8 REASONS Why You Can't Save Money by Brain Power 2177
Ang dami mong utang 😂 😂 😂 JOKE LANG. Anyways, grabi… komon na talaga ang mga utang ngayon, no? May iba rin na nangungutang lang para ibayad naman sa ibang utang. Alam naman nating nakaka stress mangutang. At ang ganitong klaseng pangungutang ay MALI. Wala namang tao ang gustong mabaon sa utang, 'di ba? Pero bakit dumadami ang nababaon sa utang?
Ito ang 8 dahilan kung ba't wala kang matatagong pera:
1.
WALA KANG GINAWA
Alam naman natin na napaka importanteng mag ipon. Pero konti lang ang gumawa n'on. Alam kong gusto mong makaipon pero palagi mo na lang sinasabi na,
"tsaka na lang"
oohhh aminiiinnn..... Hindi ka nakapag ipon dahil intensyon mo talagang hindi mag ipon. At ang "tsaka na lang" ay ginawa mo ng habit. And that's a bad habit. Dapat kapag gusto nating mag ipon, NGAYON na agad. Bakit nga ba hindi natin inumpisahan? Kasi kulang tayo ng DISIPLINA sa sarili.
2.
YOLO or FOMO MINDSET
Isa ito sa mga rason kung bakit nahihirapan tayong mag ipon. Teka, alam mo ba ang YOLO at FOMO? You Only Live Once. Fear Of Missing Out. Palagi nating idinadahilan ang mga salitang 'to. Kapag natanggap mo ang sweldo, ano ba ang naiisip mo? ONE DAY MILLIONAIRE. Gala-gala kasama ang mga kaibigan. Lahat binibili kahit hindi kailangan. INSTANT GRATIFICATION kasi ang gusto ng maraming tao. Hindi ko naman sinasabi na 'wag mong enjoyin ang sarili mo. Yes you can. 'Wag mo lang ubusin lahat ng sweldo mo. Dapat alam mo ang ginagawa mo.
3.
BAHALA NA
Tayong mga pinoy palagi na lang tayong ganito eh… "BAHALA NA" hanggang sa dumating ang araw na magkakaproblema, NGA NGA. Bahala na attitude has negative connotation. Kailangan talagang may ipon ka para handa ka na sa anumang pagsubok pinansiyal. Hindi ko naman pinangarap na magkakaproblema ka pero darating 'yon eh… it hits us all. Handa ka na ba? Maghanda ka na, okay? Ipon 'pag may time? No, ipon ANYTIME.
4.
MAY SPESYAL NA OKASYON
Ang daming okasyon. Kasalan, birthdays, family reunions, fiesta at marami pang iba. Alam naman natin na panahon ito ng pagsasaya. Kaya hindi tayo nagpipigil. Nangugutang ang iba para lang may ihahanda sa okasyon. Sarap kumain, ang pait bayaran. Nakaka stress.
5.
"ALAM KO NA 'YAN" MINDSET
Kaya wala kang natutunan sa buhay kasi ALAM MO NA LAHAT, 'di ba? Hindi mo nga alam kung pa'no mag invest eh… hindi mo nga alam i-handle ang negosyo. Hindi mo nga alam mag ipon. Hindi ka umuunlad kasi ALAM MO NA LAHAT.
6.
SOBRA ANG GASTOS KAYSA SA KITA
Photo by Karolina Grabowska from Pexels
Ito naman ang ginagawa mo, 'di ba? Palagi mo lang binibili ang mga bagay na wala namang kwenta. Binibili natin ang bagay para lang may ipapakita sa ibang tao. Pilit na kinakaya kahit walang pera. Para lang magpa impress sa mga taong wala namang paki sa 'tin. Live within your means.
7.
WALA KANG PASENSYA
Ayaw mong mag ipon kasi ang tagal pang makuha ang bunga, 'di ba? Nakakasawang mag-ipon. Pero ang pasensya ang susi sa tagumpay.
8.
FINANCIAL ILLITERATE
Ibig sabihin na hindi mo alam ang tunay na halaga ng pera. Iniisip mo lang ang pera bilang pambili ng kagustuhan. Read financial literacy books.
Mag-ipon ka na ha?
Comments
Post a Comment