10 FACTS About Introverts That You Don't Know By Brain Power 2177


Photo by MIXU from Pexels


Para sa mga hindi pa nakakaalam kung ano ang introvert, ito ay isang tao na tahimik lang at masaya siyang gumugol ng oras nang mag-isa. Hindi naman sila mahiyain. Hindi porket tahimik ang isang tao ay mahiyain na din sila. People sometimes make the mistake of thinking that just because a person is quiet, it also means the person is shy. Pero hindi 'yan totoo. Ayaw lang talaga ng mga introvert na makihalubilo sa maraming tao. Kaya't napakaimportante na malaman mo ang malaking kaibahan ng INTROVERSION, SHYNESS at SOCIAL ANXIETY. Introvert lang talaga sila. Hindi sila sobrang mahiyain at wala rin silang social anxiety. May mga pag-uugali silang kakaiba. Kung tatanungin mo ang isang introvert kung ang ugali bang ito ay maganda para sa kanya, sasabihin niyang OO. Kung ikaw ay extrovert, hindi mo maiintindihan ang mundo ng mga introvert. Parang may kakaiba sa galaw nila. Para sa mga introvert naman, may napakagandang dahilan kung bakit nila ginagawa ang kanilang ginagawa. May mga bagay na hindi alam ng karamihan tungkol sa mga taong introvert. Kaya heto na ang 10 katotohanan tungkol sa mga introvert:


NUMBER 1
MASAYA SILA KAHIT NAG-IISA


Maraming rason kung bakit masaya sila kahit nag-iisa. Kung tatanungin mo ako, mas pipiliin ko pang magbasa ng mga libro kaysa sa makipag-inuman sa mga barkada. Mas pipiliin ko pa ang kaunting chat kaysa sa group chat. Ibig sabihin, I love spending time alone. Ang mga introvert kasi, kapag ilalagay mo sila sa gitna ng maraming tao, mai-stress 'yan at madi-drain ang kanilang energy. Madali lang silang mairita kung napakaingay ng kanilang paligid. Ayaw nila ng disturbo lalo na kung may ginagawa sila. Kapag maraming distractions sa paligid, hindi na gagana ang utak nila. Hindi sila makakapag-isip ng maayos. Dapat maintindihan mo sila para hindi mo naman maisip na sila'y malungkot na tao. Hindi sila malungkot. May sarili lang silang mundo na ang kasama nila ay sarili lang nila mismo. Gusto nila ang mga ideya nila, gusto nilang magpantasya, gusto nilang lumikha ng kakaibang bagay, gusto nilang magbasa, gusto nilang manood ng mga drama, gusto nilang makapag relax, gusto nilang mag enjoy sa buhay ng mag-isa. Kaya ka rin naman nilang pasayahin pero depende kung sila'y komportable na sumama sa 'yo.

Introverts love being left alone but they also love being with family and friends. Yun nga lang ay medyo choosy sila sa mga tao na kanilang paglalaanan ng oras dahil hindi sila basta-bastang nagtitiwala sa mga tao. Hindi katulad ng mga extrovert na kaya nilang makipag-usap kahit sa mga taong bago lang nilang nakilala. Sabi ko nga kanina, hindi naman UNSOCIAL PEOPLE ang mga introvert. They love making friends. Namimili lang talaga sila ng kakaibiganin. Yun bang pasok sa standards nila. Kaya nga kaunti lang ang kaibigan nila. Marami naman silang kakilala pero hindi nila kaibigan ang lahat. Bilang lang ang mga kaibigan nila. They also crave love, acceptance, acknowledgement and a sense of being wanted.


NUMBER 2
KAILANGAN NILANG MAG-RECHARGE


Sabi ko nga kanina, tataas lang ang level ng kanilang lakas kung sila'y mag-isa. Kaya kailangan talaga nilang mapag-isa para makapag recharge. Sa mga extrovert naman, kailangan nilang sumama sa mga tao para makapag recharge. Baliktad, 'di ba? That's the reason why a lot of people tend to think that introverts are socially awkward and shy and boring people. Pero hindi naman 'yan totoo. They lose energy from being around people for long periods of time, particularly large crowds. Uulitin ko, ang mga introvert ay hindi mahiyain, hindi lang nila gustong pag-usapan ang mga walang kwentang bagay. Gusto nilang mapag-isa dahil dito nila mailabas ang kanilang mga alalahanin at negatibong pag-iisip. Kaya nga may mga taong nagbabakasyon, may pumupunta sa nature dahil nakakapagrelax ang isipan nila. Kumakalma ang kaguluhan sa loob. The brain takes a lot of energy to run. They just need some downtime. Everyone does sometimes. Isa din ito sa mga dahilan kung bakit ayaw nilang makihalubilo kasi hindi nila kailangan ng maraming kaibigan. Sapat na sa kanila ang 2 o 3 kaibigan. May benepisyo din naman kasi kapag mag-isa ka. Makakapag reflect ka sa 'yong buhay. Mae-enjoy mo ang nature. Mararamdaman mo ng mabuti ang musika. Magiging independent ka. Masisiyahan ka pa sa 'yong sarili.


NUMBER 3
AYAW NILA NG PEKENG PERSONALIDAD


Sabi ko nga kanina, kaunti lang ang kaibigan nila dahil hindi sila madaling magtiwala sa mga tao. Gusto naman nilang makipagkaibigan. Ang ayaw na ayaw lang nila ay pekeng pagkatao. Lalo na sa mga taong tsismis lang ang alam. Pati na rin sa mga taong reklamador. Nakaka-drain kasi ng energy kapag sinasamahan mo ang ganitong tao. Hindi lang naman introvert ang may ayaw. Lahat naman siguro tayo, ayaw natin ng ganito, 'di ba? Bibigyan kita ng mga signs kung paano malalaman kung ang tao ay peke.

Una, hindi tugma ang kanilang salita at kilos.
Pangalawa, nagpapaka banal
Pangatlo, nagpapanggap na masaya sa nakamit mo pero naiinggit na pala
Pang-apat, nakikipag away kahit wala namang punto ang pinag-aawayan
Panglima, mahilig magbato ng opinyon nang wala sa lugar
Pang-anim, palaging nag-iisip na sila ang tama

Kaya nasisiyahan ako kapag ako lang mag-isa para makakaiwas ako sa mga posibleng gulo na hatid ng ibang tao. Ika nga ni Dau Voire,




NUMBER 4
NAGMAMAHAL SILA NG SOBRA


Yes, introverts care about genuine relationships. If they love someone, they love so hard, na parang wala ng bukas. Kung gaano sila kalalim mag-isip, gan'on din sila kalalim magmahal. But finding love is not an easy thing for anybody. Lalo na sa mga introvert. Kaya halos lahat ng mga single ay mga introvert. Pero sa oras na sila'y napasok sa relasyon, sobra naman silang magmahal. Introversion is often misunderstood. Akala nila parang walang emosyon ang mga introvert. But it's not really about how we perceive someone from the outside, and much more about how someone feels on the inside. Kung sasabihin mong “mahiyain ka kasi kaya wala kang jowa”, hindi naman 'yan totoo. Kasi ang pagkamahiyain ay isang emosyon na mayroon tayong lahat. Ang introversion kasi ay isang personalidad. Nakuha mo ang punto? Uulitin ko, kapag umibig na 'yang mga introvert, hindi 'yan palasalita pero ipinapakita nila o ipinaparamdam nila sa tao kung gaano nila ito kamahal. Maliit na bagay man ang ginagawa niya sa relasyon pero para sa kanya, malaking bagay na 'yon. Kaya sa oras na balewalain mo ang kanyang effort, kahit maliit na bagay pa 'yang ginawa niya, masasaktan 'yan ng sobra. It's the everyday kind of love and support that introverts especially tend to do really well. So pay attention to their efforts, because they are trying to show you how much you mean to them.


NUMBER 5
MAHALAGA SA KANILA
ANG KATAPATAN


Tayong lahat naman siguro gusto ng katapatan. Sa katapatan kasi masusukat kung gusto ng tao na makapasok sa buhay ng isang tao. At malalaman rin natin kung mahalaga ba tayo sa kanya. Kaya BIG DEAL sa atin ang katapatan. Tapat sa serbisyo. Tapat sa trabaho. Tapat sa amo mo. Tapat sa relasyon. Sa madaling salita, kung pinaglalaanan ka ng oras ng isang introvert, ibig sabihin na gusto ka niyang makapasok sa buhay niya pero kailangan mong ipakita na tapat ka rin sa kanya. Be honest and trustworthy. It's important to express your feelings, good or bad. It's important to talk about them. Ayaw nila ng patalikod silang ginagago. Mas okay pa sila kung pranka kang magsalita kaysa sa nakikipag plastikan ka lang. Napakasayang naman ng oras at pagmamahal natin kung ini-invest natin sa mga taong hindi pala tapat, 'di ba? Pero sabi ko sa ibang video, may mga taong darating at lilisan din, madali naman 'yang maintindihan ng mga introvert pero sila din ay madaling masaktan kapag niloloko sila. Kaya sana ay 'wag mong paglaruan ang feelings ng tao. Kung ayaw mo sa kanila, 'wag ka na lang pumasok sa buhay nila.


NUMBER 6
HINDI NILA GUSTONG GAMBALAIN


Alam mo naman, napakalalim mag-isip ng mga introvert. Kaya 'wag mong gambalain kung ayaw mong masira ang focus nila. Ganito rin kasi ako e. Sometimes I get in moods where I don't want to be bothered. May mga araw na sobrang taas ng lipad ng isipan ko dahil sa marami akong pinagkakaabalahan sa buhay. May negosyong inaasikaso, may trabaho pa ako sa online, may video pa akong i-a-upload kaya ayokong may sumusulpot bigla. But I enjoy people in my life but I tend to enjoy my ALONE TIME even more. Kung mawala 'yang ALONE TIME na 'yan dahil nadi-distract ako, para akong nasasakal at madali lang akong mairita kapag may nandi-distract. I sincerely don't believe there's a single person on this earth who doesn't need a minute to just take a breath. Puno na ng pagkaabala ang mundo, lalo na sa panahon ngayon. Kaya kailangan nating magpokus sa mga ginagawa natin. Ayaw natin ng disturbo at distractions.


NUMBER 7
HINDI SILA MADALING MAINIP


Paano mainip ang introvert e gusto niya ng simpleng bagay. Gusto lang niyang mapag-isa. Kaya ang mga introvert ay hindi masyadong apektado kung wala silang kausap dahil sanay na silang sa bahay lang. Ang mga extrovert naman hindi komportable sa bahay, nangangati na ang mga paa nila dahil gusto na nilang makalabas. Magkaiba ng personalidad, 'di ba? Kaya ang PAGKAINIP na salita, wala lang 'yan sa mga introvert. But I don't think boredom is about introversion or extroversion. Everyone is prone to boredom lalo na kung paulit-ulit na lang nating nakikita o ginagawa ang isang bagay. Pero hindi lang madaling tablan ang introvert ng pagkainip because they have very rich internal lives. Palagi silang nag-iisip, palagi silang curious, nagsasaliksik, nagbabasa at gusto nilang matuto pa. Kaya masaya pa rin sila kahit mag-isa lang sila. Hindi na nila kailangang gumala para mag-enjoy. As a strong introvert, I always turn inward whenever I start to feel bored. I daydream a lot about many things and have a strong and wild imagination. Ito ang personalidad ko at malamang ito rin ang naranasan ng mga introvert na nanonood ngayon.


NUMBER 8
KAILANGAN NILA NG DOWNTIME


We need plenty of time to wind down and process. Because we are wired to process ideas deeply. Madaling ma-drain ang energy natin dahil sa ingay ng paligid, dahil sa trabaho, dahil sa crowded na lugar, dahil sa mga gulo na nakikita natin. Kaya kailangan din ng mga introvert ng pahinga. Kung walang downtime, mararamdaman nila na parang blanko ang kanilang utak, madali rin silang mairita, at makikita mo ang pagod sa kanilang mukha. Ito ang rason kung bakit madalas akong pumupunta sa nature. Doon ako nakakapag relax e. Mga huni lang ng ibon ang maririnig ko at napaka relaxing. Introverts absolutely need a quiet space to retreat to when the world is too loud.


NUMBER 9
GUSTO RIN NILANG LUMABAS


Hindi naman sa lahat ng panahon ay magmukmok na lang tayo. Pero ang kaibahan lang sa mga introvert ay gumagala sila nang sila lang din mag-isa. May mga oras din na gusto nilang magpasama pero kaunting kwentuhan lang. Pagkatapos nun, magre-recharge ulit sa bahay. Hindi naman bawal lumabas. Pero dapat mong malaman na hindi pareho ang saya na nakikita ng mga introvert sa labas at ang saya na nakikita ng mga extrovert.
 

NUMBER 10
HINDI SILA BAD MOOD


Ito kasi ang madalas sinasabi ng mga hindi ko kaibigan. Ng mga kakilala ko lang. Kapag nakikita nila na ako'y nag-iisa sa gilid, iniisip kaagad nila na bad mood ako. Hindi ako bad mood. May iniisip lang ako tungkol sa iba't-ibang bagay. Ganyan kaming mga introvert may sarili kaming mundo na hindi niyo maintindihan. Marami akong iniisip pero mga positibong bagay naman. Kaya nga ako'y umiinom ng vitamins kasi ang utak ko parang wala ng pahinga. Malalim kasi akong mag-isip e. I'm wired this way. Kaya kung may nakikita kayong tao na mag-isa lang umuupo sa gilid, 'wag mong sabihin kaagad na bad mood ang taong 'yon. Hindi mo lang alam kung ano ang mga iniisip niya at kung bakit gusto niyang mapalayo sa karamihan. Sabi ko nga, ayaw nila ng distractions. Ayaw nila na disturbuhin mo sila.

Napaka importante na malaman mo na hindi lahat ng introverts ay pasok sa 10 ito. Pareho man tayong introvert pero may mga bagay pa ring ginawa ko na hindi mo ginawa o ginawa mo na hindi ko ginawa. May iba sobra na ang kanilang pagka introvert. Ibig sabihin na tayo ay UNIQUE. Wala tayong kapareho sa mundong ito. Introvert ka man o extrovert, tao ka pa rin. At isa kang kahanga-kahanga at kamangha-mangha na ginawa ng Diyos. Napaka boring naman ng buhay kung pareho tayo ng personalidad, 'di ba? Ngayong alam mo na ang 10 ito, siguradong hindi mo na huhusgahan ang mga taong introvert.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177