How To Be Positive And Happy All The Time By Brain Power 2177


Photo by cottonbro from Pexels


Kapag iniisip natin ang salitang POSITIBO, ang papasok sa isip natin ay HAPPINESS. Maraming mga paraan upang maging mas POSITIBO tayo sa buhay, kahit nakakaranas tayo ng kalungkutan, galit, o mga hamon, mayroon pa rin tayong kakayahan upang baguhin ang ating emosyon at may paraan din tayo kung paano mag-isip ng tama. Sa katunayan, ang ating emosyon ay literal na binabago ang ating katawan. When we feel an emotion, our body reacts in various ways. For example, when we feel fear, our heart rate increases, our muscles tense, and we may sweat. When we feel happy or excited, our body responds with increased levels of energy and pleasure. More people know the mind and body are connected. Marami sa ating mga karanasan sa buhay ay isang resulta kung paano natin binibigyang kahulugan ang nangyayari sa ating paligid. Sa halip na pigilan o subukang "ALISIN" ang mga negatibong emosyon, pwede nating bigyang kahulugan at tugunan ang mga ito sa ibang paraan. Sanayin mo na pakalmahin ang iyong isipan, habaan mo ang iyong pasensya, at pagtiyagaan mo, magiging positibo ka rin. Kung gusto mong maging tunay na POSITIBO, simulan mo ito sa sarili mo.


NUMBER 1
TANGGAPIN MO ANG IYONG SITWASYON

Hindi mo mababago ang iyong pag-iisip kung hindi mo tanggap kung ano ang sitwasyon mo, kung hindi mo tanggap kung ano ang problema mo. Ang pagtanggap na mayroon kang mga negatibong iniisip at negatibong emosyon, at ang pagtanggap na hindi ka nasiyahan kung paano mo tinutugunan ang mga ito, ay makakatulong sa 'yo na simulan ang proseso ng pagbabago. 'Wag kang magalit sa isip at damdamin mo. Tandaan mo 'to, ang mga iniisip na sumusulpot sa isipan mo at ang nadarama mo ay NORMAL lang. Ito ay isip at damdamin lamang. Ang makokontrol mo ay kung paano mo bigyang-kahulugan at tugunan ang mga ito. Magiging negatibo lang 'yon kung mali ang pang-unawa mo. Ibig sabihin na IKAW pa rin ang may kontrol.

Tanggapin mo rin ang mga bagay na hindi mo mababago. Halimbawa, kung ikaw ay introvert at kung pipilitin mong maging extrovert, hindi ka magiging masaya. Ang punto ko ay tanggapin mo ang sitwasyon at tanggapin mo kung ano ka. Tanggapin mo kung introvert ka o extrovert. 'Wag mong piliting baguhin ang sarili mo kung may negatibong epekto naman ito sa 'yo. Tanggapin mo kung sino ka talaga. You can then feel free to develop that self into the most positive self you can be. Tanggapin mo rin ang iyong sitwasyon. Kung ano ang dumadating na problema, wala kang ibang magagawa kundi tanggapin at solusyonan ang problema mo.


NUMBER 2
DAPAT MAY LAYUNIN KA

Mahirap maging POSITIBO kung wala kang layunin sa buhay. Ang mga layunin ay nagbibigay sa atin ng isang mas positibong pananaw sa buhay. Ang pagtakda ng isang makatotohanang layunin ay maaaring makapagpapataas ng iyong kompiyansa at mapatatag ang iyong buhay, kahit hindi mo pa nakakamit kaagad ang layunin mo. Setting goals that are personally meaningful to you and align with your values will help you achieve them and will help you move forward in your life.

Kahit maliit na layunin man 'yan. Mas OK na 'yon kaysa wala kang layunin. Magsimula ka sa maliit na layunin hanggang sa may panibago ka na namang layunin sa buhay. Kahit mabagal ka, basta't 'wag mo lang sukuan ang layunin mo. Dapat specific ang layunin mo. Madali namang magtakda ng layunin, ang problema ay nahihirapan ka kung paano simulan. Kaya mas mahalaga na mag-umpisa ka muna sa maliit.

Dapat positibong salita ang gamitin mo sa 'yong layunin. Ipinapakita ng pananaliksik na mas malamang na makamit mo ang iyong mga layunin kung positibong salita ang gagamitin mo. Halimbawa ang goal mo ay kumain ng healthy. Tapos sasabihin mo,

“Hindi na ako pwedeng kumain ng junkfoods.”

'yan ay hindi kapaki-pakinabang na layunin. Mas lalo ka lang magi-guilty sa ginagawa mo kasi negatibong salita 'yan e. Palitan mo 'yan ng

“Dapat prutas at gulay lang ang kakainin ko.”

'Yan ang halimbawa ng positibong salita. Keep your goals based on your own actions. Hindi pwedeng ikaw ang mag set ng goals para sa iba o ang iba ang magtakda ng layunin para sa 'yo. Tandaan mo na hindi mo makokontrol ang ibang tao at hindi ka rin nila makokontrol. Halimbawa kung patitigilin mo sila sa paninigarilyo, hindi sila titigil hangga't hindi sila magpasya. Set goals that depend on what you can control.


NUMBER 3
MAGMAHAL KA
Photo by Shamia Casiano from Pexels


Hindi ibig sabihin na partikular lang na tao ang mahalin mo. Mahalin mo ang lahat ng bagay o lahat ng tao sa mundo. Paano ka maging positibo kung galit at poot ang nakabalot sa buhay mo? Extend the feelings of love you already feel for your closest family members and extend it to others in the world. Makikita mo kaagad ang positibong epekto nito. LOVE is good for your mental health. Siguradong mababawasan ang iyong depresyon at anxiety.


NUMBER 4
IBUHOS MO LAHAT SA SULAT
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels


Ang dahilan kung bakit isusulat mo ay para makita mo at maunawaan mo kung ano ba talaga ang problema mo. Lahat ng emosyon mo, isulat mo. Saan ba galing ang mga kanta? Sa emosyon at karanasan ng mga manunulat. Makakatulong ang PAGSUSULAT na makita ang lahat ng mga emosyonal na karanasan sa bawat araw mo at madali mong matukoy kung saang banda ang nangangailangan ng pagsasaayos. Matutulungan ka rin nitong ituon ang pansin sa 'yong mga positibong karanasan upang mas malamang na alalahanin mo ito sa paglaon.

'Wag mong isulat ang mga HINDI MO GUSTO. Kapag nakapokus ka lang sa mga AYAW mo, mas lalo kang maging NEGATIBO sa buhay. Write down what you felt, without judging it as either good or bad. Bibigyan kita ng halimbawa,

“Nasasaktan ako dahil sinabihan akong pangit.”

Sa halip na 'yan ang isulat mo, isulat mo ang iyong positive response. Paano mo sasagutin 'yan?

“Sinabihan man niya akong pangit, but no one can define me or my worth. Only I can do that.”

O 'di ba mas effective ang positive response?

Try to think about how you can use these experiences as LEARNING experiences. How can you use this for PERSONAL GROWTH? Ano ba ang gagawin mo sa susunod 'pag mangyari 'to? Halimbawa, “Sa susunod na pagsabihan ako ng masasakit na salita, hindi ako maniniwala sa sinasabi nila. Sasabihin ko rin sa taong 'yon na ang kanyang mga salita ay nakakasakit na at tunay na nasaktan ang aking damdamin upang malaman niya na mahalaga rin ang aking emosyon.”


NUMBER 5
LAGI KANG MAGPASALAMAT
Photo by Marcus Wöckel from Pexels


Lagi ko na 'tong sinasabi sa mga videos natin. Paano ka maging POSITIBO kung hindi ka GRATEFUL sa mga bagay na nasa sa 'yo na? Practice active gratitude. Hindi lang 'yan hanggang pakiramdam na lang, dapat inaaksyonan mo rin. Ang pagpapasalamat ay may hatid na kabutihan sa buhay natin. It changes our perspective almost immediately, and the rewards keep growing the more we practice active gratitude. It helps you feel more positive and increases feelings of happiness.

Ibahagi mo sa iba ang pagpapasalamat mo. Ipakita mo sa kanila na thankful ka. Para makadama rin sila ng ganitong klaseng enerhiya. It can also inspire positive feelings in the people you share with. Pasalamatan mo ang bagay na ikinatutuwa mo. Recognize all the little positive things that happen throughout the day. Ang daming bagay sa mundo at sa karanasan mo ang pwede mong pasasalamatan. Savor these good things.

Tayo kasing mga tao, mas mapapansin pa natin ang negatibo kaysa sa positibo. Mindfully acknowledge the positive things in your life. Try to “store them” in your memory. Halimbawa kapag nakakakita ka ng magandang tanawin, sabihin mo sa sarili mo, “Napakaganda ng moment na ito at gusto kong maisip 'to palagi.” Sa oras na papasok ang negatibo sa isipan mo, alalahanin mo lang ang mga magagandang bagay na nakikita mo.


NUMBER 6
DAPAT POSITIBO ANG IYONG PANANAW

Makakapagpataas ito ng confidence mo. Isipin mo na ang buhay mo ay magbabago. 'Wag mong isipin na hanggang diyan ka na lang. Kung iniisip mo palagi na hindi patas ang mundo, ang dami mong kamalian sa buhay, hindi mo mababago ang buhay mo at hindi ka maging positibo. Paano gagaan ang iyong pakiramdam kung negatibo ang pananaw mo sa buhay? Ang pagkakaroon ng positibong pananaw ay hindi ibig sabihin na wala ka ng iniisip na mga hamon sa buhay o wala ka ng mapait na karanasan. Mayroon pa ring mga pagsubok kahit positibo na ang pananaw mo. Pero iniisip mo na MAKAKAYA mo lahat 'yon. It chooses to interpret them differently. Tanggapin mo ang tunay mong sitwasyon at ihanda mo ang iyong sarili na harapin ang bawat pagsubok. Dapat mong tanggapin na hindi mo makukuha kaagad ang pinangarap mo at kailangan mo pang paghirapan ang mga ito.


NUMBER 7
'WAG MONG IWASAN ANG NEGATIBO
Photo by Monstera from Pexels


Isa sa mga pagkakamali na ginagawa ng mga tao ay pinipilit nilang iwasan o binalewala ang mga negatibong karanasan. Iniiwasan dahil masakit, 'di ba? Gayunpaman, kapag pipigilan mo o binalewala mo ang mga negatibong ito ay talagang nakakadagdag pa ng negatibo sa 'yong buhay. Hindi mawawala ang negatibo. Consider how you can reframe these experiences. May matutunan ka ba sa mga ito? Maraming mga imbentor na nagkamali ng maraming beses. Sa halip na sumuko o umayaw sila, mas lalo pa nilang pinag-aralan ang mga pagkakamaling 'yon. Anong resulta? Nagtagumpay ang imbensyon.

Instead of letting yourself immediately respond to a challenge or negative experience with negativity, take a step back and examine the situation. What really went wrong? What is really at stake? What can you learn from this to do differently next time? Has this experience taught you to be kinder, more generous, wiser, stronger? Taking a moment to reflect on the experience, rather than automatically seeing it as negative, will help you re-interpret it.


NUMBER 8
GAMITIN MO ANG IYONG KATAWAN
Photo by Li Sun from Pexels


Ang KATAWAN at ISIPAN mo ay KONEKTADO. Kung nahihirapan kang magpakapositibo, ibig sabihin ang katawan mo ay wala sa tamang paggalaw. Ang postura mo ay may malaking impact sa pamumuhay mo. Try standing up straight. This is called a “power pose,” it can actually help you feel more confident and optimistic. Tapos ngumiti ka. Kahit masaya ka man o hindi, kapag ngumiti ka, mapapaganda nito ang iyong mood. Magsuot ka ng mga damit na komportable sa 'yo. Makakapagpagaan rin 'yan ng mood mo. What you wear affects how you feel. Find clothes that make you feel good about yourself and wear them, no matter what society tries to say about it.


NUMBER 9
MAG EHERSISYO KA
Photo by Victor Freitas from Pexels


Palagi ko na rin 'tong sinasabi. Kapag mag ehersisyo ka, magre-release ang katawan mo ng kemikals. Ang kemikal na ito ay tinatawag na endorphins. Makakatulong ito sa paglaban ng depression at anxiety. Mas lalo kang mapapakalma nito. Kahit 30 minuto lang ng physical activity, malaking tulong na 'yon.


NUMBER 10
BAGUHIN MO ANG SARILI MO
Photo by Alexas Fotos from Pexels


Paano ka maging positibo kung negatibo ang pagkatao mo? Paano mo mababago ang paligid mo, kung hindi mo mabago ang sarili mo? Create life from within. If you want more success, focus on all the ways that you are already successful. If you want more love, focus on all the people that already care about you and the abundance of love you have to give to others. If you want to create greater health, focus on all the ways that you are healthy, focus on the GOOD THINGS.


NUMBER 11
'WAG KANG MASYADONG SERYOSO
Photo by Michael Burrows from Pexels


Paano ka maging positibo kung pati maliit na bagay ay sineseryoso mo? Minsan kasi sa buhay natin, may mga maliit na bagay na akala natin ay big deal na 'yon pero no'ng tayo'y umiwas, na-realize natin na hindi pala. Ang materyal na bagay, akala natin magdudulot ng kasiyahan sa atin pero hindi naman pala. Sineseryoso natin ang mga bagay na wala namang maidudulot na kaligayahang pangmatagalan. We only need 5 basic things to flourish in life:

1. POSITIBONG EMOSYON
2. MAKIKIPAGHALUBILO SA MGA TAO
3. MAHALIN NATIN ANG ATING KAPWA
4. KAMTIN ANG MAKABULUHANG BAGAY
5. MAGTAGUMPAY

Pero depende na 'yan sa 'yo kung paano mo 'yan binigyang kahulugan. Kung hindi mo kasi nakita ang kahulugan ng mga ginagawa mo, hindi ka magiging masaya. Material things really won't make you happy.


NUMBER 12
GAWIN MO ANG MGA BAGAY NA GUSTO MO
Photo by Brett Jordan from Pexels


Simple lang naman 'to pero mahirap gawin. Bakit mahirap? Hindi mo kasi alam kung ano ang GUSTO mong gawin sa buhay. Alam kong abalang abala ka sa maraming bagay. Sana naman may oras ka sa mga bagay para sa sarili mo. When you do something that you love, you are distracted from being sad or negative.


NUMBER 13
LAYUAN MO ANG NEGATIBONG IMPLUWENSYA
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Madali lang kasi tayong mahawa sa mga negatibong tao na nakapaligid sa atin. Kung alam mo ang negatibong bagay dapat layuan mo na kaagad bago ka pa mahawa nito. May malaking impact dito ang mga kaibigan mo. Bad influence ba sila sa buhay mo? Anong desisyon mo? If your friends are always being negative, consider sharing your own positivity process with them. Encourage them to learn ways of being positive too. Kung hindi nila tatanggapin ang positibong pamumuhay na ibinahagi mo sa kanila, oras na para ikaw na lang ang lumayo.

Do only what you feel comfortable with. If you don't feel comfortable doing something, you're likely to feel bad about doing it. That doesn't make for a positive experience. Learning to say "NO" to things you don't want to do can help you feel stronger and more at ease with yourself.


NUMBER 14
LABANAN MO ANG NEGATIBONG PAG-IISIP
Photo by samer daboul from Pexels


Hindi ibig sabihin na pwersa mong tanggalin. Hayaan mong pumasok at hayaan mo itong lumabas. Ikaw lang kasi ang pinaka-kalaban ng sarili mo. You can become your own harshest critics. Each time you encounter a negative thought, take the time to challenge it. Marami kasi tayong negatibong naiisip e. HINDI KO 'YAN KAYA. Napakalaking impact ito sa buhay mo. Kapag kasi sinabi mo agad na HINDI MO KAYA, titigil na rin ang PAGKILOS mo. Kaya nga wala kang naaabot sa buhay dahil iniisip mo palagi na HINDI MO KAYA at wala ka ng OPPORTUNITY. 

If you find that you frequently have negative thoughts about yourself or about other people, make it a habit to find positive things to say about yourself. Alam kong may mahahanap kang positibo sa sarili mo. Kung sinabi mong pangit ka, hindi naman siguro buong pagkatao mo ang pangit, 'di ba? Kung sinabi mong bobo ka, hindi ka naman siguro bobo sa lahat ng bagay, 'di ba? There are both positive and negative aspects in most situations. We get to choose which ones we will focus on.

Kung may mga negatibo mang bagay na hindi mo mababago. Tanggapin mo 'yon. Minsan kailangan nating taggapin na ang buhay ay hindi talaga patas. Ganyan na talaga ang buhay. Hindi natin 'yan makokontrol. If we waste energy and happiness on the things we can't change, we'll only make ourselves more frustrated.


NUMBER 15
'WAG KANG MATAKOT MABIGO

Pabalik-balik ko ng sinabi 'to. Paano ka maging positibo kung hindi ka pa handang mabigo? Kung hindi ka pa handang tanggapin ang kabiguan? Lahat tayo ay madadapa at magkakamali ng maraming beses. It's about how we get back up again that counts. Kung naghahangad tayo ng tagumpay, tapos hindi rin tayo takot mabigo, may posibilidad na maging positibo tayo sa buhay.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177