10 Powerful Reminders Para sa Taong Pagod Nang Lumaban By Brain Power 2177
May mga araw ba na sobrang sarap ng sumigaw na pagod ka na?
Yung ginagawa mo naman ang best mo, pero parang walang nagbabago. Bumabangon ka araw-araw, pinipilit mong maging okay, pero deep inside… nahihirapan ka na.
At ang pinakamahirap? Kapag sinabihan ka ng mga tao na dapat positive lang.
Pero paano kung ubos ka na? Paano kung wala ka nang energy maging positive?
Alam mo, hindi naman ibig sabihin na matatag ka kapag hindi ka umiiyak. At hindi rin ibig sabihin na positive ka kapag palagi kang nakangiti.
Real positivity is simply choosing to keep going kahit hindi mo pa alam kung kailan magiging okay ang lahat.
Kaya kung nasa season ka ngayon na parang ang bigat-bigat ng buhay, stay with me hanggang dulo.
Dahil sa artikulo na ito, pag-uusapan natin 10 powerful tips kung paano ka mananatiling positibo kahit nahihirapan ka na. At baka habang pinapanood mo ito, may isang tip na marinig mo at masabi mo sa sarili mo…
‘Ito pala ang kailangan kong marinig ngayon.’
So if you're struggling right now, this article is for you. Tara, pag-usapan natin.
Tip Number 1
Tanggapin mo muna na nahihirapan ka
Hindi mo kailangang magpanggap na strong all the time. Kung pagod ka, aminin mong pagod ka. Kung nalulungkot ka, hayaan mong maramdaman mo. At kung hindi mo na alam kung ano ang gagawin, okay lang ding sabihin sa sarili mo na nahihirapan ka ngayon.
Hindi ibig sabihin noon na mahina ka. It simply means you're human.
Minsan kasi, may problema na nga tayo, tayo pa mismo ang nagpi-pressure sa sarili natin. Iniisip natin, “Bakit hindi ko kaya? Bakit ang bilis sumuko ng isip ko?” Pero hindi mo kailangang pagsabihan ang sarili mo dahil lang nahihirapan ka.
Kung kaibigan mo ang nasa situation mo, hindi mo naman sasabihin sa kanya na, “Ang hina mo.” di ba? Most likely, sasabihin mo, “Okay lang, pahinga ka muna. Hindi mo kailangang ayusin lahat ngayon.”
So learn to give yourself that same kindness.
Tanggapin mong mahirap ang pinagdadaanan mo, pero huwag mong isipin na dahil mahirap ngayon, ganito na ang sitwasyon mo habang-buhay.
Remember, “Nahihirapan ako” is different from “Hindi ko na kaya.”
Pwede kang mahirapan at magpatuloy.
Pwede kang mapagod at magpahinga.
At pwede kang malungkot habang umaasa pa rin na magiging okay din ang lahat.
You don't have to have everything figured out today. Ang kailangan mo lang ay huminga, magpahinga, at gawin ang next small step. Hindi mo kailangang maging okay agad. Just keep going, one day at a time.
Tip Number 2
Huwag mong isipin na habang-buhay mong mararanasan
ang problema mo ngayon
Alam mo, kapag nasa gitna tayo ng problema, minsan feeling natin ganito na lang talaga ang buhay natin.
Kapag matagal kang naghihintay ng magandang opportunity, mapapaisip ka, “Baka wala na talagang mangyari sa akin.”
Kapag paulit-ulit kang nasasaktan, maiisip mo, “Baka ganito na lang talaga ako habang-buhay.”
At kapag matagal kang nakakaranas ng financial problems, family problems, disappointment, o failure, minsan mahirap nang isipin na may better days pa na darating.
Pero tandaan mo: just because you're struggling today doesn't mean you'll struggle forever.
Ang problema mo ngayon ay isang chapter lang ng buhay mo. Hindi pa ito ang buong story.
Maybe right now, you're in a season where you're learning patience. Maybe you're being redirected. Maybe you're building strength that you don't even realize you have. Hindi mo kailangang malaman kung kailan magbabago ang lahat. Ang mahalaga, huwag mong i-convince ang sarili mo na wala nang pag-asa dahil lang hindi mo pa nakikita ang solution. Things can change. People can change. Situations can change. And you can change too.
Isipin mo na lang kung ilang problema na ang pinagdaanan mo noon na akala mo hindi mo malalampasan. May mga bagay na dati, sobrang bigat. Pero ngayon, kapag binalikan mo, masasabi mong, “Buti na lang nalagpasan ko rin pala.” Maybe someday, ganoon din ang masasabi mo tungkol sa pinagdadaanan mo ngayon.
Kaya kung nahihirapan ka ngayon, don't make a permanent conclusion based on a temporary situation. Hindi dahil wala pang magandang nangyayari ngayon, ibig sabihin wala nang magandang darating. You are still in the middle of the story. At habang hindi pa tapos ang story mo, may chance pa para magbago ang lahat.
Kaya huminga ka muna. Take it one day at a time. Hindi mo kailangang ayusin ang buong buhay mo today. Just keep moving forward. Dahil baka ang hinihintay mong magandang chapter ay hindi pa dumarating pero hindi ibig sabihin na hindi na ito darating. Your current struggle is not your forever.
Tip Number 3
Bawasan ang negative self-talk
Hindi naman ibang tao ang pinakamalaking nanghihila sa atin pababa. Tayo mismo.
Kapag may nagawa tayong mali, ang bilis nating sabihin, “Ang tanga ko talaga.” Kapag hindi natin nakuha yung gusto natin, “Wala talaga akong kwenta.” Kapag may nakita tayong mas successful sa atin, “Bakit sila kaya nila, ako hindi?”
At habang paulit-ulit natin itong sinasabi sa sarili natin, unti-unti nating pinaniniwalaan na totoo. That's why you have to be careful with the way you talk to yourself.
Hindi ibig sabihin na kailangan mong maging positive 24/7 o sabihin na “I'm the best!” kahit alam mong may problema ka. Real positivity is being honest without being cruel to yourself.
Kapag nagkamali ka, instead na “Failure talaga ako,” sabihin mo, “Nagkamali ako, pero pwede akong matuto.”
Kapag hindi mo nakuha ang goal mo, instead na “Hindi ko kaya,” sabihin mo, “Hindi ko pa nagagawa, pero pwede kong subukan ulit.”
Notice the difference?
Parehong may problema, pero magkaiba ang message na binibigay mo sa sarili mo. Kasi hindi mo kailangang maging perfect para maging proud sa sarili mo. You are allowed to make mistakes and still respect yourself.
At tandaan mo rin, hindi lahat ng naiisip mo ay totoo.
Kapag sinabi ng isip mo na wala nang mangyayari sa buhay mo, that's a thought, not a fact.
Kapag sinabi ng isip mo na huli na ang lahat para sa 'yo, hindi ibig sabihin na iyon na ang reality. Sometimes, you're just tired, disappointed, or overwhelmed.
Kaya kapag napansin mong masyado ka nang harsh sa sarili mo, pause for a moment and ask yourself:
“Kung kaibigan ko ang nasa situation ko, ganito rin ba ang sasabihin ko sa kanya?”
Kung hindi, then maybe you shouldn't say it to yourself either. Be your own support system. Hindi mo kailangang dagdagan ang bigat na dala mo sa pamamagitan ng pang-iinsulto sa sarili mo. Life is already hard enough. Don't make your own mind another place where you have to fight. Your current situation is not your final destination. At higit sa lahat, huwag mong kalimutang kausapin ang sarili mo with the same kindness you give to the people you love.
Tip Number 4
Alalahanin mo ang mga problemang nalampasan mo na
Kapag may bagong problema na dumating, ang bilis nating makalimot na marami na rin pala tayong pinagdaanan noon.
Kapag sobrang bigat ng situation ngayon, parang feeling natin ito na ang pinakamahirap na bagay na nangyari sa buhay natin. Parang wala na tayong lakas. Parang hindi na natin alam kung paano magsisimula ulit.
But try to look back for a moment.
Alalahanin mo yung mga panahong akala mo hindi mo malalampasan.
Yung time na sobrang sakit ng isang heartbreak at sinabi mo sa sarili mo na hindi mo na siguro makakalimutan 'to. but eventually, natuto ka ring bumangon.
Yung panahon na sobrang worried ka sa pera at hindi mo alam kung saan ka kukuha ng pambayad. But somehow, may paraan pa ring dumating.
Yung pagkakataong nag-fail ka at feeling mo katapusan na ng mundo. Pero ngayon, nandito ka pa rin. Still standing. Still trying. Still moving forward.
Kailangan lang nating balikan ang kahapon to remember how strong we were when we had no idea we were strong.
Kasi may mga bagay na nalampasan mo na hindi mo akalaing malalampasan mo. At kung nagawa mo noon, kaya mo ring harapin ang problema mo ngayon.
Hindi ibig sabihin na pareho ang situation. Hindi rin ibig sabihin na madali ang susunod na chapter. But you already have evidence that you can survive difficult seasons.
Tingnan mo ang sarili mo ngayon. Mas marami ka nang natutunan. Mas marami ka nang experience. Mas kilala mo na ang sarili mo. Mas alam mo na kung ano ang ayaw mo, ano ang gusto mo, at kung ano ang mga bagay na hindi mo na kailangang pagdaanan ulit.
You're not the same person who faced those problems before. Mas matatag ka na ngayon dahil sa mga pinagdaanan mo. Kaya kapag dumating yung moment na sasabihin ng isip mo na hindi mo na kaya, remind yourself:
“Wait… ilang beses na ba akong nakaranas ng ganito? Ilang beses ko nang naisip na hindi ko malalampasan, pero nalampasan ko naman?”
You just need to remember your own history. Remember the version of you who kept going even when things were falling apart. Remember the nights you cried but still woke up the next morning. Remember the times you were scared but still made a move. Remember the moments when you had almost nothing left, but somehow, you found a little strength to continue. That person is still inside you.
Kaya huwag mong maliitin ang sarili mo dahil lang nahihirapan ka ngayon.
You have survived things you once thought would break you. At baka itong problema na kinakaharap mo ngayon ay isa na namang chapter na balang araw, babalikan mo at sasabihin mong:
“Ang hirap pala noon… pero nalampasan ko rin.”
So when life gets heavy, don't only look at the problem in front of you. Look behind you, too. Because your past is the proof you need that you can keep going. You've been through hard days before. And you're still here.
Tip Number 5
Huwag mong i-demand sa sarili mo na maging okay agad
Hindi naman yung problema mismo ang pinakamahirap. Yung pressure na kailangan mong maging okay agad pagkatapos ng problema, 'yon ang malaking problema.
Halimbawa, may nangyaring masakit, tapos kinabukasan ine-expect mo na dapat okay ka na.
May taong nawala sa buhay mo, pero pinipilit mong mag-move on agad.
May failure kang pinagdaanan, tapos sinasabihan mo ang sarili mo, “Okay lang 'yan, move forward na.”
But deep inside, hindi ka pa talaga okay. And that's okay. You don't have to rush your healing.
Hindi dahil ilang araw na ang lumipas, ibig sabihin dapat wala ka nang nararamdaman. Healing doesn't work like a countdown. Hindi ito parang timer na kapag umabot ka sa certain number of days, automatic mawawala na ang sakit.
May mga araw na feeling mo okay ka na. Then suddenly, may isang kanta, isang lugar, isang memory, o isang simpleng bagay na magpapaalala sa'yo ng pinagdaanan mo. At biglang babalik yung emosyon. Huwag mong isipin na bumalik ka sa zero. Healing is not always linear.
May good days. May bad days. May araw na strong ka, at may araw na gusto mo lang mapag-isa. That's part of being human.
Minsan kasi, mas lalo nating pinapahirapan ang sarili natin dahil kinukumpara natin ang healing natin sa ibang tao. Nakikita mo yung ibang tao na parang ang bilis nilang naka-move on. Parang ang saya-saya na nila. Parang nakapag-adjust na sila. Tapos mapapaisip ka, “Bakit ako hindi pa rin okay?”
Pero tandaan mo, you don't know what happens behind the scenes. Hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan nila privately. At higit sa lahat, hindi pare-pareho ang healing process ng bawat tao. Maybe they healed faster. Maybe you need more time. And that's okay. Hindi ka late. Hindi ka mahina. Hindi ka broken dahil kailangan mo ng mas mahabang panahon para maging okay.
Give yourself permission to feel. Kung kailangan mong umiyak, umiyak ka. Kung kailangan mong magpahinga, magpahinga ka. Kung kailangan mong lumayo muna sa mga bagay na nagpapabigat sa'yo, take your space. Hindi ibig sabihin na sumusuko ka.
Rest is also part of moving forward. Pero habang binibigyan mo ang sarili mo ng time, huwag mo ring kalimutang dahan-dahang bumangon. Hindi mo kailangang magmadali. One small step at a time. Hindi mo kailangang maging 100% okay today.
Maybe today, ang kaya mo lang ay bumangon. Then tomorrow, maybe kaya mo nang ngumiti. The next day, maybe kaya mo nang mag-focus ulit sa sarili mo. Until one day, mapapansin mo na lang na hindi na kasing bigat ng dati.
At doon mo marerealize that you were healing all along. Kaya kung hindi ka pa okay ngayon, don't be too hard on yourself. Hindi mo kailangang i-rush ang sarili mo para lang mapatunayan na strong ka. Give yourself time. Give yourself grace. Darating din yung araw na masasabi mo, “Hindi na pala ganun kasakit.” At kapag dumating ang araw na iyon, maiintindihan mo kung bakit kailangan mong bigyan ng panahon ang sarili mo.
For now, breathe. Take your time. You don't have to be okay immediately. You just have to keep choosing to heal, one day at a time.
Tip Number 6
Humanap ng taong mapagkakatiwalaan mong makausap
May mga problema talagang mas gumagaan kapag hindi mo dinadala mag-isa.
Minsan kasi, kapag may pinagdadaanan tayo, ang tendency natin ay manahimik. Sinasabi natin, “Kaya ko naman 'to.” Ayaw nating mag-open up dahil baka isipin ng ibang tao na mahina tayo. Baka hindi tayo maintindihan. Baka ma-judge tayo. Kaya kinikimkim na lang natin lahat. Pero habang tumatagal, mas bumibigat.
Yung problema na kaya sanang pag-usapan ng ilang minuto, nagiging ilang araw na overthinking. Paulit-ulit mong iniisip bago matulog. Inuulit-ulit mo sa utak mo yung mga nangyari. At minsan, kahit wala namang bagong problema, your mind keeps creating new ones. That's why you need someone you can genuinely talk to.
Hindi naman kailangan na yung taong iyon ay may solution sa lahat ng problema mo. You just need someone who listens without judging. Yung taong pwede mong sabihan na pagod ka na.
Yung hindi ka agad sasabihan na, “Kaya mo 'yan!” bago ka pa man lang matapos magsalita.
Yung marunong makinig.
Yung hindi gagamitin laban sa'yo ang mga bagay na sinabi mo habang vulnerable ka.
At higit sa lahat, yung taong mapagkakatiwalaan mo.
Kasi hindi naman lahat ng tao kailangan mong pagkwentuhan ng personal problems mo. Choose your people wisely. Hindi porke't friendly siya sa'yo, ibig sabihin safe na siyang pagsabihan ng problema.
Look for someone who respects your privacy, understands your boundaries, and genuinely cares about you. Pwedeng kaibigan. Pwedeng kapamilya. Pwedeng mentor. Kahit isang tao lang na alam mong hindi ka huhusgahan.
And you'll be surprised how much lighter you feel after finally saying the things you've been keeping inside.
Hindi naman magically mawawala ang problema. But at least, you don't feel alone while facing it. And honestly, that's enough.
Kaya kung may pinagdadaanan ka ngayon, huwag mong isipin na kailangan mong maging strong all by yourself. Asking for support is not weakness. Hindi kabawasan sa pagkatao mo kung kailangan mo ng kausap.
In fact, it takes courage to admit that you can't carry everything alone.
At kung wala kang maisip na taong safe mong kausapin ngayon, don't force yourself to open up to just anyone. Take your time. Find someone trustworthy, someone who makes you feel safe and respected. Because the right conversation at the right time can remind you of something important:
Hindi ka nag-iisa.
Maybe your problem is still there after the conversation. Pero ngayon, may konting lakas ka nang harapin ito. At iyon lang ang kailangan natin para makapagpatuloy.
Tip Number 7
Mag-set ka ng maliit na goal bawat araw
Kapag marami kang problema, pati simpleng bagay parang ang bigat nang gawin.
Ang dami mong iniisip. Ang dami mong gustong ayusin. May goals ka, may responsibilities ka, may mga bagay kang gustong ma-achieve pero dahil sabay-sabay lahat, hindi mo na alam kung saan ka magsisimula.
Kaya ang ginagawa natin, wala na lang tayong ginagawa. Not because we're lazy, but because we feel overwhelmed.
Parang gusto mong ayusin ang buong buhay mo in one day. Gusto mong maayos agad ang finances mo, career mo, relationships mo, health mo, at lahat ng problema mo.
Pero hindi naman ganoon ang buhay. You don't have to fix everything today. Ang kailangan mo lang ay isang maliit na goal.
Instead na sabihin mong, “Kailangan kong baguhin ang buhay ko,” gawin mong, “Today, tatapusin ko muna itong isang importanteng task.”
Kung naghahanap ka ng trabaho, maybe your goal for today is to send two applications.
Kung nag-aaral ka, maybe study for thirty minutes.
Kung gusto mong maging healthier, maybe maglakad ka muna for twenty minutes.
Kung marami kang kailangang gawin sa bahay, piliin mo muna ang isang bagay at tapusin.
Small steps.
Kasi minsan, minamaliit natin ang small progress dahil gusto natin agad makita ang malaking resulta. Pero isipin mo, small actions repeated consistently can create big changes.
Hindi mo kailangang maging productive buong araw para masabing may progress ka. Ang accomplishment mo today ay yung isang bagay na matagal mo nang ipinagpapaliban at finally, ginawa mo. At kapag natapos mo iyon, may mararamdaman kang maliit na confidence.
Then tomorrow, another small goal.
Unti-unti, yung maliit na steps na ginagawa mo araw-araw ay nagiging habit. At eventually, mapapansin mo na may nababago na pala sa buhay mo.
Progress doesn't always look dramatic. Tahimik lang ito. Walang palakpakan. Walang nakakaalam. Pero ikaw, alam mong may ginagawa kang hakbang para sa sarili mo.
Kaya kapag nahihirapan ka ngayon, huwag mong tingnan ang buong mountain na kailangan mong akyatin. Look at the next step. Ano ang isang bagay na kaya mong gawin today? Yun muna. One task. One step. One day at a time.
At huwag mong maliitin ang sarili mo dahil maliit lang ang nagawa mo. Because small progress is still progress. Hindi mo kailangang baguhin ang buong buhay mo ngayong araw. Kailangan mo lang gumawa ng isang bagay na maglalapit sa'yo kahit kaunti sa buhay na gusto mong magkaroon. Then tomorrow, do it again.
At balang araw, mapapansin mo na lang na yung mga maliliit na hakbang na akala mo walang epekto ay unti-unti palang nagdala sa'yo sa mas magandang lugar. Keep going. Kahit maliit na step lang. Basta forward.
Tip Number 8
Piliin mong maniwala na may magandang darating
pagkatapos ng mahirap na season
May mga panahon talaga sa buhay na parang sunod-sunod ang problema. Parang kahit anong gawin mo, may bagong challenge na naman. Pagod ka na, disappointed ka na, at minsan mapapatanong ka na lang, “Kailan ba magiging okay ang lahat?”
At kapag matagal kang nasa ganitong situation, madaling mawalan ng pag-asa. Hindi mo na ma-imagine na may magandang mangyayari pagkatapos ng lahat ng ito. Parang feeling mo, this is how your life is going to be forever.
Pero huwag mong kalimutan: a difficult season is still a season. Hindi ibig sabihin na dahil mahirap ang buhay mo ngayon, ganito na ang magiging buhay mo habang-buhay.
May mga bagay na hindi mo pa nakikita. Maybe you're waiting for an opportunity.
Maybe you're working hard for something na hindi pa nagbibigay ng result.
Maybe you're healing from something that hurt you deeply.
Maybe you're rebuilding your life from a situation you never expected to experience.
And right now, wala ka pang proof na magiging okay ang lahat. But that's where faith and hope come in. You have to believe before you can see.
Hindi ibig sabihin nito na magiging positive ka lang at magically mawawala ang problema. Hindi ganoon kasimple ang buhay. Ang ibig sabihin lang, kahit mahirap ngayon, pipiliin mong huwag isara ang isip mo sa possibility na may mas magandang bukas.
Kasi isipin mo, ilang beses na rin sa buhay mo na may bagay na akala mo hindi mangyayari pero nangyari rin.
May mga pagkakataong akala mo hindi ka makaka-recover, pero naka-recover ka.
May mga taong akala mo hindi mo kayang mawala, pero natutunan mong magpatuloy.
May mga problemang akala mo katapusan na, pero somehow, nakahanap ka pa rin ng paraan.
So maybe this difficult season is not the end. Maybe it's preparing you for something you cannot see yet.
At kung hindi man dumating ang magandang bagay exactly the way you expected, hindi ibig sabihin na walang magandang darating.
The blessing is not getting what you originally wanted. It's becoming a stronger, wiser, and more peaceful version of yourself.
Kaya huwag mong sukuan ang future mo dahil lang mahirap ang present mo. Don't make a permanent decision based on a temporary season. Kung pagod ka, magpahinga ka. Kung kailangan mong umiyak, umiyak ka. Kung kailangan mong magsimula ulit, start again.
Pero huwag mong sabihin na wala nang magandang mangyayari sa buhay mo. You don't know that yet. Hindi mo pa nakikita ang next chapter. At hangga't hindi pa tapos ang story, there is still room for things to change.
Kaya kahit kaunti na lang ang pag-asa mo, panghawakan mo pa rin. Kahit hindi mo pa nakikita ang direction, take the next step. Dahil hindi mo kailangan ng assurance na magiging perfect ang lahat. Kailangan mo lang ng sapat na pag-asa.
At baka one day, habang tahimik kang nakaupo at tinitingnan ang buhay mo, mapapangiti ka na lang at masasabi mong:
“Buti na lang hindi ako sumuko noong akala ko wala nang magandang mangyayari.”
Tip Number 9
Pokus ka lang sa makokontrol mo
Isa sa mga bagay na sobrang nakakapagod sa buhay ay yung pilit nating kontrolin ang mga bagay na hindi naman talaga natin kayang kontrolin.
Gusto nating kontrolado ang lahat. Gusto nating siguradong magiging okay ang future. Gusto nating maintindihan tayo ng lahat. Gusto nating makuha ang gusto nating opportunity. Gusto nating hindi tayo masasaktan, hindi tayo mabibigo, at sana lahat ng effort natin may magandang resulta.
Pero ang totoo, hindi lahat ng bagay nasa kamay natin. Hindi mo kontrolado kung ano ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa'yo. Hindi mo kontrolado kung paano ka itrato ng ibang tao. Hindi mo kontrolado kung kailan darating ang opportunity na hinihintay mo. Hindi mo kontrolado ang mga bagay na nangyari na sa past. At hindi mo rin kontrolado ang magiging reaction ng ibang tao sa mga desisyon mo.
Pero alam mo kung ano ang kaya mong kontrolin?
Ikaw.
Kaya mong kontrolin kung paano ka magre-react. Kaya mong piliin kung saan mo ilalaan ang energy mo. Kaya mong piliin kung magpapaapekto ka ba sa bawat negative comment o magfo-focus ka sa ginagawa mo. Kaya mong piliin kung susuko ka ba pagkatapos ng isang failure o susubukan mong bumangon ulit. And that's where your real power begins.
Halimbawa, naghahanap ka ng trabaho. Hindi mo kontrolado kung tatanggapin ka ng company. Pero kontrolado mo kung mag-a-apply ka, kung paghahandaan mo ang interview, at kung patuloy kang mag-iimprove.
Kung may taong ayaw sa'yo, hindi mo kontrolado ang opinion niya. Pero kontrolado mo kung sasayangin mo ba ang buong araw mo kakaisip kung bakit ka niya ayaw.
Kung may problema ka sa buhay, hindi mo laging kayang baguhin agad ang situation. Pero kaya mong tanungin ang sarili mo:
“Okay, hindi ko mabago ang nangyari. So what can I do from here?”
That question can change your mindset. Kasi kapag masyado kang nakafocus sa mga bagay na wala kang control, nauubos ang energy mo. Paulit-ulit mong iniisip kung “Bakit nangyari ito?”
“Bakit ganito siya?”
“Bakit hindi naging ayon sa plano ko?”
“Paano kung iba ang ginawa ko?”
At wala namang sagot na makakapagpabago sa situation.
So, instead of asking, “Why is this happening to me?”
Try asking:
“What can I do about it now?”
Hindi nito magically aalisin ang problema. Pero ibinabalik nito sa'yo ang sense of control mo.
Hindi mo kailangang kontrolin ang buong mundo para maging okay. You only need to control your next move. Pwede kang magsimula sa maliit. Ayusin mo muna kung ano ang kaya mong ayusin. Gawin mo muna ang responsibility mo. Magdesisyon ka base sa kung ano ang tama para sa'yo. Then let go of the things that are beyond your reach.
Do your part, then release the rest. Kasi hindi lahat ng bagay kailangan mong habulin, ipilit, o pag-isipan nang paulit-ulit. May mga bagay na kailangan mong tanggapin. May mga bagay na kailangan mong bitawan. That's not giving up. That's learning where to put your energy.
Kaya kung nahihirapan ka ngayon, huwag mong subukang ayusin lahat nang sabay-sabay. Tanungin mo muna ang sarili mo:
“Ano ang kaya kong gawin ngayon?”
Then do that. One step at a time. Because you need to control your effort, your choices, your attitude, and your next step.
At kapag natutunan mong mag-focus sa mga bagay na kaya mong kontrolin, mapapansin mong unti-unti ring gumagaan ang buhay dahil hindi mo na hinahayaang kontrolin ng mga problemang hindi mo kayang baguhin ang buong peace of mind mo.
Tip Number 10
Gumawa ka ng maliliit na bagay na nagbibigay sa'yo ng joy
Kapag nahihirapan tayo sa buhay, nakakalimutan nating pwede pa rin pala tayong sumaya kahit hindi pa perfect ang lahat.
Iniisip natin, “Magiging masaya lang ako kapag okay na ang finances ko.”
“Kapag nakuha ko na yung goal ko.”
“Kapag naayos na yung problema ko.”
Pero kung hihintayin mong maging perfect ang lahat bago ka maging masaya, baka matagal kang maghintay.
Kaya kailangan mong matutunang hanapin ang happiness sa small things. Hindi kailangang mahal. Hindi kailangang bongga. At hindi kailangang may malaking dahilan.
Maybe it's drinking your favorite coffee habang tahimik kang nakaupo.
Pagpapatugtog ng music na nagpapagaan ng mood mo.
Paglalakad-lakad habang ini-enjoy mo ang fresh air.
Pagluluto ng favorite food mo.
Paglilinis ng kwarto habang may pinapanood o pinapakinggan kang podcast.
Pagkakaroon ng peaceful na gabi na walang drama at walang unnecessary conversations.
Simple things.
Pero yung mga simpleng bagay na 'yan ang nagbibigay sa atin ng konting pahinga mula sa bigat ng buhay. Kasi kapag marami kang iniisip, hindi mo naman kailangan palaging gumawa ng malaking bagay para gumaan ang pakiramdam mo. You just need a small moment where you can breathe.
At huwag mong isipin na selfish ka kapag ginagawa mo ang mga bagay na nagpapasaya sa'yo.
Hindi ibig sabihin na dahil may problema ka, bawal ka nang tumawa.
Hindi ibig sabihin na dahil may pinagdadaanan ka, kailangan mong maging miserable buong araw. You are allowed to have good moments even when life is difficult.
Pwedeng may problema ka at sabay may favorite song kang pinapakinggan.
Pwedeng may pinagdadaanan kang mabigat pero may moment na napapangiti ka dahil sa isang simpleng bagay.
Pwedeng hindi okay ang buong buhay mo ngayon, pero may isang oras sa araw mo na okay ang pakiramdam mo. And that's enough.
Huwag mong maliitin ang mga maliliit na moments of happiness. Kasi kapag pagod na ang isip mo, hindi mo kailangan ng malaking solution agad. You need little moments of peace. Yung ilang minuto na hindi mo iniisip ang bills. Yung sandaling hindi mo iniisip kung ano ang sasabihin ng ibang tao. Yung oras na hindi ka nag-o-overthink sa future. Just you, enjoying something simple.
At habang ginagawa mo iyon, matututunan mong hindi pala kailangang hintayin ang perfect life bago mo maramdaman ang happiness. You can find joy while you're still figuring things out. Kaya kung nahihirapan ka ngayon, tanungin mo ang sarili mo kung ano yung maliit na bagay na nagpapagaan ng araw mo.
Maybe it's music.
Maybe it's food.
Maybe it's watching a movie.
Maybe it's spending time with someone you love.
Maybe it's going outside.
Maybe it's simply sitting quietly and enjoying your own company.
Whatever it is, make time for it para bigyan ang sarili mo ng energy na harapin ulit ang problema.
Enjoy the little things. Appreciate the small moments. At yung maliliit na moments na 'yan ang nagbibigay sa atin ng sapat na lakas para harapin ang panibagong araw.
Small joy is still joy. And you deserve to experience it.

Comments
Post a Comment