Pleasing People ay Isang Bad Habit na May Negatibong Epekto sa Mental Health by Brain Power 2177
Photo by lalesh aldarwish from Pexels
Ginagawa mo ba ang isang bagay dahil gusto mong mapasaya ang iba? Kung kaya mong mga YES sa iba, sana'y kaya mo ring mag YES sa sarili mong kagustuhan.
Kapag palagi mong pini-please ang mga tao, negatibo ang babalik sa buhay mo. Hindi lamang sa 'yo ngunit sa mga tao ring nakapaligid sa 'yo. Habang pini-please mo ang ibang tao, sa kaloob-looban mo, punong-puno ka ng pag-aalala at stress. 'Di ba talo ka? Pinapasaya mo sila pero hindi mo napasaya ang sarili mo. Katulad rin ng komedyante, ang trabaho nila ay nagpapasaya ng mga tao pero hindi ibig sabihin na masaya rin sila sa kanilang buhay. Sa likod ng pagkakomedyanteng 'yon ay isang napakalungkot na pagkatao. Hindi ko naman nilalahat pero alam nating may kanya-kanya tayong bigat na dinadala sa buhay. Bilang tao, magaling tayo sa pagpapasaya sa iba, pero sa sarili natin hindi natin magawa. Minsa'y naramdaman mong tini-take advantage ka ng ibang tao. Ginagamit lang pala nila ang iyong pleasing habit.
Kaya ang pag try mo na i-please ang iba sa lahat ng oras ay madalas na isang mas masaklap na choice sa buhay mo. Ngunit paano mo mababago ang pag-uugaling ito? Tandaan mo palagi ang 7 TIPS na ito:
NUMBER 1
HINDI MO MAPI-PLEASE ANG LAHAT
Photo by Andrew Neel from Pexels
Kahit anong gawin mo, may mga tao pa rin na hindi matutuwa sa pinagagawa mo. Hindi sila nasisiyahan dahil hindi ito tungkol sa kung ano ang iyong ginagawa o hindi ginawa. Ito ay tungkol sa kanila mismo. Tungkol ito sa buhay din nilang masalimoot. Kahit anong pleasing techniques pa ang gamitin mo, hindi mo sila mapapalapit dahil negatibo rin ang buhay nila. Kaya sila ang unang babato sa 'yo ng masasakit na salita. At darating sa punto na hindi mo maintindihan kung bakit gano'n e ginawa mo na man ang lahat. Pinasaya mo na nga pero hindi ka pa rin matanggap. Kaya't tigilan mo na ang pagiging people pleaser. Hindi mo misyon ang piliting sumaya ang iba. Misyon mong pasayahin ang Diyos. Ang pleasing habit kasi ay nakakasira ng pagkatao natin. Kaya kailangan natin itong tanggalin sa buhay natin.
NUMBER 2
HINDI MASAMANG TUMANGGI
Photo by Anete Lusina from Pexels
Dapat alam mong magsabi ng “HINDI” o “AYOKO”. Kung gustong gusto mong mag please ng tao, napakahirap talagang humindi o umayaw. But it is vital for your OWN HAPPINESS, your STRESS-LEVELS and FOR LIVING THE LIFE YOU TRULY WANT. May pangangailangan ka rin para sa sarili mo, 'di ba? It's easier for people to accept your “NO” if you disarm them first. Pwede mong sabihin sa kanila na wala kang oras para sa mga hiniling nila. Minsan kasi pag may ipagawa sa atin ang tao, mahihiya tayong humindi dahil baka magtampo sila, kaya sinakripisyo na lang natin ang ating oras. Kung mapilit sila, 'wag kang magdadalawang-isip na sabihin ang totoo mong nararamdaman. Sabihin mo na wala kang time para gawin ang demand nila. O na-overwhelm ka at medyo busy sa buhay at hindi mo magawa ang gusto nilang ipagawa. Ipaalala mo sa sarili mo kung bakit mahalaga minsan ang PAGTANGGI. Importante ito para malaman nila na hindi ka basta-bastang tao. So if you stand up for yourself and say NO and are assertive about what you don’t want then people will start to pick up on that. People will respect you more. At sa paglipas ng panahon ay kaunti na lang ang mga taong mapilit at pigilan ka. It’s OK to feel a bit guilty about saying no but you don’t have to act on it.
NUMBER 3
WALA SILANG PAKIALAM SA 'YO
Photo by Steve Johnson from Pexels
Kahit ano pa ang sasabihin mo, kahit ano pa ang gagawin mo, wala pa rin silang pakialam. Ang mga people pleasers kasi, iniisip nila na kapag natutuwa na ang mga tao sa kanila, may pakialam talaga sila. Pero sa totoo lang, hindi mo naman alam kung talaga bang natutuwa sila o hindi. Dahil hindi mo naman mababasa ang iniisip ng tao. Sa totoo lang, wala talaga silang pakialam sa 'yo. Ang mga tao ay puno ng pag-aalala tungkol sa kanilang sariling buhay. Puno ng pag-aalala tungkol sa kanilang mga anak, sa career nila, sa alagang hayop, libangan, pangarap. Ibig sabihin lang niyan na wala silang oras para isipin ka pa nila. Kaya bakit mo pa sila pini-please? This realization can make you feel less important. But it can also set you free.
NUMBER 4
TANGGAPIN MO ANG NEGATIBONG KOMENTO
Photo by Keira Burton from Pexels
Kung mahilig kang mag please ng tao, dapat kaya mo ring tanggapin ang negatibong komento nila. Ganito kasi 'yan, kahit na hinuhusayan mo ang isang bagay para naman magustuhan lang nila, hindi ka pa rin nila magugustuhan. At hindi na ikaw ang may problema. Nasa ugali nila ang problema at sa kanilang sitwasyon sa buhay ngayon at hindi tungkol sa ginagawa mo o hindi mo ginawa. Ang ilan pang mga bagay na makakatulong sa 'yo upang matrato ng maayos ang negatibong komento ng ibang tao ay: MAG-ISIP KA MUNA BAGO KA SUMAGOT. People pleasing is a negative behaviour so given na 'yan na negative din ang babalik sa 'yo. Huminga ka muna ng malalim. Sa pamamagitan nito, mababawasan mo ang peligro na lumubo ang sitwasyon. Ang pagpapakalma ng iyong sarili nang kaunti bago sumagot ay palaging isang magandang ideya. Pero tandaan mo 'to, pwede mo naman itong hayaan na lang. Hindi mo kailangang mag respond sa lahat ng mga negatibong mensahe na nakukuha mo. OK lang na may negative comments kang natanggap. Tandaan mo, mas magaan at mas simple ang buhay kung tanggapin mo ang pananaw at ideyang ito.
NUMBER 5
MAG SET KA NG BOUNDARIES
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Kung kaya mong magsabi ng HINDI sa 'yong sarili, kung may mahigpit kang boundaries, sa gayon ay magiging madaling gawin din ito sa ibang tao. At ang mga boundaries na ito ay makakatulong din sa 'yo upang higit na ituon ang iyong pansin sa pinakamahalaga sa 'yo.
NUMBER 6
PALAKASIN MO ANG IYONG SELF-ESTEEM
SELF-ESTEEM, pagpapahalaga sa sarili. Dapat SOLID. People pleasers are weak creatures. Nagpi-please sila ng mga tao dahil gusto nilang magpapansin. Bakit ang solidong self-esteem ay mahalaga? Kasi kung puno ka ng good habits sa buhay, hindi ka basta-bastang gagawa ng hindi nakakapagpasaya sa 'yo. At sa gayon nagiging mas natural na lang TUMANGGI kapag kailangan mo talagang TUMANGGI. At ang pagpuna at mga negatibong salita ay magba-bounce off sa 'yo nang mas madali. Plus, you’ll be less concerned about getting everyone else to like you all the time. Dahil ngayon mas gusto mo na ang iyong sarili at iginalang mo na ang iyong sarili at mawawala na ang pag-aalala mo tungkol sa kung ano ang mga iniisip nila tungkol sa 'yo. Kasi natutunan mo na kung paano tanggalin ang people pleasing habit.
NUMBER 7
MAGPOKUS KA LANG SA KAGUSTUHAN MO
Photo by Brett Jordan from Pexels
Hindi pwedeng ibang tao lang ang pinupokus mo. Kung alam mo kung ano ang pinakamahalaga para sa 'yo at ipokus mo lang ng straight ang iyong isipan sa bawat araw, sa gayon hindi ka na magdadalawang isip tanggihan ang mga bagay na ayaw mo, hindi ka na rin takot at titigil ka na rin sa pagiging people pleaser. Because now your energy and time is mostly focused on your needs and wants. Hindi ka na maaanod sa mga taong puro na lang may ipagawa sa 'yo kahit hindi mo naman gusto. But how do you do this practically? Tanungin mo ang iyong sarili: Ano ang pinakamahalagang bagay na gusto kong gawin sa buhay ko ngayon? Kapag alam mo na ang sagot, pagpokusan mo 'yan. 'Wag kang magpokus sa ibang tao. Unahin mo muna ang sarili mo.
Comments
Post a Comment