Guard Your Mouth By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio from Pexels:
https://www.pexels.com/photo/woman-in-gray-tank-top-3812746/


BIBIG o BUNGANGA. Isang sangkap na dinisenyo ng Diyos upang tumanggap at maghanda ng pagkain para sa tiyan; ginagamit din ito ng mga tao sa pagsasalita. Ang lahat ng pananalita ay dapat na magdulot ng kapurihan sa Diyos. Pero tandaan mo ito, INGATAN MO ANG BIBIG MO!

Ito’y maaaring maging singtalas at nagpapahamak na gaya ng isang armas sa digmaan. Ngunit maaari rin naman itong maging singtamis ng honey at nakagiginhawa gaya ng liniment. Ang ating bibig ay maaaring magdulot ng buhay, at ito’y maaaring magdala ng kamatayan. Ganiyan binabanggit ng Bibliya ang pakultad ng tao sa pagsasalita.​ Basahin natin ang Kawikaan 18:21,


Hindi kataka-taka nga ang pagkasabi ni Solomon sa Kawikaan 13:3,


Isang NAPARIWARANG DANGAL, NASAKTANG DAMDAMIN, NASIRANG RELASYON, at MAGING PISIKAL NA KAPINSALAAN​—lahat na ito ang posibleng maging resulta ng walang katuturang pagsasalita. Marahil, isa ka na nagnanais INGATAN ANG KANIYANG KALULUWA. Paano mo matututuhan na pag-ingatan ang bibig at maiwasan ang kapahamakan? Ang isang payak na paraan ay ang huwag gaanong maging masalita! Marahil ay nakakita ka na ng isang lalaki o isang babae na waring mayroong masasabi sa lahat ng bagay. Nakayayamot ang gayong tao! Ang sabi ng Bibliya sa Kawikaan 15:2 at Eclesiastes 10:14,



Kung sa bagay, hindi ibig sabihin nito na lahat ng mga taong masalita ay mangmang o na sinomang nagsasalita nang bahagya ay pantas. Subalit mapanganib ang magsalita nang walang lubay. Ganito ang pagkasabi ng Kawikaan 10:19,


Ang bibig o ang mga salitang lumalabas sa bibig natin ay maaaring magdulot ng BUHAY o KAMATAYAN. Nangangahulugan ito na mahalaga ang wastong paggamit ng bibig, at ganito nga ang ipinahahayag ng Diyos. Sinasabi ng Kaniyang Salita sa Kawikaan 10:11,


Dahil dito, kailangang buong-ingat na bantayan ang bibig sapagkat ang may-kahangalan at maling paggamit nito ay maaaring magpahamak sa may-ari nito. Pinagsusulit ng Diyos ang isang tao ayon sa inilalabas nito sa kaniyang bibig. Baka maging padalus-dalos ang isang tao sa pagsasalita, sa paggawa ng panata. Maaaring labis niyang pinupuri ang iba, anupat nagdudulot ng pagbagsak sa taong iyon at ng paghatol naman sa kaniyang sarili. Lalo nang napakahalaga na bantayan ng isa ang kaniyang bibig kapag nasa harap ng balakyot, dahil ang bahagyang paglihis mula sa itinuturo ng karunungan ng Diyos na dapat sabihin ng Kaniyang lingkod ay maaaring magdulot ng kadustaan sa pangalan ng Diyos at ikamatay ng isang iyon. Naglaan si Jesus ng mainam na halimbawa ng pagpapasakop sa kalooban ng Diyos nang hindi nagrereklamo o nanlalait sa kaniyang balakyot na mga mananalansang.

Ang isang tao ay dapat na laging nag-iingat, sapagkat siya ay hindi perpekto. Dahil dito ay kailangan niyang bantayan ang kaniyang puso. Sinabi ni Jesus na hindi ang pumapasok sa bibig ang nagpaparungis sa isang tao, kundi ang lumalabas sa bibig, sapagkat mula sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig. Kaya dapat mag-ingat ang isa na huwag hayaang lumabas sa kaniyang bibig ang anumang bagay nang hindi pinag-iisipan, nang hindi isinasaalang-alang ang mga resulta nito. Nangangahulugan ito na dapat gamitin ng isang tao ang kaniyang pag-iisip upang maikapit ang mabubuting bagay na natutuhan niya mula sa Salita ng Diyos.​

Yamang malakas ang kapangyarihan ng bibig sa ikabubuti o sa ikasasama, kahanga-hanga ang nagiging mga resulta kapag pinapatnubayan ng Diyos ang ating bibig. Ginawa niyang gaya ng isang TABAK NA MATALAS ang bibig ni Isaias at ang mga salita naman sa bibig ni Jeremias ay ginawa niyang APOY. Pinagtibay ng Diyos ang kanilang makahulang mga salita sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, at nagkatotoo ang mga ito. Sa kabilang dako naman, mapanganib ang makinig sa anumang lumalabas sa bibig ng isang tao na kilaláng chismosa, yamang maaari nitong ipahamak ang isang tao.

Ang tsismis ay walang-saysay na usapan tungkol sa buhay ng ibang tao; walang-batayang usap-usapan. Ang paninirang-puri naman ay pagsasabi ng kasinungalingan tungkol sa iba, karaniwa’y taglay ang masamang hangarin, bibigan man o nasusulat. Hindi lahat ng tsismis ay masama o mapaminsala, bagaman posibleng magkagayon. Kung minsan, maaaring ito’y tungkol sa kapuri-puring mga bagay hinggil sa mga tao, o maaaring ito’y paglalahad lamang ng mga bagay na hindi naman mahalaga o nakasasakit tungkol sa iba, udyok ng interes sa ibang tao. Ngunit madali itong mauwi sa usapang nakasasakit o maaaring pagmulan ng gulo, sapagkat ang tsismis ay walang-saysay na usapan. Nagpapayo ang Kasulatan laban sa walang-saysay na pananalita, anupat itinatawag-pansin nito na ang dila ay mahirap paamuin at na ito ay apoy rin. Sa mga bahagi ng ating katawan, ang dila ang punô ng kasamaan, dahil pinarurumi nito ang buong katawan at pinagliliyab ang buong landasin ng buhay. Maraming ulit na idiniriin ang panganib ng walang-saysay na usapan. Ang gayong pananalita ay kaugnay ng kahangalan o kamangmangan. Ito ay silo at maaaring ikapahamak niyaong nagsalita.

Hinihimok tayo ng Kasulatan na ingatan ang ating puso at na mag-isip at magsalita tungkol sa mga bagay na TOTOO, SERYOSO, MATUWID, MALINIS, KAIBIG-IBIG, MAY MABUTING ULAT, MAY KAGALINGAN, AT KAPURI-PURI. Sinabi ni Jesu-Kristo, ANG LUMALABAS SA KANIYANG BIBIG ANG NAGPAPARUNGIS SA ISANG TAO, at pagkatapos ay binanggit niya ang MGA BALAKYOT NA PANGANGATUWIRAN at MGA BULAANG PATOTOO bilang kasama sa mga bagay na lumalabas sa bibig ngunit sa katunayan ay mula sa puso.​

Ang tsismis ay maaaring humantong sa paninirang-puri, na ikinapapahamak naman ng naninirang-puri. Kitang-kita ang karunungan ng mga salita sa Eclesiastes 10:12, 13,



Ang tsismis ay usapan na nagsisiwalat ng mga bagay tungkol sa mga gawain at pinagkakaabalahan ng ibang tao. Ito’y maaaring walang-saligang usap-usapan, baka kasinungalingan pa nga, at bagaman maaaring di-alam ng nagtsitsismis na hindi totoo ang bagay na pinag-uusapan, ipinagsasabi pa rin niya iyon, sa gayon ay nagkakalat siya ng kasinungalingan. Maaaring mga kapintasan at mga pagkakamali ng isang tao ang ipinagsasabi ng nagtsitsismis. Ngunit kahit totoo ang mga bagay na ipinagsasabi niya, mali pa rin siya at ipinakikita nito na wala siyang pag-ibig. Sinasabi ng kawikaan 17:9,


Kaya bago mo gamitin ang iyong bibig, magbulay-bulay bago ka sumagot. Isa pang paraan upang maingatan ang iyong bibig ay ang mag-isip muna bago ka magsalita. Pagka ang isa’y nagsalita nang hindi iniisip ang sasabihin, kapuwa siya at ang kaniyang mga tagapakinig ay maaaring masaktan. Ang kinasihang manunulat ay nagsasabi, sa Kawikaan 12:18


Kaya naman ang Bibliya ay nagbibigay sa atin ng ganitong praktikal na payo, sa Kawikaan 15:28,


Mas mabuti ang pag-isipan kung ano ang sasabihin mo, imbes na ibuga ang lahat ng nasa loob na baka naman makasakit sa iba! Marahil ay maitatanong mo, ano ang pagkakaiba ng TSISMIS at PANINIRANG-PURI?

Bagaman ang tsismis, sa ilang kaso, ay maaaring hindi naman nakasasakit (ngunit maaari itong maging paninirang-puri o mauwi rito), ang paninirang-puri naman ay laging nakapipinsala at laging nagiging sanhi ng sama ng loob at pagtatalo. Maaaring may kasama itong masamang motibo o wala. Sa alinmang kaso, pinasasamâ ng maninirang-puri ang kaniyang katayuan sa harap ng Diyos, sapagkat ang paghahasik ng mga pagtatalo sa gitna ng magkakapatid ay kabilang sa mga bagay na kinapopootan ng Diyos. Ang salitang Griego para sa “maninirang-puri” o “tagapag-akusa” ay di·aʹbo·los. Ginagamit din sa Bibliya ang salitang ito bilang isang titulo ni Satanas na DIYABLO. Ipinakikita nito kung sino ang pinagmumulan ng gayong mapanirang-puring akusasyon. Ang paninirang-puri ay isang katitisuran sa iba, lalo na sa isa na sinisiraang-puri. Ganito ang kautusang ibinigay ng Diyos sa Israel, basahin natin ang Levetico 19:16,


Idiniriin dito ang kalubhaan ng paninirang-puri sa pamamagitan ng pagtatawag-pansin na sa ilang kaso, ang mga bulaang paratang ay maaaring aktuwal na humantong sa paglalapat ng kamatayan. Sa maraming pagkakataon, ang mga bulaang saksi ay naging kasangkapan sa pagkamatay ng mga taong walang-sala.​ Kung minsan, may mga bagay na dapat ilihim, ngunit natutuwa ang maninirang-puri na isiwalat ang mga iyon sa iba na walang karapatang makaalam ng mga iyon. Nagdudulot ng kasiyahan sa maninirang-puri ang pagsisiwalat ng mga bagay na nakakagulat. Mali rin ang isa na nakikinig sa paninirang-puri at pinipinsala niya ang kaniyang sarili. Maaaring maudyukan ang isang tao na lumayo sa kaniyang mga kaibigan dahil sa isang mapanirang-puring komento tungkol sa kanila ng isang maninirang-puri, at maaaring magbunga ito ng mga alitan at pagkakabaha-bahagi.​

Ang isang anyo ng paninirang-puri ay PANLALAIT, anupat ang gumagawa nito ay dapat ihiwalay mo sa 'yong buhay, sapagkat hinahatulan sa Kasulatan ang mga manlalait bilang di-karapat-dapat sa buhay. Ang paninirang-puri at panlalait ay kadalasang iniuugnay sa paghihimagsik laban sa Diyos. Ang pagsasalita sa tamang panahon ang isa pang paraan ng pag-iingat sa bibig mo. Napansin ni Solomon, sa Eclesiastes 3:7,


Ibig bang sabihin, hindi na tayo magsasalita dahil baka may masabi tayong hindi tama? Siyempre hindi. Hindi tayo tumitigil sa paggamit ng apoy dahil lang sa natatakot tayong masunog. Mahalaga na may kontrol tayo. Kung kokontrolin natin ang apoy, magagamit natin ito para magluto ng pagkain, mapainit ang katawan natin, at magkaroon ng liwanag. Sa katulad na paraan, kung kokontrolin natin ang ating  dila, magagamit natin ang kapangyarihan nito sa pagpaparangal sa Diyos at sa kabutihan ng iba. Ang kakayahang sabihin ang iniisip at nadarama natin ay isang kamangha-manghang kaloob mula sa Diyos, nakikipag-usap man tayo gamit ang kamay o ang bibig. Paano natin magagamit ang kaloob na ito para makapagpatibay at hindi makasira ng loob? Basahin natin ang Santiago 3:9, 10,



Sabi ko nga kanina, dapat may kontrol tayo sa ating bibig. Hindi natin kailangang magsalita nang magsalita. Kapag tahimik tayo habang nagsasalita ang iba, ipinakikita natin na iginagalang natin sila. Kapag kinokontrol natin ang ating dila pagdating sa kompidensiyal na mga bagay, ipinakikita nating maingat tayo at may unawa. Kung pipigilin natin ang ating dila kapag galít tayo, isa itong karunungan. Tiyak na may mga pagkakataon na kailangan nating maunawaan kung kailan ang tamang panahon para magsalita. Halimbawa, baka nasaktan tayo sa sinabi ng iba kahit maganda naman ang intensiyon niya. Makabubuting pag-isipan muna kung talagang ganoon kaseryoso ang nasabi niya para pag-usapan pa. Kung kailangan mo talaga siyang kausapin, isang katalinuhang maghintay muna kapag kalmado ka na para hindi ka makapagsalita nang padalos-dalos.

Ang salita ay may kapangyarihang makasakit o makapagpagaling. Palasak sa sanlibutan ni Satanas ang paggamit ng salita para manakit. Ang isang halimbawa ng “MAPAIT NA PANANALITA” ay ang SARCASM—ito ay sarkastikong mga salita na ginagamit para hamakin o pintasan ang iba. Kadalasan itong ginagawa para magpatawa, pero puwede itong mauwi sa walang-galang at mapang-insultong pananalita. Kasama ang SARCASM sa mapang-abusong pananalita na dapat “alisin” ng mga tao. Masarap magpatawa, pero iwasan natin ang masakit at sarkastikong biro na puwedeng ikapahiya ng iba. Pinapayuhan tayo ng Bibliya, sa Efeso 4:31,


Dahil sa laganap na ang mapang-abuso at malalaswang salita sa ngayon, ang mga tao ay dapat magkaroon ng estratehiya upang labanan ang masamang impluwensiyang ito. Naglalaan ang Bibliya ng isang mahusay na estratehiya, samakatuwid nga, ang PAG-IBIG SA ATING KAPUWA. Ang tunay na pagmamalasakit at pag-ibig sa kapuwa ay mag-uudyok sa atin na palaging gumamit ng mga salitang nakagagaling. Ang sabi ng Bibliya sa Efeso 4:29,


Gayundin, ang pagkikintal ng Salita ng Diyos sa ating isip ay tutulong sa atin na huwag makapagsalita nang masakit. Ang pagbabasa at pagbubulay-bulay sa Banal na Kasulatan ay makatutulong sa atin na ALISIN ANG LAHAT NG KARUMIHAN. Oo, nakapagpapagaling sa ating isip ang Salita ng Diyos.

Ikaw man naman ay maaaring matuto na ingatan ang iyong bibig. Pagsumikapan mong iwasan ang masyadong pagsasalita. Iwasan ang pagsasalita na hindi muna pinag-iisipan na baka makapinsala sa iyong dangal at sa dangal ng iba. At mag-abang ng mga pagkakataon na maibahagi mo sa iba ang kapaki-pakinabang na salita sa tamang panahon. Ang paggawa ng gayon ay tutulong sa iyo na MAINGATAN ANG IYONG KALULUWA.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177