How To Control Your Mind - 15 Techniques By Brain Power 2177
Photo by George Milton from Pexels
Kung hindi mo kontrolado ang isip mo, ang isip mo, pati emosyon mo, ang magkokontrol sa 'yo. Kung hindi mo makokontrol ang kakaisip sa mga bagay na nangyari na, mawawalan ka na rin ng tiwala sa sarili mo at magkakaproblema ka kung paano pigilan ang iyong emosyon. Kasi nga isip at emosyon na ang nagkokontrol sa 'yo. Hindi dapat maging gano'n! Makokontrol mo naman ang isipan mo at mapapalitan mo ang negatibong pag-iisip ng mga positibo. Kapag gagawin mo lang ang lahat para makontrol ang isipan mo, makakaramdam ka rin ng kasiyahan, mas balanse na rin ang iyong pamumuhay, at kontrolado mo na rin ang iyong emosyon at ang sarili mo.
NUMBER 1
'WAG MO NG ISIPIN ANG NANGYARI NA
Alam kong palagi mong iniisip kung bakit iniwan ka ng mahal mo, kung bakit niloko ka, kung bakit nagkaganito ang sitwasyon. Ang dami mong iniisip tungkol sa nakaraan. Tapos halos lahat ng iniisip mo ay nakakapagpalungkot sa 'yo. Nakakapagpababa ng mood mo. Kasi negatibo 'yon e. Kahit na ayaw mo ay iniisip mo pa rin, 'di ba? Halimbawa, iniwan ka, niloko ka, isipin mo rin ang positive side. Ano kaya ang mas malalang mangyayari kung kayo pa rin. Ano kaya ang mangyayari kung hindi mo nalalaman ang panloloko niya. Makakaya mo ba 'yon? Magpasalamat ka dahil nalaman mo kaagad ang maling ginawa ng taong 'yon.
Kung palagi ka lang nag-iisip sa nakaraan, wala pa ring magbabago. Kasi nangyari na 'yon. Kung palagi ka lang nag-iisip sa nakaraan, mas mabuti pang lumabas ka muna at maglakad. Getting out can get your mind off of your worries, either simply because of the exercise itself or because you will be taking in new information, maririnig mo ang awit ng mga ibon sa labas, malalanghap mo ang sariwang hangin, makikita mo ang magagandang tanawin. Nakakarelax ito ng ating isipan. Promise hindi mo maiisip ang nakaraan mo kung maglakad-lakad ka sa labas.
NUMBER 2
PWEDE MO PANG MABAGO ANG SARILI MO
Photo by Nothing Ahead from Pexels
If you don't believe that you can change you're not gonna try nearly as hard as if you believe success is possible. Make sure that you're using positive thinking to face your problem. Tandaan mo palagi na makokontrol mo ang iyong isipan at mag-iimprove pa ang buhay mo. Kung gusto mong mabago ang sarili mo, bitawan mo na rin ang toxic mong ugali. Lahat kasi ng ugali mo, positibo man 'yan o negatibo, ay naipasok na sa 'yong subconscious mind. Paano kung negatibo ang naipasok mo sa subconscious mind mo? Negatibo rin ang mga kilos mo.
Dapat ang ipasok mo diyan ay ang pangarap mo sa buhay at mga plano mo. 'Yang mga toxic mong habits ang sumisira sa kinabukasan mo. To make some great things happen, as well as grow and develop as a person, you have to leave this comfort zone and undertake some risks in the pursuit of a better future. Kung gusto mo talagang umunlad, gumawa ka rin ng mga bagay na makakapagpabuti ng iyong buhay.
NUMBER 3
MAGTIWALA KA SA ABILIDAD MO
Kapag kasi nagtitiwala ka sa abilidad mo, madali mo ring makontrol ang sarili mo. Dapat optimistic ka. Try telling yourself that you will succeed and control your mind over and over again, even if at the moment you don't believe so. Try also to remind yourself of times where you successfully controlled your mind as intended. Reflect only on these successes and not on any self-control failures you might have had.
NUMBER 4
IBAHIN MO ANG IYONG PAG-IISIP
Ano ba ang mga ginagawa mo na walang naidudulot na maganda sa buhay mo? Yung mga bagay na nahihirapan kang baguhin. Halimbawa, gusto mo talagang uminom ng alak pero sa isip mo gusto mo na talagang tumigil sa pag-inom. Ibahin mo ang iyong pag-iisip. Isipin mo palagi na makakasira 'yon ng katawan mo. Kasi totoo naman, 'di ba? Imagine it going all through your body, infecting your cells and organs. Ayon sa pag-aaral, kung iniiba mo ang takbo ng iyong isipan sa ganitong paraan, mas madali mong mabitawan ang mga toxic na bagay sa buhay mo. Really try vividly imagining and playing along with the idea that the object you wish to avoid has changed its properties.
NUMBER 5
'WAG MONG LAHATIN ANG NANGYARI
Hindi porket sinaktan ka ng isa, iniisip mo rin na lahat ay pareho na. 'Wag mong idamay ang ibang tao sa kalokohan ng isa. Hindi porket nabigo ka noon, hindi ka na magtatagumpay ngayon. 'Wag mong lahatin. 'Wag mong hulaan. 'Wag mong ihambing. Don't predict how the future will be. Ganito na lang kasi palagi ang naririnig ko sa mga tao,
Pareho lang kayong lahat
Ganito na ako habambuhay
Palagi naman akong palpak
'Yang iniisip mo na 'yan, ang nagpapahina sa 'yo. 'Yan ang dahilan kung bakit hindi ka makausad kasi naniniwala ka na wala ka ng magawa. Take it upon yourself to change your own future through hard work and persistence.
Halimbawa sinabi mo na ganyan ka na lang palagi, kailangang humanap ka rin ng paraan para mag improve ang buhay mo at siyempre kailangan mo rin ng aksyon. Kung gusto mong may kabuluhan na relasyon, may matitino pa namang lalaki o babae sa mundo. Hindi lahat pare-pareho ng ugali. Hindi mo pa lang nakikita ang para sa 'yo. Kung gusto mo ng maayos na trabaho, marami ka namang mapapasukan, hindi ka lang naghahanap. Panay reklamo ka lang sa buhay pero wala ka namang ginagawa. Ibig sabihin, ang magagandang bagay ay nasa paligid lang natin, kailangan lang nating sunggaban.
NUMBER 6
'WAG MONG SISIHIN ANG SARILI MO
Kadalasan ito ang nangyayari sa bawat tao. Palagi nilang sinisisi ang kanilang sarili sa mga nangyayaring hindi naman nila kontrolado. Para itong TRAP sa sarili natin. Kinukulong natin ang ating sarili sa kasalanang hindi natin ginawa. Halimbawa hindi pumasa ang anak mo, masasabi mo na kasalanan mo dahil hindi mo siya tinuruan. Pero sa totoo lang, hindi mo naman 'yon kasalanan. Wala 'yan sa kontrol mo. Kung may kabet ang asawa mo, hindi mo na 'yon kasalanan. Wala kang pagkukulang sa kanya. Desisyon niya 'yon. Wala kang kontrol sa kanyang desisyon. Tigilan mo ang pagsisi sa sarili mo. Nasasaktan ka na nga sa pangyayari, mas lalo mo pang sinaktan ang sarili mo. Isipin mo naman ng mabuti kung ano ang tunay na nangyari.
NUMBER 7
'WAG KA MUNANG MAG CONCLUDE
Isa na naman itong TRAP sa sarili natin. 'Yon bang nag-iisip na tayo ng hindi maganda kahit wala naman tayong ebidensya.
Hindi niya ako gusto dahil pangit ako
Iniwan niya ako dahil mahirap lang ako
Hindi ako tinanggap sa trabaho dahil hindi ako magaling
HINDI naman 'yan ang dahilan eh… Gawa-gawa lang 'yan ng isipan mo. Paano mo nasabing hindi ka niya gusto dahil sa kapangitan mo? Paano kung may ibang dahilan siya na hindi mo pa nalalaman? Paano mo nasabing iniwan ka niya dahil sa kahirapan mo? Paano mo nasabing hindi ka magaling? Ito ang dahilan kung bakit mas lalo kang nanghihina dahil may konklusyon ka na kaagad.
Para tumigil ka na sa kaka-conclude, mag-isip ka ng mabuti bago mo husgahan ang sitwasyon. Mas makakatulong kung tanungin mo ang iyong sarili ng mga katanungan tungkol sa iniisip mo. Halimbawa, maaari mong tanungin ang iyong sarili kung bakit alam mo na ang iniisip mo ay totoo. Kumbaga maghanap ka muna ng ebidensya para naman mapatunayan mo na totoo nga ang iniisip mo. Kasi kung wala kang mapapatunayan, ibig sabihin na sinasaktan mo lang lalo ang iyong sarili dahil lang sa mga iniisip mong walang kwenta. Kung iniisip mo na walang magkakagusto sa 'yo, may pruweba ka ba na wala ngang magkakagusto sa 'yo? Lahat ba ng tao ay nakausap mo na? O baka walang magkakagusto dahil hindi ka naman lumalabas ng bahay?
NUMBER 8
'WAG MONG SOBRAHAN ANG PAG-IISIP MO
Nang dahil sa negatibong nangyari sa mundo, madalas ko ng naririnig na katapusan na raw ng mundo. O di kaya'y mamamatay na tayong lahat. O wala na tayong pag-asa. Ito ay isang negatibong TRAP sa buhay natin. Ang nangyayari ngayon ay PANSAMANTALA lang. Bahagi ito ng ating pagsubok. Matinding pagsubok. Hindi pa ito ang katapusan. Work on THINKING more POSITIVELY. Lahat tayo ay apektado ng negatibong pangyayari. Pero bakit yung iba masaya pa rin? Bakit ikaw hindi? May mga nawalan ng trabaho pero nakahanap pa rin ng diskarte? Bakit ikaw nasa bahay ka lang? Dahil sa sobrang pag-iisip mo ng negatibo, pati mga kinikilos mo ay negatibo na rin at nagreresulta rin ng negatibo. Uulitin ko, lahat tayo, mayaman man o mahirap, apektado tayong lahat. Hindi na kasalanan ng gobyerno kung bakit mahirap ka. Ang mayaman mas lalong yumayaman dahil dumidiskarte sila. Ang punto ko dito ay 'wag mong ikulong ang sarili mo sa negatibo mong pag-iisip. Pwede ka pang dumiskarte. Ilabas mo naman ang tunay mong potensyal.
NUMBER 9
MAGPLANO KA
Sanayin mo ang isip mo na magplano para sa hinaharap. Kung may malinaw kang kagustuhan sa buhay, mas makokontrol mo ang iyong isipan. Kung malinaw ang mga plano mo sa buhay, malinaw din ang isipan mo. Ano ba ang plano mo sa buhay? Ano ba ang gusto mong gawin? Ano ba ang gusto mong mangyari? Gusto mo ba ng maayos na trabaho? Gusto mo bang magnegosyo? Gusto mo bang yumaman? Dapat may plano ka para naman hindi ka mapadpad sa lugar na hindi mo gusto.
Ang daming tao na gumagawa ng bagay na hindi naman nila gusto. Ang daming nagtatrabaho sa trabahong hindi naman nila gusto. Keep your clear plans in mind so you stay on track in your life. Mag-umpisa ka muna sa maliit na plano. 'Wag mo munang lakihan. Kung gusto mo namang malakihang plano, hatiin mo lang at gawin mo ng dahan-dahan hanggang sa mabuo ang mga plano mo. In this way you can see tangible amounts of progress as you work toward accomplishing your plans.
NUMBER 10
NGUMITI KA KAHIT AYAW MO
Negative feelings can reduce self-control and make it more difficult for you to control your mind. One way to counteract negative feelings is simply to smile. Wala namang mawawala sa 'yo kung ngumiti ka, 'di ba? Kahit hindi mo gustong ngumiti, ngumiti ka lang. Although the idea that feeling happy causes you to smile is more intuitive, the facial feedback hypothesis suggests that smiling can actually cause you to feel happiness.
NUMBER 11
MAKIHALUBILO KA SA IBA
Kung gusto mong mapag-isa, ayos lang naman. Kung gusto mong makihalubilo, ayos rin 'yon. 'Wag mong ikulong ang sarili mo kung ayaw mong may mangyaring negatibo sa 'yo. Susulpot ang negatibong pag-iisip habang tayo'y nag-iisa. Research shows that spending time on others can increase happiness and well-being. Happiness and well-being can increase your self-image and reduce negative feelings that make self-control more difficult. Hindi naman mahalaga kung paano ka makikihalubilo sa ibang tao. Ang mahalaga ay maayos ang pakikitungo mo sa kanila at maayos rin ang pakikitungo nila sa 'yo. Dapat walang halong kaplastikan o katoksikan.
NUMBER 12
HARANGAN MO ANG IYONG
NEGATIBONG INIISIP
Halimbawa nag-iisip ka ng negatibo, harangan mo 'yon. 'Wag mong gawin ang idinidikta ng iniisip mo. Minsan kasi pag nalulungkot tayo, iinom tayo ng alak. Kapag approve lang tayo ng approve sa iniisip natin, tayo lang din ang mapapahamak. You have to do this so that part of your mind is less likely to win out and influence your behavior. Halimbawa, ang tagal mong matulog dahil nalamon ka na ng social media. Ilayo mo ang phone mo pag gabi para wala ng tentasyon. Isa pang halimbawa kung nasanay ka na kakapindot ng snooze button, ilayo mo ang alarm clock para kapag tumunog na, pipilitin mo pang bumangon para mapindot. Kung naaadik ka naman sa porn, ilayo mo ang sarili mo sa mga bagay na nakakapukaw ng iyong sexual na gana. Minsan kasi ang idinidikta ng ating isip ay halos MALI lahat. Kung hindi mo 'yan makontrol, hindi ka aangat sa buhay.
NUMBER 13
BIGYAN MO NG REWARD ANG IYONG SARILI
Bigyan mo ng kahit kaunting regalo ang sarili mo kung nakontrol mo ang iyong isipan. Nang sa gano'n ay mas lalong gaganahan ka sa paggawa nito. Halimbawa, hindi mo gustong mag ehersisyo pero pinilit mo pa ring gawin, bigyan mo ng reward ang sarili mo dahil may nagawa ka sa buhay. But be careful not to make the reward too excessive or you may find yourself out of control. 'Wag mong masyadong i-spoiled ang sarili mo sa mga rewards. Nakokontrol mo nga ang isip mo pero ubos naman ang pera mo sa kaka-reward.
NUMBER 14
PARUSAHAN MO ANG IYONG SARILI
Ang ibig kong sabihin, patikimin mo naman ng kaunting disiplina ang sarili mo kung hindi mo makokontrol ang iyong isipan. Kung ginantimpalaan mo ang iyong sarili dahil nakontrol mo ng maayos ang isipan mo, pwede mo ring parusahan kung hindi mo naman makontrol. Kapag kasi may parusa kang kinakaharap, mas lalo kang tutuwid sa buhay. Dinisiplina mo lang naman ang sarili mo. Walang masama do'n. Halimbawa, nagki-crave ka ng chocolate sa kalagitnaan ng pagda diet mo, bilang parusa, sabihin mo sa pamilya mo na itago ang mga chocolate para hindi mo makain. Maliit na parusa pero may malaking epekto sa buhay mo.
NUMBER 15
UMIWAS KA MUNA SA NAKAKA STRESS NA BAGAY
The mind and body are deeply connected; the mind can make the body stressed, and physiological stress in the body can lead the mind to feel stressed. Kapag nai-stress kasi tayo, mas lalo tayong mag-eefort para lang malabanan ang stress. Sa kakalaban natin ng stress, mas lalo tayong mai-stress. It will always backfire. It's important to reduce stress to conserve self-control energy. May mga epektibong paraan naman para maibsan ang stress natin. Pwede tayong huminga ng malalim, and holding your breath for a few seconds then slowly exhaling over the course of several seconds. You may also try focusing your mind on a single soothing word. Sabihin mo sa sarili mo, “KUMALMA KA LANG”. Pwede ring mag ehersisyo ka, gumalaw ka, sumayaw ka, which will help you to relax your tense muscles. Kapag sobra na ang stress mo, makipag-usap ka sa pamilya mo at sa mga kaibigan mo. Since social support can act as a buffer against stress.




Comments
Post a Comment