8 Bagay na Hindi mo Dapat Ipagsabi By Brain Power 2177





May 8 bagay sa buhay na hindi mo na dapat i-share sa ibang tao. Ano ang 8 bagay na 'yon? Malalaman natin 'yan sa videong ito.

Hindi naman masama kapag nagki-kwento ka o nagshi-share ka ng tungkol sa buhay mo. Naging bukas ka lang sa kanila at nagpakatotoo ka lang. Pero kapag labis na, I mean kung halos lahat ng kaganapan sa buhay mo ay shini-share mo sa iba, 'yon na ang problema. Minsan kasi hindi ka na mauunawaan ng tao e dahil sa dami ng sinasabi mo. Keeping certain aspects of your life private isn’t about being secretive, but about preserving your dignity and self-respect. Ano nga ba ang 8 bagay na ito na panatilihin na lang nating pribado?


NUMBER 1
MGA PERSONAL NA HINANAING


Lahat naman tayo ay may hinanaing. May mga negatibo ring pangyayari sa buhay natin. May mga hindi pagkakaunawaan. Minsan nakikipagtalo tayo sa pamilya natin. May mga hindi pagkakasundo sa isang katrabaho. Siyempre bilang tao, hindi natin maiiwasan ang mga pangyayaring ito. Pero kailangan ba nating ipagkalat ito? Kailangan ba nating i-post sa social media na galit tayo sa isang tao? na walang kwenta na ang buhay natin? Hindi na kailangan. Imbes maliit lang ang pangyayaring 'yon, posibleng lumaki dahil marami na ang makikisawsaw. Hindi lang 'yan, mag-iiba din ang paningin ng tao sa 'yo. Naging immature ka tignan. Mas mabuti na kung may hinanaing ka sa isang tao, komprontahin mo na lang siya ng direkta. Kapag kasi ibinahagi mo ang iyong mga personal na hinanaing sa publiko, hindi mo lang ibinubunyag ang mga detalye tungkol sa ibang tao, may ibinubunyag ka rin tungkol sa sarili mo. Lahat kasi ng ginagawa natin, nagre-reflect din 'yan sa atin.


NUMBER 2
ANG LOVE LIFE MO


Speaking of love life, siyempre nando'n ang excitement e. Hindi natin mapipigilan ang sarili natin na sabihin sa ibang tao ang tungkol sa love life natin. Hindi kita masisisi kasi ganito din ako noon e. Noong una, naisip ko na normal lang na ibahagi sa iba kahit anumang detalye. Pati petsa ng simula ng aming relationship. Pati mga maliliit na pagtatalo. Ibinahagi ko lahat sa mga kaibigan ko. Ipi-nost ko rin sa social media. Pero mali pala 'yon. Speaking from personal experience, I’ve learned that it’s best to keep the intimate details of your love life under wraps. Sabi ko nga kanina, kapag ibinahagi mo sa iba, marami ang sumasawsaw. May mga advice na bias, may mag a-advice rin kahit hindi naman kinakailangan at mas lalong humahantong ito sa hindi pagkakaunawaan at siyempre may damdaming masasaktan. I realized that by sharing so much, I was sacrificing the privacy and intimacy that should have been solely between my partner and me. Pero single na ako ngayon. Anyway, simula noong araw na 'yon, I made a conscious decision to keep my love life private. It’s not about hiding things, it’s about respecting the sanctity of your personal relationships. Kung may love life ka, ibahagi mo lang ang kaunti pero yung mga bagay na hindi na dapat ilabas, sa inyo na 'yon ng partner mo. Because maintaining its privacy can truly help maintain your dignity.


NUMBER 3
ANG PERA MO


Kung napakadami ng pera mo, hindi mo na kailangang i-flex. Hindi mo na kailangang sabihin kung magkano ang sweldo mo, kung magkano na ang naipon mo, kung magkano na ang utang mo, at kung ano ang financial goals mo. Bakit? Dahil ito ang dahilan ng komparahan. Maraming mga tao ang nagkokonpara ng buhay nila sa buhay mo at siyempre malulungkot sila dahil hindi nila abot ang kinikita mo. Minsan din may manghuhusga. Pagsabihan kang mayabang at mayroon ding mapagsamantala. Higit pa rito, ang pagpapakitang-gilas ng kayamanan ay maaaring lumikha ng isang maling imahe ng tagumpay habang ang pagbabahagi ng iyong mga paghihirap sa pananalapi ay maaaring mag-imbita ng hindi nararapat na awa o payo. Nakuha mo na ba ang punto? Pagdating sa 'yong personal na pananalapi, keep it to yourself na lang. Ito ay hindi lamang tungkol sa pagpapanatili ng dignidad kundi tungkol din sa pagpapanatili ng iyong pinansiyal na seguridad.


NUMBER 4
ISYU NG PAMILYA MO


Bawat pamilya ay may kanya-kanyang isyu.  Hindi naman tayo perpekto. May mga seryosong away magkakapatid. May mga hindi pagkakaunawaan sa magulang at anak. Minsan nga pati mga in-laws kasama sa gulo. Kailangang may kontrol tayo sa sarili natin. Kapag may pangyayaring ganito, ayusin na lang natin ng tahimik. Idaan na lang natin sa masinsinang usapan. Ang pagbabahagi ng mga problemang ito sa publiko ay maaaring magpalala ng sitwasyon at humantong pa sa sakitan at sama ng loob. Alam mo naman, kapag malalaman ito ng mga tao, masama na kaagad ang tingin nila sa pamilya mo. Kung may mga negatibong nagaganap sa loob ng pamamahay natin, subukan nating lutasin ang mga isyung ito sa loob, nang may paggalang at pag-unawa. Families are about love and support. We know that, right?


NUMBER 5
MGA PLANO MO


Lahat tayo ay may mga pangarap at ambisyon. Personally, iba kasi akong humawak ng pangarap at plano. Hindi ko ipapaalam sa ibang tao ang next move ko. Hinihintay ko na lang na resulta na ang makikita nila. The reason why I'm doing this kasi ayokong mamatay ang apoy sa loob ko. Kapag kasi nasabi ko na ang plano ko, mawawala ang aking motivation at mabubuo na ang pressure sa loob. It can also lead to disappointment if things don’t work out as expected. Ang pagpapanatiling pribado ng iyong mga plano ay nagbibigay-daan sa 'yong gawin ang mga ito sa sarili mong bilis, nang walang karagdagang diin ng mga opinyon at expectations galing sa ibang tao. 


NUMBER 6
ANG KABAITAN MO


Ang kabaitan ay dapat ginagawa para sa sarili at para na rin mapasaya natin ang Diyos. Hindi para sumikat o purihin ng ibang tao. Kapag gagawa tayo ng kabaitan o may nagawa tayong tama, hindi na dapat ipangalandakan pa ito sa ibang tao. Biblical ito. Basahin natin ang Mateo 6:3,

“Kapag gumagawa ka ng mabuti sa mahihirap,
huwag mong ipaalám sa kaliwang kamay mo
ang ginagawa ng kanang kamay mo.”

Malinaw ang sinabi ng Bibliya, 'di ba? When we perform acts of kindness, it shouldn’t be with the intention of telling others about it. Instead, it should stem from a genuine desire to help and make a difference. Ang pagsasapubliko ng iyong mabubuting gawa, minsan ay nakakabawas ng halaga nito. Imbes na intensyon mo talagang tumulong pero noong pinapakita mo sa iba, parang nanghahakot ka rin ng benefits sa paggawa ng mabuti. At marami na rin ang magkikwestyon kung ano ba talaga ang tunay mong motibo. Kapag tinulungan mo ang isang taong nangangailangan o gumawa ka ng kabutihan sa kapwa, itago mo na lang ito sa sarili mo. Ang importante ay alam ng Diyos ang kabutihan mo. Hindi lamang nito mapapanatili ang iyong dignidad, ngunit mapapanatili din nito ang kadalisayan at katapatan ng iyong mga aksyon.


NUMBER 7
ANG INSECURITIES MO


When I was in my teenage years, ang dami kong insecurities. Pero nalabanan ko 'yon. May mga kinakatakutan din ako. Takot akong mabigo kaya hindi ako sumubok. Takot akong hindi maging enough sa ibang tao. Lahat tayo ay may struggles sa panloob man o panlabas. Ang punto ko lang dito, kapag kasi sinabi mo ang kahinaan mo sa iba, ang tingin nila sa 'yo mahina. Minsan gagamitin pa nila ang kahinaan mo para mas lalo kang madurog. Minsan may magbibigay ng mga payo na hindi naman tugma sa problema mo. Bagama't napakahalaga na magkaroon ng support system at mga pinagkakatiwalaan kung kanino ibabahagi ang mga nararamdaman mo, broadcasting them to the world isn’t usually beneficial. It’s essential to choose wisely who you open up to. Ang paghawak sa ating mga takot at insecurities nang pribado ay nagbibigay-daan sa atin na harapin ang mga ito sa ating sariling bilis at sa ating sariling paraan. Tinutulungan tayo nitong mapanatili ang ating dignidad and also promotes personal growth.


NUMBER 8
MGA MATERYAL NA NA-DONATE MO


Dapat kung magbibigay ka ng materyal sa kapwa o kahit sa simbahan dahil sa intensyong makatulong ka. Ito ay isang marangal na gawa ng kabaitan na dapat magmula sa puso, hindi para makita ng ibang tao o purihin ka ng publiko. May mga tao kasing nagbibigay pero may mga camera na nakapalibot sa kanila. It can sometimes give off the impression that they're doing it for the video content rather than from a genuine desire to help. At ang mas malala, halimbawa kapag nalaman ng iba na sobrang laki ng ibinigay mo, mapi-pressure din silang tumbasan kung magkano ang ibinigay mo para hindi sila mahihiyang mag-abot. So make your donations quietly and with sincerity. The satisfaction of knowing you’ve made a difference is reward enough. Ang tunay na diwa ng pag-ibig sa kapwa ay nakasalalay sa pagbibigay nang hindi umaasa ng anumang kapalit. Keeping your donations private is a way to maintain your dignity and preserve the true essence of philanthropy.

Ang punto ko lang sa buong videong ito, ito ay tungkol sa paggalang sa sarili. Sa kaibuturan nito, ang pagpapanatiling pribado ng ilang aspeto ng iyong buhay ay isang pagpapakita ng paggalang sa sarili at dignidad. There is power in discretion. It’s not about secrecy, but about understanding that some things are too precious, too personal to be laid out for public scrutiny.

Tandaan mo ito, lalabas lamang ang tunay mong pagkatao kung ika'y mag-isa. At kung hindi mo gustong mag-isa, hindi mo rin magugustuhan ang kalayaan sapagkat maging malaya ka lang kapag ika'y mag-isa. Nakuha mo ba ang punto?

Marahil sa lagi nating paghahanap ng koneksyon, nakakalimutan na natin ang halaga ng pag-iisa. We’ve forgotten the value of peace that comes from keeping some parts of our lives just for ourselves. Ang pagpapanatili ng iyong privacy ay hindi lamang tungkol sa pagpapanatili ng iyong dignidad; tungkol din ito sa pagpapahalaga sa 'yong kalayaan at pagkatao. Because there’s something profoundly liberating about knowing that some parts of your life belong solely to you.




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177