Ang Pagsubok Ang Magpapalakas sa 'yo By Brain Power 2177





Ang mga problema mo ay bahagi ng iyong kwento. Kahit ano pa ang gagawin mo, hindi mawawala ang problema. Masosolusyonan mo nga ang isa, may panibago na namang darating. Isipin mo na nakukuha mo ang gusto mo nang madali lang. Walang matinding pagsisikap, walang struggles, walang sagabal, walang mga hamon sa buhay, walang pasakit na natatamasa, walang kabiguan, masasabi mo sigurong… ito ang buhay na gusto ko, 'di ba? Yung buhay na madali lang. Pero 'yang madaling buhay na hinahangad mo ay ang magpapahina sa 'yo. Bakit? Sa oras na darating ang matinding pagsubok sa buhay mo, hindi mo alam kung paano i-handle ang pagsubok na 'yon. Wala kang matutunan sa MADALING BUHAY. At siguradong lahat ng natamo mong mga bagay ay mawawala sa 'yo dahil hindi mo alam kung paano lampasan ang mga hadlang, hindi mo alam kung paano bumangon mula sa kabiguan, hindi mo alam kung paano tibayan ang iyong loob. If you know NOTHING in life, you would lose all the great things. Your accomplishments would fall like a house of cards.

Ang tagumpay ay PROSESO. Hindi 'yan resulta. Bakit ko nasabi? Kasi kapag nagtagumpay ka na, hindi diyan nagtatapos ang kwento mo. Pwede kang bumagsak ulit. Kahit matagumpay ka na, kailangan mo pa ring magpokus. Kailangan mo pa ring magsikap. The problem is, most people think that having material wealth or titles is the definition of real success, but they are wrong. Success is the mental transformation of an individual from being mentally fragile to becoming mentally strong. Sa pamamagitan ng karanasan mo, gaya ng mga sagabal sa buhay mo, kabiguan mo, mga hadlang na kinakaharap mo, 'yan ang nagpapatibay sa mentalidad mo. Your mind becomes hardened in preparation for your reward. 

May ilang milyonaryo na naging homeless kasi hindi nila alam kung paano i-manage ang kanilang pera. Biglaan kasi ang pagyaman e. Natulala pa. Gaya ng mga nanalo sa lotto. Parang pera lang sa hangin. Nakuha mo ng madali, mawawala rin ng madali. Kailangan mong palawakin ang iyong kaalaman para pag dumating ka na sa tuktok, may alam ka ng gawin. Kailangan mong matuto. Palagi kang nagsaliksik kung paano yumaman pero hindi mo man lang naisip kung paano ingatan ang kayamanang 'yon. Success is more about learning the process of achieving your goal rather than enjoying the fruits of your labour because it will be easier to get back what you have acquired if you lose it.

Kung hindi ka pa nakakatikim ng problema, ibig sabihin wala ka pang masyadong nagawa sa buhay. Without going through struggle, you would be weak because you will never have gone through something that strengthens you. You cannot grow without a struggle. You cannot develop your strength without resistance. You cannot get what you want without challenging yourself. If you are ready to fight for what you want, you will get it. Most people will remain in mediocrity because they are unwilling to undergo the pain of abnormal growth to transform into people who are mentally strong.

Hindi nila kayang salubungin ang mga hamon dahil wala silang disiplina sa sarili. Hindi nila kayang salubungin ang mga pagsubok dahil wala silang pangarap sa buhay. Kasi kung may pangarap ka, dapat handa ka ng humarap sa mga problema. Let me ask you: How badly do you want to live your dream life? If you want it so bad, then you will embrace the struggle and the pain because it is these sacrifices that will take you to where you want. For you to get what you want, you must be willing to pay the price.

Ang paghihirap ay parte ng iyong buhay. Kaibigan mo 'yan. Maybe not in the moment, but for the evolution of your soul and the long term benefit of a stronger human being, pain is your friend. If you don’t have failures and struggles, if you don’t have disappointments and challenges, then you can never have COURAGE, STRENGTH and COMPASSION. These qualities are made from pain and struggle!

Lahat ng ibabato sa 'yo ng panahon ay kaya mong wasakin. Magtiwala ka na makakaya mo. Know that you are STRONG enough. You were given this life because you are strong enough to live it. You were given those obstacles because you are strong enough to drive and thrive through them.
You are facing this struggle to inspire others through it. Kapag nakikita ka nilang nagtagumpay sa buhay, masasabi rin nila sa kanilang sarili,

“Kung KAYA niya, KAYA ko rin”

Kung napagtagumpayan mo ang mga hamon hanggang sa sandaling ito, ibig sabihin na kaya mong lampasan ang mga hamon na darating pa.

'Wag kang matakot. Kung may problema ka na namang kinakaharap, 'wag kang magmura, 'wag kang magalit, 'wag kang mawalan ng pag-asa. Ipinadala 'yan sa 'yo dahil may dahilan ang lahat ng 'to. May aral rin na mapupulot mo. Ano ang dahilan kung bakit may problema ka? Para matuto ka kung paano tibayan ang damdamin mo at para matuto ka kung paano magtiyaga at magsikap sa buhay. Don't ever give up. Show others your spirit.

Noong bata pa ako, palagi akong naniniwala na magtatagumpay ako. Noon pa lang gusto kong maging article writer. At nakamit ko 'yon. Pero hindi 'yon madali para sa 'kin. Napakahirap. Lumaki ako na bitbit pa rin ang pangarap na 'yon. Dumaan ako sa madaming rejections. Some people told me to give up already. Sabi pa nila

“'wag mong pilitin ang hindi para sa 'yo”

pero pangarap ko 'to. Others said I would never achieve a lot in life because I'm not good enough. But because I refuse to believe what they were telling me, I became mentally strong. I made the pain as my friend and used it to become a better version of myself. Lahat tayo ay may pinagdadaanan sa buhay. May mga taong hindi naniniwala sa ating kakayahan. Pero kung maniniwala ka lang sa sarili mo, maniwala ka lang na kaya mo, magbabago talaga ang takbo ng buhay mo.

Si Richard Branson, ang Founder ng Virgin Group, na-diagnose siya ng dyslexia noong siya ay bata pa. Sinabihan siya ng kanyang guro na TAMAD siya at hindi siya MATALINO. Dyslexia is a common learning difficulty. Talagang nahihirapan siya sa kanyang pag-aaral. Hindi niya makukuha kaagad ang turo ng kanyang guro. But look at him now, he is part of the billionaire club. He said that dyslexia is a powerful asset that has enabled his business empire to grow.

May layunin ka sa mundong 'to at kailangan mong malaman kung ano ang layunin mo upang umunlad ang buhay mo. Your struggle is part of your story because it has made you the person you are today. Your struggle is the gift that will make the world fall in love with you. Walang gustong makinig sa kwento ng tao na walang pinagdadaanan sa buhay. Bakit? Wala ka namang aral na makukuha sa taong 'yon. Saan mo gustong makinig? Sa taong may pinagdadaanang hirap pero nagtagumpay pa rin. Gusto kasi nating matuto kung paano lumaban sa buhay katulad nila.

Gusto mo na lang bang kaawaan ka nila? O gusto mong puntahan ka ng mga tao para magtanong kung paano mo ginawa 'yon? Do you want to be a legend because legends are born in the valley of struggle!
You are greater than anything that has ever happened to you. Fear only exists in your mind like a fictional movie but the reality is a struggle. Mababago mo lamang ang realidad kung babaguhin mo rin ang iyong pananaw, kung matuto ka ng tanggapin ang paghihirap sa buhay. Ang paghihirap ay hindi kalaban natin, hindi ito ang pumipigil sa 'tin. Ang paghihirap ay nagbibigay sa 'yo ng kasangkapan para umunlad ka sa buhay. Para makita ng lahat ang iyong kadakilaan.

'Wag ka ng mag-alinlangan pa. 'Wag mo ng isisi sa iba ang problemang natamo mo. Embrace your challenges. Embrace your setbacks. Embrace your failures because they are part of your success story. Palagi mo 'tong tandaan: Ang matagumpay na tao ay may maraming sugat sa kanilang puso.





IPASA-DIYOS MO NA LANG

Alam ko na marami sa 'tin ay nagtatanong,

“May magagawa ba ang panalangin sa 'tin?”

“May nakikinig ba?”

Bago ka gumawa ng anumang bagay, natural lang na maisip mo,

‘Ano’ng mapapala ko sa pagpi-pray?’

Hindi kaya pagiging makasarili kung iyan ang itatanong mo pagdating sa panalangin? Hindi naman. Natural lang na gusto nating malaman kung may maitutulong ba ang panalangin sa 'tin. Kahit ang mabuting taong si Job ay nagtanong, basahin natin ang Job 9:16

“Kung hihingi ako ng tulong sa kaniya,
sasagot ba siya? Hindi ako naniniwalang makikinig siya.”

Kita mo 'yan? Hindi lang tayo ang nagtatanong. Pati na rin si Job. Pero alam mo, ang panalangin ay hindi lang basta isang religious routine o isang uri ng mental therapy. Ang tunay na Diyos ay talagang nakikinig sa panalangin. Kung mananalangin tayo sa TAMANG PARAAN at para sa TAMANG MGA BAGAY, makikinig Siya. Sa katunayan, hinihimok Niya tayo na lumapit sa Kaniya. Basahin natin ang Santiago 4:8

“Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit siya sa inyo.”

Napakasarap sa pakiramdam na nalaman natin na hinihimok tayo ng Diyos na lumapit sa Kanya. Kung gayon, ano ang maitutulong sa atin ng panalangin kung magiging bahagi ito ng ating buhay? Tingnan natin ang 3 pakinabang.

UNANG PAKINABANG NG PANALANGIN AY MAGIGING PAYAPA ANG ATING ISIP

Kapag may problema ka, labis ka bang nababalisa? Hinihimok tayo ng Bibliya sa 1 Tesalonica 5:17 na “lagi tayong manalangin.”

'Wag rin nating kalimutan ang nakasulat sa Filipos 4:6 dahil napakaganda nito

“Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay;
sa halip, ipaalám ninyo sa Diyos ang lahat ng pakiusap ninyo sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat.”

Tinitiyak sa atin ng Bibliya na kung mananalangin tayo sa Diyos, maaari tayong magkaroon ng kapayapaan ng isip kung sasabihin natin sa ating Ama sa langit ang mga ikinababahala natin. Sa katunayan, hinihimok Niya tayong gawin 'yan. Basahin natin ang Awit 55:22

“Ihagis mo sa Diyos ang pasanin mo, At aalalayan ka niya.”

Nararanasan na ng maraming tao sa buong daigdig ang kapayapaang ito. Isa na ako sa mga nakakaranas nito. Ilang beses na akong sinubok ng panahon. Gaano man kabigat ang mga problema ko, kapag nasabi ko na ito sa panalangin, gumagaan na ang pakiramdam ko at para bang kaya ko na itong banggain. Kaya't sa tulong ng panalangin, nakapagpapatuloy ako sa buhay nang hindi masyadong nag-aalala. Alam kong tutulungan ako ng Diyos na makatawid sa buhay na gusto ko.

IKALAWANG PAKINABANG NG PANALANGIN AY MAGKAKAROON TAYO NG LAKAS

Lakas at kaaliwan sa panahon ng pagsubok. Tanungin nga muna kita, napapaharap ka ba sa matinding stress, dahil marahil sa masasaklap na karanasan o mga kalagayang nagsasapanganib ng buhay? Ang pananalangin sa Diyos ng buong kaaliwan ay makapagdudulot ng malaking ginhawa.

Halimbawa, nang lubhang mabagabag si Jesus, iniluhod ni Jesus ang kaniyang mga tuhod at nagsimulang manalangin. Ano ang resulta? Nagpakita sa kaniya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas siya. Halimbawa rin ay ang tapat na si Nehemias. Pinagbantaan siya ng masasamang tao na gusto siyang pahintuin sa paggawa ng gawain ng Diyos. Pero nanalangin siya.

Ipinakikita ng kasunod na mga pangyayari na talagang tinulungan siya ng Diyos na madaig ang kaniyang takot at magtagumpay sa kaniyang gawain. Talagang naniniwala ako sa kapangyarihan ng panalangin. Kapag nananalangin kasi ako, lalo na kung may problema ako, para bang nasasabi ko ang problema ko sa isa na kayang tumulong sa akin at nagpapatibay na hindi ako dapat mag-alala. Kaya't magtiwala ka. Kapag nanalangin tayo sa Diyos, bibigyan Niya tayo ng kaaliwan.

IKATLONG PAKINABANG NG PANALANGIN AY MAGKAROON TAYO NG KARUNUNGAN
MULA SA DIYOS

May mga desisyon tayo na habambuhay na makaaapekto sa atin at sa mga mahal natin sa buhay. Paano tayo makagagawa ng matatalinong pasiya?

Kung hihingi tayo ng karunungan sa Diyos, maaari Niyang gamitin ang Kaniyang banal na espiritu para patnubayan tayong makagawa ng matatalinong desisyon. Sa katunayan, maaari nating espesipikong hingin ang banal na espiritu dahil tinitiyak sa atin ni Jesus na ang Ama sa langit ay magbibigay ng banal na espiritu doon sa mga humihingi sa Kaniya.

Kaya't patuloy akong nanalangin sa Diyos na gabayan ako sa paggawa ng tamang desisyon. Maging si Jesus ay humingi ng tulong sa kaniyang Ama sa paggawa ng mahahalagang desisyon. Ayon sa Bibliya, nang pumili siya ng 12 lalaki na maglilingkod bilang mga apostol niya, nagpatuloy siya sa pananalangin sa Diyos nang buong gabi.

Gaya ni Jesus, marami ngayon ang napapatibay kapag nakita nilang sinagot ng Diyos ang hiling nila na tulungan silang makagawa ng matatalinong desisyon. Tayong lahat naman ay may problema. Iba't-iba ang problemang pinapasan natin. May namomroblema sa pinansiyal, may nawalan ng trabaho, may nahihirapan sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, pero malalampasan natin ang ating mga problema kung hihingi tayo ng patnubay sa Diyos, upang makagawa tayo ng TAMANG DESISYON. Umasa lang tayo sa tulong ng Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Patuloy tayong manalangin na gabayan tayo ng Diyos patungo sa TAMANG LANDAS. Dapat kumbinsido tayong tutulungan tayo ng Diyos na maibsan ang bigat ng pasan natin. Mararanasan rin natin ang patnubay ng Diyos kung ipananalangin natin ang mga bagay na makaaapekto sa kaugnayan natin sa Kaniya.

Ang 3 PAKINBANG na 'to ay ilan lamang sa mga bagay na magagawa sa 'yo ng panalangin. Subalit para makamit mo ang mga pakinabang na ito, dapat mo munang makilala ang Diyos at alamin ang Kaniyang kalooban. Kung 'yan ang gusto mo, dapat mong pag-aralan ang Bibliya. Maaaring ito ang unang hakbang para mapalapít ka sa Dumirinig ng panalangin.




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177