Forgiveness: Your Health Depends On It By Brain Power 2177


Photo by RODNAE Productions from Pexels


Mayroong 5 dahilan kung bakit kailangan mong patawarin ang mga taong nananakit sa 'yo. Alam ko kung ano'ng nararamdaman mo ngayon. Kung iisipin mo yung mga taong nagkasala sa 'yo, parang sasabog ka sa galit. Karamihan sa atin kinikimkim na lang ang galit. Akala natin na mawawala 'yon ng kusa. Pero sa kalaunan, tayo ang masasaktan ng lubusan. Hindi 'yon mawawala sa loob mo. Replaying a scene over and over in your head was another form of unforgiveness. 'Yan ang dudurog sa 'yo. Hindi lang ikaw ang maaapektuhan, pati mga pamilya mo at mga taong nakapaligid sa 'yo. Bakit? Kasi dala-dala mo ang negatibong enerhiya sa katawan mo. It's like you put yourself in your own hell. The UNFORGIVENESS starts burning you. Bakit nakasulat sa Bibliya na kailangan nating magpatawad kahit anong mangyari? Bakit sinabi 'yan ng Diyos? Malamang maiisip mo,

“Madaling sabihin pero mahirap magpatawad”

Tama ka. Parang imposible sa NGAYON pero kapag nananalangin ka, magiging POSIBLE 'yon.

Ano nga ba ang sinabi ng Diyos tungkol sa pagpapatawad sa mga nananakit sa 'yo? Ang 5 DAHILAN na ito ay hindi ko gawa-gawa lang. Ito ay nanggaling sa Bibliya.


NUMBER 1
REQUIRED ITO NG DIYOS
Photo by RODNAE Productions from Pexels


God requires us to forgive those who hurt us. Kung gusto ng Diyos na magpatawad tayo, ibig sabihin na KASALANAN ang hindi magpatawad. I always found this commandment to be pretty straightforward. Ang pagpapatawad ay hindi lang basta SINABI mo lang na

“PINATAWAD NA KITA”

ay 'yon na 'yon. Hindi gan'on. Dapat ramdam mo sa kalooban mo na bumitaw ka na sa masamang bagay. Marami ang nag stumble dito. Kasi yung ibang tao ay basta sabi lang. Pero sa kalooban nila, hindi pa rin nila matanggap. Obsess na obsess pa rin sila sa sakit. Nababalot pa rin sila ng kalungkutan. Alam ko na may mga pangyayari na hindi mo mabitawan. Learn how to forgive someone who broke your heart. Ang tunay na pagpapatawad ay nasa gawa at ramdam mo rin sa puso mo. Pwede mong lokohin ang tao na pinatawad mo na siya pero hindi mo maloloko ang Diyos at ang sarili mo. You need to forgive internally as well as externally. 'Wag mong madaliin. Dadaan ka muna sa proseso. Patuloy kang magpatawad hanggang sa mabitawan mo na ang bigat sa kalooban mo. Basahin natin ang Mateo 18:21, 22,

“Lumapit sa kaniya si Pedro at nagsabi:
“Panginoon, hanggang ilang ulit ako dapat magpatawad sa kapatid ko
na nagkakasala sa akin?
Hanggang sa pitong ulit ba?”

Sinabi ni Jesus sa kaniya:
“Sinasabi ko sa iyo,
hindi hanggang sa pitong ulit,
kundi hanggang sa 77 ulit.”


NUMBER 2
HINDI TAYO PATATAWARIN NG DIYOS
Photo by Brett Jordan from Pexels


Hindi Niya tayo papatawarin kung hindi tayo nagpapatawad. Maiisip mo, parang sobra na yata 'to pero kung gusto mong mapatawad ka ng Diyos, patawarin mo ang mga nananakit sa 'yo kahit gaano pa kalaki ng kasalanan nila sa 'yo. Sa Bibliya, hindi kasi sinasabi na yung may maliit na pagkakamali lang ang patawarin mo. Walang exception. Pero alam ng Diyos na hindi 'to madaling gawin. Pero kung gawin mo lang ang lahat, sigurado akong mabibitawan mo 'yan. 'Wag kang maghintay na kumalma ang damdamin mo bago ka magpatawad. Hindi 'yan kakalma. Kakalma lang 'yan kung magpatawad ka kahit masakit pa. Forgiveness is a CHOICE. Basahin natin ang Mateo 6:14,

“Dahil kung pinatatawad ninyo ang mga pagkakamali ng iba,
patatawarin din kayo ng inyong Ama sa langit.”


NUMBER 3
ANG PAGPAPATAWAD AY PARA SA 'YO
Photo by Jonathan Meyer from Pexels


Hindi lang ito para sa ibang tao. Para din ito sa 'yo. Sabi ko nga kanina, kung ayaw mong magpatawad, IKAW lang din ang MAPUPURUHAN nito. Basahin mo ang Mateo 18:23-35, mababasa mo diyan kung gaano kahalaga ang magpatawad. Kung ayaw mo kasing magpatawad, mahihirapan kang sumaya. Paano ka sasaya kung bitbit mo yung bigat sa puso mo? Maaapektuhan ang mental na kalusugan mo at siyempre apektado rin ang iyong pisikal na kalusugan. Para itong lason. Magkakasakit ka dahil dito. Hindi ang taong nananakit sa 'yo ang nagbigay ng pangit na sitwasyon, IKAW lang. Dahil 'yan sa REAKSYON mo. Patawarin mo sila at siguradong maghihilom ang sugat diyan sa puso mo.


NUMBER 4
NAKAKAPAGPAGAAN NG BUHAY
Photo by Kelvin Valerio from Pexels


Bakit gumagaan? Kasi bumitaw ka na sa mga negatibong enerhiya na matagal mo ng pasan. Ipaubaya mo na lang sa Diyos ang lahat. 'Wag kang maghiganti. Diyos na ang bahala. It means you trust Him to mete out justice in His way and in His time. Oo may batas, may korte para sa mga taong nagkasala pero sa huli, kailangan mo pa ring bumitaw at ipaubaya sa Diyos ang lahat. Naisahan ka man ng taong nagkasala sa 'yo pero hindi niya 'yan magagawa sa Diyos. Basahin natin kung ano ang sinabi ng Bibliya sa Roma 12:19,

“Huwag ninyong ipaghiganti ang inyong sarili, mga minamahal,
kundi bigyang-daan ninyo ang poot; dahil nasusulat:
“‘Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti,’
sabi ng Diyos.”


NUMBER 5
MAGPAPALAYA SA 'YO

Kung pinapatawad mo na sila, MALAYA ka na rin. Ang sarap sa pakiramdam na MALAYA na tayo sa negatibong bagay, 'di ba? Hindi natin maiisip ng paulit-ulit ang mga negatibong nangyari sa nakaraan. All of that self-pity keeps you from moving forward with your life. It takes life-giving energy away from things that could be more productive. Makakatulog ka na rin ng maayos. Babalik na ang pagiging malikhain mo, maaakit mo na ang positibong bagay sa buhay mo. Hindi 'to mangyayari kung hindi ka pa bibitaw. Kapag kasi nagpapatawad ka, parang winasak mo na rin ang kadiliman sa harapan mo. Kadiliman na nagkokontrol sa mga kinikilos mo, kumakain ng positibong enerhiya mo, at nakatira sa utak mo. Basahin natin ang Gawa 3:19,

“Kaya magsisi kayo at manumbalik
para mapatawad ang inyong mga kasalanan,
para dumating ang mga panahon
ng pagpapaginhawa mula mismo sa Diyos.”

Ngayong alam mo na ang 5 DAHILAN kung bakit kailangang magpatawad, alamin naman natin ngayon kung PAANO magpatawad. Uulitin ko, ang pagpapatawad ay hindi MADALI ngunit makakaya mo 'to. Kahit nga tayong mga solidong Kristiyano ay nahihirapan. Pero narito ang ilang mga mungkahi ko sa 'yo:


NUMBER 1
IPAHAYAG MO 'YAN SA DIYOS
Photo by Tima Miroshnichenko from Pexels


Ipahayag mo na nahihirapan kang magpatawad. Humingi ka ng tulong sa Kanya. Ipahayag mo na may galit ka talaga sa tao. 'Wag kang magdadalawang-isip na magpahayag sa Diyos. Basahin natin ang Kawikaan 28:13,

“Ang nagtatago ng kaniyang mga kasalanan
ay hindi magtatagumpay,
Pero ang nagtatapat at tumatalikod sa mga iyon ay kaaawaan.”


NUMBER 2
TIGILAN MO NA ANG PAG-IISIP SA NAKARAAN
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Ang nangyari ay nangyari na. Ang kasalanan ay nagawa na.


NUMBER 3
MAGPATULONG KA
Photo by lalesh aldarwish from Pexels


Makipag-usap ka sa taong mapagkakatiwalaan mo. Yung taong tutulong na pahilumin ang sugat sa puso mo. Madali lang bumitaw kung iniisa-isa mong tinanggal ang laman ng bigat sa kalooban mo. Ang iba ay ayaw nilang magpatawad dahil hindi naman daw nagsisisi ang taong gumawa ng kasalanan. Ang solusyon ay 'wag mong tingnan ang taong 'yon upang hindi magising ang galit sa puso mo. Lahat ng galit mo sa taong 'yon ay ISULAT MO. Pagkatapos ay sunugin mo ang papel na 'yon. Don't underestimate this technique.


NUMBER 4
BAGUHIN MO ANG IYONG PAG-IISIP
Photo by Keira Burton from Pexels


Bitawan mo ang lumang paniniwala mo na hindi mo kayang magpatawad. Ngayon punuin mo ng bagong pag-iisip na kaya mong magpatawad. God’s word is true. You can always count on this one thing. Make notecards or memorize verses that reinforce who you are in God. You may not believe the scriptures at first. Just keep saying them every day. One day it will start to click and become the truth. Your goal is to start a new “tape” in your head to replace the old one. Basahin natin ang Filipos 4:8,

“Bilang panghuli, mga kapatid, anumang bagay na totoo,
seryosong pag-isipan, matuwid, malinis, kaibig-ibig, marangal, mabuti,
at kapuri-puri, patuloy na isaisip ang mga ito.”


NUMBER 5
BUMITAW KA NA
Photo by Tara Winstead from Pexels


Bitawan mo na ang nakaraan. Tapos na 'yon. Kahit baliktarin mo pa ang mundo, hindi na 'yon maituwid. Hindi mo na maibabalik ang nawala sa 'yo. Kahit pa maghigante ka, hindi ka pa rin matatahimik. Kahit na may death sentence na yung tao, hindi ka pa rin matatahimik. Kaya kailangan mo ng bumitaw.


NUMBER 6
MANALANGIN KA
Photo by cottonbro from Pexels


Gamitin mo ang panalangin para makapagpatawad. Makipag-usap ka sa Diyos. Kahit ayaw mo man o hindi, manalangin ka. Pray for God to give you the desire to pray for your offender. This one act will help you to forgive easier. Humiling ka sa Diyos na pagpalain ang taong nananakit sa 'yo at pagpalain ang buong pamilya niya. Sigurado akong matutuwa ang Diyos sa 'yo kung gagawin mo 'yan.

Bakit dapat nating patawarin ang mga taong nananakit sa 'tin? Actually, hindi naman ito para sa mga taong 'yon, para 'to sa sarili natin, para sa sarili mo. Sa tuwing sasagi sa isipan ang isang kakila-kilabot na sakit, gaano man kasama ang sitwasyon, dapat ka pa ring bumitaw. Bitawan mo ang bawat salitang nasabi nila sa 'yo o may nagawa man sila sa 'yo. Umabante ka na walang bitbit na bigat sa dibdib mo. Hindi mo man makakalimutan ang nagawa nila pero piliin mo pa ring bumitaw na lang. Ito ang ginawa ng Diyos sa ating lahat. Basahin natin ang Jeremias 31:34,

“Dahil patatawarin ko ang pagkakamali nila,
at hindi ko na aalalahanin ang kasalanan nila.”

Alam ng Diyos kung ano ang mga nagawa natin pero pinili Niyang kinalimutan ang lahat noong tayo'y humingi ng kapatawaran. Napakaganda ng nakasulat sa Efeso 2:4, 5,

“Pero dahil sa saganang awa ng Diyos
at sa matinding pag-ibig niya sa atin
binuhay niya tayo kasama ng Kristo,
kahit patay tayo dahil sa mga kasalanan natin.
Nailigtas kayo dahil sa walang-kapantay na kabaitan.”




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177