Paano Mag Move on at Mag Heal Pagkatapos ng Breakup By Brain Power 2177





Kung nasa sitwasyon ka ngayon na kaka-breakup mo lang tapos nahihirapan kang maka-move on, 'wag kang mag-alala kasi lahat tayo ay nakakaranas ng breakup at makakaranas pa ulit nun. At para sa 'yo ang videong ito. Hindi ako magsu-sugarcoat, sasabihin ko ang totoo, ang pagmo-move on ay hindi madali pero magagawa ito ng sinuman basta't habaan mo lang ang iyong pasensya. Iba iba tayo ng istilo when it comes to move on at walang rule na pang one day lang. Lahat tayo ay dumadaan sa proseso. Kaya tratuhin mo ang iyong sarili nang may kabaitan. Maglaan ka ng oras upang magpagaling, at gamitin mo ang mga tips at gabay na ibibigay ko sa 'yo upang maka-move on ka.


NUMBER 1
DAMHIN MO ANG KALUNGKUTAN


Ang pagtanggap at pagpoproseso ng iyong mga emosyon ay mahalaga sa pagpapagaling.  Kapag nakakaramdam ka ng maraming negatibong emosyon, normal na gusto mong balewalain ang mga damdaming 'yon ngunit nag-eextend lamang ito ng iyong dalamhati.  Sa halip, hayaan mo ang iyong sarili na magdalamhati sa relasyon. Acknowledge what you feel and reassure yourself that your emotions are valid; feeling them is just part of the path to healing. Noong maghiwalay kami ng girlfriend ko, ang hirap ipaliwanag, pero lumong-lumo ako. 'Yon ang pinakamasakit na naranasan ko sa buhay. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon na ang dumper ay hindi nasasaktan pero mas nasasaktan ang dumpee. Kapag mutual yung breakup, pareho silang masasaktan. Kung ikaw ang nakipaghiwalay, mabigat pa rin 'yon sa dibdib mo kasi nasaktan mo ang isang taong mahalaga sa 'yo at ayaw mo nang mangyari ulit ’yon. Kung hindi naman ikaw ang nakipaghiwalay, maiintindihan mo na siguro kung bakit sinasabi ng iba na halos ikamatay nila ito. Ako nga dinanas ko ang iba’t ibang yugto ng pamimighati, kasama na dito ang pagkakaila, pagkagalit, pagmamakaawa, depresyon, at sa wakas—matapos ang halos dalawang taon yata 'yon, doon ko natanggap ang lahat. Ang punto ko lang, pakinggan mo ang katawan mo upang mailabas mo ang iyong emosyon. Pwede mong idaan ang iyong emosyon sa pagsusulat, ipahayag ang iyong mga damdamin sa pamamagitan ng sining, ehersisyo. Depende na sa 'yo kung ano ang gusto mong gawin para ma-release mo ang kalungkutan na 'yan. Try to separate your raw feelings from the sad or despairing thoughts that might accompany them. Sa proseso ng pagmo-move on, may mga negatibong boses tayong maririnig sa ulo natin, 

“Hindi ka na makakahanap ng ibang magmamahal sa 'yo”

“Hindi na gaya dati ang buhay mo ngayon”

Pero 'yang mga iniisip mong negatibo, hindi 'yan totoo. Naiisip mo 'yan dahil sa kalungkutan mo and that's valid, but the intrusive thoughts are not valid. Tamdaan mo 'yan.


NUMBER 2
MAGPOKUS KA SA REALIDAD


Ang pag-idealize ng relasyon at pag-idealize ng iyong ex ay nagpapahirap sa pag-move on mo. Napakasaya kung may ka-relasyon. Kahit nga toxic na relasyon, kapag natapos na ito, ang isipan mo ay napupunta sa iisang sitwasyon. Nakapokus lamang ito sa magagandang alaala at nire-reject ang anumang masamang nangyari. Kaya 'yon ang dahilan kung bakit may mga nagkakabalikan kahit toxic na ang relasyon nila kasi nag-idealize sila e. Hindi sila nakapokus sa realidad. Gayunpaman, hindi 'yon makakatulong sa 'yo na mag move on. Alalahanin mo ang mga struggles mo at isyu ninyong dalawa pati na rin ang mga sandali ng kaligayahan, at ma-realize mo kung bakit kailangan ninyong maghiwalay. Komon kasi na mag fantasize tayo about sa ex natin, creating an illusion that they were perfect when really, they had issues like anyone else. Bumitaw ka sa ilusyong 'yon at tingnan mo kung anong klaseng tao ang ex mo. Once na-visualize mo ang iyong ex at relationship realistically, ang motibasyon mo at ang kagustuhan mong mag move on, mas lalong gagana.


NUMBER 3
MAKIPAG-USAP KA SA TAONG
MAPAGKAKATIWALAAN MO


Makatutulong ang pagsasabi ng nararamdaman mo sa isang mapagkakatiwalaan mong kaibigan. Noong una, ibinukod ko ang sarili ko at hindi ako nakikipag-usap sa iba tungkol sa nararamdaman ko. Pero makakatulong ang mga kaibigan para maghilom ang mga sugat. No’ng magsabi ako sa kanila, gumaan ang pakiramdam ko at gusto kong subukan mo rin 'yon. Ang pag-eexpress ng iyong mga damdamin ay isang mahalagang bahagi ng pagproseso ng mga ito. Umupo ka kasama ang isang malapit mong kaibigan o miyembro ng pamilya na pinagkakatiwalaan mong susuportahan ka at mamahalin ka anuman ang mangyari. Makipag-usap ka sa isang taong mahusay na tagapakinig at hindi bumabara tuwing nagsasalita ka. You deserve to feel heard. Sabihin mo sa kanila ang lahat. Sabihin mo kung ano ang nangyari, sabihin mo sa kanila kung ano ang iyong nararamdaman, at anumang bagay na kailangan mong ipahayag. Pumili ka ng isang tao na komportable ka kung nanghihina ka. Maaaring kailanganin mong umiyak, sumigaw, o sumuntok ng unan habang nagsasalita ka—at okay lang 'yon.


NUMBER 4
'WAG MONG SISIHIN ANG SARILI MO


Practice self-compassion. Treating yourself compassionately strengthens your resolve to move on. Kapag natapos ang isang relasyon, natural na sisihin mo ang iyong sarili ngunit hindi 'yon makatarungan. Kapag nag failed ang isang relasyon, hindi ibig sabihin na failure ka na rin bilang tao. Tratuhin mo ang iyong sarili nang may compassion at tanggalin mo ang mga kritikal na kaisipan. Sa halip, sabihin mo sa 'yong sarili na hindi ka nabigo, wala kang kasalanan, at malalampasan mo ito at makakapag move on ka. Kahit hindi ka naniniwala na makakamove on ka, isantabi mo ang uncertainty na 'yan at i-encourage mo ang iyong sarili. Sabihin mo sa 'yong sarili,

“Kaya ko 'to. Makaka-move on rin ako”

hanggang sa maging totoo ang statement na 'yan.


NUMBER 5
HABAAN MO
ANG IYONG PASENSYA


Sabi ko nga kanina, hindi ito madaling gawin. So give yourself time to heal. Iba iba tayo e. Ang pinakamatagal kong pagmo-move on ay 2 years. May iba 1 year. May iba few months lang. But that's not a hard rule. Depende kung gaano kalalim ang sugat pero ang ending ay pareho, nakaka-move on pa rin. Moving on takes time and rushing things will make it harder. There's no definitive timetable for getting over a breakup, so it's up to you to give yourself the time you need. Depende na sa 'yo kung ano ang gusto mong gawin para maka-move on. Bilang nag-aadvice sa 'yo ngayon, hindi ko pwedeng sabihin na 3 months sigurado makaka-move on ka na. Kasi hindi tayo pareho ng emosyon and we are unique. Iba tayo ng puso, iba tayo ng istilo, ikaw ang nakakakilala ng lubos sa sarili mo.


NUMBER 6
HINDI ITO ANG KATAPUSAN MO


Ang breakup na nararanasan mo ngayon ay isang maliit na pangyayari lang sa buong paglalakbay mo. May maganda pang mangyayari sa hinaharap. 'Wag kang magpokus sa breakup. Magpokus ka positive side ng breakup. Kapag kasi nasa breakup situation tayo, maiisip natin na tapos na ang ating buhay. Lugmok na lugmok tayo. So it helps to remind yourself that’s not true. Take a step back: in reality, this is just a moment in the long arc of your life, and you have a lot more growth to look forward to. Ang maipapangako ko sa 'yo, darating ang araw na ang pangyayaring ito ay tatawanan mo na lang. Hindi mo na mararamdaman ang kalungkutan. Magiging alaala na lang ang lahat ng ito. Dadaan lang ito. Makakayanan mo ito.


NUMBER 7
'WAG MONG ISARA ANG PUSO MO


Pero hindi ibig sabihin na pumasok ka kaagad sa relationship kahit hindi ka pa fully healed. Hindi ko i-aadvice 'yon sa sinuman. What I mean is, stay open to the possibility of new love. Kapag bago pa ang breakup, maiisip kasi natin na wala ng magmamahal sa atin. That's not true. Open your heart and allow love to flow there. Mas madali kang maka-move on kung malaki ang pag-asa mong makakakita ka pa ng isang taong magmamahal sa 'yo. Napakalaki ng mundo. May isang taong naghihintay at nakalaan para sa 'yo. Kahit sabihin pa natin na pang-anim na breakup mo na 'to o pang sampu, hindi pa rin ito ang huli mong relasyon. So long as you're open to love and committed to living your best life, the right partner will find you sooner or later. 'Wag kang sobrang mag-alala. Hindi ka nag-iisa. Maraming tao ang nasa breakup situation ngayon at isa sa mga taong 'yon ay para sa 'yo. Malay natin, 'di ba? Hindi naman ibig sabihin na single ka ay hindi ka na magiging masaya. Hindi nakadepende ang kaligayahan sa relationship status. There's more to life than that. Kompleto ka na kahit wala kang jowa.


NUMBER 8
'WAG MONG KONTAKIN ANG EX MO


Ito ang gusto kong gawin mo, 'wag mong kontakin ang ex mo, 'wag mong i-stalk, itago mo ang mga bagay na ibinigay niya sa 'yo para hindi mo siya maalala at mas mabuting i-block mo na lang. Mas madali kasing maka-move on kung wala kang nakikita na makaka-trigger ng emosyon mo. Naniniwala kasi ako sa kasabihan na OUT OF SIGHT, OUT OF MIND. Kung hindi mo na siya nakikita, hindi mo na rin siya maalala lagi. Malamang maitatanong ng iba, paano kung kapitbahay ko ang aking ex o magkatrabaho kami o magkaklase? Simple lang, umiwas ka. Gano'n lang ka-simple. Kahit sabihin pa niya sa 'yo na gusto niyang maging kaibigan na lang kayo. Mas mabuti na tanggihan mo muna. 'Wag mong piliting makipagkonekta sa kanya kung hindi ka pa fully healed. Sabihin mo lang sa kanya na importante siya sa 'yo at gusto mong makipagkaibigan sa kanya in the future pero sa ngayon, 'wag muna kasi kailangan mo pa ng mahabang oras para makapag proseso ng iyong emosyon.


NUMBER 9
PATAWARIN MO ANG IYONG SARILI


Patawarin mo ang iyong sarili at patawarin mo rin ang iyong ex. 'Wag kang magkimkim ng sama ng loob. Kasi 'yang kinimkim mong sama ng loob, 'yan ang hahadlang sa pagmo-move on mo. Kahit gaano pa ka-gago ng ex mo, kahit sinaktan ka man ng paulit-ulit, patawarin mo pa rin dahil hindi naman ito para sa kanya lang, para rin ito sa ikakagaan ng iyong dibdib at magpokus ka na lang sa kinabukasan mo. Patawarin mo ang iyong sarili dahil nagpapakatanga ka sa kanya. Mas madali kasing makapag move on kung wala kang kinimkim na negatibong emosyon. Uulitin ko, hindi ito para lang sa kanya but it's also about your mental health and happiness. Hindi ibig sabihin na wala silang nagawang mali. Ginagawa mo lang ito para mabitawan mo na siya at para mabitawan mo na rin ang emosyong nakakapagpabigat ng buhay mo.


NUMBER 10
MAGPOKUS KA SA BENEFITS
NG PAGIGING SINGLE


Magpaka-busy ka. Pero magkaiba ang busy sa unproductive. Dapat busy ka na may progress din ang ginagawa mo. Kapag busy ka, wala masyadong papasok na negatibo sa isipan mo. Pagka hindi ka busy, doon papasok ang mga negatibong pag-iisip mo at doon lalo babagsak ang emosyon mo. May kasabihan nga, an idle mind is the devil's workshop. Kaya gamitin mo ang single life mo sa paggawa ng mga bagay na hindi mo nagagawa noong in a relationship ka pa. Fill your time with activities and creative projects that get you out of your head. Maraming bagay na magagawa mo. This will help you feel better as you work through your negative emotions. Lumabas ka kasama ang mga kaibigan mo. A thriving support system can help you through hard times. Uulitin ko, magpokus ka sa benefits ng pagiging single. Magsaya ka kasama ng sinuman. Wala ng pipigil sa 'yo. Ito na ang tamang panahon para lumabas. Assert your independence at gawin mo kung ano ang nakakapagpasaya sa 'yo. Mapapalitan ng saya ang kalungkutan kung sa saya ka nakapokus.


NUMBER 11
ALAGAAN MO ANG IYONG SARILI


Alam mo, ang una at huling tao na tutulong sa 'yo ay sarili mo lang kaya alagaan mo ang iyong sarili. Kapag ginawa mo 'to, dahan² mo ring ma-rebuild ang iyong confidence kung tama ang pag-aalaga mo sa 'yong sarili. Practice self-care and do activities that are both healthy and comforting. Ang hindi ko mai-advice ay ang pag-inom ng alak o mag druga ka. Kasi ito ang ginagawa ng ibang tao para maka-move on daw sila o maging masaya. Doing that thing will worsen your situation. Tandaan mo 'yan. May iba din kumakain ng junk foods, halos lahat ng unhealthy ay ginagawa dahil 'yon daw ang makakapagpasaya sa kanila. Siguro 'yon nga pero ang negative effect na rin ang kasunod nun. You don't want that to happen, right? So now is the time to take care of yourself in mind and body.


NUMBER 12
LUMABAS KA SA COMFORT ZONE MO


Kapag kasi in a relationship ka, parang komportable ka na sa sitwasyon mo. Wala ka ng ibang ginagawa. Now is the perfect time to get in touch with yourself, boost your self-esteem, and regain independence by doing new activities and hobbies you've always wanted to try. Gawin mo yung mga bagay na gusto mong gawin. Kapag nakaranas tayo ng di-magagandang bagay, lalo nating makikilala ang sarili natin at matututo tayong harapin ang pagkabigo.


NUMBER 13
MANALANGIN KA


Ito ang pinakapowerful sa lahat ng TIPS. Ang pananalangin ay nakakapagpagaan ng kalooban natin. Sinasabi ng Bibliya, sa Awit 55:22,

“Ihagis mo sa Diyos ang pasanin mo, At aalalayan ka niya.”

Tutulong ang panalangin para makayanan mo ang sakit at magkaroon ka ng positibong pananaw. Patuloy kang manalangin. Naiintindihan ng Diyos ang nararamdaman mong sakit at mas nauunawaan Niya ang sitwasyon mo. No’ng mag-break kami, parang nagunaw ang mundo ko. Napakasakit talaga. Pero na-realize ko, makakapag-move on ka rin pala. Panahon lang ang kailangan para maghilom ang sugat.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177