OKAY lang na hindi ka OKAY By Brain Power 2177
Alam mo, hindi ilusyon ang lahat ng nangyayari. Napakaraming negatibong mga tao. Ang daming masama. At mas lalong lumalala ngayon. Hindi na ito magbabago. Napakahirap talaga ng buhay. Ipinanganak tayo sa mundong ito, hinaharap natin ang bawat pagsubok at mamamatay lang din. 'Yan ang masakit na katotohanan.
Marami na akong nasaksihang nangyayari. Marami na akong pinagdaanan sa buhay. Akala mo ikaw lang ang nilalamon ng problema? Akala mo ikaw lang ang nag ooverthink? Akala mo ikaw lang ang pinaglalaruan ng panahon? Mula pa pagkabata, mahirap na ang pinagdaanan ko. Kaya alam ko ang nararamdaman mo ngayon. Nanggaling na ako sa baba. Yun bang bawat paghinga ay parang isang struggle na rin at sa bawat hakbang ay parang bundok ang iyong inakyat. Ganyan kahirap.
May mga mahal sa buhay na namamatay. May nakikita rin akong mababait na tao pero naging masama. May mga bagay na pinahalagahan ko pero nawala sa akin. Kaya 'wag mong sabihin sa akin na madali lang mamuhay sa mundong ito. Pero ang gusto kong malaman mo, kahit gaano kalalim o kalaki ng problema mo, kahit gaano ka kabagsak ngayon, may magagawa ka pa rin sa buhay.
Oo masakit ang buhay. Maraming pagdurusa. Pero kailangan nating lumaban at labanan ang lahat. Alam ko na paulit-ulit mo ng naririnig na dapat lumaban tayo kasi totoo naman na kailangan nating lumaban araw-araw. Wala na tayong ibang magagawa. Wala na tayong choice. Kailangan mong maghanap ng rason para humakbang paabante. Kailangan mong alamin kung ano ang layunin mo. Kahit gaano pa kaliit ng mga plano mo, kailangan mong matupad 'yon.
Dahil ang mga layunin mo ang dahilan kung bakit lumalaban ka pa rin, kung bakit hindi ka pa rin sumusuko kahit nahihirapan ka na. Pero hindi natin maiiwasan na gusto na nating sumuko. Minsan nawawalan tayo ng gana na bumangon. Minsan gusto nating lamunin tayo ng lupa. Minsan naiisip ko rin 'yan. Minsan blanko ako. Minsan tumitingin na lang ako sa langit dahil parang hindi ako nakikita ng Diyos. Minsan naitatanong ko sa Kaniya kung ano ang punto ng lahat ng ito? At alam mo, minsan naiisip ko na parang walang punto ang buhay.
Minsan ang tanging dahilan upang magpatuloy sa pag-abante ay tigasan mo ang iyong ulo at tibayang mo ang iyong dibdib na 'wag huminto. Sapagkat kung huminto ka, kung hahayaan mong masira ka ng mundong ito, e 'di talo ka. Pagtatawanan ka ng mundo. Nanggaling na ako sa baba. Nakikita ko pa rin ang sarili ko hanggang ngayon kung paano ako dinurog ng panahon. Lalamunin ka ng mundo tapos idudura ka na lang na ubos na. Pero kahit gano'n kahirap, may makikita ka pa ring liwanag. Manghihina ka, maba-blanko ka pero may magagawa ka pa rin. Panghawakan mo ang kaunting pag-asa na 'yon.
Kailangan mong lumaban. Kung hindi pa nauubos ang hininga mo, kung pumipintig pa rin ang puso mo, may pag-asa pang natitira na dapat mong panghawakan. May tsansa ka pang baliktarin ang sitwasyon. May tsansa ka pang umangat sa buhay.
Hindi ito tungkol sa pagiging masaya sa lahat ng oras. Tungkol ito sa paghahanap ng mga sandali ng kapayapaan. Bago ka sumuko, isipin mo yung mga maliliit na tagumpay na nakamit mo dahil 'yan ang magpapalakas sa 'yo at magpapaalala sa 'yo kung bakit ka pa narito. Isipin mo ang sikat ng araw, isipin mo ang ulan, kahit nga 'yan lang ang iisipin mo, papasok sa utak mo kung gaano ka kamahal ng Diyos. Kahit anumang positibo ang naiisip mo, panghawakan mo 'yon. Gawin mo 'yang gasolina ng buhay mo. Gawin mo 'yang motibasyon at inspirasyon. 'Yan ang magtutulak sa 'yo na magpatuloy kahit nadudurog ka na.
At 'wag na 'wag mong ipasok sa isip mo na ikaw lang ang nakakaranas ng negatibo sa buhay. Lahat tayo ay nasusugatan. Lahat tayo ay may mabibigat na pinagdadaanan. Minsan hindi lang natin napapansin ang problema ng iba dahil may mga taong magaling magtago ng kanilang problema.
Mayroon din tayong makukuhang kalakasan sa pag-alam na hindi tayo nag-iisa sa digmaang ito. Maraming nakakarelate sa atin. Nakakarelate din tayo sa kwento ng iba. There's a brotherhood in suffering, a kinship in pain. We're all in this together, even if it doesn't always feel that way. Totoo na hindi madali ang buhay. Minsan hindi patas. Minsan napakasama. Minsan hindi pa natin matutupad ang pangarap natin dahil sa maraming humahadlang. Minsan hindi natin nagagawa ang ating plano dahil sa mga kakulangan. Pero 'wag mong hayaan na 'yan ang tatalo sa 'yo. 'Wag mong hayaan na problema ang dahilan kung bakit negatibo na ang pag-iisip mo. Ipokus mo ang iyong isipan sa positibong pagbabago. May mga bagay o pangyayari na masarap isipin. Alam ko na hindi lang negatibo ang nangyayari sa 'yo. Kailangan mong isipin 'yon. May natitira ka pang lakas. Alam ko. Nakikita ko. Nararamdaman ko ang lakas mong nakatago. 'Yan ang dahilan kung bakit nandito ka pa rin, kung bakit sumulong ka pa rin. 'Yan ang dahilan kung bakit hindi ka nagpapatalo. 'Wag mong patayin ang apoy sa loob mo. Gatungan mo. Alagaan mo. As long as may apoy ka pang natitira, as long as gusto mo pang lumaban, hindi mawawala ang tsansang iyon. Minsan 'yan lang ang kailangan mo. Malakas ka kaysa sa iniisip mo. Malakas ka kaysa sa nalalaman mo. Oo pwede kang matalo ng mundo. Babaliin ka nito pero hindi nito makukuha ang lakas mo dahil iyong iyo lang 'yon.
Ang lakas na natitira sa puso mo ang dahilan kung bakit umabante ka pa rin, kung bakit nakalabas ka sa kadiliman. Kaya bumangon ka. Ayusin mo ang sarili mo. At patuloy kang lumaban. As long as humihinga ka pa, as long as tumitibok pa ang puso mo, may tsansa ka pang baguhin ang buhay mo.
Panghawakan mo ang rason na 'yan. Alam mo, 'yang mga taong parang wala lang, na akala mo na wala siyang problema, akala mo malakas sila, may matinding problema palang kinakaharap. Sobra pa lang negatibong mag-isip katulad natin. Tapos ang iba ay sumuko na. Literal na sumuko na sa buhay. Tinapos na ang buhay dahil hindi na nila kaya.
Kailangan nating pakitaan ng kabaitan ang lahat ng tao dahil hindi natin alam ang bigat ng kanilang puso. Kaya ito ang dahilan kung bakit ginawa ko ang videong ito para malaman ng lahat, lalo na yung mga taong nanghihina na, na may natitira pa silang lakas. Kailangan nilang pansinin 'yon. Pero nakakalungkot na sumuko na sila. Nakakaawa pero nagdesisyon na silang tapusin ang lahat dahil 'yon lang ang nakikita nilang solusyon. Pero may natutunan ako patungkol dito na ang pagsuko ay madali lang gawin. Madali lang bumitaw pero natutunan ko rin na sayang ang ating nasimulan kung tatapusin natin na gano'n lang kadali. Hindi ka magtatagumpay kung susuko ka na. Ganito ka brutal ang buhay. Kung gusto mong magtagumpay, kailangan mo talagang harapin ang bawat hamon ng buhay.
Ito ang landas na humahantong sa pagtubos. Magpokus ka sa layunin mo kahit nahihirapan ka na, kahit nasasaktan ka na. Kapag naramdaman mong ayaw mo ng magpatuloy, kapag naramdaman mo na parang dinurog ka na ng mundo, tandaan mo na hindi ka nag-iisa. Tandaan mo na mayroong lakas sa loob mo na mas malaki pa kaysa sa anumang hamon na iyong haharapin.
At tandaan mo na ang pagsuko ay hindi kailanman isang option, hindi para sa isang mandirigma, hindi para sa isang tao na dumaan sa iyong naranasan. Mayroon kang isang kwento, isang magandang kwento na sinusulat pa. At, oo, may mga kabanata na nilamon ng kadiliman. Minsan nga makikwestyon mo ang lahat.
Ngunit may mga kabanata rin na puno ng tagumpay, may mga nalampasang problema, at napakahalaga ng lahat ng 'yon. Worth it ang mga pasakit sa buhay, ang mga struggles, dahil 'yan ang nagpapalakas sa atin. 'Wag mong hayaan na malamon ka ng kadiliman. 'Wag kang magpatalo. Marami ka pang laban. Marami ka pa rin namang lakas. May apoy ka pang natitira sa loob mo.
As long as mayroon ka pang lakas, as long as gusto mo pang lumaban, may pag-asa ka pa. May pag-asa pang mabago ang lahat. May layunin ka pa. Makakabuo ka pa ng magandang kwento. Pagkagising mo bukas, tandaan mo ang kahapong nalampasan mo. Tandaan mo na choice mo ito. Choice mong magpatalo at choice mo ring lumaban. Hindi ibig sabihin na magalit ka sa mundo. Lumaban ka gamit ang pag-iisip ng positibo. Ang mga maliliit na tagumpay, kung susumahin natin 'yan, malaki na 'yan. 'Yan ang magiging pundasyon mo na hindi basta bastang madurog ng bagyo. Kailangan mong isipin ang mga positibong bagay para matalo mo ang negatibong bagay. Isipin mo yung mga taong nangangailangan sa 'yo. Kailangan mong patunayan sa sarili mo na hindi ka madaling matalo. Kahit anong pisitibong naiisip mo, hanapin mo 'yon, panghawakan mo 'yon.
Habang humihinga ka pa, habang tumitibok pa ang puso mo, kaya mo pang baguhin ang kwento mo. Ayos lang na minsan hindi ka okay. Hindi naman 'yan katapusan ng kwento mo. Ayos lang na mawalan ka ng gana. Ayos lang na wala kang kakampi sa buhay. Pero hindi okay na sumuko ka na lang. Hindi okay na magpatalo ka. Mandirigma ka at ang mga mandirigma ay hindi nagpapatalo. Lumalaban sila kahit mahirap. Pinilit nilang bumangon. At kaya mo rin 'yon.
Bumangon ka. Ayusin mo ang sarili mo. Lumaban ka pa rin. Kasi hindi ka nag-iisa dahil tayong lahat ay may kanya kanyang problema. Pero mas madali ang buhay kung nagtutulungan tayo. Together, we can face anything. And together, we can find a way through the darkness. So don't give up. Not now. Not ever. Because you're a warrior, and warriors never quit.
Hayaan mo na ang lahat
Hayaan mo na ang lahat. Lahat ng mga nangyayari noon, lahat ng mga bagay na hindi pa nangyayari. Hayaan mo na 'yon. Ang mga bagay na nangyari noon ay hindi mo na mababago. Ang mga bagay na mangyayari bukas ay hindi mo kontrolado. Kaya't hayaan mo na. Kung gusto mo talagang maging malaya, 'wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Kung gusto mong maliwanagan, lumabas ka muna sa madilim mong nakaraan. Kung gusto mong makausad sa buhay, itapon mo ang lahat ng pinapasan mo.
Akala mo TALO ka? Akala mo panalo na sila? Walang panalo o talo sa ngalan ng pag-ibig. Matatalo ka lang kung hindi ka bibitaw. Kung gusto mong manalo ka, HAYAAN mo na ang lahat. Magpatuloy ka lang sa 'yong paglalakbay. At salubungin mo ang bago mong buhay. Never allow toxic people to stay in your life. Never let them steal your happiness. Take back your POWER. Palayain mo na sila. Palayain mo na rin ang sarili mo. Hayaan mo na kung anong gusto nila sa buhay. Allow yourself to feel lonely but never stay in that DARK SITUATION. Matuto kang bumitaw sa mga bagay na hindi nararapat sa 'yo.
Hindi natin kontrolado ang mga tao. Hindi natin sila mapipilit na mahalin tayo. Hindi natin hawak ang isipan nila. Wala tayong kontrol sa lahat ng panlabas na bagay. Tanging sarili mo lang ang makokontrol mo. 'Wag mong sayangin ang oras mo sa kakakontrol ng mga bagay na hindi mo naman makokontrol. Someone did you wrong? Let it go. Kung hindi mo sila bibitawan, mas lalong masisira ang buhay mo. Don't allow them to invade your mind like a virus which will only affect the quality of your life in every other area.
Ang pinakamatinding paghihigante ay ang pagpapalaya sa matinding sitwasyon. Don't hold your negative emotions. Release it. Alam kong galit na galit ka. Pero ang galit mo ang siyang dahilan kung bakit patuloy kang nasasaktan. Forgive them. Forgive yourself. Uulitin ko para mas malinaw. Ang pinaka matinding paghihigante ay sumulong ka pa rin kahit mag-isa ka na. Ang pinakamatinding paghihigante ay ang pagbitaw.
Alam kong kayang kaya mong bumitaw sa pangyayari. Ipakita mo sa kanila na hindi mo sila kailangan para sumaya. Ipakita mo sa kanila na kaya mong sumaya kahit mag-isa ka. Kaya mong pasayahin ang sarili mo. Ipakita mo sa kanila na kaya mong mamuhay ng maayos kahit hindi mo na sila kasama. Kahit sino man ang may kasalanan, kahit ano man ang nangyari, hayaan mo na. Hindi man ito ang ginusto mong mangyari, hayaan mo na.
Magpokus ka lang sa mga nangyaring maganda. Hindi naman puro kaligayahan ang buhay. May matinding pagsubok rin na maaaring ikawasak ng ating buhay. Some things will work out. Some things won't. But when things don't work out, you have to move on and focus on the next positive. Itapon mo ang negatibong isipan at emosyon. Magpokus ka lang kung ano ang pwede mong magagawa ngayon para naman lalago ang buhay mo.
Don't seek sympathy from other people. Shift your focus on what is GOOD in your life and let go of the negatives. 'Wag mong dalhin ang nakaraan sa hinaharap mo. If you want a strong and a healthy future then commit to your future. Kung hindi ka bibitaw sa nakaraan mo, magdurusa ang kinabukasan mo. Understand this very important fact: You are the one who suffers most when you hold onto RESENTMENTS, when you seek REVENGE. Pero ikaw ang mananalo kung bibitaw ka na.
Ang susi tungo sa magandang buhay ay ang pagbitaw sa mga bagay na hindi naman mapapasa'yo. Hindi mo makokontrol ang tao na mahalin ka. Pero kontrolado mo ang sarili mo na magmahal ulit. Buksan mo lang ang puso mo at hayaan mong dumaloy ang pag-ibig sa puso mo. Your EGO will tell you:
“Once everything is perfect, then I'll be happy”.
But your spirit knows the TRUTH.
“Be happy then everything is PERFECT.”
Pero magpakatotoo nga tayo, walang perpektong tao, bagay o sitwasyon. Walang perpekto at hindi magiging perpekto. But if you can get into the right space, you can then get to the understanding that everything happens for a reason and be at PEACE with that.
Alam kong napakahirap magpakasaya sa oras na nasasaktan ka. Pero mas mahirap kang saktan kung BUO ka na. So be happy. Be happy that you're still LIVING. See the GOOD in the BAD and you will UNDERSTAND that life itself is a MIRACLE. That's the best gift from God. Kailangan mong maintindihan na ang sakit na dinanas mo ngayon ay parte ng iyong buhay. Hayaan mo lang na nasaktan ka. Damhin mo ang sakit. Pero 'wag mong hayaang kainin ka ng negatibong emosyon na 'to.
LEAVE the darkness of your past behind so you can focus on letting in the light of your future. Ang kapatawaran ay ang pagbitaw na baguhin mo pa ang nakaraan. Dapat mong tanggapin ang nangyari. Sumuko ka na sa kakaisip tungkol sa mga nangyari noon. Patawarin mo na sila. Patawarin mo na ang sarili mo. Hindi ibig sabihin na tanggapin mo lang kung anong nangyari sa 'yo. Hindi ibig sabihin na ayos lang na mangyari sa 'yo 'to. Ibig sabihin, tanggapin mo na may dahilan kung bakit nangyari 'to sa 'yo.
Tanungin mo ang sarili mo:
“Ano ba ang gagawin ko?”
Siyempre ang magpatawad. Ang ibig sabihin ng pagpapatawad ay ang pagsuko na lang at tanggapin ang katotohanan na ang noon ay parte na ng kasaysayan. Don't hold grudges for anything or any situation and neither should you. It's letting GO so that the past does not hold you prisoner. Does not hold you hostage. Hindi mo pasan ang mga tao. Pero bakit pinapasan mo sila sa isipan mo? Bakit nandiyan pa rin sila sa utak mo? 'Yan ang dahilan kung bakit nabibigatan ka.
Ito ang katotohanan na gusto kong malaman mo, kung hindi ka bibitaw, kung hindi mo pinapatawad ang sarili mo, kung hindi mo papatawarin ang sitwasyon, kung hindi mo maunawaan na tapos na ang lahat, hindi ka makakausad. Napakadaling sisihin ang taong nananakit sa 'tin, 'di ba?
“Kung hindi dahil sa kanila, mapayapa ang buhay ko ngayon.”
“Kung hindi dahil sa kanila, maayos sana ang buhay ko ngayon.”
“Kung hindi nila ginawa sa 'kin 'to, natupad ko na ang pangarap ko.”
Halos lahat ng tao ay patuloy na isinisi sa iba ang kabiguan nila. Kahit wala na ang taong minahal nila. Don't hold on to the blame. Let it go. Take responsibility for your life. Mag move on ka na at iwanan mo na ang iyong kahapon. 'Yan lang ang tanging paraan para makalaya ka na, para magtagumpay ka na, para maging masaya ka na.
Bahala na kung ano ang ginawa nila sa 'yo. Magpokus ka lang sa mga pinag-iisip mo. Take back the power they have from you when you are the one suffering long after they're gone. Sino ba ang mananalo kung wala ka ng pakialam sa kanila? Sino ba ang mananalo kung magpapatuloy ka lang sa hangarin mo? Forget them and create your BEST LIFE. Sisihin mo man sila sa mga HINDI nila nagawa pero 'wag mong sisihin ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo nagawa. Sisihin mo man sila sa mga HINDI nila nagawa pero PASALAMATAN mo sila dahil sila ang DAHILAN kung bakit mas lalo kang tumatag. Thank them for showing you that their behavior is what you don't want.
Maaaring magalit ka sa mundo pero pasalamatan mo rin dahil may naibigay itong aral sa buhay mo. Pinapalakas ka ng sakit na 'to. Binigyan ka nito ng sapat na katatagan. Ginising ka nito mula sa 'yong malalim na pagkakatulog. Ang pinakamatinding paghihigante ay hindi na lang maghihigante. Bitawan mo na lang. Mag move on ka na lang. Mahalin mo na lang ulit ang sarili mo. Mas lalo mong mahalin ang sarili mo. 'Wag mo ng tingnan ang nakaraan. Ang tanong ko lang sa 'yo:
“Handa ka na bang bumangon ulit?”
“Handa ka na bang tanggalin ang bigat na pinapasan mo ngayon?”
“Handa ka na bang sumulong na mag-isa?”
The best revenge is NOT taking any revenge. The best revenge is letting them GO. The best revenge is CLAIMING BACK your FREEDOM. The best revenge is to show them you can GO ON without them. Ibalik mo ang pagka independent mo.
Comments
Post a Comment