9 na Gawin mo sa Halip na Magreklamo by Brain Power 2177


Photo by Liza Summer:
https://www.pexels.com/photo/multiethnic-women-arguing-with-each-other-6382674/


Madalas ka bang nagrereklamo tungkol sa 'yong mga problema? Siguro ikaw na ang nakakapansin sa sarili mo na reklamador ka o di kaya'y may tao ng nagsasabi sa 'yo na sobrang reklamador mo na sa buhay. Alinman sa dalawa, kapag nagrereklamo ka palagi tapos wala ka namang ginagawa, hindi pa rin mag-iimprove ang iyong sitwasyon. At kung puro reklamo ka lang, lalayuan ka ng mga tao. Mas lalo kang mabibigatan sa buhay kapag nangyari 'yon. Kahit napakadilim ng sitwasyon, kahit napakatindi ng problema, may solusyon pa rin 'yon.


NUMBER 1
BAGUHIN MO ANG IYONG PANANAW


Malaki ang nagagawa ng positibong pananaw. Iwasan mo ang pagiging negatibo. Ang pagiging negatibo ay uubos ng lakas na kailangan mo para maayos o maharap ang iyong sitwasyon. Hindi mo kasi nakikita ang magagandang bagay kung nakapokus lang ang mga mata mo sa mga bagay na hindi mo nagustuhan. Subukan mo namang magpokus sa positibong bagay. Kapag lagi kang negatibo, MAPIPIGHATI ka at laging MASAMA o MALUNGKOT, ang araw mo. Pero kapag nakapokus ka sa mga bagay na positibo, magkakaroon ka ng MABUTING PUSO at magiging MASAYA ka pa. Alisin mo ang mga negatibong kaisipan at palitan mo ito ng mga bagay na positibo. Kapag napapaharap ka sa mahihirap na kalagayan, tanungin mo ang iyong sarili:

TALAGA NGA BANG WALA NA AKONG PAG-ASA?
HANGGANG DITO NA LANG BA AKO?
MAY MAGAGAWA PA AKO?

Patuloy na alisin ang mga negatibong kaisipan at laging isipin ang mga bagay na nakapagpapatibay. Ingatan mo ang iyong pananaw gaya ng pag-aalaga sa isang hardin. Bunutin mo ang mga mapanirang damo ng pagiging negatibo. Magtanim ka ng mga binhi ng pagiging positibo, at lagyan ng pataba ang iyong buhay sa pamamagitan ng mga gawaing magpapasaya sa 'yo. Mag-aani ka ng positibong mga bunga na magpapaligaya sa buhay mo. At patutunayan nito na talagang malaki ang nagagawa ng pananaw! Hindi ka na palaging magrereklamo kasi nakapokus ka na sa magandang side ng buhay.


NUMBER 2
kapag nagrereklamo ka, STOP NA AGAD


Sa tuwing mapapansin mo na nagrereklamo ka na pala tungkol sa isang problema, palitan mo ang reklamong 'yon sa pamamagitan ng pagpokus sa mga bagay na dapat mong PASALAMATAN. Halimbawa, sobrang init ng panahon ngayon, tumigil ka na sa pagrereklamo, magpasalamat ka na lang dahil natutuyo ang mga damit mo. Kapag palaging umuulan, 'wag kang magreklamo, magpasalamat ka na lang dahil nadidiligan ang ating mga pananim at bulaklak tapos masarap pang matulog, di ba?

Ang tanong, MAPAGPASALAMAT ka ba? Dapat na pag-isipan 'yan ng bawat isa sa atin. Kung mapagpasalamat tayo, nagiging positibo ang tingin natin sa ating sarili. Isang magandang dahilan 'yan para maging mapagpasalamat. Kung mapagpasalamat ang isa, gumaganda ang pakiramdam niya. Dapat din tayong maging mapagpasalamat dahil nakakatulong ito sa atin na maging positibo sa halip na negatibo. Kapag mapagpasalamat tayo, para nating hinaharangan ang negatibong kaisipan kaya mga positibong bagay lang ang naiisip natin. Hindi tayo nakakapagtuon ng pansin sa mga problema. Paano pa tayo makakapagreklamo e nakapokus na tayo sa positibong side ng buhay. Habang nagiging mapagpasalamat tayo, mas marami tayong nakikitang positibo, kaya lalo pa tayong nagiging mapagpasalamat. Makikita mong mabisang panlaban sa pagiging negatibo ang pagiging mapagpasalamat. Hindi ba’t mahirap mainggit, malungkot, magalit o magreklamo kapag punô ng pasasalamat ang puso mo? Mas maliit din ang tsansa na maging materyalistiko ang mga taong mapagpasalamat. Pinapahalagahan nila kung ano ang mayroon sila at hindi sila nagpopokus sa pagkakamal ng higit pa.​


NUMBER 3
HARAPIN MO ANG PROBLEMA


Maraming tao ang nagreklamo tungkol sa kanilang mga problema dahil wala silang lakas o kumpiyansa na harapin ang mga problemang 'yon. Punô ng problema ang buhay natin ngayon. Habang papalapít ang wakas, parami nang parami ang problema. Kung minsan, baka kinakapos tayo sa materyal. Lahat naman tayo ay dumadaan sa mga pagsubok at problema. Isa ito sa mga sangkap na nagpapasarap at nagbibigay-kulay sa ating buhay. Mula pagkabata hanggang sa mga oras na ito, may mga problema na tayong hinarap, may hinaharap, at may haharapin pa. Ang daming problema sa buhay. Problema sa pamilya, sa anak, o sa asawa. Problema sa pinansyal. Problema sa kaibigan, trabaho, o pag-aaral. Lahat 'yan ay darating sa atin. Minsan magaan, minsan mabigat. Minsan parang kaya mo. Minsan naman parang gusto mo nang sumuko.

Sabi nga sa kasabihan:

"Huwag mong problemahin ang problema.
Hayaan mong ang problema ang mamroblema sa sarili niya."

Sa unang pagkakarinig ko sa kasabihang ito, parang gusto kong sumang-ayon. Pero naisip ko, kung hindi natin poproblemahin ang problema, paano natin masolusyonan e parang binalewala lang natin. Hindi natin maiiwasan ang problema pero hindi rin natin balewalain. Kasi ang problema ang dahilan kung bakit tayo matatag, kung bakit napakadami nating natutunan sa buhay. Kung may darating na problema, pwede mo itong hindi isipin, pero hindi pwedeng hindi mo ito haharapin. Sa laban ng buhay, mahalaga na kilala natin ang ating kalaban. Pinag-aaralan dapat ang bawat detalye tungkol sa ating katunggali upang malaman natin ang gagawing hakbang upang magwagi.


NUMBER 4
ILABAS MO ANG IYONG TENSIYON


Lahat tayo ay may sariling mga paraan upang maibsan ang stress. Kapag sobrang stress ka na sa buhay, doon ka na rin magsimulang magreklamo. Bahagi na ng buhay ang mga álalahanín. Pero huwag mo munang alalahanin ang lahat ng bagay na nakakapagpastress sa 'yo. 'Wag mong pagsabayin 'yon lahat. Una, tanggapin mo na hindi maiiwasan ang lahat ng stress. Kaya ang pag-aalala sa mga bagay na hindi naman maiiwasan ay makadaragdag lang sa stress mo. Ikalawa, hindi naman laging nangyayari ang mga bagay na ikinakatakot mo. Hindi ka kasi makakapag-isip nang maayos kapag negatibo ka at kapag palagi kang nagrereklamo, kaya relaks ka lang.

Isipin mo naman ang iyong sarili. Alagaan mo ang iyong sarili. Ang regular na pag-eehersisyo ay nagpapaganda ng kalusugan. Alagaan mo ang iyong katawan. Ayon sa mga eksperto, mas marami kang magagawa kung masustansiya ang pagkain mo, regular kang nag-eehersisyo, at sapat ang iyong tulog. Hindi naman mahirap alagaan ang ating katawan.


NUMBER 5
MAGPATULONG KA


Kaya ka nagrereklamo ngayon dahil hindi mo na kaya ang ginagawa mo. Kaya magpatulong ka. Huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa 'yong mga magulang at kaibigan. Talaga bang makatutulong ito? Oo! Ang emosyonal na suporta mula sa iba ay nakababawas sa pinsalang puwedeng idulot ng stress sa 'yong puso. Kapag NABABALISA ka, puwede kang patibayin ng MABUTING SALITA ng mga tunay na kaibigan, at baka 'yon ang kailangan mo para muli kang sumigla. Magkaiba ang reklamo sa pagsasabi ng mga isyu mo sa buhay. Ilabas mo ang iyong nararamdaman sa mga taong tunay na gustong makinig sa 'yo. Pero siyempre magtanong ka muna kung pwede ba silang makinig sa 'yo. Kapag ibinubuhos mo lang ang iyong mga emosyon sa ibang tao nang hindi ka muna nagtatanong, baka madagdagan pa ang anumang problemang kanilang kinakaharap. Isipin mo nga kung ikaw yung nakakaranas ng bad day tapos lalapitan ka kaagad ng tao para magsabi ng kanyang problema, mas lalo kang lulubog sa buhay. Kaya bago mo sabihin ang iyong problema, magtanong ka muna kung handa ba silang makinig sa 'yo.


NUMBER 6
MATULOG KA NG SAPAT


Bakit mahalaga ang sapat na tulog? Tumutulong ito para maging matalas ang isip mo. Ang pagtulog ay tinatawag na PAGKAIN NG UTAK. Tutulong ito para maging mahusay ka sa paaralan, sa sports, at sa paglutas ng mga problema. Tumutulong ito para gumanda ang iyong disposisyon at mood. Ang mga taong kulang sa tulog ay mas malamang na maging sumpungin, malungkot o madepres, at mahirapang makisama sa iba.


NUMBER 7
KUMILOS KA


Alamin mo kung ano kang talaga. Ikaw ang hilaw na materyales sa kung ano ang nais mong kalabasan. Nakuha mo ba ang punto? Ang bagong pagkatao mo ay dapat na itayo sa pamamagitan ng pagbabago sa dati mong pagkatao. Kaya dapat ay wasto ang pagkakilala mo sa 'yong sarili. Whatever you’re not changing, you’re choosing. Kung marami kang reklamo tungkol sa 'yong mga problema ngunit wala kang ginagawang pagbabago sa 'yong mga kalagayan, kung gayon ay gumagawa ka ng desisyon na manatili sa sitwasyon at sa gayon ay wala kang tunay na dahilan upang magreklamo tungkol dito. Bakit ka pa magrereklamo kung pinili mo 'yang sitwasyon na 'yan? Tandaan mo ang mga bagay na pinakamadalas mong inirereklamo at isaalang-alang kung paano mo magagawang baguhin ang mga ito. If a man does not train his mind to think correctly, he will be unhappy. If you don’t like something, change it. If you can’t change it, then change your attitude about it, but whatever you choose to do, don’t complain about it if you are not willing to do something to make a change for the better. Ano ba ang dahilan ng pagrereklamo mo? Ang pagrereklamo ay kadalasang isang choice na ginagawa natin kapag tayo ay labis na naiirita sa isang paulit-ulit na nangyayaring negatibo sa buhay natin o sa pag-uugali ng iba. Hindi mo alam kung paano tapusin ang iyong pagrereklamo kung hindi mo alam kung ano ang problemang inirereklamo mo. This is why it’s so important to determine the root of where these complaints come from.


NUMBER 8
IHAGIS ANG IYONG PASANIN SA DIYOS


Hindi ka na magrereklamo kung ihagis mo sa Diyos ang iyong mga problema. Mas gagaan ang pakiramdam mo. Marami sa ngayon ang nanlulumo dahil sa mga pasanin. Ang kahirapan sa kabuhayan, malulubhang suliranin sa pamilya, pagkakasakit, kirot at pagdurusa dahil sa paniniil at kalupitan, at sunud-sunod na pagdadalamhati ay mistulang mga gilingang-bato na nakabitin sa kanilang leeg. Bukod sa panlabas na mga kagipitang ito, ang iba ay nanggigipuspos dahil sa pagkadama ng kawalang-kabuluhan at kabiguan dahil sa kanilang sariling di-kasakdalan. Marami ang natuksong sumuko na lamang. Papaano mo makakayanan kapag ang mga pasanin ay waring lubhang napakabigat?

Ang unang paraan ay ang marubdob na pananalangin sa Diyos. Kapag hindi ka mapalagay, nangangamba, o nababalisa, ibuhos mo ang iyong puso sa ating maibiging Ama sa langit. Kapag nagawa mo na ang iyong buong makakaya para solusyunan ang problema, mas makatutulong ang taos-pusong pananalangin kaysa sa pag-aalala. Pero paano makatutulong ang panalangin para huwag kang madaig ng mga nakababalisang kaisipan at pag-aalala? Bibigyan Niya tayo ng kapanatagan para mawala ang mga negatibong emosyon sa ating puso at isip. Marami na ang personal na nakaranas nito. Pinalitan ng Diyos ang kanilang kabalisahan ng kapayapaan at kapanatagan na nakahihigit sa kaunawaan ng tao. Puwede mo ring maranasan 'yan. Madaraig ng KAPAYAPAAN NG DIYOS ang anumang hamon na hinaharap mo.

Ang ikalawang paraan para magkaroon ng panloob na kapayapaan ay ang pagbabasa ng mga teksto sa Bibliya at pagbubulay-bulay sa mga 'yon. Ang Bibliya ay naglalaman ng patnubay para maiwasan, mabawasan, o maharap natin ang kabalisahan. Ang Salita ng Diyos ay nakatutulong at nakapagpapaginhawa dahil mababasa rito ang mismong karunungan ng Maylikha. Habang binubulay-bulay mo ang mga kaisipan ng Diyos—araw o gabi—at pinag-iisipan kung paano mo masusunod ang praktikal na patnubay ng Bibliya, talagang mapatitibay ka. Paano ka pa magrereklamo kung magaan ang iyong pakiramdam.


NUMBER 9
BAGUHIN MO ANG MGA TAONG
NAKAPALIGID SA 'YO


Puwede nating magaya ang mga tao na lagi nating kasama​—mabuting impluwensiya man sila o masama. Kung reklamador ang mga taong nakapaligid sa 'yo, magiging reklamador ka rin. Sa halip na basta makipagkaibigan ka kung kani-kanino, maging mapamili. Hindi naman ibig sabihin nito na magtatangi ka. Ibig lang sabihin, dapat marunong kang mag-obserba para makita mo ang pagkakaiba sa pagitan ng matuwid at ng masama. Putulin ang pakikipagkaibigan sa mga taong ginagawa kang sunud-sunuran sa kanilang istilo ng pamumuhay. Kapag ginawa mo ito, baka mabawasan ang mga kaibigan mo; pero tataas naman ang respeto mo sa sarili at magkakaroon ka ng mas mabubuting kaibigan​—mga kaibigang may mabuting impluwensiya. You don’t have to abandon people you’ve been friends with for years, but instead, take more time for yourself, or spend more time with those who are either more positive, or are actively engaged in pastimes that inspire positivity.




Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

10 Dark Psychology Tricks na Epektibo sa Lahat ng Tao By Brain Power 2177

God Is Talking To You (Don't Ignore These Signs) By Brain Power 2177