9 Mental Traps na Maaaring Ginagawa Mo Araw-Araw By Brain Power 2177
Alam mo ba na ang utak mo mismo ang unang nanloloko sa’yo? Kapag mali ka, ayaw ng utak mo na maramdaman mong mali ka. Kaya gumagawa ito ng excuses, explanations, at kung anu-anong kwento para maprotektahan ang ego mo. Ang mas nakakagulat? Puwede kang maging 100% convinced sa isang bagay na ikaw mismo ang nag-imbento sa isip mo. At doon nagsisimula ang problema, kapag ang fiction na ginawa ng utak mo ay tinatawag mo nang “reality.”
Number 1
Confirmation Bias
Ang hinahanap natin ay kung ano ang magpapatunay na tama tayo. At dito pumapasok ang confirmation bias, isang tendency ng utak na mas bigyang-pansin, paniwalaan, at alalahanin ang mga bagay na sumasang-ayon sa kung ano na ang pinaniniwalaan natin.
Isipin mo na may politiko kang matagal nang sinusuportahan. Para sa’yo, mabuti siyang lider, may malasakit sa tao, at may magandang intensyon. Dahil buo na ang belief mo tungkol sa kanya, kapag may balitang pumupuri sa kanya, mabilis mo itong pinaniniwalaan.
Pero kapag may lumabas na criticism o report na may problemang konektado sa administration niya, iba na ang reaction mo.
Notice what happened.
Kapag pabor sa politician mo, evidence siya.
Kapag kontra sa politician mo, automatically suspicious.
Ganito gumagana ang confirmation bias.
Kapag may belief ka na, parang naghahanap ang utak mo ng evidence para suportahan iyon. Ang ginagawa nito ay selective attention, pinipili nito kung alin ang bibigyan mo ng importance at alin ang madali mong i-dismiss.
Kaya kung iniisip mong malas ka sa buhay, mas mapapansin mo ang mga bagay na hindi nag-work.
Ganito rin sa relationships.
Kapag convinced kang hindi ka mahal ng partner mo, bawat maliit na pagbabago sa behavior niya puwedeng maging “evidence.”
Pero kapag nag-effort siya, naglaan ng oras, o gumawa ng bagay para mapasaya ka, puwedeng hindi mo iyon bigyan ng parehong bigat dahil hindi ito tugma sa belief mo.
You don't see reality as it is. You often see reality through the story you've already created.
Mas delikado ito kapag tungkol sa sarili mo.
Kung paulit-ulit mong sinasabi sa sarili mo na hindi ka magaling, mapapansin mo ang bawat pagkakamali mo. Kapag may isang presentation kang sablay, parang confirmation iyon na incompetent ka. Pero kapag may ginawa kang mahusay, sasabihin mo na swerte ka lang.
Dito nagiging dangerous ang confirmation bias.
Kapag mas importante sa’yo ang mapatunayan na tama ka kaysa malaman kung ano ang totoo, unti-unting nagiging kulungan ang sariling isip mo.
At minsan, tama naman tayo. Hindi ibig sabihin na lahat ng hinala natin ay mali. Ang problema ay kapag hindi na natin binibigyan ng fair chance ang possibility na baka tayo naman ang mali.
Kapag may opinion kang malakas mong pinaniniwalaan, subukan mo ring hanapin ang evidence na kumokontra sa’yo. Dahil minsan, humility ang kulang sa atin.
We can have access to information, experience, education, at common sense and still misunderstand reality kung ang utak natin ay ginagamit lamang para i-defend ang conclusion na gusto na nating paniwalaan.
Number 2
Dunning-Kruger Effect
May mga taong kaunti pa lang ang alam, pero sobrang taas na ng confidence. At hindi nila alam na kaunti pa lang talaga ang alam nila.
Ito ang tinatawag na Dunning-Kruger Effect, isang cognitive bias kung saan maaaring ma-overestimate ng isang tao ang sarili niyang knowledge, skill, o competence dahil kulang pa ang understanding niya para makita kung gaano karami ang hindi niya alam.
At ito ang dahilan kung bakit ang taong pinakamaingay sa isang discussion ay hindi necessarily ang pinaka may alam.
Isipin mo ang isang taong kakapanood pa lang ng ilang videos tungkol sa investing. Dahil nakakuha siya ng basic concepts tulad ng stocks, dividends, at compound interest, bigla niyang nararamdaman na parang expert na siya.
Kapag may mas experienced na nagbigay ng warning, sasabihin niya:
“Bro, basic lang ’yan. Alam ko na ’yan.”
Pero kapag tinanong mo na siya tungkol sa risk management, valuation, market cycles, portfolio allocation, at kung paano magre-react ang iba't ibang assets sa economic conditions, biglang lumalabas ang gap. Dahil masyado lang mataas ang confidence niya kumpara sa actual level ng competence niya.
At ito ang interesting part.
Kapag nagsisimula ka pa lang matuto tungkol sa isang bagay, simple ang tingin mo rito. Parang madali lang. You see the surface, and you think you've understood the whole thing. Pero habang mas malalim ang pag-aaral mo, mas nakikita mong complicated pala. Mas marami kang natututunang exceptions. Mas marami kang nakikitang variables. Mas marami kang tanong. The more you learn, the more aware you become of what you don't know.
Kung convinced kang mas magaling ka na sa lahat, bakit mo tatanggapin ang correction? Eventually, you stop learning because you mistakenly believe you've already learned enough.
Sometimes your understanding of the situation is incomplete. Ito rin ang dahilan kung bakit dangerous ang pagiging confidently wrong. Kapag kasi mali ka at convinced kang tama ka, mahirap kang tulungan. You don't look for information anymore. You look for validation. At dito nagiging connected ang Dunning-Kruger Effect sa ego.
Kapag masyadong nakatali ang identity mo sa pagiging “matalino,” “magaling,” o “always right,” nagiging banta ang correction. Kapag may nag-correct sa’yo, nagagalit ka na.
Pero may magandang side ang pagiging aware sa Dunning-Kruger Effect. It teaches you to become more careful with your confidence. Lahat tayo nagkakamali. Ang problema ay kapag mas pinili mong protektahan ang ego mo kaysa itama ang sarili mo.
Habang lumalaki ang knowledge mo, mas lumalaki rin ang awareness mo sa napakalawak na bagay na hindi mo pa alam. At iyon ang pinaka-clear na sign na nag-iimprove ka. Real intelligence includes knowing the limits of what you know.
Number 3
Rationalization
Alam mo naman sa sarili mong mali ang ginawa mo. Alam mong hindi magandang decision iyon. Alam mong may mas magandang choice sana. Pero imbes na aminin mo, bigla kang nakakagawa ng explanation kung bakit reasonable naman pala ang ginawa mo.
At dito pumapasok ang rationalization.
Ang rationalization ay kapag gumagawa ang utak ng explanation na mukhang logical para maprotektahan ang sarili natin mula sa guilt, shame, embarrassment, o sa uncomfortable feeling na kailangan nating tanggapin na nagkamali tayo. Parang may internal lawyer ang brain mo. At dahil reasonable pakinggan ang explanation, nakakaramdam ka ng relief. Pero hindi talaga solved ang problem. Nagawa mo lang siyang mas madaling tanggapin ng ego mo.
Halimbawa, alam mong dapat kang mag-ipon pero lagi mong inuubos ang pera mo sa mga bagay na hindi naman kailangan. Kapag tinanong ka kung bakit wala kang savings, puwedeng sabihin mo, “Kailangan ko rin namang i-enjoy ang buhay. Hindi naman ako mabubuhay para puro trabaho.”
Totoo naman iyon. Pero baka hindi iyon ang buong truth. Baka ang mas uncomfortable na katotohanan ay hindi mo kayang kontrolin ang impulses mo. Ganoon kalakas ang rationalization. Kailangan lang nitong kumuha ng isang valid na dahilan at gamitin iyon para takpan ang mas malalim na problema.
At ang utak mo ay gumagawa ng respectable explanation para hindi mo kailangang harapin ang takot. Minsan naman, ginagamit natin ang rationalization para protektahan ang pride.
Halimbawa, may taong nagbigay sa’yo ng criticism. Imbes na isipin kung may point ba siya, sasabihin mo na insecure lang siya. Pero paano kung may bahagi ng criticism niya na tama? Masakit iyon tanggapin. Kaya mas convenient na i-label siya bilang insecure kaysa tanggapin na kailangan mo talagang mag-improve.
Ito rin ang dahilan kung bakit puwedeng paulit-ulit nating gawin ang parehong mistake. Dahil pagkatapos nating gawin ang mali, gumagawa tayo ng explanation na nagpapagaan ng pakiramdam natin. So we don't learn.
Kung every failure ay may excuse, hindi mo na kailangang baguhin ang behavior. Kung bawat rejection ay kasalanan ng ibang tao, hindi mo na kailangang mag-improve. Kung bawat financial problem ay dahil sa malas, hindi mo na kailangang ayusin ang habits mo. Kung bawat conflict ay dahil sa attitude ng ibang tao, hindi mo na kailangang tingnan ang sarili mong contribution sa problema.
Rationalization protects your ego today but it can sabotage your growth tomorrow. Dahil ang growth ay nangangailangan ng accountability.
Iyan ang mas mature na mindset. Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo sa lahat. Hindi rin ibig sabihin na bawat failure ay kasalanan mo. Ang point ay huwag mong gamitin ang explanation para takasan ang responsibility.
Real intelligence is being able to recognize when your own explanation is protecting you from the truth. The moment you stop defending every mistake, that's when you finally have room to learn from it.
Number 4
Overconfidence
Hndi naman talaga mataas ang kakayahan natin, mataas lang ang tingin natin sa kakayahan natin. At ito ang tinatawag na overconfidence.
Ang overconfidence ay kapag mas malaki ang tiwala mo sa sarili kaysa sa actual level ng knowledge, skill, o understanding na mayroon ka. Hindi masama ang confidence. Sa katunayan, kailangan natin iyon para kumilos, sumubok, at humarap sa challenges.
Pero may malaking difference ang healthy confidence at overconfidence. Ang taong confident ay nag-iisip may kailangan pa siyang matutunan. Ang overconfident naman ay sa tingin niya ay madali lang gawin ang isang bagay. At doon nagsisimula ang problema.
Kapag overconfident ka, hindi mo na nararamdaman na kailangan mong maghanda nang mabuti. Dahil sa isip mo, sapat na ang alam mo. Hindi ka na gaanong nagtatanong. Hindi ka na nakikinig nang maayos. At kahit may nagbibigay sa’yo ng warning, iniisip mo na they just don't understand you.
Ganito rin sa arguments.
Kapag sobrang confident kang tama ka, hindi mo na pinakikinggan ang sinasabi ng kausap mo. Habang nagsasalita siya, hindi mo iniintindi ang point niya, gumagawa ka na ng sagot para mapabagsak siya.
You're not listening to understand. You're listening to win. At kapag nakahanap ka ng isang maliit na inconsistency sa sinabi niya, feeling mo tapos na ang debate. Pero ang pagkakamali ng ibang tao sa isang detail ay hindi automatic na ibig sabihin tama ang buong argument mo.
Ang overconfidence ay nagmumukhang intelligence. Maayos kang magsalita. Confident ang body language mo. Diretso kang sumagot. Hindi ka nagdadalawang-isip. Kaya iniisip ng ibang tao na knowledgeable ka. But sounding certain is not the same as being correct.
May mga taong napaka-confident magsabi ng isang bagay kahit hindi nila ito thoroughly researched. At dahil convincing silang magsalita, nagmumukha silang credible. Ito ang dahilan kung bakit delikado ang confidence kapag wala itong kasamang self-awareness.
Hindi nakakabawas ng intelligence ang pag-amin na hindi mo alam ang isang bagay. Actually, that's intellectual maturity. Dahil ang taong aware sa limits ng knowledge niya ay mas bukas matuto kaysa sa taong convinced na alam na niya ang lahat.
Kaya kapag sobrang confident ka sa isang bagay, subukan mong tanungin ang sarili mo:
“May evidence ba talaga ako, o feeling ko lang alam ko?”
Dahil hindi naman kakulangan sa intelligence ang dahilan kung bakit mali ang judgment natin. Sobra lang ang confidence at kulang ang self-awareness. Ang taong marunong umamin na puwede siyang magkamali ay mas mahirap lokohin kahit ng ibang tao, at kahit ng sarili niyang utak.
Number 5
The Halo Effect
Hindi naman natin nakikita ang isang tao kung sino talaga siya. Nakikita natin siya base sa isang magandang bagay na napansin natin tungkol sa kanya at dahil maganda ang unang impression natin, parang automatic nating ina-assume na maganda rin ang iba niyang qualities.
'Yan ang tinatawag na Halo Effect.
Parang may invisible halo sa paligid ng isang tao. Kapag nakita mong attractive siya, confident, successful, articulate, mabait, o impressive sa unang encounter, puwedeng magkaroon agad ng positive impression ang utak mo tungkol sa kanya.
At ang problema?
Isang magandang quality lang ang kailangan para bigyan natin siya ng maraming qualities na hindi naman natin napatunayan. Pero napatunayan ba talaga natin ang lahat ng qualities ng isang tao?
Ang alam lang natin, isang quality lang. The rest of the judgment is coming from our brain.
Ganito ka-powerful ang Halo Effect. One positive characteristic can influence how we judge everything else about a person.
Kaya may mga taong madaling pagkatiwalaan dahil pleasant silang kausap. May mga taong agad nating nirerespeto dahil impressive ang itsura nila. May mga taong iniisip nating mabait dahil soft-spoken sila. But personality presentation is not the same as character.
Puwedeng confident ang isang tao pero hindi competent. Puwedeng attractive pero irresponsible. Puwedeng articulate pero dishonest. Puwedeng charming pero manipulative. Puwedeng successful pero terrible kung makitungo sa ibang tao. At dahil maganda ang unang impression natin, ayaw nating tanggapin ang evidence na kumokontra rito. Dito nagiging dangerous ang Halo Effect.
Ganito rin sa dating.
Kapag physically attractive ang isang tao, mas madali nating isipin na mabait siya, trustworthy siya, intelligent siya, o emotionally mature siya. But attraction is not character evidence.
Puwede kang ma-attract sa isang tao at magkaroon agad ng magandang perception sa kanya bago mo pa talaga siya makilala. At kapag may red flags na lumabas, ini-ignore natin dahil ayaw nating sirain ang imahe na nabuo na natin.
That's the Halo Effect at work.
Hindi natin sinusuri ang idea based purely on its quality. Sinusuri natin ang idea based on who said it. Kaya kailangan nating maging careful. Dahil ang isang taong mukhang impressive ay hindi automatic na tama. At ang isang taong ordinaryo ang appearance ay hindi automatic na walang alam.
Kaya kapag may taong nagustuhan mo agad, mag-isip ka muna. Kapag may taong hinangaan mo agad, observe muna. Kapag may taong impressive sa unang encounter, don't immediately fill in the blanks. Give yourself time to discover who they actually are. Dahil ang unang impression ay starting point, hindi final verdict.
People are complicated. May mabubuting tao na gumagawa ng masama. May intelligent na taong nagkakamali. May successful na taong may terrible judgment. At may taong hindi impressive sa unang tingin pero napakaganda pala ng character kapag nakilala mo nang malalim.
The Halo Effect reminds us na hindi natin minamahal o hinahangaan ang buong pagkatao ng isang tao. Minamahal natin ang version of them na ginawa ng utak natin.
Don't let one beautiful quality convince you that everything about a person is beautiful. Dahil ang “halo” na nakikita natin sa isang tao ay hindi talaga nasa ulo niya. Nasa mata lang natin.
Number 6
Negativity Bias
May kakaibang ugali ang utak natin: mas mabilis nitong mapansin ang masama kaysa sa maganda.
Puwedeng sampung tao ang magsabi sa’yo na maganda ang ginawa mo, pero isang tao lang ang pumuna at iyon ang paulit-ulit na iikot sa isip mo bago ka matulog. Samantalang iyong sampung compliments? Parang mabilis lang dumaan.
Ito ang tinatawag na negativity bias, ang tendency ng brain na bigyan ng mas malaking attention, emotional weight, at memory ang negative experiences kaysa sa positive ones.
Hindi ibig sabihin nito na naturally negative kang tao. Partly, survival mechanism ito.
Noong unang panahon, mas mahalagang mapansin ng tao ang isang potential danger kaysa sa isang magandang bagay. Kung may narinig kang kakaibang tunog sa gubat, mas safe na isipin mong “Baka may danger” kaysa sabihin mong “Baka hangin lang.”
Kasi kung hangin lang pala, okay. Pero kung predator pala at hindi mo pinansin? That could cost you your life.
Kaya ang utak natin ay designed to pay attention to possible threats. Ang problema, modern life is no longer a jungle but the brain still carries some of that old programming.
Kaya ngayon, hindi na tigre ang hinahanap ng utak natin. Sini-seen lang ang message natin, naaapektuhan na tayo. Isang comment lang sa social media, isang pagkakamali sa trabaho, isang taong hindi nag-like sa post mo, at kahit hindi naman ito actual danger, puwedeng i-process ng utak na parang banta sa emotional safety mo.
Ganito kalakas ang negativity bias.
Hindi nito kailangang magkaroon ng sampung negative experiences para maapektuhan ka. One painful moment can sometimes overpower several good ones. Kaya may mga taong hanggang ngayon ay naaalala pa rin ang isang insulto na sinabi sa kanila noong bata pa sila.
Maaaring nakalimutan na nila ang dose-dosenang taong naniwala sa kanila, pero isang teacher, parent, friend, o stranger na nagsabi ng hindi sila magaling ay maaaring manatili sa memory for years.
At doon nagiging dangerous ang negativity bias. Dahil kapag paulit-ulit mong binabalikan ang negative experience, puwedeng magkaroon ng mental pattern.
Parang may 95% good things happening around you, pero iyong 5% negative ang naka-full volume. Kaya pakiramdam mo ang dami mong problema kahit kapag tiningnan mo objectively, may marami ka ring bagay na dapat ipagpasalamat.
Hindi ibig sabihin na dapat mong i-ignore ang negative. Importanteng pansinin ang problems. Importanteng matuto sa mistakes. Importanteng pakinggan ang criticism. Pero may malaking difference between learning from something negative and letting something negative define your entire reality.
Ang utak na sobrang focused sa danger ay maaaring hindi na mapansin ang opportunity. Hindi na niya napapansin ang taong mabait dahil busy siyang maghanap ng betrayal. Hindi na niya nakikita ang progress dahil nakatingin siya sa mistakes. Hindi na niya nararamdaman ang gratitude dahil nakafocus siya sa kulang. At hindi na niya nakikita kung gaano na siya kalayo dahil iniisip niya kung gaano pa siya kabagal.
Kaya kailangan mong turuan ang sarili mong tingnan ang whole picture. Hindi ito pagiging blindly positive. It's about being accurate. Dahil ang opposite ng negativity bias ay hindi toxic positivity. Hindi ibig sabihin na kailangan mong sabihin na “Everything is perfect!” kahit hindi naman. Ang goal ay mas balanced na perception.
Dahil ang utak mo ay parang security guard. Palagi nitong hinahanap kung ano ang mali, ano ang danger, ano ang threat. Pero hindi lahat ng bagay na napapansin ng utak mo ay dapat mong paniwalaan bilang buong reality. May mga magagandang bagay na tahimik lang. May progress na hindi dramatic. May mga taong nandiyan pero hindi maingay. May mga victories na hindi mo ipinagdiriwang. At may mga bagay na okay sa buhay mo na hindi mo napapansin dahil sanay ka na sa kanila.
Kaya kapag pakiramdam mo puro problema ang buhay mo, huminto ka sandali. Look again. Baka hindi naman talaga puro problema. Baka mas malakas lang ang boses ng negativity kaysa sa mga bagay na tahimik na gumagana sa buhay mo. At ang kailangan mo ay hindi bagong buhay. You simply need a more balanced way of seeing the life you already have.
Number 7
Sunk Cost Fallacy
Alam mo nang hindi na gumagana. Alam mong hindi na healthy. Alam mong hindi na worth it. Pero hindi ka pa rin umaalis dahil naiisip mo na sayang naman lahat ng pinaghirapan mo.
Iyan ang Sunk Cost Fallacy.
Ito ang tendency ng isang tao na ipagpatuloy ang isang bagay na hindi na magandang decision dahil marami na siyang oras, pera, effort, emotions, o sacrifices na nailagay dito.
Pero may isang importanteng reality na mahirap tanggapin:
Hindi nababawi ang past investment sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng isang bagay na mali na para sa present.
Halimbawa, bumili ka ng isang bagay na mahal pero hindi mo naman ginagamit. Alam mong useless na siya para sa’yo, pero ayaw mong itapon dahil “Mahal ’to. Sayang ang pera.” Ang problema, wala na sa’yo ang perang ginastos mo. Spent na. Kahit itago mo pa ang bagay na iyon sa loob ng sampung taon, hindi na babalik ang pera dahil lamang pinili mong huwag itong bitawan.bPero dahil emotionally attached ka sa ginawa mong investment, feeling mo kapag binitawan mo iyon, parang inaamin mong nagkamali ka.
At doon nagiging powerful ang fallacy. Hindi na decision tungkol sa future ang ginagawa mo. Decision na siya tungkol sa pag-justify ng past.
Makikita mo ito sa relationships.
May taong ilang taon nang nasa isang relationship na paulit-ulit siyang nasasaktan. Alam niyang hindi na healthy ang dynamic nila. Alam niyang hindi na sila compatible. Pero sinasabi niya na sayang naman ang mga taon nilang pinagsamahan.
Same thing sa career.
May taong ilang taon nang nagtatrabaho sa isang field na kinamumuhian niya. Every morning, drained siya. Every week, gusto niyang umalis. Pero sinasabi niya na sayang naman ang degree niya. Kaya nananatili siya. Years pass. Mas marami siyang time na nawawala. Mas marami siyang opportunities na hindi nasusubukan. Mas lalo siyang natatakot magsimula ulit.
At ironically, habang iniisip niyang ayaw niyang masayang ang ilang taon, mas marami pang taon ang nasasayang. That's the trap. Ang desire nating huwag masayang ang past ay nagiging dahilan para masayang ang future.
At hindi lang pera ang puwedeng maging sunk cost. Puwede ring pride. Puwede ring reputation. Puwede ring emotional attachment. Puwede ring yung image na ginawa mo tungkol sa sarili mo.
Halimbawa, matagal mong ipinagtanggol sa ibang tao ang isang decision. Sinabi mong tama iyon. Pinaniwala mo ang family mo. Pinilit mong kumbinsihin ang friends mo. Kaya nang lumabas na mali pala, mahirap umatras. Hindi na lang kasi decision ang dine-defend mo. Ego mo na ang dine-defend mo.
Kaya kahit alam ng isang tao na mali na siya pero mas pinipili pa ring ipagpatuloy dahil ayaw niyang aminin na nagkamali siya. Pero ang pag-amin na nagkamali ka ay hindi failure. It can be intelligence.
Ang mas malaking problema ay ang pagdedesisyon ngayon base sa maling decision na ginawa mo kahapon.
Number 8
Identity-Protective Thinking
May mga paniniwala tayong hindi na basta opinion lang. Nagiging bahagi na sila ng pagkakakilanlan natin.
“Ganito akong tao.”
“Ito ang pinaniniwalaan ko.”
“Hindi ako ganoong klase ng tao.”
“Alam kong tama ako.”
At kapag ang isang belief ay nakakabit na sa identity mo, nagiging mas mahirap itong kuwestiyunin. Dahil para sa utak, ang pag-amin na mali ang belief ay puwedeng maramdaman na parang pag-atake sa sarili mo.
Ito ang tinatawag na identity-protective thinking.
Halimbawa, may taong buong buhay niyang iniisip na siya ay isang smart person. Sanay siyang siya ang nagbibigay ng advice, siya ang may sagot, at siya ang madalas na pinakikinggan ng mga tao.
Isang araw, may nag-correct sa kanya.
Simple lang naman ang correction. May evidence. May explanation. Pero imbes na isipin niyang may bago siyang natutunan, ang unang reaction niya ay iniisip niya mali yung nag correct sa kanya.
Bakit?
Dahil banta sa identity niya ang naramdaman niya. Kaya automatic na nagde-defend ang utak. Maghahanap ng excuse. Maghahanap ng loophole. Maghahanap ng ibang source na sumasang-ayon. At kung kinakailangan, puwedeng i-attack pa ang taong nagbigay ng correction.
Ito ang dahilan kung bakit may mga taong napakahirap kausapin tungkol sa certain topics dahil emotionally attached na sila sa kanilang position.
Kapag sinabi mong mali ang belief nila, ang naririnig nila minsan ay mali ka bilang tao. Kaya nagiging defensive sila. Kaya imbes na ayusin ang behavior, dine-defend natin ang character natin. Pero hindi naman iyon ang issue. Ang issue ay may ginawa ka bang mali? At iyon ang tanong na minsan ay ayaw nating harapin.
Kapag masyado nating pinoprotektahan ang image natin, learning becomes threatening. Dahil ang learning ay admitting that you don't know everything.
Ganito rin sa social media.
Kapag may public opinion kang matagal nang dine-defend, at biglang may bagong information na kumokontra rito, mahirap umatras. Lalo na kung maraming tao nang nakakita sa’yo na ipinaglalaban mo iyon. Kaya kahit deep inside alam mong may mali sa argument mo, nagpapatuloy ka pa rin.
Dahil iniisip ng brain:
“What will people think if I admit I was wrong?”
At iyon ang trap. Mas pinipili mong protektahan ang reputation kaysa hanapin ang truth. At kapag paulit-ulit itong ginagawa, puwede kang mabuhay sa isang reality na ikaw mismo ang gumagawa dahil bawat uncomfortable truth ay nire-reject ng utak bago pa man ito makapasok nang maayos.
Kaya mahalagang matutunan that your behavior is not your entire identity. Kung nagkamali ka, hindi ibig sabihin na ikaw ay isang failure. Kung hindi mo alam ang isang bagay, hindi ibig sabihin na stupid ka. Kung nagbago ang opinion mo, hindi ibig sabihin na weak ka. Kung humingi ka ng tawad, hindi ibig sabihin na mababa ka. At kung umamin kang mali ka, hindi ibig sabihin na natalo ka.
Sometimes, changing your mind is a sign that your thinking has improved. Dahil kapag hindi mo kailangang protektahan palagi ang image mo, mas malaya kang matuto. Hindi mo na kailangang maging the smartest person in the room. Hindi mo kailangang laging tama. Hindi mo kailangang manalo sa bawat argument. Ang kailangan mo lang ay maging honest enough kung pinoprotektahan ko ba ang truth ngayon or pinoprotektahan ko lang ang version ng sarili ko na gusto kong paniwalaan?
Dahil ang pinakamalaking hadlang sa growth ay fear of discovering that the person you thought you were… is not always right. At kapag natutunan mong hindi kailangang protektahan ang ego sa bawat pagkakataon, doon nagsisimula ang tunay na intellectual growth. You become harder to manipulate, easier to teach, and more willing to face reality even when reality hurts.
Number 9
False Consensus Effect
Hindi natin namamalayan na ginagamit natin ang sarili nating pananaw bilang standard ng kung ano ang normal.
Kapag may bagay na natural para sa’yo, iniisip mong natural din iyon para sa iba. Kapag may opinion kang obvious na, ina-assume mong karamihan ay pareho rin ng opinion. At kapag may taong hindi sumasang-ayon sa’yo, puwedeng ang unang pumasok sa isip mo ay, “Bakit hindi niya gets? Ang obvious naman nito.”
That is the False Consensus Effect.
Ito ang tendency ng brain na i-overestimate kung gaano karaming tao ang kapareho natin ng beliefs, opinions, preferences, values, at behavior.
Parang may invisible assumption ang utak na nagsasabing:
“Kung ganito ako mag-isip, malamang ganito rin mag-isip ang karamihan.”
Pero hindi ganoon kasimple ang tao.
Halimbawa, para sa’yo, normal lang na hindi ka nagre-reply agad sa messages. Busy ka, may ginagawa ka, at ayaw mong hawakan palagi ang phone mo. Kaya kapag may taong hindi agad nag-reply sa’yo, iniisip mong “Normal lang ’yan. Baka busy.”
Pero may ibang tao na kabaligtaran. Para sa kanila, kapag hindi ka nag-reply nang ilang oras, ibig sabihin ay ini-ignore mo sila. Parehong behavior. Magkaibang interpretation. At pareho nilang puwedeng isipin na “common sense” ang pananaw nila.
Kapag nasa isang social media bubble ka kung saan halos lahat ng nakikita mo ay sumasang-ayon sa’yo, madaling magkaroon ng illusion na “Karamihan naman ng tao ganito ang iniisip.”
Nakikita mo ang sampung tao na pareho ng opinion mo.
Ang hindi mo nakikita ay ang libo-libong taong hindi sumusunod sa parehong content, hindi nagco-comment, o hindi kasama sa digital circle mo.
Kaya ang tinatawag nating “common sense” ay maaaring common sense lamang sa environment na kinalakihan o pinili natin.
Social media makes this even stronger.
Kapag palagi mong pinapanood ang parehong klase ng videos, creators, communities, at opinions, unti-unting nagiging familiar ang isang pananaw. At kapag familiar na, parang nagmumukha itong universal truth.
Assumption lang iyon ng brain.
At kapag paulit-ulit natin itong ginagawa, maaari nating ma-misjudge ang ibang tao.
Akala natin rude siya dahil hindi siya nakikipag-usap sa strangers. Akala natin arrogant siya dahil hindi siya sumasagot sa group chat. Akala natin walang ambition dahil contented siya sa simple life. Akala natin weird siya dahil hindi niya gusto ang bagay na gusto ng karamihan sa circle natin. Pero ang totoo ay hindi lang siya katulad natin.
At iyon ang isang mahalagang distinction. Hindi lahat ng taong iba ang preference sa atin ay mali. Hindi lahat ng taong hindi sumasang-ayon sa atin ay ignorant. At hindi lahat ng taong may ibang lifestyle ay walang direction. Sometimes, we're simply looking at another person's life through the lens of our own experience.
Hindi ibig sabihin nito na kailangan mong i-doubt ang bawat belief mo. Ang point ay magkaroon ka ng epistemic humility, ang kakayahang tanggapin na maaaring tama ang perspective mo para sa’yo, pero hindi ibig sabihin na iyon na ang universal reality. Dahil kapag naniwala kang pareho kayo ng iniisip ng buong mundo, unti-unti mong makakalimutan na may buong mundo sa labas ng sarili mong perspective.

Comments
Post a Comment