7 THINGS To Remember In Life By Brain Power 2177


Photo by molochkomolochko from Pexels

Minsan dadaan ka talaga sa mahihirap na panahon. Ito ang mga oras na lahat ng iyong ginagawa ay babaliktad, at nararamdaman mo ang dahan-dahang paglubog ng iyong buhay. At siyempre malulungkot ka sa sitwasyong 'yon. Sa bawat hamon na ito, kailangan mong panatilihing mag-isip ng maayos, kasi ito na lang ang importanteng gagawin mo. If you have a positive mindset, it will allow you to stay upbeat, to avoid pointless sorrow, to persist through the hardship, to find smart solutions and eventually turn the situation around.

Kaya't ang 7 BAGAY na ito ay magpapanatili sa 'yo na maging POSITIBO at MATATAG kapag mahirap na ang sitwasyon.

Madalas ang ideyang ito ay nakakalimutan ng mga tao. Ang kaisipan nila ay nagiging negatibo na at sobrang malabo. Ngunit kung isasaisip mo ang mga ideyang ito, titibay ang iyong emosyon at lalabas ang tunay mong kakayahan na madaig ang hamon na kinakaharap mo.


NUMBER 1
LAHAT NG BAGAY AY LILIPAS DIN
Photo by Nina Uhlíková from Pexels


TANDAAN mo 'yan. Walang bagay ang mananatili sa mundong ito. Lahat ay matatapos. Kahit ang mga magagandang pangyayari ay magwawakas din. Don't worry too much about the BAD TIMES because it DOESN'T LAST FOREVER. Kapag naguguluhan ka na sa sitwasyon, maiisip mo kaagad na hindi na ito matatapos. Ngunit iyon ay BALUKTOT na pang-unawa lamang. Mas madali kasing mag-isip ng NEGATIBO lalo na kapag nahihirapan na tayo. Maiisip din natin na wala na itong katapusan. Uulitin ko nang maintindihan mo ng mabuti, kahit ang NAPAKAHIRAP na sitwasyon ay LILIPAS din. Kapag may mga nangyaring hindi maganda, ano ang kadalasang reaksyon natin? Siyempre gagawa tayo ng paraan para mawala ito o di kaya'y minamadali natin ang lahat para maging malinaw na lahat. Minsan din kahit wala kang ginagawa ay kusang lalayuan ka ng problema. Ang ginawa mo lang ay hinabaan mo ang iyong pasensya at naghintay na lamang. Anumang paraan ang ginawa mo, lahat ng bagay ay magbabago pa rin.


NUMBER 2
UMABOT KA SA PANAHONG ITO
Photo by Pixabay from Pexels


TANDAAN mo 'yan. Marami ka ng pinagdadaanan sa buhay pero umabot ka pa rin sa panahong 'to. Ngayon ka pa ba magpapatalo? Kung iniisip mo na ang mga hamon mo ngayon ay hindi mo madadaig, bakit nadadaig mo ang mga mahihirap na sitwasyon noon? Bakit sasabihin mo ngayon na hindi mo na kaya? Isipin mo ang mga pagsubok na nalalampasan mo noon. Ito'y nagpapaalala sa 'yo na kaya mong i-handle at lampasan ang mga pagsubok. Pinapalakas nito ang iyong TIWALA sa 'yong sarili at inaalis nito ang negatibo mong pag-iisip. This ATTITUDE SHIFT is most likely to MOTIVATE YOU TO TAKE ACTION and get you to successfully RISE above the situation.


NUMBER 3
HINDI KA MAHINANG NILALANG
Photo by Jure Širić from Pexels


TANDAAN mo 'yan. Ang DAMI mong KAKAYAHAN. Ang DAMI mong MAGAGAWA. May KALAKASAN ka. Normal lang sa atin na hindi natin mapapansin ang ating KALAKASAN kung nahihirapan na tayo. Mas madali nating mapapansin ang ating mga pagkakamali. Minsan maiisip natin na tayo'y TALUNAN. WALANG TALENTO. WALANG KAKAYAHANG baguhin ang buhay. Pero HINDI naman 'yan TOTOO. Nasa ISIPAN mo lang ang lahat ng 'yon. IKAW ay TAO lang din. May KAHINAAN. May KALAKASAN. Pero kailangan mong ipaalala sa sarili mo, na may KAKAYAHAN KA. Ano ba ang nagawa mo na, na ikinatutuwa mo? Nagawa mo 'yon dahil may KAKAYAHAN ka. By doing this, your PERCEPTION of yourself will SHIFT and become more BALANCED. Bibigyan ka nito ng LAKAS at ng KOMPIYANSA upang mahahawakan mo ng maayos ang sitwasyon.


NUMBER 4
HINDI LANG IKAW ANG NAHIHIRAPAN
Photo by Pixabay from Pexels


TANDAAN mo 'yan. Hindi lang ako. Hindi lang sila. Hindi lang ikaw. Lahat tayo ay nahihirapan. Kadalasan kapag nahaharap tayo sa problema, isa lang ang maiisip natin,

AKO LANG BA ANG NAGKAKAGANITO?

BAKIT AYOS LANG SILA?

Ang daming pagkokomparang nagaganap. Para bang pinaglaruan tayo ng kapalaran. Minsan maiisip nga natin na galit sa atin ang Diyos. Kung makakapag-isip ka ng maaayos, malalaman mo na ang iniisip mo ay HINDI TOTOO. Ang totoo ay nakararamdam ka ng SAKIT kasi iyong-iyo ang problemang 'yon. Hindi mo nararamdaman ang problema ng ibang tao kasi hindi mo alam ang TUNAY nilang problema. Nakikita mo silang maayos lang pero sa likod ng pagkataong 'yon ay NAHIHIRAPAN at NALULUNGKOT na din. 'Yan ang KATOTOHANAN. So remember, whatever happens to you, in the SAME FORM or a RELATED ONE, happens to ALMOST EVERYBODY.


NUMBER 5
MATUTO KA SA BAWAT KARANASAN
Photo by Keenan Constance from Pexels


TANDAAN mo 'yan. Lahat ng nangyari sa atin ay may ARAL na mapupulot. Kung hindi man aral, ito'y PAGPAPALA. Nabigo ka man palagi o paminsan-minsan, 'wag mong tawagin 'yon na kabiguan. Matatawag mo lang 'yon na kabiguan kung sumuko ka na sa laban ng iyong buhay. Pero hindi natin 'to maiisip kaagad kung pahirap ng pahirap na ang sitwasyon natin. Madali nating makita ang kabiguan bilang… WALA NA TAYO SA TAMANG LANDAS. Pero hindi natin nakikita na ang kabiguan ay naghahatid sa atin sa TAMANG LANDAS. Karamihang aral na napupulot natin sa buhay ay nanggagaling sa mga PAGSUBOK at PAGKAKAMALI. Kapag hindi nangyari ang mga inaasahan mo, ang pinakamaganda mong gawin ay subukang UNAWAIN kung bakit nangyayari ito at MATUTO ka sa karanasang 'yon. It is by LEARNING and APPLYING THAT LEARNING that you'll eventually turn things around.


NUMBER 6
MAGPATULONG KA
Photo by SHVETS production from Pexels


TANDAAN mo 'yan. Hindi ka nag-iisa sa laban ng buhay. May mga taong sumusuporta sa 'yo. May pamilya ka. May kaibigan ka. Isama mo na ang PALIHIM na sumusuporta sa 'yo. Kaya kung nahihirapan ka, MAGPATULONG KA sa kanila. Minsan may mga laban talaga na nabibigatan tayo. Isipin mo lang na may mga taong nandiyan lang sa tabi na handang tumulong sa 'yo. Kahit introvert kang tao, kahit wala kang kaibigan o kahit wala kang pamilya, may mga tao pa ring makakatulong sa 'yo. Mga taong kakilala mo lang pero handang tumulong sa 'yo. Hindi ka pababayaan ng Diyos. Isipin mo lang ang mga taong 'yon at isipin mo lang na nandiyan lang sila para sa 'yo. Nakakagaan ng pakiramdam at nakakapagbigay LAKAS upang MAGPATULOY. Kahit na hindi ka pa magpapatulong, sa pagkakaalam mo pa lang na handa na sila, sapat na 'yon para mapalakas ka. Last but not the LEAST:


NUMBER 7
ANG DAMING MAGAGANDANG BAGAY
ANG NANGYARI NA SA 'YO
AT MAY MANGYAYARI PA
Photo by Thái Huỳnh from Pexels


TANDAAN mo 'yan. Kahit nahihirapan ka man ngayon, kahit nalulunod ka na sa dami ng problema mo, BUHAY KA PA RIN. Isa itong MAGANDANG PANGYAYARI. Hindi ka ba natutuwa sa balitang 'yan? Alam kong may mga bagay na hindi maayos sa 'yong buhay pero mas marami pa rin ang dapat mong mapapasalamatan. Siguro maayos ang relasyon mo, siguro may trabaho ka na, siguro nagkabati na kayo ng kaaway mo, siguro mapera ka na, hindi bale ng nawalan ka na ng trabaho, sinusuportahan ka naman ng pamilya mo financially. Malusog ka pa rin hanggang ngayon. Maraming maliliit na bagay pero makabuluhang bagay na dapat mong pasasalamatan. Ang ARAW. Ang GABI. Ang HANGIN. Ang TUBIG. Ang iyong BUHAY. Kung nahihirapan ka man ngayon, alalahanin mo ang lahat ng bagay na nasa sa 'yo pa rin. It will completely CHANGE YOUR PERSPECTIVE. Mapagtanto mo na lang na hindi pala KASAMAAN na lang ang lahat. LIFE IS WORTH APPRECIATING.

'Wag mong kalimutan ang 7 BAGAY na ito. Kung maaari, isulat mo ito sa maliit na pirasong papel na kasya sa pitaka mo. At tuwing nahaharap ka sa isang mahirap na sitwasyon, kunin mo ang papel at basahin mo ang 7 BAGAY na ito. Mapapansin mo na ang iyong pag-iisip ay magsisimulang MAGBAGO. Magiging MAS POSITIBO ka at MAS MAAYOS ang iyong pakiramdam. And once you're in the RIGHT MINDSET and in the RIGHT EMOTIONAL STATE, it won't take long before you'll figure a way to overcome the tough situation you are in. IT ALL STARTS WITH THE MINDSET.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177