmamahal ng ibang tao kasi hinaharangan mo ng iyong sariling negatibong paniniwala. NEGATIVITY BLOCKS MENTAL AND EMOTIONAL WAYS.
NUMBER 8
WALANG LIMITASYON
Buhay lang natin ang may limitasyon. Kung kailan tayo magwawakas. Alam mo ba kung ano ang sinabi ni Albert Einstein?
“IMAGINATION IS EVERYTHING.
IT IS THE PREVIEW OF LIFE'S COMING ATTRACTIONS”
It means that there's no limit to what the mind can experience. Hindi naman ibig sabihin na magkakaroon ka ng literal na kapangyarihan. Ibig sabihin ay mas lalago pa ang kakayahan mo. Lahat ng mga gusali ay nagsisimula muna sa isipan at pinagplanuhan hanggang sa ito'y kanilang inaaksyonan. Ganyan kalakas ang kakayahan ng tao. Lahat ng iniisip natin, negatibo man o positibo ay magbubunga ito. Kaya't mag-ingat ka sa mga iniisip mo dahil matutupad ito. In short, our mind is much more powerful than we think.
NUMBER 9
MATUTO KANG MAGPASALAMAT
Isa sa mga dahilan ng depresyon ay ang patuloy na paghahanap ng mga bagay na wala sa 'yo. Magpasalamat ka sa mga bagay na nasa sa 'yo na. Tangkilikin mo kahit gaano pa kaliit ng nakamit mo. Cover your heart with feelings of GRATITUDE. According to the University of California at Berkeley, GRATITUDE is linked to many BENEFITS, including BETTER PHYSICAL and PSYCHOLOGICAL HEALTH. It also increases happiness and life satisfaction. It decreases materialism and it decreases so much negativities. This is scientifically proven.
NUMBER 10
PWEDE KA PANG UMANGAT SA BUHAY
Nabubuhay tayo sa mundo para tumuklas ng mga bagay-bagay, para magkaroon ng magandang karanasan. 'Wag mong barahin ang sarili mong lakas. 'Wag mong limitahan ang sarili mo. Sinabi ng karamihan na mag-aral tayo ng mabuti upang makakuha ng maayos na trabaho. Tanungin mo nga ang sarili mo, “'Yan lang ba talaga ang layunin ko sa buhay? ang magtrabaho na lang?” Isa ito sa mga dahilan kung bakit ang daming tao ang hindi masaya sa buhay nila. Hindi kasi nila ginawa ang sarili nilang kagustuhan. Mas ginawa pa nila ang sinasabi ng ibang tao. 'Wag mo ring hayaan na hahadlangan ka ng takot mo.
NUMBER 11
ALAMIN MO KUNG SINO KA BA TALAGA
Kung tatanungin kita kung sino ka, malamang ang isasagot mo ay ang pangalan mo, ang trabaho mo, o saan ka nakatira. Pero hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Kasi alam kong hindi IKAW 'yan. May pangalan ka, may trabaho ka, may tinitirhan ka pero hindi 'yan ang depinisyon ng pagkatao mo. Sabi ng mga marunong na tao, higit pa tayo kaysa sa nalalaman natin. Ano ang ibig sabihin niyan? It's something we need to find out for ourselves. We can start by letting go of WHO WE ARE and we will BECOME who we MIGHT BE.
Comments
Post a Comment