10 THINGS To Change Your Life By Brain Power 2177
Baguhin mo na ang iyong buhay Photo by RODNAE Productions from Pexels "Paano ko mababago ang aking buhay?" Alam kong itinatanong mo na 'yan sa sarili mo. Una sa lahat, tandaan mo, walang bagay o sitwasyon na mananatiling pareho sa buhay mo. Bakit? Lahat ay magbabago. LIFE IS A CONSTANT CHANGE. Araw-araw ay may PAGBABAGONG magaganap. Kung hindi mo matanggap ang katotohanang ito, mas lalong MAIIPIT ka sa buhay mo. Sa halip na iwasan mo ang realidad, tanungin mo ang sarili mo kung paano mo mababago ang iyong buhay sa pamamagitan ng PAGTANGGAP sa mga nangyayari sa paligid mo. Marami ng pagbabagong nangyari sa mundo. Ang PAGBABAGO ay ang tanging bagay na may pinaka-dramatikong epekto sa ating buhay. Hindi mo maiiwasan ang katotohanang ito sapagkat MAHAHANAP ka pa rin nito, HAHAMUNIN ka nito. Ang PAGBABAGO ay darating sa ating buhay bilang resulta ng KRISIS, o resulta sa mga DESISYON mo, o resulta sa PAGKAKATAON. Sa anumang sitwasyon, lahat tayo ay nahaharap sa sitwasyon na ...