Paano Mag-Isip Tulad ng Mga Mentally Strong na Tao (9 Powerful Mindsets) By Brain Power 2177





Alam mo ba kung bakit may mga taong kahit ilang beses nang nasaktan, ilang beses nang nabigo, at nawalan ng pag-asa... pero nakakabangon pa rin sila? Samantalang ang iba, konting problema pa lang, parang gusto nang sumuko.

What if I told you na ang tunay na lakas ay nagsisimula sa paraan ng pag-iisip. Dahil bago maging matatag ang isang tao sa labas, kailangan muna siyang maging matatag sa loob.

Sa artikulo na ito, pag-uusapan natin kung paano mag-isip tulad ng mga taong hindi madaling matinag ng problema. Iyong mga taong nananatiling kalmado kahit magulo ang sitwasyon, hindi nagpapadala sa emosyon, hindi nagpapaapekto sa opinyon ng iba, at laging nakakahanap ng paraan para bumangon sa bawat pagkadapa.

Kung gusto mong magkaroon ng strong mindset, emotional resilience, self-confidence, at peace of mind, siguraduhin mong basahin ang artikulo hanggang dulo. Dahil baka isa lang sa mga tips na ibabahagi natin ngayon ang maging dahilan para tuluyan mong mabago ang paraan ng pagtingin mo sa sarili, sa mga problema, at sa buhay.

So kung handa ka nang palakasin ang isip at karakter mo, grab your seat, relax, and let's get started.


Number 1
Sanayin mong mag-isip muna bago mag-react


Isa sa pinakamalaking palatandaan ng isang mentally strong na tao ay hindi siya agad nagpapadala sa emosyon. Dahil alam niyang ang bawat reaction ay may consequence. Kapag may nagsabi ng masakit, may nangyaring hindi inaasahan, o may taong sumubok sa pasensya mo, ang unang gusto ng emosyon ay gumanti, gusto ng emosyon na sumagot, o gumawa ng desisyon agad. Pero ang taong matatag, humihinto muna. Humihinga muna. Nag-iisip muna bago kumilos. Because they understand that one emotional reaction can create a problem that lasts much longer than the situation itself.

Isipin mo ito. Ilang beses ka nang nagsalita dahil galit ka, tapos pagkatapos ng ilang minuto, sinabi mo sa sarili mo, "Sana hindi ko na lang sinabi 'yun." O kaya naman, dahil sa sobrang inis, gumawa ka ng desisyon na pinagsisihan mo rin kalaunan. That's what happens when emotions take the driver's seat. Kapag emosyon ang may kontrol, madalas logic ang nawawala.

Ang maganda sa pag-iisip bago mag-react ay binibigyan mo ang sarili mo ng pagkakataong makita ang buong picture. Baka kaya masungit ang taong kausap mo ay dahil may pinagdadaanan din siya. Baka ang criticism na narinig mo ay hindi paninira kundi feedback na makakatulong sa'yo. Baka ang problemang akala mo ay katapusan na, isa lang pala itong temporary challenge na lilipas din. Sometimes, all you need is a few moments of silence before making your next move.

Hindi ibig sabihin nito na magiging mahina ka o hahayaan mo na lang ang lahat. In fact, it's the opposite. It takes more strength to stay calm than to explode in anger. Madaling sumigaw. Madaling makipag-away. Madaling mag-post kapag emosyonal ka. Pero ang mahirap ay pigilan ang sarili, mag-isip nang malinaw, at piliin ang response na hindi mo pagsisisihan. That is real strength.

Kapag nasanay kang mag-isip bago mag-react, mapapansin mong mas nagiging payapa ang buhay mo. Mas kaunti ang unnecessary arguments. Mas kaunti ang misunderstandings. Mas marami kang tamang desisyon dahil hindi ka na basta-bastang nadadala ng init ng ulo o bugso ng damdamin. People will also begin to respect you more because they know you're someone who responds with wisdom instead of impulse.

Laging tandaan, you can't always control what happens to you, but you can always control how you respond. At kadalasan, ang sumisira sa atin ay ang maling reaction natin sa problema. Kaya bago ka magsalita, bago ka magdesisyon, at bago ka gumanti, give yourself a moment to think. Because the strongest response is responding wisely.


Number 2
Matuto kang maging komportable sa discomfort


Kung mapapansin mo, karamihan sa atin gustong-gusto ang komportableng buhay. Gusto natin ng mga bagay na madali, gusto natin yung sigurado, at gusto natin walang masyadong hirap. Pero doon nagsisimulang tumigil ang paglago. Because growth rarely happens inside your comfort zone. Ang mga pinakamagagandang pagbabago sa buhay mo ay kadalasang nagsisimula sa mga sitwasyong nakakatakot, nakakapagod, at hindi komportable.

Isipin mo noong una kang sumubok ng isang bagay na hindi mo pa alam. Hindi ba totoo na sobrang kaba mo? Pakiramdam mo parang hindi mo kaya. Pero habang tumatagal, unti-unti kang nasanay. Ang dating nakakatakot, naging normal na lang. Ang dating imposible, naging bahagi na ng kakayahan mo. That's how confidence is built. Nabubuo ang confidence habang patuloy kang kumikilos kahit hindi ka komportable.

Maraming tao ang naghihintay na maging handa muna bago gumawa ng malaking hakbang. But nobody ever feels one hundred percent ready. Kung hihintayin mong mawala ang takot bago ka magsimula, baka habambuhay kang naghihintay. The only way to grow is to move forward while your knees are shaking. Ang tapang ay ang pagpiling kumilos kahit natatakot ka.

Kapag palagi mong pinipili ang madali, hindi lumalawak ang kakayahan mo. Pero kapag hinaharap mo ang mga bagay na uncomfortable, unti-unti mong napapatunayan sa sarili mo na mas malakas ka kaysa sa iniisip mo. Every challenge stretches your mindset. Every difficult experience teaches you something that comfort never could. Ang pressure, kapag tama ang pagharap mo rito, hinuhubog ka nito.

Tingnan mo ang mga taong hinahangaan mo. Madalas ang nakikita lang natin ay ang tagumpay nila, pero hindi natin nakikita ang dami ng gabing puyat sila, hindi natin nakikita ang natanggap nilang rejections, ang failures nila at self-doubt na pinagdaanan nila. Naging matatag sila dahil paulit-ulit nilang piniling harapin ang discomfort. They understood that temporary discomfort can lead to permanent growth.

Kaya sa susunod na may pagkakataong sumubok ng bago, huwag agad umatras dahil lang kinakabahan ka. Kapag may responsibilidad na mukhang mabigat, huwag mong isipin na senyales iyon na hindi mo kaya. Baka iyon na mismo ang opportunity na magpapalakas sa'yo. Remember, comfort feels safe, but it doesn't always help you grow. Discomfort feels scary, but it often becomes the bridge between who you are today and the person you're capable of becoming.

Laging tandaan, ang tunay na tagumpay ay dumarating sa mga taong handang maging uncomfortable para maabot ang mas malaking pangarap. So don't run away from discomfort. Embrace it. Because every time you choose growth over comfort, you're becoming stronger, wiser, and more prepared for the opportunities that life has been preparing for you.


Number 3
Huwag hayaang kontrolin ng emosyon ang bawat desisyon


Lahat tayo may emosyon. Normal lang na makaramdam ng galit, lungkot, takot, pagkadismaya, o sobrang saya. Ang problema ay nagsisimula kapag ang emosyon na ang nagiging driver ng bawat desisyon natin. Kapag galit tayo, gusto nating gumanti. Kapag nasaktan tayo, gusto nating lumayo agad. Kapag sobrang saya naman, gumagawa tayo ng mga desisyong hindi natin pinag-isipan. Emotions are important, but they were never meant to be in charge of your life. They are meant to inform you, not control you.

Isipin mo kung ilang pagkakaibigan ang nasira dahil sa isang mensaheng ipinadala habang mainit ang ulo. Ilang relasyon ang nagkaroon ng lamat dahil sa mga salitang binitiwan sa bugso ng damdamin. Ilang oportunidad ang nawala dahil may nagdesisyong sumuko noong pakiramdam niya ay pagod na pagod na siya. Hindi ang sitwasyon ang tunay na problema. Ang problema ay ang desisyong ginawa natin habang emosyonal tayo.

Ang mga mentally strong na tao, nasasaktan din sila. Naiinis din sila. Natatakot din sila. Pero alam nila kung paano nila i-feel ang kanilang emosyon, but but they don't let it make the decision. Binibigyan nila ang sarili nila ng oras para kumalma bago magsalita, bago mag-post sa social media, bago makipaghiwalay, bago mag-resign, o bago gumawa ng anumang desisyong puwedeng magbago ng direksyon ng buhay nila.

Kapag mataas ang emosyon, mababa ang malinaw na pag-iisip. Kaya kapag may nangyaring nakakagalit, hindi mo kailangang sumagot agad. Kapag may nagsabi ng masakit, hindi mo kailangang patunayan agad na tama ka. At kapag may disappointment na dumating, hindi ibig sabihin noon ay tapos na ang lahat. Sometimes, the strongest move is to give yourself time. Sleep on it if you have to. Because many problems disappear when you stop reacting and start thinking.

Napansin mo ba na kapag lumipas na ang ilang oras o ilang araw, iba na ang tingin mo sa sitwasyon? Ang dating gusto mong ipaglaban, parang hindi na pala ganoon kahalaga. Ang dating akala mong katapusan ng mundo, naging isa na lang palang leksyon. Iyan ang kapangyarihan ng paglalaan ng oras bago gumawa ng desisyon. Time gives wisdom a chance to speak louder than emotion.

Hindi rin ibig sabihin nito na itatago mo ang nararamdaman mo. Hindi healthy ang magkunwaring okay kung hindi ka naman talaga okay. Ang mahalaga ay matutunan mong kilalanin ang emosyon mo nang hindi ka nagiging alipin nito. It's okay to cry. It's okay to feel hurt. It's okay to admit that you're angry. But don't let temporary emotions create permanent consequences.

Tandaan mo ito: ang emosyon ay parang alon sa dagat. Minsan malakas, minsan mahina, at laging nagbabago. Pero ang mga desisyong ginagawa mo habang nasa gitna ka ng pinakamalalakas na alon ay maaaring magkaroon ng epekto sa buong buhay mo. Kaya huwag hayaang emosyon ang humawak ng manibela. Let wisdom take the wheel. Dahil ang tunay na matatag na tao ay iyong marunong makinig sa emosyon, pero pinipiling gumawa ng desisyong nakabatay sa katotohanan, values, at long-term consequences.


Number 4
Tanggapin mo ang criticism nang bukas ang isip


Aminin man natin o hindi, walang taong gustong mapuna. Kapag may nagsabi sa atin ng mali natin, ang unang reaksyon kadalasan ay magtanggol ng sarili. Minsan naiisip pa natin, "Bakit ako ang pinupuna? Bakit hindi na lang ang iba?" Natural lang iyon. Nasasaktan ang ego natin kapag may nagsasabing may kailangan pa tayong baguhin. Pero ang tanong ay ito: Gusto mo bang lagi kang tama, o gusto mong patuloy na gumaling? Because those are two very different things.

Ang mga mentally strong na tao ay hindi tumatakbo sa criticism. Hindi rin sila agad nagagalit sa bawat puna. Alam nila na kahit masakit pakinggan, may pagkakataong ang criticism ang pinakamabilis na paraan para makita ang mga bagay na hindi nila napapansin sa sarili nila. The truth doesn't always come wrapped in kind words. Minsan, dumarating ito sa anyo ng isang komentong hindi natin gusto, pero kailangan pala nating marinig.

Isipin mo ang isang atleta. Gumagaling siya dahil may coach na nagsasabi kung ano ang mali sa galaw niya at kung paano niya iyon maaayos. Ganon din sa buhay. Kung puro papuri lang ang maririnig natin, baka isipin nating wala na tayong kailangang baguhin. Pero ang taong handang tumanggap ng tamang criticism ay mas mabilis matuto, mas mabilis mag-improve, at mas mabilis umunlad.

Siyempre, hindi lahat ng criticism ay tama. May mga taong mamumuna dahil naiinggit sila, dahil galit sila, o gusto ka lang nilang pabagsakin. Kaya hindi ibig sabihin na paniniwalaan mo ang lahat ng sinasabi ng iba. Kaya matuto kang salain ang bawat opinyon. Ask yourself, "May katotohanan ba rito? May leksyon ba akong puwedeng makuha?" Kung meron, gamitin mo iyon bilang stepping stone. Kung wala, hayaan mo na lang itong lumipas. You don't have to carry every opinion people throw at you.

Minsan kasi, masyado tayong abala sa pagdepensa sa sarili kaya hindi na natin naririnig ang aral na nasa likod ng criticism. Imbes na magtanong ng, "Bakit niya sinabi iyon?" subukan mong itanong, "Ano ang puwede kong matutunan dito?" Ang simpleng pagbabago ng mindset na iyan ay puwedeng magdala ng malaking pagbabago sa buhay mo.

Kapag natutunan mong tumanggap ng criticism nang bukas ang isip, mapapansin mong mas nagiging humble ka. Mas nagiging teachable ka. Hindi mo na kailangang patunayan sa lahat na perpekto ka, dahil alam mong ang tunay na lakas ay hindi ang pagtatago ng mga kahinaan mo. Ang tunay na lakas ay ang tapang na aminin na may mga bagay ka pang kailangang matutunan. Growth begins the moment you stop pretending that you already know everything.

At tandaan mo rin ito, ang mga taong walang ginagawa ay bihirang mapuna. Pero ang mga taong may pangarap, may ginagawa, at patuloy na sumusubok ay siguradong makakatanggap ng criticism. Kasama iyon sa proseso. Kaya huwag mong hayaang pigilan ka ng takot na mapintasan. Hindi mo makokontrol ang sasabihin ng ibang tao, pero makokontrol mo kung paano ka tutugon dito. Let criticism refine you, not define you. Gamitin mo itong gasolina para mas gumaling, mas tumatag, at mas mapalapit sa taong gusto mong maging. Dahil sa huli, ang taong marunong tumanggap ng tamang puna ay kadalasang siyang taong patuloy na umaangat sa buhay.


Number 5
Tingnan ang bawat kabiguan bilang pagkakataong matuto


Walang taong gustong mabigo. Kapag pinagpaguran mo ang isang bagay tapos hindi nangyari ang inaasahan mo, natural lang na masaktan at madismaya. Minsan pa nga, umaabot tayo sa puntong gusto na lang nating sumuko dahil pakiramdam natin, hindi tayo sapat. Pero ang isang bagay na dapat mong tandaan, failure is part of success. Halos lahat ng matagumpay na tao ay dumaan muna sa maraming kabiguan bago nila narating ang tagumpay na nakikita natin ngayon.

Ang problema kasi, karamihan sa atin tinitingnan natin ang kabiguan bilang katapusan ng kwento. Kapag bumagsak tayo sa exam, iniisip na agad natin na hindi tayo matalino. Kapag hindi tayo natanggap sa trabaho, iniisip natin na wala nang pag-asa. Kapag nalugi ang ating negosyo, pakiramdam natin ay tapos na ang lahat. Pero ang kabiguan ay nagsasabi na may paraan na hindi gumana.

Imagine mo ang isang batang natututong maglakad. Ilang beses ba siyang nadadapa bago siya tuluyang makalakad? Maraming beses. Pero hindi siya humihinto at hindi rin niya iniisip na hindi para sa kanya ang paglalakad. Bumabangon lang siya at sumusubok ulit. Habang tumatanda tayo, parang nakakalimutan natin ang simpleng aral na iyon. Natatakot na tayong magkamali dahil iniisip natin na ang pagkakamali ay nakakahiya. But every expert was once a beginner who made countless mistakes.

Ang mga mentally strong na tao ay iba ang pananaw sa kabiguan. Kapag may hindi nagtagumpay, hindi nila agad tinatanong ang sarili nila kung bakit siya natalo? Mas madalas nilang itanong kung ano ang puwede niyang matutunan dito dahil alam nila na bawat failure ay may dalang leksyon na hindi mo matututunan kapag palaging madali ang buhay. Your biggest setback becomes your greatest teacher.

Kung iisipin mo, mas marami tayong natututunan sa mga panahong nahihirapan tayo kaysa sa mga panahong komportable ang lahat. Kapag nagkamali ka, natututo kang maging mas maingat. Kapag nasaktan ka, natututo kang maging mas matalino sa pagpili ng tao. Kapag nabigo ka, natututo kang maging mas matatag. Pain has a way of teaching lessons that comfort never can. At kahit ayaw natin sa sakit, madalas doon tayo pinakamabilis lumago.

Hindi rin ibig sabihin na hindi ka masasaktan kapag nabigo. Of course, masasaktan ka. It's okay to feel disappointed. It's okay to cry. It's okay to take a break. Pero huwag mong hayaang doon matapos ang kwento mo. Rest if you need to, but don't quit. Ang kabiguan ay pahina lang ng buhay mo, hindi ito ang buong libro.

Sa bawat kabiguang nararanasan mo, isipin mo na para kang nag-iipon ng experience. At ang experience ang isa sa pinakamahalagang puhunan sa buhay. Hindi mo man makita agad ang dahilan kung bakit nangyari ang isang failure, darating ang araw na maiintindihan mo kung paano ka nito inihanda para sa mas malaking oportunidad. Minsan, ang "no" na natanggap mo ngayon ang dahilan kung bakit makakarating ka sa mas tamang lugar bukas.

Kaya sa susunod na mabigo ka, huwag mong isipin na tapos na ang laban. Instead, ask yourself, "Ano ang itinuturo sa akin ng sitwasyong ito?" Dahil ang kabiguan ay dumarating para hubugin ang pagkatao mo. Remember this: You only truly fail when you stop learning and stop trying. Hangga't handa kang bumangon, hangga't handa kang matuto, at sumubok ulit, hindi ka talunan. You're simply becoming stronger, wiser, and one step closer to the success you've been working for.


Number 6
Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa ibang tao


Sa panahon ngayon, napakadaling mahulog sa bitag ng pagkokompara. Isang scroll lang sa social media, makikita mo ang taong may bagong kotse, may sariling bahay, masayang relasyon, successful na negosyo, o nagtatravel sa iba't ibang bansa. At bigla mong maiisip, "Bakit sila meron na? Bakit ako parang nandito pa rin?" Pero ang hindi natin napapansin, ang ikinukumpara natin ay ang buong buhay natin sa pinakamagandang highlight lang ng buhay ng ibang tao.

The truth is, social media is a highlight reel, not the whole story. Hindi mo nakikita ang mga gabing umiiyak sila, ang mga rejection na pinagdaanan nila, ang mga pagkakamaling ginawa nila, o ang mga pagkakataong gusto na rin nilang sumuko. Ang nakikita mo lang ay ang bunga, pero hindi ang proseso. Kaya hindi talaga patas na ikumpara ang sarili mo sa isang kwentong hindi mo naman lubos na alam.

Ang bawat tao ay may kanya-kanyang timeline. May mga taong maagang nagtatagumpay sa career, pero nahihirapan sa relationships. May mga taong huli man yumaman, pero mas masaya at mas payapa ang buhay. May mga taong mabilis umangat, at mayroon ding dahan-dahan pero tuloy-tuloy ang progreso. Life is not a race. It's a journey. Hindi mo kailangang mauna sa iba. Ang mahalaga ay hindi ka tumitigil sa paglakad.

Kapag palagi mong ikinukumpara ang sarili mo sa iba, nawawala ang focus mo sa sarili mong growth. Sa halip na pagbutihin ang sarili mong landas, nauubos ang oras mo sa pagtingin sa direksyon ng iba. At ang masakit pa roon, kahit malayo na ang narating mo, pakiramdam mo kulang pa rin dahil laging may taong mas angat sa'yo. Comparison steals joy. Ninanakaw nito ang saya sa mga biyayang mayroon ka na at pinaparamdam sa'yo na parang hindi sapat ang lahat ng pinaghirapan mo.

Mas magandang tanungin ang sarili mo ng, "Mas mabuti ba ako ngayon kaysa sa dating ako?" Iyan ang comparison na may saysay. Kung mas matalino ka na ngayon kaysa noong isang taon, kung mas disiplinado ka na, kung mas mabait ka na, kung mas matapang ka nang harapin ang mga hamon, ibig sabihin umuunlad ka. At iyon ang tunay na sukatan ng progreso.

Tandaan mo rin na iba-iba ang simula ng bawat tao. May mga ipinanganak na maraming oportunidad. May iba namang kailangang magsimula sa halos wala. Kaya hindi patas na ikumpara ang Chapter 2 ng buhay mo sa Chapter 20 ng ibang tao. Everyone is fighting a different battle and walking a different path. Kaya huwag mong isipin na nahuhuli ka dahil lang mas mabilis ang takbo ng iba. Baka ang landas mo ay mas mabagal, pero mas matibay ang pundasyong binubuo mo.

Kapag natutunan mong huminto sa pagkukumpara, mas matututunan mong pahalagahan ang sarili mong journey. Mas ma-eenjoy mo ang maliliit na achievements. Mas magiging grateful ka sa bawat hakbang na ginagawa mo. At higit sa lahat, mas magkakaroon ka ng confidence dahil hindi na nakadepende ang halaga mo sa tagumpay ng ibang tao. You stop chasing validation and start building your own future.

Kaya sa tuwing makikita mong parang mas lamang ang iba, huwag mong isipin na talo ka na. Gawin mo silang inspirasyon, hindi sukatan ng halaga mo. Celebrate their success, then go back to building your own life. Ang pinakamahalagang laban ang maging mas mabuting bersyon ng sarili mo araw-araw. Your only competition is the person you were yesterday. Kapag iyon ang mindset mo, magiging mas matatag ka rin sa anumang hamon na dumating.


Number 7
Mag-focus sa paghahanap ng solusyon kaysa sa pagrereklamo


Natural lang ang magreklamo kapag may problema. Kapag sunod-sunod ang pagsubok, kapag hindi napunta sa plano ang mga pangyayari, o kapag pakiramdam mo ay unfair ang buhay, normal lang na mapabuntong-hininga. Pero ang tanong, may nababago ba ang pagrereklamo? Kadalasan, wala. Maaari nitong mailabas ang sama ng loob mo sa sandaling iyon, pero bihira nitong mabago ang sitwasyon. Samantalang ang paghahanap ng solusyon, kahit maliit na hakbang lang, ay unti-unting naglalapit sa'yo sa pag-ahon.

Mapapansin mo na ang mga mentally strong na tao ay marami rin silang pinagdadaanan. Ang kaibahan lang, hindi sila nagtatagal sa pagrereklamo. Dahil alam nila na ang oras at lakas ay limitado. At mas mabuting ilaan ito sa mga bagay na may epekto kaysa sa paulit-ulit na pag-iisip sa mga bagay na hindi na nila mababago.

Isipin mo ang dalawang tao na parehong nawalan ng trabaho. Pareho silang nalungkot, pareho silang natakot, at pareho silang nahirapan. Pero ang una ay buong araw na nagreklamo tungkol sa malas ng buhay at sa mga taong sinisisi niya. Samantalang ang pangalawa, pagkatapos magluksa at tanggapin ang nangyari, nagsimulang mag-update ng resume, naghanap ng online courses, nagpadala ng applications, at naghanap ng bagong oportunidad. Pareho silang nagsimula sa parehong problema, pero magkaiba ang naging direksyon ng buhay nila dahil magkaiba ang pinili nilang pagtuunan ng pansin. Your focus determines your direction.

Hindi ibig sabihin nito na bawal kang mapagod o malungkot. Hindi rin ibig sabihin na kailangan mong magpanggap na okay ka palagi. It's okay to feel frustrated. It's okay to admit that life is hard. Pero huwag kang manatili roon. Feel the emotion, acknowledge the problem, then ask yourself, "What's my next step?" Dahil doon nagsisimula ang pagbabago.

Ang pagrereklamo ay parang pag-upo sa loob ng sasakyang na-flat ang gulong habang paulit-ulit mong sinasabing ang malas mo. Pero kahit ilang beses mo pang sabihing malas ka, hindi uusad ang sasakyan. Kailangan mo pa ring bumaba, ayusin ang gulong, o humanap ng paraan para makarating sa pupuntahan mo. Ganito rin sa buhay. Hindi lahat ng problema ay kasalanan mo, pero madalas, nasa kamay mo pa rin ang responsibilidad kung paano ka tutugon dito.

At tandaan mo rin, hindi lahat ng solusyon ay malaki agad. Ang kailangan mo lang ay isang maliit na hakbang. One small action is always more powerful than a thousand complaints. Dahil habang kumikilos ka, mas lumalapit ka sa pagbabago. Habang nagrereklamo ka lang, nananatili ka sa parehong lugar.

Kaya sa susunod na may dumating na problema, subukan mong baguhin ang mindset mo. Imbes na ubusin ang lakas mo sa pagrereklamo, ubusin mo ito sa paghahanap ng paraan. Because strong people face problems with courage, wisdom, and action.


Number 8
Alagaan ang iyong mental at physical health


Maraming tao ang akala nila ang pagiging matatag ay ibig sabihin hindi ka napapagod, hindi ka nasasaktan, at kaya mong tiisin ang lahat. Pero ang totoo, real strength is knowing when to take care of yourself. Hindi ka magiging produktibo, hindi magiging malinaw ang pag-iisip mo, at mahihirapan kang harapin ang mga problema kung ang katawan at isip mo ay pareho nang ubos.

Minsan kasi, sobrang busy nating habulin ang mga pangarap natin na nakakalimutan na nating alagaan ang taong nagsisikap para maabot ang mga pangarap na iyon, ang sarili natin. Puyat ka na halos gabi-gabi. Hindi ka na kumakain sa tamang oras. Halos wala ka nang pahinga. Tapos nagtataka ka kung bakit mabilis kang magalit, bakit wala kang gana, o bakit parang ang bigat-bigat ng lahat. The truth is, your mind and your body are connected. Kapag napapagod ang katawan mo, napapagod din ang isip mo. At kapag pagod ang isip mo, kahit maliit na problema, parang napakalaki na.

Napansin mo ba na kapag kulang ka sa tulog, mas madali kang mairita? Kapag gutom ka, mas mabilis kang mawalan ng pasensya? Kapag ilang linggo kang walang pahinga, parang wala ka nang motivation gawin kahit ang mga bagay na dati mong gustong-gusto? Hindi ka tamad. Hindi ka mahina. Ang kailangan lang ng katawan at isip mo ay tamang pahinga at tamang pag-aalaga.

Ang mga mentally strong na tao ay marunong din silang magpahinga. Naiintindihan nila that rest is not a reward, it's a necessity. Hindi sila nakakaramdam ng guilt kapag kailangan nilang matulog nang maaga, maglakad-lakad, mag-exercise, o maglaan ng oras para huminga at mag-recharge. Dahil alam nila na hindi nila maibibigay ang best version ng sarili nila kung sila mismo ay ubos na ubos na.

At huwag mo ring kalimutang alagaan ang mental health mo. Hindi lang katawan ang napapagod. Napapagod din ang isip. Kung palagi kang overloaded sa stress, kung palagi kang overloaded sa negatibong balita, sa toxic na tao, at walang tigil na pressure, darating ang puntong mapupuno ka rin. Kaya okay lang na lumayo muna sa mga bagay na sumisira sa peace of mind mo. Okay lang na magpahinga. Okay lang na maglaan ng oras para sa sarili. Protecting your peace is not selfish. It's necessary.

May mga tao kasing inuuna ang lahat pero ang sarili nila, laging nasa huli. Hanggang sa isang araw, sila mismo ang maubusan ng lakas. Tandaan mo ito: You can't pour from an empty cup. Kung gusto mong maging sandalan ng ibang tao, kailangan siguraduhin mong matatag ka rin. At ang pagiging matatag ay nagsisimula sa tamang pag-aalaga sa sarili.

Tandaan mo na ang tagumpay ay hindi lang nasusukat sa dami ng pera, achievements, o mga naabot mo. Ano ang silbi ng lahat ng iyon kung palagi ka namang pagod, stressed, at wala nang saya sa buhay? Ang tunay na success ay ang magkaroon ng pangarap habang inaalagaan mo rin ang sarili mong kalusugan. Because at the end of the day, your body is the home you live in, and your mind is the engine that drives your life. Kaya alagaan mo silang pareho dahil gusto mong manatiling malakas para sa mga pangarap na gusto mo pang abutin at sa buhay na gusto mo pang mabuo.


Number 9
Maniwala ka na kaya mong bumangon
anumang pagsubok ang dumating


Darating talaga ang mga pagkakataon na pakiramdam mo parang sunod-sunod ang problema. Minsan, kakabangon mo pa lang sa isang pagsubok, may panibago na namang darating. May mga araw na gusto mo na lang sumuko dahil pakiramdam mo wala nang nangyayaring tama. Napapagod ka. Nadidismaya ka. At minsan, tinatanong mo pa ang sarili mo, "Kaya ko pa ba talaga?" Kung naramdaman mo na ito, tandaan mo na hindi ka nag-iisa. Lahat ng tao, kahit gaano pa sila katatag ngayon, dumaan din sa mga panahong akala nila hindi na sila makakabangon.

Pero may isang bagay na pinagkaiba ng mga taong nagtatagumpay sa mga taong tuluyang sumusuko. Ang pinagkaiba ay naniniwala silang may pag-asa pa kahit hindi pa nila nakikita ang resulta. They believe they can rise again, even when life knocks them down. Iyan ang tunay na lakas ng mindset.

Maraming beses sa buhay na mararamdaman mong parang nahuhuli ka na. But remember this, a bad chapter doesn't mean it's the end of the story. Hindi dahil natalo ka ngayon, ibig sabihin habang-buhay ka nang talunan. Hindi dahil may nawala sa'yo, ibig sabihin wala nang darating na mas maganda.

Ang totoo, mas malakas ka kaysa sa inaakala mo. Kung babalikan mo ang buhay mo, malamang marami ka nang problemang inakala mong hindi mo kakayanin. Pero heto ka ngayon. Humihinga. Lumalaban. Patuloy na sumusubok. Hindi man perpekto ang sitwasyon mo, pero nalampasan mo ang mga araw na akala mo ay hindi mo malalampasan. That is proof that you are stronger than you give yourself credit for.

At huwag mong kalimutan na bawat pagsubok na nalalagpasan mo ay may idinadagdag na lakas sa pagkatao mo. Ang bawat kabiguan ay may itinuturo. Ang bawat luha ay may aral. Ang bawat paghihirap ay may dahilan.

Kaya kung may pinagdaraanan ka ngayon, huwag mong hayaang kumbinsihin ka ng takot na hanggang dito na lang ang kwento mo. Hindi pa ito ang katapusan. Ito ay isang chapter lang. Keep believing. Keep learning. Keep moving forward. Dahil hangga't hindi ka sumusuko, may pagkakataon ka pang bumangon. At tandaan mo ito: Life may knock you down many times, but you only truly lose when you decide not to stand up again.

Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

10 Dark Psychology Tricks na Epektibo sa Lahat ng Tao By Brain Power 2177

10 Psychological Tricks Para Matigil ang Overthinking at Maging Peaceful ang Isip By Brain Power 2177