10 TIPS Kung Paano I-manage Ang Stress By Brain Power 2177
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Ang stress ay isa sa mga pangunahing problema ng modernong henerasyon. Halos lahat naman tayo ngayon ay nai-stress. Labis tayong naguguluhan kung paano i-manage ang stress kaya't gusto nating maiwasan ito sa lahat ng panahon. Pinangarap nating mabuhay ng malaya sa stress. Pero alam mo ba, na kung walang stress ay wala ring kasiyahan ang ating buhay? Halimbawa, ang gitara. Dapat i-adjust mo ang string ng tama para maganda ang tunog. Kung ang tension ng string ay kulang, pangit ang tunog. Kung ang tension naman ng string ay sobra, masakit din sa tainga ang tunog. Kung TAMA ang adjustment, MAGANDA rin ang tunog. Masarap sa tainga at nakakagaan ng puso.
Ganito rin dapat sa buhay. Kailangan natin ng stress, pero yung SAKTONG stress lang, para ma-enjoy natin ang ating buhay. Kung wala kang nararamdamang stress, ibig sabihin na wala kang masyadong ginagawa sa buhay.
May benepisyo ba tayong makukuha sa stress? Kung nakakakita ka ng babaeng sexy at mga machong lalaki, malalaman mo na kaagad na may disiplina sila sa kanilang sarili at nagwo-workout sila. Walang makaka-achieve ng ganyang kaganda na physique, kung walang effort, kung walang pinagdadaanang stress. Makakakuha ka ng katamtamang stress kapag ika'y nag-gigym. Pinalalakas mo ang mga kalamnan ng iyong katawan upang makabuo ng mas matibay na pangangatawan.
Kung ikakapit natin 'yan sa ating buhay, mapapatibay rin natin ang ating katawan, ang ating emosyon at ang ating isipan. Sa pamamagitan lamang ng pagharap ng mga hamon sa buhay, maaari nating ihanda ang ating sarili na harapin ang mga hindi inaasahang sitwasyon na halos walang kahirap-hirap. Gayunpaman, kung gumawa ka ng labis na pagwo-workout para lang mapadali ang paghubog ng iyong katawan, sa halip na maganda ang resulta, sakit pa ang makukuha mo.
Ibig kong sabihin, TOO MUCH IS NOT GOOD. Ang sobrang stress ay nagdudulot ng kapahamakan. Stress that is manageable and of short duration is good for us. Maaari nating makontrol ang stress at gamitin ito para sa ating advantage sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito.
NUMBER 1
PAHALAGAHAN MO ANG STRESS
'Wag kang matakot na mai-stress ka. Pahalagahan mo 'yan. Halimbawa, kung nai-stress ka sa trabaho mo, magpasalamat ka na lang na nai-stress ka kasi may TRABAHO ka naman. Marami ngang tao diyan na nai-stress kakahanap pa ng trabaho. Kung may takdang aralin na ibinigay sa 'yo ng iyong guro, pagkakataon mo na 'to na patunayan na ika'y disiplinadong tao, na kaya mo ang iyong takdang aralin. Saan ka, nai-stress ka kahit wala kang ginagawa o nai-stress ka pero may patutunguhan ka?
NUMBER 2
GIVEN NA 'YAN
Kung buhay ka pa ngayon, ibig sabihin na mai-stress ka pa. Patay lang ang hindi mai-stress. Kung pulis ka o sundalo ka, nakaka-stress maghabol ng mga kriminal. Nakaka-stress mag maintain ng payapang lipunan. Asahan mo na 'yan sa trabaho mo. Kung may trabaho ka ngayon, asahan mo na, na mai-stress ka sa mga overtime, sa mga katrabaho mong sipsip, at iba pang mga hamon sa kompanya. Asahan mo na 'yan upang makapaghanda ka na araw-araw. Maghanda ka na harapin ang lahat ng problema sa buhay.
NUMBER 3
UMIWAS KA SA NAKAKAPAGPA-STRESS SA 'YO
Umiwas ka sa mga tao o bagay na nagdudulot ng sobrang stress sa buhay mo. Sabi ko nga kanina, ang sobra ay masama. Kung sobra ng nakaka-stress ang negatibong tao, IWASAN mo ang mga taong 'yan. Sila ang makakawasak ng iyong mood. Kung sobrang nakaka-stress ang paggamit ng social media, iwasan mo muna 'yan. Dahan-dahan lang sa paggamit. Kung nai-stress ka na sa trabaho mo, humanap ka ng bagong trabaho. Yung trabaho na gusto mo. Hindi yung napipilitan ka lang.
NUMBER 4
IBAHIN MO ANG IYONG POKUS
'Wag kang masyadong magpokus sa stress upang hindi mas lalong lumubo. 'Wag ka ring gumamit ng mga negatibong bagay para maiwasan ang stress. Yung iba kasi naninigarilyo, pampakalma lang daw nila. Yung iba din umiinom, inaabuso ang kanilang katawan, may iba nga nagdudruga para daw mamanhid ang kanilang emosyon. Ang method na 'yan ay makakapagpagaan naman ng pakiramdam pero sa panandalian lamang. At ito pa, may seryosong NEGATIBONG epekto ito sa katawan mo. Imbes na stress lang ang kalaban mo, dumarami na. Dapat alternatibong method lang ang gawin mo. Gaya ng paglalakad sa labas, maglalaro muna saglit, magpapahangin, mag meditate, pumunta sa nature, at pwede ka ring manalangin.
NUMBER 5
MAGPLANO KA
Hindi mo makokontrol ang mga tao. Hindi mo rin makokontrol ang sitwasyon. Ibig sabihin ay hindi mo maiiwasan na magkakaproblema. Gustuhin mo man o hindi, mai-stress ka talaga. Kapag palagi ka lang naghahabol ng perpektong buhay, mas lalo kang mahihirapan sa buhay. Bakit maghahangad ka pa ng perpektong buhay e wala namang gano'n. Kung magpaplano ka ng maayos, kung tanggap mo kung ano ang realidad, bababa din ang iyong stress levels. Lalakas din ang iyong mentalidad.
NUMBER 6
SANAYIN MO ANG IYONG SARILI
Kailangan mong magsanay. Kailangan mong mag improve. Kung hindi ka pa masyadong nai-stress, ibig sabihin na mahina ka pa. Mas lalo kang manghihina kung makakabangga ka ng matinding problema. Pero kung nasanay ka na sa stress, kayang kaya mo na ring lampasan ang lahat. Hindi madaling lampasan pero makakaya mo. Dapat araw-araw mong sinasanay ang sarili mo. Araw-araw mong lawakan ang iyong pang-unawa. You must constantly improve your knowledge, improve your skill and improve your strength in order to develop the ability to take any type of challenges comfortably. Sa sandaling tumataas na ang level ng iyong abilidad, kayang-kaya mo ng harapin ang mga hamon nang hindi sumasailalim sa anumang uri ng stress.
NUMBER 7
TANGGALIN MO ANG UGAT
Tanggalin mo kung ano ang dahilan ng STRESS mo. May nabasa akong libro na ang author ay meditation instructor. May isang babae na palaging uma-attend ng meditation class at ramdam ng instructor na sobrang stress palagi ng babae. Ilang linggong nagdaan, tinanong ng instructor ang babae kung bakit stress na stress siya. Sabi ng babae, na may utang siya na dapat bayaran pero hindi niya makakaya kasi kulang ang income niya. Sinabihan siya ng instructor na 'wag munang umattend ng meditation class para makapaghanap siya ng extra income. Kita mo 'yan, maraming paraan para matanggal ang stress sa buhay natin. Hindi pwedeng stress na stress tayo pero wala tayong gagawin. Dapat umaaksyon tayo. Ang dahilan ng stress ang patayin natin para hindi na lumaki pa ang problema. Kung nai-stress ka dahil sa relasyon o dahil sa one sided love lang, gumawa ka ng paraan para matanggal ang sakit na naidulot niyan.
NUMBER 8
MATUTO KANG MAGPAHINGA
Oo magpahinga ka. Kung stress na stress ka na, kailangan mo ng time out. Kailangan mong mag relax. Kapag naggi-gym ka, hindi pwedeng diretso ang pagbubuhat mo. Kailangan mong huminga. Ganyan din sa buhay. You must also develop a systematic method to daily unwind the stress accumulated by your body, mind and soul. Ito ang gawin mo at siguradong makakatulong 'to sa 'yo.
Makinig ka ng musika. Magbasa ka ng mga personal development books. Pagsusulat ng nararamdaman mo. Makihalubilo ka sa mga kaibigan mo. Manood ka ng mga nakakatawang videos. Pwede mong idagdag ang mga bagay na nakakapagpasaya sa 'yo. Don’t allow stresses to be accumulated in yourself by unwinding them on a daily basis.
NUMBER 9
KUMONEKTA KA SA MGA TAO
We are social creatures. Minsan kailangan din nating kumonekta sa ibang tao. Kailangan natin ng tulong nila para makayanan natin ang mga pagsubok. Ang mahirap na bagay ay magiging madali kapag nagkakaisa. Magpatulong ka sa mga kaibigan mo, sa pamilya mo o sa kamag-anak mo. Mas do-doble ang tapang at lakas mo sa pagharap ng mga hamon. Samakatuwid, dapat kang bumuo ng matibay na relasyon sa kanila upang maibahagi mo sa kanila ang iyong mga kagalakan at sakit. Ika nga, “Joy shared is joy multiplied, while sorrow shared is sorrow divided.” Learn to invest in relationships everyday so that you can reap rich dividend of love, affection and support in the time of your need.
NUMBER 10
HUMINGI KA NG TULONG
Kung sobrang stress ka na sa buhay at kahit anong pilit mo ay wala pa ring nangyari, magpatulong ka sa Medical Professional. Sometimes people who have undergone through similar problems can suggest you methods, which do not occur to you in your natural course. 'Wag kang mahiya.
'Wag mong takbuhan ang stress. 'Wag kang matakot. Harapin mo 'to. Kapag stress ka ng kaunti, normal lang 'yon. Tandaan mo 'to, kung wala kang kahit kaunting stress, ibig sabihin na hindi ka namumuhay ng maayos. Bakit? Ang taong hindi nai-stress ay walang bagong ginawa sa buhay. A stress free life is not worth living because that shows that you have stopped taking challenges in your life and hence you have virtually stopped living. Harapin mo ang bawat hamon sa 'yong buhay. Gawin mo 'yan upang marami kang matututuhan. Maintain the right amount of stress to lead a happy life, to lead a successful life and to lead a purposeful life.
Comments
Post a Comment