7 SIGNS na Nagpapanggap ka Lang na Masaya By Brain Power 2177




7 SIGNS na nagpapanggap ka lang na masaya at ano ang gagawin mo? Malalaman natin 'yan sa videong ito.

Ang ilang mga tao ay hindi kasing saya gaya ng iniisip mo. Ang ilan sa kanila ay nagpapanggap lang na masaya at just go with the flow lang sa buhay. Alam ko kung gaano kadali ang magpanggap. Kasi noon, ayokong may makakaalam na may problema ako so I have pretended to be many things in my life. Kung may scripted na content. Scripted din ang mga ngiti ko noon. Akala nila na masaya ako dahil patawa-tawa lang ako pero ang dami ko palang problema na walang nakakaalam. Pero nagbago ang lahat noong natuto na ako sa buhay. Kasi the more na magpapanggap ka, the more din na babalutin ka ng lungkot. Lalo na ngayon na sikat na ang social media, halos lahat ng tao ay busy sa pagpo-post ng mga magagandang kaganapan sa buhay. But the thing is, we’re cheating ourselves out of true happiness. Kapag tunay kang masaya at nagpapanggap kang masaya, halos magkakapareho lang ng resulta. Ano ang ibig kong sabihin? Akala ng mga tao na ang ipinapakita mo ay tunay. Hindi mahahalata ng mga tao na malungkot ka. Gano'n din kapag tumingin ka sa iba. Hindi mo mahahalata na problemado siyang tao. But if you pay close attention, makikita mo ang mga signs na nagpapanggap lang pala siyang masaya.


NUMBER 1
NAGPAPAKAPOSITIBO KA LAGI


Siyempre maitatanong mo, hindi ba't 'yan na man talaga dapat? Gusto ko lang linawin 'to sa inyo, hindi masama na maging positibo sa buhay. Pero iba pa rin ang taong tunay na positibo sa buhay. Mapapansin mo na ang taong nagpapanggap na masaya ay sumobra na ang kanyang positivity na parang hindi na realistic. Halos nagiging peke na ang lahat. Ang tawa, ngiti at tono ng boses. Uulitin ko, hindi masama ang pagiging positibo. Pero parang weird lang tingnan ang taong positibo lagi dahil sa sobrang pagkapositibo niya, pati negativity sa buhay niya ay hindi na niya pinaniniwalaan.


NUMBER 2
AYAW MONG MAKIHALUBILO


Itinutulak mo na papalayo ang mga tao dahil hindi ka masaya. Kahit anong pilit mo na papaniwalain sila, mapapansin pa rin nila na hindi ka masaya. Magdadahilan ka palagi para hindi ka makapunta sa mga events or social gatherings. Kung ina-isolate mo na ang sarili mo, sign na 'yan na hindi ka masaya sa buhay mo.


NUMBER 3
MOODY KA


Hindi lang hormonal changes ang dahilan ng mood swings ng isang tao. Hindi rin palaging disorder ang dahilan. Minsan nag-iiba ang mood mo dahil may emotional pain kang nararamdaman at itinatago mo lang. Kapag pinilit mong magpakasaya, negatibo pa rin ang lalabas. Ito ay dahil ang iyong tunay na emosyon ay gusto ng makalabas pero pinilit mong kinimkim. Halimbawa gusto mong umiyak pero pinilit mong tumawa, makikita 'yan sa mga mata mo. Eventually, you will lash out, having severe mood swings at random moments.


NUMBER 4
SUMOBRA NA ANG PAGTUTOK MO SA PHONE


Kapag nagpapanggap kang masaya, gugugol ka ng maraming oras sa pagtutok sa phone, sa TV o sa computer. I believe na ginagawa ito ng isang tao dahil ito ay isang paraan niya upang ma-distract ang kanyang isipan mula sa anumang hindi nakakapagpasaya sa kanya. Tila parami nang parami ang lumilitaw na nagpapanggap na masaya, at ipinapakita nito ang pagtaas ng obsession sa technology.  Kaunting tao lang ang lumalayo sa screen para suriin kung ano ba talaga ang bumabagabag sa kanila.


NUMBER 5
BISYO


Lalo na ang druga. Ang pag-abuso sa droga ay isa sa mga pinaka-halatang palatandaan na hindi ka talaga masaya sa buhay at pati na rin ang sobrang pag-inom ng alak. Kung umiinom ka araw-araw o nakikibahagi sa paggamit ng droga, maaaring hindi ka talaga masaya. Let's just face it, malamang na miserable ka at 'yon ang dahilan kung bakit sinusubukan mong ibaon ang iyong mga problema sa pamamagitan ng paglalasing at pagdudruga. If you think you’re just social drinking, think again. You might be self-medicating.


NUMBER 6
NAGYAYABANG KA


Ang taong hindi tunay na masaya, palaging nagyayabang kung gaano sila kasaya sa buhay kahit hindi naman tinatanong. Sasabihin nila sa mga taong nakapalibot sa kanila kung anong magagandang bagay ang nangyari sa buhay nila. Pero hindi naman totoo na masaya sila sa kanilang buhay. Bagama't maraming tao ang nagyayabang sa mga bagay na mayroon sila, mas marami pa rin ang nagyayabang tungkol sa mga peke nilang accomplishments. Dahil wala naman talaga silang maipagyayabang.


NUMBER 7
HINDI KA PA NAKA-MOVE ON


Wala namang mali sa paggunita sa nakaraan. Ngunit ang pag stay mo doon sa nakaraan ay hindi healthy. Para sa mga nagpapanggap na masaya, ang pamumuhay sa nakaraan ay nagiging isang normal na gawain na nila. Palagi mong iniisip ang mga negatibong nangyari sa nakaraan. Yes, the past can be endearing, but it can be a hiding place for those who aren’t happy.

Paano naman natin itigil ang pagpapanggap at maibalik ang tunay nating kaligayahan? Ngayon na ang tamang oras para itigil ang pagpapanggap. Oras na para hanapin ang salarin ng iyong kalungkutan at gumawa ng nararapat na mga pagbabago. Tandaan mo na ang unang hakbang para maging maayos ang iyong buhay ay alamin mo kung ano ang problema mo. Pagkatapos mong malaman ang dahilan, masisimulan mo ng magawa ang panibagong bagay para maibalik ang tuwa sa mga mata mo. Kung nabibigatan ka sa sitwasyon mo ngayon, 'wag kang mahiyang humingi ng tulong. Mas mabuting humingi ng tulong kaysa mag-isa. Hindi imposible na maging masaya basta't honest ka lang sa nararamdaman mo. So now, it’s time to face the negativity so that happiness can find a way into your heart. Yes, it will take time, but there is always hope for healing.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177