12 Paraan Para Matanggal Ang Negatibong Isipan By Brain Power 2177
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Kung mapapatahimik mo ang iyong negatibong isipan, matutuklasan mo ang tunay mong pagkatao. Kapag palagi mong jina-judge ang iyong mga salita at kilos, mahirap manatiling kalmado lang. Kung ito ang iyong pinoproblema, dapat humanap ka ng mga positibong paraan upang matuklasan mo ang iyong tunay na pagkatao. Bakit sinasabi kong hindi tunay na pagkatao ang ipinapakita mo ngayon? Kasi kumikilos ka lang na naaayon sa iniisip mong negatibo. Tinatago mo ang tunay mong pagkatao para lang matanggap ka ng lipunan.
Ang unang hakbang sa pagtuklas ng iyong tunay na pagkatao ay ang pagtanggal ng iyong negatibong pag-iisip. Kung napapansin mong negatibo na ang iniisip mo, palitan mo kaagad ang mga kaisipang 'yon ng mga positibo. Your internal monologue can make the difference in discovering yourself and finding peace within.
Kung gusto mong matahimik ang negativity sa buhay mo, itigil mo na rin ang pangja-jude sa sarili mo at itigil mo na rin ang pagkompara sa sarili mo. Dapat kang maging mabait sa 'yong sarili at magpokus ka lang sa positibong pag-iisip. Learning to maintain a self-compassionate voice can help silence your inner critic, making it possible to discover your true self.
Kung nahihirapan kang patigilin ang negatibong boses sa ulo mo, may ilang mga bagay na magagawa mo para malampasan ang negatibong boses na 'to. Discovering your inner self will make all the difference, helping you live a more fulfilling life. Minsan may panahong naging malupit ka na sa sarili mo. Minsan dina-down mo ang iyong sarili. Kapag itigil mo na ang pagiging harsh sa sarili mo, siguradong makakaranas ka ng higit na kaligayahan.
NUMBER 1
TRATUHIN MO NG MAAYOS ANG SARILI MO
Photo by Alexandr Podvalny from Pexels
Kung paano mo tinatrato ang ibang tao, ganyanin mo rin ang iyong sarili. Mahilig kang magbigay ng payo sa mga kaibigan mo, dapat bigyan mo rin ng magandang payo ang sarili mo. Hindi pwedeng hindi mo i-apply ang pinagsasabi mo. Practice what you preach. 'Wag mong i-criticize ang sarili mo. Kung ginawa mo na 'yang habit, mahihirapan ka ng tanggalin 'yon. Pero hindi imposibleng tanggalin ang kritisismo sa sarili mo. Gayunpaman, ang pakikitungo sa 'yong sarili sa parehong paraan ng pakikitungo mo sa isang kaibigan ay makakatulong sa 'yong maging gentle sa sarili mo. Ang pagkatuto mo kung paano mahalin ang iyong sarili ay may dulot na malaking pagbabago sa buhay mo. Matutuklasan mo ang tunay mong pagkatao at matatahimik na ang negatibong boses sa loob mo. Tratuhin mo ang iyong sarili bilang kaibigan mo. Hindi mo naman kaaway ang sarili mo, 'di ba? IKAW ang kakampi mo. So ito ah, ang isang paraan upang simulan ang pagtrato sa 'yong sarili bilang isang kaibigan ay ang pag-isipan mong mabuti ang iyong mga salita at iniisip. Bago mo babatuhin ng negatibong salita ang sarili mo, gusto mo bang batuhin ang kaibigan mo ng masamang salita? Hindi naman siguro, 'di ba? Kaya bakit mo gagawin 'yan sa sarili mo? Kung hindi mo sasabihin ang negatibong salita sa kaibigan mo, 'wag mo ring gawin 'yan sa sarili mo. Don't be so hard on yourself, okay? Silence your inner critic so you can discover your inner self.
NUMBER 2
YAKAPIN MO ANG IYONG SARILI
Photo by Ryanniel Masucol from Pexels
You reconnect with YOU. Ang pagtuklas sa tunay mong pagkatao ay isang walang katapusang proseso, ngunit sulit ang pagsisikap mong ito. Bakit ko sinasabing walang katapusang proseso? Kasi isang araw, pwede kang maligaw ng landas. Kaya dapat kilala mo ang sarili mo. Pahintulutan mo ang iyong sarili na maging SELF-COMPASSIONATE at tanggapin mo na karapat-dapat ka sa lahat ng magagandang bagay sa buhay. When you do this, it starts a lifelong commitment of being good to yourself and thinking positively. Sabi ko nga kanina, ang proseso ay walang katapusan dahil ikaw ay patuloy na nag-eevolve at nag-go-grow. Maaari kang matuto ng bago tungkol sa iyong sarili araw-araw, ngunit dapat ay handa kang tumingin sa kalooban mo.
NUMBER 3
ALAMIN MO ANG MGA TRIGGERS
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Kung nakapokus ka lang kung paano tanggalin ang negatibo sa isip mo, mahihirapan ka. Dapat alamin mo kung ano ang mga nagti-trigger kung bakit ka nagkaganito. Dapat mong suriin ang mga negatibong kaisipan na mayroon ka at alamin mo kung ano ang nag-trigger nito. Mahalaga rin na tandaan mo kung paano ka mag respond sa mga negatibong damdaming 'yon. When you focus on your thoughts enough to determine the inner workings, you can develop insight. It will help you be self-compassionate so that you feel safe enough to address the cause of your negativity.
NUMBER 4
MAG-ISIP KA NG MASAYANG PANGYAYARI
Photo by Victor Freitas from Pexels
Kung may nangyaring hindi maganda, may nangyari din namang napakaganda, 'di ba? Paano matatahimik ang negatibo sa ulo mo kung sa pangit na pangyayari ka lang nakapikus? Think about the moments in your life that you are proud of. Kapag gusto mong matuklasan ang tunay mong pagkatao, makakatulong na isipin mo ang mga bagay na ikaka-proud mo. Makakahanap ka ng kahulugan sa mga bagay na na-accomplish mo at ito'y tumutulong sa 'yo na matukoy kung saan patungo ang iyong buhay sa susunod. Ibig sabihin na may tamang landas kang sinusundan. If you can determine what made those moments so special, it will help you find the meaning you’ve been searching for.
NUMBER 5
ALAMIN MO KUNG ANO ANG PUMIPIGIL SA 'YO
Photo by Jill Wellington from Pexels
Lahat ng negatibo ay pumipigil sa 'yo pero dapat ang unahin mo ay yung PINAKApumipigil sa 'yo. Nang dahil sa negatibong pag-iisip na 'yan, unti-unting mawawala ang layunin mo sa buhay. Anuman ang naririnig mong negatibo sa isipan mo, unahin mo yung pinakamabigat. Kapag natanggal mo na 'yon, madali na ang kasunod. Minsan ang negatibo d'on ay ang pagsunod sa dinadaanan ng ibang tao. Kasi nawawala ka na sa sarili mong landas. Minsan ang negatibong iniisip mo ay pinapaniwala ka na hindi ka enough o hindi ka deserving sa pinangarap mo. Tukuyin mo kung aling emosyon ang nasa pinakagitna ng iyong negatibong pag-iisip at pagkatapos ay harapin mo ang mga emosyong 'yon sa halip na hayaang mababalot nito ang iyong utak. Mas madaling madaig ang mga negatibong ito at mas madaling matuklasan ang tunay mong pagkatao kapag alam mo kung sino ang mga kalaban mo.
NUMBER 6
ALAMIN MO KUNG ANO
ANG KAGUSTUHAN MO
Photo by Radu Florin from Pexels
Paano mo makilala ng lubos ang sarili mo kung hindi mo alam kung ano ang gusto mo? 'Wag mo ng tingnan ang mga nadaanan mo na. Tumingin ka sa harapan mo. The things you want in life reveal so much about you. Saan mo gustong tumira? Anong klaseng trabaho ang gusto mo? Anong klaseng partner ang gusto mong makasama? Paano mo ginagamit ang iyong oras? Halimbawa lamang 'yan. Dapat alam mo kung ano ang gusto mo sa buhay. Once you know what you want, you are well on your way to understanding yourself better.
NUMBER 7
ALAMIN MO ANG IYONG HALAGA
Photo by Godisable Jacob from Pexels
May halaga ka. Sino ba ang nagsasabi na wala? 'Wag kang maniwala sa kanila. Knowing your worth and value is vital if you’re going to have success and happiness in your life. For you to feel fully alive, you must have a strong sense of self-worth and possess confidence. The more you believe in yourself, the more efficient and effective you will be in all aspects of your life. You will have positive self-esteem, you will recognize the difference you make, you will be clear about your values and engage in activities that are more fulfilling. Ang isang paraan upang matukoy mo ang iyong kahalagahan ay isipin mo ang mga oras sa 'yong buhay kung kailan napakasaya mo. Alamin mo kung sino ang kasama mo sa mga panahong 'yon, kung ano ang iyong ginagawa, at kung bakit ka nasisiyahan sa sandaling 'yon. Ang punto ko lang dito, kung nakaramdam ka ng kasiyahan noon, may halaga ka. Kaya pwede mo rin 'yang gawin ngayon.
NUMBER 8
'WAG MONG PAKISAMAHAN
ANG NEGATIBONG PAG-IISIP
Photo by Nina UhlĂkovĂĄ from Pexels
Subukan mong lumabas muna sa sarili mo at tingnan mo ang negatibong isipan sa malayo. Tingnan mo kung ano ang ginagawa nito. Ma-imagine mo ba ang pait na ginawa ng negatibong ito? Look, your hurtful words and thoughts upset you, so try to think of it as a separate person saying those things to you. If you can imagine that you’re having a relationship with yourself in this way, it’s easier to reel in the criticism.
NUMBER 9
KAILANGAN MONG MAG MEDITATE
Photo by Marcus Aurelius from Pexels
Para sa hindi nakakaalam, MEDITATION can be defined as a set of techniques that are intended to encourage a heightened state of awareness and focused attention. Meditation is also a consciousness-changing technique that has been shown to have a wide number of benefits on psychological well-being. Makakatulong talaga ito para makapag-reconnect ka sa sarili mo. Kahit pag-upo mo lang ng 10 minuto sa isang tahimik na silid ay isang kapaki-pakinabang na paraan upang makipag-ugnayan sa 'yong sarili. Pero hindi lang ito bastang umupo ka lang. Dapat sanayin mong ipokus ang isip mo sa positibong bagay. Ang pag meditate ay maaaring makakatulong sa 'yo na pag-isipang mabuti ang mga bagay at makakabuo ka ng mga solusyon na hindi mo pa naisip noon. Habang tahimik kang nakaupong mag-isa, magpokus ka sa pagrerelaks sa pamamagitan ng pagpokus sa 'yong kalmadong paghinga. Bigyang-pansin kung saan nanggagaling ang iyong hininga at kung paano magre-react ang iyong katawan sa mga inhale at exhale na ginawa mo. Mararamdaman mo naman 'yan. As you focus on these things, it will help you clear your mind so that you can fully reflect. Gumana siya sa 'kin, kumalma ang isip ko at sana nga ay gumana rin sa 'yo. Gagana 'yan for sure kung gawin mo lang ng maayos.
NUMBER 10
WALANG PROBLEMA SA 'YO
'Wag mong isipin na may problema sa 'yo kasi totoong walang problema sa 'yo. Dahil lang nakakaranas ka ng negatibong pag-iisip ay hindi ibig sabihin na may mali sa 'yo. Ito ay isang natural na bahagi ng utak ng tao, at lahat tayo ay kailangang lumaban upang malampasan ito. Kung nahihirapan kang paalisin ang mga negatibong kaisipan, ayos pa rin 'yon. WALA PA RING MALI SA 'YO. Ang ating utak ay isang masalimuot na sistema na maaaring gumawa ng mga kamangha-manghang bagay, ngunit maaari rin itong magpokus sa mga maling bagay. Sa halip na isipin ito bilang may mali sa 'yo, subukan mong isipin ito bilang isang hamon upang mabalanse mo ang iyong sitwasyon at ang iyong sarili.
NUMBER 11
MAG-INGAT KA SA MGA SINASABI MO
Lalong lalo na kung ano ang sinabi mo sa 'yong sarili. Our words are powerful beyond measure. Mag-isip ka muna bago mo bitawan ang iyong mga salita kasi kapag sinabi mo na 'yan, hindi mo na 'yan maibabalik. What you say to yourself matters. It matters so much that it can TRANSFORM or DESTROY your relationships and destroy your life. What you say to yourself will MAKE YOU or BREAK YOU. Kung sinasabi mong TANGA ka, mapapaniwalaan mo 'yon. Kung naniniwala ka na, na TANGA ka, ibig sabihin na hindi ka na naniniwala na MATALINO ka. Kasi ang isip natin ay isa lang ang pipiliin. Pumipili lamang ito kung ano ang iniisip natin. ONE WORD VOCABULARY. Ang isip natin ay OO lang ng OO. Kung sinabi mong TANGA ka, magrerespond ito na OO TANGA KA. Kung naniniwala kang TANGA ka, puro na lang din katangahan ang magagawa mo. And if you do stupid things, you will have your self-fulfilled prophecy — proving to yourself and the world how stupid you are. Kaya subukan mong makipag-usap sa 'yong sarili nang may kabaitan, at gumamit ka ng banayad na tono. Sa pamamagitan ng paggamit ng positibong tono, it will make you feel safe and secure.
NUMBER 12
SUMAMA KA SA MGA TAONG POSITIBO
Photo by Helena Lopes from Pexels
Kung gusto mong matahimik ang iyong negatibong pag-iisip, sumama ka sa mga taong positibo dahil matutulungan ka nila. Happiness and positivity influence success. Choose to surround yourself with good people, people that choose to support good causes, people that obey the law, people that are kind. If you surround yourself with people that do good deeds, that are kind to other people, people that care for the environment and care other causes that you care about yourself, you will find yourself becoming a better person for it. Happiness is contagious. You can help one another and offer words of encouragement along the way. When you find these people, they will help you discover yourself by limiting the negativity in your life.
Kung gusto mong makilala ng husto ang iyong sarili, patahimikin mo ang negatibo mong isipan. Alam nating lahat na hindi madali ang manatili sa positibong mentalidad, pero kailangan mo pa ring lumaban. 'Wag mong hayaan na lalamunin ka nito at masisira pa ang iyong pagkatao pati na ang mga ambisyon mo. Gamitin mo ang 12 TIPS na ito para matuklasan mo na ang tunay mong pagkatao. And of course to GROW as an individual. Hindi mo naman kailangang tanggalin lahat ng sabay-sabay. Hinay-hinay lang hanggang sa tuluyan itong maglaho. Kung babalik ito ulit, alam mo na kung ano ang mga gagawin.
Comments
Post a Comment