Pagiging Mapagpasalamat By Brain Power 2177
https://www.pexels.com/photo/silhouette-photography-of-person-standing-on-rock-584179/
Ang pagiging mapagpasalamat ay napatunayan nang maraming PAKINABANG—sa PISIKAL, MENTAL, at EMOSYONAL. Kaya dapat itong gawing bahagi ng buhay ng bawat isa.
Ang pagiging mapagpasalamat ay napatunayang talagang nakapagpapasaya. Nakatutulong ito para magkaroon ng POSITIBONG DAMDAMIN, MASIYAHAN SA MAGAGANDANG KARANASAN, BUMUTI ANG KALUSUGAN, MAHARAP ANG MAHIHIRAP NA PROBLEMA, at MAGKAROON NG MALAPIT NA KAUGNAYAN SA IBA.
Hinihimok tayo ng Bibliya na maging mapagpasalamat. Ang sabi sa Colosas 3:15,
Ang tunay na kaligayahan ay nagmumula hindi lang sa paminsan-minsang pagsasabi ng salamat kundi sa pagiging MAPAGPASALAMAT. Tutulong ito sa atin para maiwasang MAGMATAAS, MAINGGIT, at MAGHINANAKIT, na dahilan para layuan tayo ng iba at mawalan ng kagalakan.
Ang ating Maylalang ay nagpakita ng mabuting halimbawa sa pagiging mapagpahalaga—kahit sa mga tao! Sinasabi sa Hebreo 6:10,
Oo, para sa ating Maylalang, ang pagiging di-mapagpasalamat ay isang KALIKUAN, o HINDI MAKATARUNGAN.
Kapag taimtim tayong nagpapasalamat—sa REGALO man 'yan, MABAIT NA PANANALITA, o PRAKTIKAL NA TULONG—naipadarama natin sa nagbibigay ang ating pagpapahalaga. Kahit nga mga estranghero ay natutuwa kapag pinasalamatan sila dahil sa kanilang mabait na paggawi.
Sinabi ni Jesu-Kristo, sa Lucas 6:38,
Ang ating nadarama ay nauugnay sa ating iniisip. Nagbibigay sa atin ng mahusay na payo ang Bibliya, sa Filipos 4:8,
Muli, ipinakikita ng mga salitang PATULOY NA ISAALANG-ALANG na kailangan natin ang regular na pagbubulay-bulay para maging mapagpasalamat.





Comments
Post a Comment