11 Red Flags sa Tao na Hindi Mo Dapat I-ignore By Brain Power 2177





Minsan, hindi naman problema ang kakulangan sa tao sa buhay mo kundi kung sino ang binibigyan mo ng oras. Hindi lahat ng kausap ay nakakatulong; may ilan na tahimik kang hinihila pababa habang iniisip mong okay lang. Kaya mahalagang matutunan kung sino ang dapat mong pakinggan at kung sino ang mas mabuting hayaan mo na lang.


Number 1
Huwag mong kausapin yung taong hindi marunong makinig


Ito yung isa sa pinaka nakaka-drain kausap. Alam mo yung pakiramdam na nagsasalita ka, nag-e-explain ka nang maayos, pero parang wala lang? Parang dumadaan lang sa hangin yung mga sinasabi mo. Dahil hindi talaga sila present sa usapan. They’re not listening to understand, they're just listening to respond, or worse, hinihintay lang nilang matapos ka para maipasok nila yung gusto nilang sabihin.

Ang hirap dito, lalo na kung importante sa’yo yung topic. Maybe you’re opening up about something personal, or you’re trying to fix a problem, or kahit simpleng kwento lang na gusto mong i-share. Pero imbes na maramdaman mong naiintindihan ka, parang nag-iisa ka pa rin. Parang invisible ka sa mismong conversation. And over time, mapapansin mo, nawawalan ka na ng gana magsalita. You start holding things in dahil alam mong hindi ka rin naman papakinggan.

Minsan, obvious eh. Ika-cut ka nila habang nagsasalita ka. Ire-redirect nila yung topic pabalik sa kanila. Or sasagot sila na halatang hindi naman connected sa sinabi mo, ibig sabihin, hindi talaga sila nakinig. Pero minsan hindi rin halata. They nod, they say “oo nga,” pero wala namang depth yung response. Walang follow-up, walang effort to understand. Surface-level lang lahat.

And here’s the truth: hindi mo responsibilidad turuan ang isang tao kung paano makinig kung paulit-ulit na niyang pinapakita na ayaw niya. Communication is a two-way street. Hindi pwedeng ikaw lang yung nag-e-effort, hindi pwedeng ikaw lang yung nag-aadjust. Kasi eventually, mauubos ka.

Kaya minsan, kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng tao magiging safe space mo. Hindi lahat deserving marinig yung thoughts mo, yung struggles mo, o kahit yung simpleng kwento mo sa araw mo. Protect your energy. Kung paulit-ulit mong nararamdaman na hindi ka pinapakinggan, baka oras na para tumahimik, not out of weakness, but out of self-respect.

Because the right people? They don’t just hear you, they listen. They pay attention. They make you feel seen, valued, and understood. At kapag naranasan mo yun, doon mo mare-realize kung gaano ka-importante ang simpleng pakikinig.


Number 2
Huwag mong kausapin yung taong puro reklamo pero walang ginagawa


Ito yung klase ng tao na parang laging may problema, pero hindi mo makita kahit konting effort para ayusin yung sitwasyon nila. Araw-araw may rant, may hinaing, palagi nilang sinasabi na “ang hirap ng buhay,” pero kapag tinanong mo kung ano na bang ginagawa nila para magbago yung sitwasyon, biglang tahimik. Or worse, may excuse na naman.

Nakaka-drain sila kausap kasi paulit-ulit lang yung cycle. Same complaints, same energy, same negativity, walang movement. Parang ikaw pa yung napapagod para sa problema nila. You try to listen, you try to give advice, you even try to help, but in the end, parang wala lang. Kasi hindi naman talaga nila gustong magbago, they just want to vent, over and over again.

At minsan, madadala ka rin. Habang pinapakinggan mo sila, unti-unti kang nahahawa sa mindset nila. You start seeing problems instead of solutions. You start feeling stuck kahit hindi ka naman dapat nag-iisip ng ganon. That’s the danger, hindi lang sila stagnant, kundi pwede ka pa nilang hilahin pababa without you realizing it.

May mga tao kasi na mas komportable sa reklamo kaysa sa aksyon. Kasi ang action, may kasamang risk, effort, at responsibility. Pero ang reklamo? Madali lang gawin. Kasi wala namang kailangan gawin e, puro salita lang. It gives them a temporary release without requiring real change. Kaya kahit gaano pa kaganda yung advice mo, kung ayaw nilang kumilos, nothing will happen.

And here’s the hard truth: hindi mo sila kayang iligtas kung ayaw nilang tulungan ang sarili nila. Hindi mo trabahong buhatin yung buhay ng ibang tao habang sila mismo ayaw gumalaw. You can care, yes but you also need to protect your peace.

Darating yung point na mapapaisip ka, “Ilang beses ko na ba ‘to narinig?” “Bakit ganun pa rin?” At doon mo mare-realize na hindi na healthy yung ganitong klaseng conversation. Kasi hindi na ito tungkol sa paghingi ng tulong, naging habit na siya ng pagiging stuck.

Minsan, kailangan mong umatras. Hindi dahil wala kang pakialam sa taong 'yon, kundi dahil may pakialam ka rin sa sarili mo. You can’t pour from an empty cup. At kung yung kausap mo ay puro reklamo pero walang ginagawa, baka mas mabuting ilaan mo na lang yung energy mo sa mga taong handang kumilos, handang mag-grow, at baguhin ang buhay nila.

Kasi sa totoo lang, hindi naman masamang magreklamo paminsan-minsan, tao ka lang eh. Pero kung reklamo na lang lagi, tapos walang aksyon, hindi na yun paglalabas ng sama ng loob. That’s choosing to stay stuck. At hindi mo kailangang manatili sa ganung klaseng energy.


Number 3
Huwag mong kausapin yung taong laging gusto sila ang bida


Kahit anong usapan, kahit saan ka magpunta, somehow umiikot pabalik sa kanila. Parang kahit hindi naman tungkol sa kanila, nagagawa pa rin nilang gawing tungkol sa kanila. You start sharing something, maybe a small win, a story, or even a struggle and biglang papasok sila with, “Ako nga eh…” or “Mas grabe yung nangyari sa’kin…” hanggang sa mapapansin mo, hindi ka na yung nagsasalita. Ikaw na yung nakikinig.

Sa umpisa, baka hindi mo masyadong napapansin. Baka isipin mo, okay lang, baka excited lang silang mag-share. Pero habang tumatagal, mapapansin mo na pattern na siya. Hindi lang once or twice, lagi na lang pabida. Laging sila ang may spotlight. Laging sila ang bida sa bawat eksena. At ikaw? Extra ka lang sa kwento nila.

Nakakapagod yung ganitong dynamic. Kasi ang healthy na conversation, give and take yan. May space para sa’yo, may space para sa kanila. Pero kapag puro sila lang, parang nawawala yung balance. You feel unheard, unseen, and eventually, unimportant. Kahit hindi nila diretsong sinasabi, yun yung pinaparamdam nila na mas mahalaga yung kanila kaysa sa’yo.

Minsan, hindi rin sila aware. Sanay lang sila na sila yung center of attention. Maybe lumaki sila na ganun ang environment, or maybe insecurity din na tinatago sa pagiging “bida.” Pero regardless ng dahilan, hindi mo kailangang i-tolerate yung ganitong behavior lalo na kung naapektuhan na yung peace mo.

Ang tricky pa dito, kapag sinubukan mong bumalik sa sarili mong kwento, minsan puputulin ka nila or i-o-overpower yung moment. So ang ending, ikaw na lang yung magba-back off. You stop sharing. You start shrinking yourself para lang mag-fit sa usapan. And that’s where it becomes unhealthy because you’re slowly losing your voice.

Real talk, hindi mo kailangang makipag-compete para lang marinig. Hindi mo kailangang sumigaw para lang mapansin. The right people will naturally give you space. Hindi mo kailangang mang-agaw ng spotlight, ang mga taong tunay, ibibigay nila yun sa’yo without you asking.

Kaya kapag napapansin mong palagi kang nasa gilid ng kwento ng isang tao, baka panahon na para tanungin mo ang sarili mo: “Gusto ko bang manatili sa ganitong setup?” Kasi sa tamang circle, hindi mo mararamdaman na extra ka lang. You’ll feel like you matter, like your voice counts, like your story deserves to be heard too.

At tandaan mo, hindi masama na gusto mong mapakinggan. Hindi yun pagiging selfish. That’s basic respect. And you deserve conversations where you’re not just present but valued.


Number 4
Huwag mong kausapin yung taong plastic, mabait sa harap mo,
pero iba ang sinasabi kapag wala ka


Ito yung klase ng tao na nakakalito at nakakapagod i-handle. Sa harap mo, all smiles, parang supportive, parang kampi sa’yo. Tatawa sa jokes mo, sasabihin pa nila “andito lang ako,” tapos ipaparamdam na safe kang mag-open. But the moment na wala ka na, biglang iba na yung kwento. May side comments, may lait, may kwentong baliktad ang dating. Parang may dalawang version sila, isa para sa’yo, at isa para sa ibang tao.

Ang hirap dito, hindi mo agad napapansin. Kasi syempre, who would suspect someone na mabait sa harap mo, diba? You give them your trust, your stories, even your vulnerabilities. Tapos malalaman mo later on na yun din pala yung ginagamit nila as topic kapag wala ka. That kind of betrayal hits differently, not loud, not dramatic, but deeply disappointing. Parang biglang nagkakaroon ng doubt lahat ng interactions n’yo. “Totoo ba yung mga sinabi niya sa’kin noon?” “Alin kaya dun ang genuine?”

Minsan, malalaman mo na lang through ibang tao. May magsasabi sa’yo, “Uy, iba yung sinasabi niya tungkol sa’yo.” At doon papasok yung confusion. Kasi hindi nagtutugma yung nakikita mo at yung naririnig mo. And that’s exactly how plastic people operate, magaling silang mag-maintain ng imahe, pero hindi consistent yung ugali nila behind your back.

The problem is, hindi lang trust ang nasisira, pati peace of mind mo. You start overthinking. You become more guarded. Nahihirapan ka nang magtiwala ulit, kahit sa mga taong sincere naman talaga. And that’s unfair, pero yun ang epekto ng ganitong klase ng tao.

Kaya importante rin na matutunan mong basahin hindi lang yung sinasabi ng tao, kundi yung consistency ng actions nila. Because real people are the same, whether you’re around or not. Walang double face, walang double story. What you see is what you get.

At kung mapansin mong may ganitong tao sa paligid mo, hindi mo kailangang gumawa ng eksena. Hindi mo kailangang makipag-confront kung ayaw mo. Sometimes, distance is enough. Quietly pulling your energy away is a powerful move. Hindi lahat ng laban kailangang harapin, yung iba, kailangan mo lang iwan.

Protect your space. Protect your name. Hindi mo kontrolado kung ano ang sasabihin nila kapag wala ka, pero kontrolado mo kung gaano sila kalapit sa buhay mo. Because at the end of the day, mas okay nang konti lang ang tao sa paligid mo, basta totoo kesa naman marami nga, pero hindi mo naman alam kung alin sa kanila ang genuine.


Number 5
Huwag mong kausapin yung taong mahilig mag-manipulate


Ito yung klase ng tao na hindi agad halata sa umpisa. Hindi sila laging lantaran na masama. In fact, minsan sila pa yung mukhang mabait, mukhang caring, o parang laging may concern sa’yo. Pero habang tumatagal, mapapansin mo na may mali. Parang may pattern. Parang lagi kang napupunta sa sitwasyon na ikaw yung nag-aadjust, ikaw yung nagso-sorry, kahit hindi mo naman kasalanan.

They don’t ask directly, iniikot nila ang sitwasyon para makuha nila yung gusto nila. Gagamit sila ng guilt, like “after everything I did for you…” or “ganito ka ba talaga?” Bigla mong mararamdaman na parang may utang ka sa kanila, kahit wala naman talaga. Minsan gagamit sila ng awa, magpapaka-victim para ikaw ang makonsensya. And before you even realize it, napapayag ka na sa bagay na una pa lang ayaw mo naman talaga.

Ang tricky dito, hindi mo agad napapansin kasi emotional ang target nila. Hindi logic. Hindi facts. They go straight sa feelings mo, your empathy, your kindness, your fear of losing them. Kaya kahit may part sa’yo na nagsasabing “parang mali na ‘to,” napapatahimik ka. Kasi ayaw mong maging “masamang tao” sa paningin nila.

Isa sa pinaka-common na ginagawa nila ay gaslighting. Yung tipong babaliktarin nila ang sitwasyon hanggang ikaw na mismo ang magduda sa sarili mo. Sasabihin pa nila, “Hindi ko sinabi ‘yan.” “Ikaw lang nag-iisip niyan.” “Sensitive ka lang.” Hanggang sa dumating sa point na hindi mo na alam kung tama pa ba ang nararamdaman mo. You start questioning your own reality.

At ang pinaka nakakapagod dito, hindi ito one-time thing. It’s a cycle. Paulit-ulit. Magiging okay kayo, tapos may mangyayari, tapos ikaw ulit yung maipit. And every time, unti-unti kang nauubos. Your confidence, your peace, even your identity parang kinukuha nila piece by piece.

Kaya kailangan mong maging honest sa sarili mo. Kung napapansin mong palagi kang confused, guilty, o emotionally drained pagkatapos makipag-usap sa isang tao, hindi na ‘yan normal. That’s not love, that’s not friendship, that’s control.

Hindi mo kailangang manatili sa ganung klase ng relasyon para lang patunayan na mabait ka. Hindi mo kailangang i-sacrifice ang mental health mo para lang mapasaya ang isang taong marunong lang kumuha pero hindi marunong magbigay nang tama.

Minsan, ang pinaka matapang na desisyon ay ang umiwas dahil alam mo na hindi ka puppet na pwedeng galawin kung kailan nila gusto. You deserve honesty. You deserve respect. At higit sa lahat, deserve mo ng mga taong hindi kailangang manipulahin ka para manatili ka sa buhay nila.


Number 6
Huwag mong kausapin yung taong insecure na dinadala ka pababa


Ito yung klase ng tao na hindi mo agad mapapansin sa umpisa. Kasi minsan, nakatago siya sa biro, sa “concern” daw, o sa kunwaring advice. Pero habang tumatagal, mararamdaman mo na lang kung bakit parang everytime na may ginagawa kang tama, may something na bumabawas sa confidence mo?

Ito yung tao na kapag may achievement ka, instead na pinalakpakan ka, may side comment. “Swerte mo lang ngayon.” Or “Hindi naman ganun kahirap yan.” Parang hindi pwedeng maging proud ka without them trying to downplay it. And slowly, it messes with your head. You start questioning yourself, “Talaga bang okay yung ginawa ko?” “Baka hindi naman ako ganun kagaling…”

Minsan hindi siya diretso. Hindi ka nila aatakihin head-on. Instead, icocompare ka nila sa iba. “Si ganito, mas magaling.” “Si ganun, mas mabilis naka-achieve.” At kahit hindi nila sinasabi directly, ramdam mong may underlying message: hindi ka sapat. And that’s dangerous, kasi kapag palagi mong naririnig yun, unti-unti mong pinaniniwalaan.

Ang totoo, hindi naman talaga ikaw ang problema. Sila yun. Their insecurity is so loud na kailangan ka nilang hilahin pababa para lang maramdaman nilang okay sila. It’s not about you being less, it’s about them feeling less. Kaya imbes na mag-grow, pipiliin nilang pigilan ka.

Nakakapagod din kasi minsan, iniisip mo “kaibigan ko to,” “close ko to,” kaya binibigyan mo ng benefit of the doubt. Pero habang tumatagal, napapansin mo na hindi ka na excited mag-share ng mga panalo mo. You hold back. You dim your light. You play small just to keep the peace. And that’s where it becomes toxic. Because you’re shrinking yourself para lang hindi sila ma-trigger.

Pero isipin mo, what kind of relationship is that? Yung kailangan mong i-limit ang sarili mo para lang maging comfortable ang ibang tao? That’s not support. That’s control in disguise.

You deserve people who clap for you when you win, not people who secretly wish you’d stay the same. You deserve friends who push you higher, not those who pull you down just to feel better about themselves.

Kaya kung may ganitong tao sa paligid mo, be aware. Hindi lahat ng negativity obvious. Minsan naka-smile pa yan. Minsan naka-“joke.” But if you constantly feel smaller around them, that’s your sign to distance yourself.

Hindi mo kailangang magpaliwanag. Hindi mo kailangang makipag-compete. Sometimes, the best move is distance. Protect your growth. Protect your confidence. Because the moment you start believing in yourself, hindi na sila magiging komportable at hindi mo na yun problema.


Number 7
Huwag mong kausapin yung taong ginagamit ang galit para kontrolin ka


Ito yung tipong hindi ka na nakikipag-usap, kundi parang naglalakad ka na lang sa paligid nila na parang may mines. Isang maling salita mo lang, isang maliit na pagkakamali, biglang sasabog. At dahil paulit-ulit mo na ‘tong naranasan, natuto ka na lang umiwas. You start adjusting your tone, your words, even your personality dahil ayaw mong magalit sila.

Sa simula, baka isipin mo normal lang. “Mainit lang talaga ulo niya.” “Ganun lang siya mag-express.” Pero habang tumatagal, mapapansin mo na may pattern. Kapag hindi nasunod ang gusto nila, magagalit. Kapag hindi ka sumang-ayon, magagalit. Kapag nag-set ka ng boundary, mas lalo pang magagalit. Ang ending? Ikaw na yung nag-a-adjust para walang gulo. Ikaw na yung nagso-sorry kahit hindi mo kasalanan. Ikaw na yung tahimik kahit may gusto kang sabihin.
That’s not healthy communication, that’s control.

Ginagamit nila ang galit bilang weapon. Kasi alam nila na kapag nagalit sila, matatakot ka. Kapag natakot ka, susunod ka. It becomes a cycle, anger, fear, compliance. And without realizing it, slowly nawawala yung boses mo. Nawawala yung confidence mo. Nawawala yung sense mo kung ano yung tama at mali, kasi nasanay ka nang i-prioritize yung reaction nila kaysa sa sarili mong feelings.

Ang mas delikado pa, minsan nagiging automatic na sa’yo. Kahit wala silang sinasabi, iniisip mo na agad kung paano sila magre-react. You overthink everything. You walk on eggshells. Hindi na peace ang hinahanap mo, silence na lang, para walang away.

Pero eto yung kailangan mong maintindihan: hindi mo responsibilidad na i-manage ang galit ng ibang tao. Hindi mo trabaho i-keep silang kalmado sa pamamagitan ng pag-sacrifice ng sarili mong comfort at boundaries. Respect is not built on fear. At ang relasyon, kahit friendship, pamilya, o romantic, hindi dapat umiikot sa takot.

You deserve conversations na may respeto, hindi sigawan. You deserve to express yourself without fear of backlash. At kung ang isang tao kailangan pang magalit para makuha ang gusto niya, hindi yun strength, kakulangan yun sa emotional control.

Minsan, ang pinaka-matapang mong gawin ay hindi makipagsabayan sa galit nila, kundi umatras. Piliin mo ang sarili mong kapayapaan. Kasi sa dulo, kinokontrol ka nila dahil hinahayaan mo. At may power ka na baguhin yun.


Number 8
Huwag mong kausapin yung taong nagdadala ng bisyo
o bad influence sa buhay mo


Ito yung klase ng tao na hindi mo agad napapansin kung gaano kalaki ang epekto sa’yo… hanggang sa unti-unti ka nang nag-iiba. Sa simula, parang harmless lang. Sasabihin pa nila sa 'yo, “Try mo lang,” “minsan lang naman,” “wag ka masyadong serious sa buhay.” Sounds fun, diba? Parang ikaw pa yung killjoy kapag tumanggi ka. But over time, yung “minsan” nagiging habit, at yung habit nagiging bahagi na ng lifestyle mo.

Ang tricky dito, hindi naman sila laging masama kausap. Minsan sila pa yung masaya kasama, yung laging may energy, yung nagpapatawa sa’yo kapag stressed ka. That’s why it’s dangerous. Kasi hindi mo agad mare-realize na habang sumasaya ka, unti-unti ka ring hinihila pababa. They normalize things na dati alam mong mali. They make bad decisions look okay, even cool. Hanggang sa dumating sa point na hindi mo na napapansin na lumilihis ka na pala sa direction na gusto mo talaga.

Mapapansin mo rin, kapag gusto mong magbago, bigla kang hihilahin pabalik. “Ang boring mo na,” “iba ka na,” “hindi ka na namin kilala.” And that hits different, lalo na kung matagal mo na silang kasama. Parang pinapapili ka between growth and belonging. Pero isipin mo kung kailangan mong sirain yung sarili mo para lang ma-accept ka, worth it ba talaga yun?

The truth is, environment shapes behavior. Kahit gaano ka kalakas mentally, kung araw-araw kang exposed sa maling influence, eventually maaapektuhan ka. Hindi ka robot. You absorb what you’re around. Kaya hindi sapat na sabihin mong “hindi ako magpapadala.” Kasi minsan, hindi mo namamalayan, nadadala ka na pala.

At hindi rin ito tungkol sa pagiging judgmental. Hindi mo sila kailangang i-hate o i-condemn. Pero kailangan mong maging honest sa sarili mo. Kung ang presence nila sa buhay mo ay naglalayo sa’yo sa goals mo, sa peace mo, at sa version ng sarili mong gusto mong maging then maybe it’s time to create distance.

Protect your future self. Hindi lahat ng masaya ay tama, at hindi lahat ng tama ay masaya sa simula. But in the long run, dun ka sa magbibigay sa’yo ng growth, clarity, at direction. Because at the end of the day, hindi mo pwedeng sisihin ang ibang tao sa choices mo pero may choice ka kung sino ang papayagan mong makaapekto sa mga desisyon mo.


Number 9
Huwag mong kausapin yung taong laging naghahanap ng away


Kahit gaano ka kalma, kahit gaano ka ka-careful sa words mo, parang laging may paraan sila para gawing issue ang lahat. Minsan hindi mo pa nga sinasabi nang direkta, nag-iinterpret na agad sila ng negatibo. Parang ang default setting nila is conflict, not understanding.

Nakakapagod kasi yung ganitong tao kausap. Kasi hindi normal na conversation ang nangyayari, parang lagi kang nasa defensive mode. Every word you say, you have to think twice. “Baka ma-misinterpret ‘to.” “Baka magalit na naman.” “Baka lumaki na naman ‘to sa wala.” And over time, instead na relaxed ka sa usapan, lagi kang tense. You’re not communicating anymore, you’re walking on eggshells.

May mga ganitong tao din na kahit maayos mo silang kausapin, maghahanap talaga sila ng mali. Kung mahinahon ka, sasabihin nila malamig kang kausap. Kung emotional ka, sasabihin nilang OA ka. Kung sumagot ka nang direkta, sasabihin nilang bastos ka. Parang kahit anong gawin mo, may laban pa rin. And honestly, that’s not communication, that’s provocation.

Ang pinaka-delikado dito, minsan hindi mo agad mapapansin na na-drag ka na sa cycle nila. Bigla mo na lang mare-realize na lagi kang involved sa arguments, lagi kang may issue, lagi kang may explanation na kailangang ipagtanggol. And that kind of environment slowly drains your peace. Dahan-dahan kang napapagod, hindi dahil mahina ka, kundi dahil paulit-ulit kang hinahatak sa conflict na hindi mo naman sinimulan.

There’s also a pattern na makikita mo, yung mga taong laging naghahanap ng away, madalas hindi naman talaga tungkol sa problema ang gusto nila. Minsan, gusto lang nila ng control, or validation, or attention. And conflict becomes their way of feeling powerful or seen. Pero sa process na yun, ibang tao yung nasasaktan.

Kaya importante rin na matutunan mong hindi lahat ng provocation kailangang sagutin. Hindi lahat ng issue kailangang i-explain hanggang sa maubos ka. Sometimes, silence is not weakness, it’s protection. Kasi kung lagi mong papatulan ang taong gustong makipag-away, hindi ka makakaalis sa cycle nila.

At sa totoo lang, peaceful people don’t thrive in constant conflict. Kung ang isang tao ay laging nagdadala ng gulo sa buhay mo, kahit gaano pa kayo katagal magkakilala, kahit anong history niyo, you have to ask yourself—“Is this connection giving me peace or stealing it?”

Because the end of the day, hindi ka ginawa para maging emotional punching bag ng kahit sino. You deserve conversations that feel safe, calm, and respectful, not battles you never signed up for.


Number 10
Huwag mong kausapin Yung taong mahilig mang-insulto “as a joke”


Ito yung klase ng tao na sasabihin nila yung masakit, tapos iha-habol nila agad, “Uy joke lang!” Parang magic word na biglang magpapawala ng epekto ng sinabi nila. But in reality, hindi nawawala yung impact. Na-absorb mo pa rin yun, naramdaman mo pa rin yun, kahit pa nilagyan nila ng tawa sa dulo.

Minsan hindi halata, minsan sobrang direct. “Ang taba mo na ah, haha joke lang.” “Wala ka talagang alam no, joke lang.” “Ang slow mo talaga, biro lang.” But deep inside, alam mo naman na hindi lahat yun harmless. Kasi kung joke talaga, bakit nasasaktan ka? Bakit may part sa’yo na biglang nagda-doubt sa sarili mo pagkatapos nilang magbiro?

Ang tricky dito, they often say it in a playful tone, so kapag nag-react ka, ikaw pa yung lalabas na sensitive. Bigla kang ma-guilt trip na “ang OA mo naman, biro lang naman yun.” So ang nangyayari, ikaw yung napipilitang lunukin yung discomfort mo para lang hindi maging “killjoy.” But slowly, it builds up. Every “joke” becomes a small scratch on your self-esteem.

And the worst part? Some people use humor as a disguise for disrespect. Kasi kapag sinabihan mo sila directly, they can always escape accountability. “Joke lang yun, hindi ka ba marunong tumawa?” “Ang hirap mo namang pasayahin.” Parang ikaw pa yung problema dahil hindi mo tinanggap yung insulto nila as comedy.

But here’s something important, healthy humor never makes someone feel small. Real jokes bring people closer, not farther apart. You should be able to laugh with someone, not feel like you’re the punchline all the time. Because there's a difference between being funny and being hurtful. And people who genuinely respect you, they know where the line is.

Eventually, you’ll notice something about yourself kapag laging ganito yung kausap mo. You start laughing even when it hurts. You start pretending na okay lang, kahit hindi na talaga okay. And that’s dangerous, because you’re slowly normalizing disrespect. You’re training yourself to accept pain as humor.

So it’s okay to set boundaries. It’s okay to say, “Hoy, hindi na nakakatawa para sa’kin.” And if they really value you, they’ll adjust. Pero kung lagi nilang iha-habol na “joke lang,” kahit alam na nilang nasasaktan ka na, that says more about them than about you.

At the end of the day, real respect doesn’t hide behind jokes. Real connection doesn’t need insults to be funny. And real friends don’t need to make you feel small just to make the room laugh.


Number 11
Huwag mong kausapin yung taong walang accountability


Ito yung klaseng tao na kahit halatang-halata nang sila yung may mali, somehow nagagawa pa rin nilang iwasan yung responsibility. Parang may built-in defense system sila na laging naka-automatic deny, deflect, or blame others. Kahit anong linaw ng sitwasyon, parang laging may ibang dahilan, ibang tao ang sinisisi, ibang circumstances ang nakikita basta hindi sila ang may mali.

Nakaka-frustrate kausap yung ganito kasi simple lang naman dapat ang principle: if you did something wrong, you own it. Pero sa kanila, parang ang hirap tanggapin na may pagkakamali sila. Instead of “sorry, I was wrong,” magiging “sorry pero kasi naman…” or worse, “ikaw kasi…” So imbes na ma-resolve yung issue, umiikot lang yung usapan hanggang sa mapagod ka na lang.

And the worst part? Kapag walang accountability yung tao, paulit-ulit yung pattern. Same mistake, same excuses, same cycle. Tapos ikaw yung laging naiiwan sa burden ng fixing things, explaining things, or even carrying the emotional weight of the situation. Parang ikaw pa yung nagiging “bad guy” just because you called them out.

Minsan hindi 'yan obvious. They can be charming, funny, or even convincing sa simula. Pero pag may problema na, doon lalabas yung tunay na ugali. And when someone cannot admit fault, they also cannot grow. Because growth requires honesty. It requires humility. And accountability is the first step of both.

Nakakapagod din kasi ikaw yung laging kailangan mag-adjust. Ikaw yung magpapakalma, ikaw yung mag-e-explain, ikaw yung maghahanap ng compromise. Pero sila? Parang laging out of reach pag usapang responsibility na. And over time, mapapansin mo na yung relationship or interaction becomes one-sided parang ikaw lang yung may role sa pag-maintain ng peace.

Here’s something real: hindi mo trabahong ayusin yung tao na ayaw magpa-ayos. Hindi mo responsibilidad na dalhin yung consequences ng choices nila just because hindi nila kayang panindigan yun. Kasi kapag hinayaan mo yun nang matagal, ikaw yung mauubos. Ikaw yung mapapagod emotionally, mentally, even spiritually.

At the end of the day, accountability is not about being perfect, it’s about being honest. It’s about saying, “I messed up,” without excuses, without shifting blame. At kung ang isang tao ay hindi kayang gawin yun, mahirap magkaroon ng healthy connection sa kanila. Because trust is built on responsibility, and without accountability, trust slowly breaks down.

So sometimes, the healthiest thing you can do is stop expecting accountability from someone who repeatedly avoids it. Not because you stopped caring, but because you finally started protecting your peace.

Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

10 Dark Psychology Tricks na Epektibo sa Lahat ng Tao By Brain Power 2177

God Is Talking To You (Don't Ignore These Signs) By Brain Power 2177