Tanggal Ang Toxic sa Katawan mo Kung Mababasa mo 'to By Brain Power 2177

Toxic ka na ba sa sarili mo? Photo by cottonbro from Pexels Palagi nating tina-topic ang katoxican ng ibang tao. Pero ikaw ba ay hindi toxic sa sarili mo o di kaya'y toxic ka na pala sa ibang tao? Minsan kasi nakapokus lang tayo sa iba. Nakakalimutan na nating kamustahin ang ating sarili. Lahat naman tayo ayaw nating mapapaligiran ng mga taong toxic. Kasi minsan ay nagiging toxic na tayo sa iba. Hindi lang natin napapansin kasi mataas ang tingin natin sa ating sarili. Pinupuna natin ang kamalian ng iba pero hindi natin napapansin ang mga trosong nakabara sa ating mga mata. Lahat tayo ay may magagandang araw at masasamang araw. Ibig sabihin na gan'on din ang ugali natin. May good side at bad side tayo. Minsan magagalit tayo sa mga taong walang kasalanan. Minsan kinokontrol natin ang isang tao. Minsan wala tayong paki sa emosyon ng ibang tao. Gusto ko lang malaman mo ang KATOTOHANAN . Ang KATOKSIKAN natin ay nanggagaling lang din sa atin. Ang dami nating iniisip araw-ara...