Ang Pagsubok Ang Magpapalakas sa 'yo By Brain Power 2177

Ang paghihirap ang magpapalakas sa iyo Ang mga problema mo ay bahagi ng iyong kwento. Kahit ano pa ang gagawin mo, hindi mawawala ang problema. Masosolusyonan mo nga ang isa, may panibago na namang darating. Isipin mo na nakukuha mo ang gusto mo nang madali lang. Walang matinding pagsisikap, walang struggles, walang sagabal, walang mga hamon sa buhay, walang pasakit na natatamasa, walang kabiguan, masasabi mo sigurong… ito ang buhay na gusto ko, 'di ba? Yung buhay na madali lang. Pero 'yang madaling buhay na hinahangad mo ay ang magpapahina sa 'yo. Bakit? Sa oras na darating ang matinding pagsubok sa buhay mo, hindi mo alam kung paano i-handle ang pagsubok na 'yon. Wala kang matutunan sa MADALING BUHAY. At siguradong lahat ng natamo mong mga bagay ay mawawala sa 'yo dahil hindi mo alam kung paano lampasan ang mga hadlang, hindi mo alam kung paano bumangon mula sa kabiguan, hindi mo alam kung paano tibayan ang iyong loob. If you know NOTHING in life, you would lose a...