6 Fake Voices In Your Head By Brain Power 2177
'Wag mong paniwalaan ang negatibong boses na naririnig mo sa ulo mo. Alam kong marami kang naririnig na mga negatibong boses. Kaya kailangang tanggalin mo ang pekeng boses na 'to o 'wag mong paniwalaan. Kung may fake news na kumalat sa social media may fake news rin sa buhay mo. Hindi matatapos ang mga fake news na naririnig mo sa labas at lalong lalo na sa loob ng ulo mo. Pero 'wag kang mag-alala, hindi kita hahayaang malublob sa kadiliman.
Pag-uusapan natin ngayon ang negatibong boses sa ulo mo. Ang negatibong boses na 'to ay matagal mo ng naririnig. At malamang ito'y pinaniniwalaan mo na. Minsan ang negatibong salitang ito ay galing sa mga magulang mo, galing sa buong pamilya mo, galing sa mga kaibigan mo, at ang pinakamasakit pa, galing sa 'yo mismo. Ano ang mga negatibong boses ito?
“HINDI AKO SAPAT”
“HINDI AKO MAGALING”
“WALA AKONG TALENTO”
“MALAS AKO SA BUHAY”
“WALA AKONG KWENTA”
“HINDI KO KAYA”
'Yan ang mga pinaniniwalaan mo na hindi naman TOTOO. Ikaw lang ang gumagawa ng mga limitasyon mo. Ang mga iniisip mong negatibo ang humahadlang sa 'yo. Halos buong araw, tumatakbo ito sa isip mo. Ito ang dahilan kung bakit mas lalo kang nahihirapan sa buhay, kung bakit nawawala ang tiwala mo sa sarili mo at kung bakit hindi ka makausad.
Kung gusto mong kontrolin ang buhay mo, 'wag kang maniwala sa negatibong boses na 'to.
NUMBER 1 HINDI AKO SAPAT
NUMBER 2 HINDI AKO MAGALING
NUMBER 3 WALA AKONG TALENTO
NUMBER 4 MALAS AKO SA BUHAY
NUMBER 5 WALA AKONG KWENTA
NUMBER 6 HINDI KO KAYA
Iisa-isahin natin ang negatibong paniniwala na 'yan upang makontrol nating muli ang ating buhay.
NUMBER 1
HINDI AKO SAPAT
Photo by Akshar Dave 🍉 from Pexels
Bakit sa palagay mo ay hindi ka sapat? Dahil ba may mga tao na MAS ANGAT o MATAAS pa sa 'yo? Pero hindi mo ba alam na ang taong pinagkokomparahan mo ay nagkokompara din sa iba. Lahat tayo ay nagkokomparahan. At gusto kong malaman mo, na ang taong tinitingala mo ay nag-iisip din na HINDI SILA SAPAT. Our mind can be a very convincing liar. 'Wag mong paniwalaan LAHAT ng iniisip mo. Thoughts are just thoughts, and it’s unhealthy and exhausting to give so much power to the negative ones. Magpokus ka sa positibong bagaya. MAS marami kang nagawang tama sa mundo kaysa sa mga pagkakamali mo, 'di ba? Focus on progress rather than perfection and focus on how far you’ve come rather than how far you have left to go. Instead of berating yourself for messing up and stumbling backward, give yourself a pat on the back for trying, making progress, and coming as far as you have.
SAPAT ka na. Iniisip mo kasi na HINDI KA SAPAT dahil sa bagay na nakakasakit sa 'yo. Hindi pa ito nag exist sa utak mo noong bata ka pa, 'di ba? Nakokondisyon ang utak mo na paniwalaan mo ang negatibong salitang ito dahil sa mga nangyayaring hindi maganda sa buhay mo. Kung hindi ito inborn, ibig sabihin na kaya mo itong tanggalin. Well it’s time to condition it out. Sumama ka sa mga taong nagpapaangat sa 'yo. Sumama ka sa mga taong pinaparamdam sa 'yo na SAPAT KA NA. Kahit gaano karami ang mga taong toxic sa mundo, MAS marami pa rin ang mga taong POSITIBO sa buhay. Kung hindi mo sila nakikita ang tamang tao sa personal, mahahanap mo sila sa mga libro, sa mga videos. Mag follow ka sa mga taong makakatulong sa pagbago ng mindset mo. Magbasa ka ng mga libro na makakapag-improve ng buhay mo. Ang daming valuable content sa social. Surround yourself with positive people and positive thoughts. SAPAT KA NA, tandaan mo 'yan. SOBRA ka pa sa SAPAT. May maganda kang katangian na hindi mo napapansin dahil nabubulag ka sa negatibong paniniwalang ito. Feel good about yourself. Believe that you are ENOUGH.
NUMBER 2
HINDI AKO MAGALING
Photo by Stefan Stefancik from Pexels
Kung positibo ang ating iniisip, positibo rin ang resulta. Kung negatibo ang ating iniisip, negatibo rin ang resulta. Positive and negative thoughts can become self-fulfilling prophecies: what we expect can often come true. Iniisip ko lagi ang sinasabi ni Theodore Roosevelt, COMPARISON IS THE THIEF OF JOY. Iniisip mo ba na hindi ka magaling? Oo hindi ka magaling dahil hindi ka nakapokus sa kakayahan mo. Nakapokus ka lang sa ginagawa ng ibang tao.
Ginagawa ng ibang tao ang gusto mo. Tapos mas magaling pa sila sa 'yo. And it becomes a spiral of doomful comparison. Stripping you of your joy. At palagi kang nag-aalala kung TAMA ba ang ginagawa mo o MAAYOS ba ang ginagawa mo. You get caught in the shame — once you're in the spiral, the creative flow doesn’t come, you can’t concentrate, you're too afraid of doing it wrong. You don’t need to compare yourself to others. It will steal your joy, happiness, and creativity.
Lalo na na malawak na ang social media. Palagi nating nakikita ang mga taong MAS magaling pa sa 'tin. Commit to be the best you can be, and work on yourself every day. There’s nothing wrong with striving to be the best version of yourself, in every area of your life. There’s nothing wrong with high standards and expectations. There’s something very wrong with wanting to be someone you are not.
Kahit anong mangyari, gawin mo lang ang gusto mong gawin. 'Wag kang mainggit kung ano ang nakamit ng ibang tao. Kahit na lamang pa sila sa 'yo. Give yourself some credit when you make progress. Today, this weekend, next week, consciously disengage from the spiral of doom. Instead, make a list of all the things you’re proud of, or all the things you’d just love to do. Come back to your creativity, your inspiration, your life.
NUMBER 3
WALA AKONG TALENTO
Every human being has been blessed with different abilities, talents and capabilities. We differ from each other in that we have different interests and inclinations. May iba na magaling kumanta pero hindi marunong sumayaw. May iba rin na magaling kumanta at sumayaw pero mahina sa Math. May iba rin na ang galing sa arts pero hindi magaling sa ibang bagay. Lahat tayo ay may talento. Everybody has a talent. We are all specialists in our own areas of interest and localities, making each and every human being uniquely talented.
'Yang taglay mong kakaiba ngayon, siguro hindi mo pa 'yan tinatrato na talento pero magiging talento mo na 'yan sa susunod. This is because our perceptions change. Bawat isa sa atin ay unique. May taglay tayong kakayahan na kakaiba. That makes up a grand pool of immeasurable talent. Uulitin ko, lahat tayo ay may talento. May iba nga ang daming talento. Sigurado ako na may talento ka pero siguro hindi mo pa nadiskobre. If you know you are good at something, then run with it. The only thing you would then need to work hard at is to shamelessly promote yourself. You could even get somebody else to do it for you. The more talented you are, the less promotion you would need. Demonstrate then sell.
NUMBER 4
MALAS AKO SA BUHAY
Isa ako sa mga taong hindi naniniwala sa malas na buhay at hindi rin ako sa swerteng kapalaran. Palagi na natin 'tong naririnig: “TODAY IS YOUR LUCKY DAY”. Naka-print na nga ito sa damit e. Paano kung araw-araw swerte ka? The only thing you need to make yourself luckier is YOU. MAGSIKAP KA sa buhay. Put some time and effort towards your goals and dreams and you’ll notice they’ll start coming true. May ibang bagay man na hindi matutupad pero do'n mo makukuha ang SWERTE, dahil sa pagsisikap mo. Ang swerte ay bunga 'yan ng pagpupursige mo. Hindi ito darating kung wala kang ginagawa. LUCK is the residue of design — which means you have to set yourself up to get lucky WITH hard work.
Dapat positibo rin ang HABITS mo. Kapag negatibo ang mga habits mo, negatibo din ang resulta. Tingnan mo ang mga taong nagkampiyon sa sports, sa tingin mo ay swerte sila? Hindi sila swerte. Hindi rin coincidence 'yon. Nagkampiyon sila dahil sa mga GOOD HABITS nila. Hindi sila gumising at swerte na kaagad. They stick to a strict regiment of good habits including waking up at 7am, training for five hours a day, and eating healthy for all their meals. By keeping good habits we naturally are invested in bettering ourselves, and will inevitably see positive results from these habits.
NUMBER 5
WALA AKONG KWENTA
Bakit ba nasabi mong wala kang kwenta? May kwenta ka dahil nandito ka sa mundo natin. Lahat ng living at non-living things sa mundong ito ay may HALAGA. Mahalaga ka dahil isa ka sa mga nilikha ng Diyos. Minsan kasi naiisip mo 'yan dahil sa mga nagawa mong MALI sa nakaraan. No matter how many mistakes you've made in the past, we can still work ahead to have a brighter future in the days to come. Never allow your past to pose such an impact upon you that it becomes difficult for you to walk strong with your head held high.
Dapat mong tanggapin na may mangyayaring maganda sa buhay mo at may masasamang bagay rin na mangyayari sa 'yo. May mga kalungkutan at mga pasakit na hindi nauubos pero hindi 'yan ang dahilan para sumuko na lang. You should learn to value your own self for that will determine whether or not others are going to value you. You are valuable because of your existence, and you should feel yourself to be lucky enough about that!
NUMBER 6
HINDI KO KAYA
Photo by Inzmam Khan from Pexels
Kung iniisip mo na hindi mo kaya, o iniisip mo na kaya mo, TAMA ka sa pareho. The words you speak become the house you live in. Lahat tayo ay may kwento at nabubuo ito dahil sa mga salitang binubuga o iniisip natin. Kapag iniisip mong magulo ang isipan mo, mas lalo din itong gugulo. Kapag palagi mong iniisip na failure ka, lahat ng gagawin mo ay magfi-fail din. It is, therefore, crucial that you choose your words carefully, especially when you’re talking to yourself.
It means you yourself determine your own success or failure. If you think you can, you will succeed or somehow find a way to do it. However if you think you can’t, this negative thinking will lead you towards failure. In other words, it will be a self-prophecy.
Kung iisipin mo lang noong bata ka pa, sigurado akong wala kang ibang kinakatakutan. Hindi ka takot sa mga pangarap mo, sa kagustuhan mo. Ngayong matanda ka na, ang dami mo ng sinusunod sa buhay. Ang pagsasalita mo, ang pangarap mo, pati kung ano'ng mga gagawin mo. These likely resulted in you creating limiting beliefs and perhaps even not realizing your full potential. While you do have to live by some rules, it’s important that you are not holding yourself back from living a full life.
Comments
Post a Comment