10 Klase ng Tao na Hindi Mo Dapat na Tulungan Bago Ka Maubos | Brain Power 2177
Alam mo, hindi lahat ng pagtulong ay tama. May mga pagkakataon na kahit mabuti ang intensyon mo, ikaw mismo ang nauubos.
May mga tao kasi na hindi mo napapansin, habang tinutulungan mo sila, unti-unti ka naman nilang ginagamit, pinapagod, at minsan, sinasaktan.
Hindi ito tungkol sa pagiging madamot. Ito ay tungkol sa pagiging matalino. Sa video na ito, pag-uusapan natin ang __ klaseng tao na dapat mong pag-isipang mabuti bago tulungan para hindi ka maubos, at para matuto kang pumili kung saan mo ilalaan ang oras, lakas, at kabutihan mo.
Number 1
Hindi marunong magpasalamat
May mga tao talagang kahit anong ibigay mo, kahit gaano ka mag-effort, parang kulang pa rin sa kanila. Hindi sila marunong magpasalamat. At mas masakit pa, minsan hindi lang sila tahimik, parang ina-assume pa nila na obligasyon mo ‘yon. Parang expected na nila na tutulong ka, na nandiyan ka, na sasalo ka without even a simple “thank you.”
Alam mo yung pakiramdam na ginawa mo na lahat? You gave your time, your energy, kahit minsan pera mo na rin. Tinulungan mo siya kahit pagod ka na, kahit may sarili ka ring problema. Tapos ang ending? Wala man lang appreciation. Walang acknowledgment. As if normal lang na gawin mo ‘yon para sa kanila.
Doon ka mapapaisip eh kung ginagamit ka lang ba.
Kasi ang totoo, hindi naman kailangan ng engrandeng pasasalamat. Hindi mo hinihingi na purihin ka o sambahin ka. Minsan, isang simpleng “salamat, na-appreciate ko ‘yon” sapat na. Pero kapag kahit ‘yon wala, ibang usapan na ‘yon. That’s not just pagiging makakalimutin, that’s a sign of entitlement.
At kapag nasanay ka na laging nagbibigay sa taong hindi marunong magpasalamat, unti-unti kang nauubos. Hindi mo agad mapapansin, pero darating yung point na parang ikaw na lang yung nagbibigay, ikaw na lang yung nag-aadjust, ikaw na lang yung nag-iintindi. One-sided na. Hindi na siya tulong, parang responsibility na pinataw sa’yo na hindi mo naman pinili.
Mas delikado pa, kapag sinubukan mong huminto o mag-set ng boundaries, bigla kang lalabas na masama. Bigla kang sasabihang nagbago ka, na hindi ka na katulad ng dati. Pero ang hindi nila nakikita, matagal ka nang napapagod. Matagal ka nang umaasa kahit konting appreciation man lang.
Real talk, hindi lahat ng tao deserve ng unlimited help mo. May mga tao na habang tinutulungan mo, mas lalo silang nasasanay na umasa. Hindi sila natututo tumayo sa sarili nila, kasi alam nilang nandiyan ka lagi. And instead na mag-grow sila, lalo lang silang nagiging dependent. Tapos ikaw? You feel drained, taken for granted, and sometimes even disrespected.
Kaya mahalaga na matuto kang magbasa ng tao. Kapag napapansin mong walang appreciation, walang pagbabago, at paulit-ulit lang yung cycle… it’s okay to step back. Hindi ka selfish. Hindi ka madamot. You’re just protecting your energy.
Kasi ang tunay na marunong magpasalamat, kahit maliit na bagay, mararamdaman mo. Hindi mo kailangan hanapin, kusa 'yang lalabas. At kapag ganun ang tinutulungan mo, hindi ka nauubos, mas lalo ka pang ginaganahan tumulong. Pero kapag kabaligtaran? Kahit gaano ka kabait, kahit gaano ka kagiving, mauubos ka rin.
At hindi mo kasalanan kung pinili mong tumigil. Sometimes, the best lesson you can give someone is your absence para matutunan nilang hindi lahat ng tao laging nandiyan para sa kanila.
Number 2
Nagdudulot ng gulo sa buhay mo
May mga tao na kapag pumasok sa buhay mo, parang automatic na may kasamang gulo. Hindi mo naman hiniling, hindi mo naman plano pero bigla na lang nadadamay ka. At ang masaklap, minsan ikaw pa yung nauubos kahit ikaw naman yung tumutulong.
Alam mo yung tipong gusto mo lang maging mabuting kaibigan, mabuting kapamilya, o simpleng tumulong sa nangangailangan. Pero habang ginagawa mo ‘yon, unti-unti kang hinihila pababa. Biglang ikaw na yung nai-stress sa problema na hindi naman sa’yo. Ikaw na yung napupuyat, nag-ooverthink, at nadadamay sa drama na pwede namang iwasan kung hindi ka lang nasangkot.
It starts small. Siguro may kaibigan kang laging may kaaway. Lagi siyang may issue sa ibang tao, may issue sa work, sa pamilya, sa barkada. Tapos ikaw, bilang mabait, papakinggan mo siya. You try to understand, you try to help. Pero habang tumatagal, napapansin mo na parang hindi natatapos yung gulo. Parang cycle na lang. One issue after another.
Hanggang sa hindi mo namamalayan, ikaw na rin yung nadadamay. Nadadamay ka sa away na hindi mo naman sinimulan. Nadadamay ka sa toxic environment na hindi mo naman pinili. At worst, pati reputation mo naapektuhan dahil lang sa koneksyon mo sa taong ‘yon. That’s when you need to ask yourself, “Tulong pa ba ‘to, o self-destruction na?”
Kasi hindi lahat ng taong may problema ay kailangan mong iligtas. Lalo na kung yung problema nila, sila rin mismo ang gumagawa. May mga tao kasi na parang magnet ng gulo. Kahit saan sila mapunta, may conflict. At kapag pinili mong manatili sa tabi nila, parang automatic na kasama ka sa chaos na dala nila.
At ang pinaka-dangerous dito, unti-unti kang nasasanay. You normalize the stress. You justify their behavior. Sasabihin mo, “Ganito lang talaga siya,” or “Kailangan niya lang ng tulong.” Pero deep inside, ramdam mo na may mali na. Ramdam mong ikaw na yung nawawala sa sarili mo. You start losing your peace.
Yung dating tahimik ang isip mo, biglang puno na ng problema. Yung dating simple lang ang buhay mo, biglang komplikado na. At minsan mapapansin mo na lang, ikaw na rin yung nagiging irritable, pagod, emotionally drained… kahit wala ka namang sariling issue.
That’s the cost of helping the wrong people. Hindi ibig sabihin na masama kang tao kapag pinili mong lumayo. Hindi ibig sabihin na wala kang pakialam. Minsan, kailangan mo lang tanggapin na hindi mo kayang ayusin ang buhay ng iba lalo na kung sila mismo ayaw ayusin ang sarili nila.
Because at the end of the day, you are responsible for your own peace. At kung may tao na paulit-ulit na nagdadala ng gulo sa buhay mo, kahit gaano mo pa siya kagustong tulungan, you have to draw the line. You have to protect your space, your energy, your sanity. Kasi kung hindi mo gagawin ‘yon, ikaw ang mawawala. Ikaw ang masisira. And no one deserves that lalo na kung ang intensyon mo lang naman ay tumulong.
Number 3
Ayaw tulungan ang sarili
May mga tao na kahit anong tulong ang ibigay mo, parang wala pa ring nangyayari. Hindi dahil kulang yung effort mo kundi dahil sila mismo, ayaw tulungan ang sarili nila.
Ito yung klase ng tao na lalapit sa’yo, mag-oopen up, iiyak pa minsan, hihingi ng advice pero pagkatapos mong ibigay lahat ng kaya mong ibigay, wala. Walang aksyon. Walang pagbabago. Paulit-ulit lang yung problema, parang naka-loop. Same story, different day.
Nakakapagod, diba? Kasi bilang tao, natural sa’yo tumulong. Gusto mong gumaan yung sitwasyon nila. Gusto mong maging okay sila. Kaya nagbibigay ka ng oras, nag-iisip ka ng solusyon, minsan ikaw pa yung mas nag-aalala kaysa sa kanila. But deep inside, napapansin mo na parang ikaw lang yung gumagalaw. And that’s the problem.
Hindi mo kayang iligtas ang taong ayaw iligtas ang sarili niya. Masakit ‘yon tanggapin, pero totoo. Kahit anong advice ang ibigay mo, kahit gaano pa ‘yan ka-logical o ka-simple, kung wala silang willingness na kumilos, wala ring mangyayari. You can guide them, you can support them, but you cannot live their life for them.
Minsan pa nga, mapapansin mo na gusto lang nila maglabas ng sama ng loob, pero ayaw nila ng solution. Kapag binigyan mo ng practical steps, bigla silang may dahilan na hindi raw nila kaya, mahirap daw gawin, baka hindi raw gumana. Lagi silang may excuse. Laging may resistance.
At habang tumatagal, ikaw yung nauubos. Kasi nag-iinvest ka emotionally. Nakikinig ka, nag-aalala ka, nagbibigay ka ng energy pero walang return. Walang progress. Parang nagbubuhos ka ng tubig sa basong may butas. Kahit anong lagay mo, hindi napupuno. Doon pumapasok yung realization na hindi lahat ng tao ready magbago kahit gaano pa kahirap yung sitwasyon nila.
Minsan, mas pipiliin nilang manatili sa comfort zone nila, kahit toxic na, kahit sila na yung nasasaktan. Because change is uncomfortable. Change is scary. At hindi lahat handang harapin ‘yon. Pero ang tanong, hanggang kailan ka sasabay sa cycle nila?
Kasi kung patuloy kang tutulong sa taong ayaw tulungan ang sarili niya, hindi lang siya ang hindi uusad, pati ikaw, madadamay. Mauubos ka. Mapapagod ka. At darating yung point na ikaw naman ang mangangailangan pero wala ka nang maibigay, kahit sa sarili mo.
That’s why boundaries are important.
Hindi ibig sabihin na wala ka nang pakialam. Hindi ibig sabihin na masama ka. Ang ibig sabihin lang, naiintindihan mo na may limitasyon ang kaya mong gawin. You can only meet people as far as they’re willing to meet themselves.
Kung hindi sila kikilos, hindi mo sila mahihila.
At minsan, the best help you can give is not constant rescue kundi space. Space para maramdaman nila yung consequences ng mga choices nila. Space para mapilitan silang kumilos. Space para matutunan nilang walang ibang gagawa ng buhay nila kundi sila lang. Kasi sa dulo ng araw, kahit gaano ka kabait, kahit gaano ka ka-supportive, hindi ikaw ang magbabago ng buhay nila. Sila pa rin.
Number 4
Nanghihiram pero hindi nagbabayad
May mga tao na ang daling lumapit kapag may kailangan lalo na pag pera ang usapan. Ang bilis mag-message, ang haba ng paliwanag, ang daming dahilan. Minsan may kasamang drama, minsan may pa-urgent pa. At dahil mabait ka, dahil ayaw mong may nahihirapan, nagpapahiram ka. You tell yourself, “Okay lang, babayaran din naman ‘to.”
Pero alam mo kung saan nagiging masakit?
Yung bayaran na, biglang tahimik. Sini-seen ka na lang. Or worse, ikaw pa yung mahihiyang maningil. Ikaw na nga tumulong, ikaw pa ang parang may utang na loob. Relatable, ‘di ba?
Kasi sa umpisa, tiwala ang pinapairal mo. You believe in their words. Ang daming pangako. At gusto mong paniwalaan, kasi ayaw mong isipin na gagamitin ka lang.
Pero habang tumatagal, napapansin mo na pattern na siya. Hindi lang isang beses. Hindi lang aksidente. Habit na. Nanghihiram… tapos nawawala kapag oras na ng bayaran. O kaya naman magbabayad man, sobrang tagal, parang ikaw pa ang nag-a-adjust sa schedule nila.
At doon mo mararamdaman yung frustration. Hindi dahil sa pera lang.kundi dahil sa disrespect. Kasi ang utang, hindi lang yan tungkol sa amount. It’s about trust. It’s about integrity. Kapag hindi ka binayaran, hindi lang pera ang nawala sa’yo pati respeto sa’yo bilang tao.
Mas mahirap pa, kapag sinubukan mong maningil, bigla kang lalabas na masama. Sasabihin nila, “Ang liit na bagay, pinapalaki mo.” O kaya, “Grabe ka naman, wala ka bang tiwala?” Minsan may pa-guilt trip pa, parang ikaw pa ang insensitive dahil naniningil ka.
Pero teka lang… pera mo ‘yon. Pinaghirapan mo ‘yon. Pinagpaguran mo ‘yon. Hindi ‘yon basta nahulog lang sa’yo. So bakit ikaw ang mahihiyang kunin yung sa’yo?
This is where you need to draw the line. Hindi masamang tumulong. Hindi masamang magpahiram. Pero mali na kapag paulit-ulit ka nang niloloko ng parehong tao, at pinipili mo pa ring magbulag-bulagan. Kasi at some point, hindi na lang sila ang may kasalanan, kasama ka na rin, dahil hinahayaan mong mangyari ulit at ulit.
May mga tao kasi na hindi natututo hangga’t hindi sila nahihirapan. Habang may nagpapahiram sa kanila, hindi nila nararamdaman ang consequence ng aksyon nila. And unfortunately, ikaw yung nagiging safety net nila. Ikaw yung sumasalo sa irresponsibility nila. Kaya minsan, the most powerful word you can say is “No.”
Simple, pero ang bigat. Kasi alam mong may reaction, alam mong baka magalit sila, baka lumayo. Pero isipin mo rin kung ang relasyon niyo ay nakabase lang sa kung may maibibigay ka, relasyon pa ba ‘yon?
At kapag natuto kang tumanggi, hindi ibig sabihin nagbago ka na bilang tao. It means nag-grow ka. You’re choosing to respect yourself this time. Kasi ang taong marunong magbayad, hindi mo kailangang habulin. Hindi mo kailangang paalalahanan ng paulit-ulit. Sila mismo ang lalapit sa’yo, kasi naiintindihan nila na hindi biro ang hiniram nila.
Pero yung taong laging may dahilan, laging may excuse, at walang effort na tuparin ang pangako… that’s someone you need to be careful with. Hindi lahat ng nangangailangan ay dapat mong sagipin. Minsan, kailangan din nilang matutunan kung paano tumayo sa sarili nilang paa kahit wala ka.
At tandaan mo, hindi ka bangko. Hindi ka emergency fund ng iba. Tao ka rin na may limitasyon. Protect your peace. Protect your money. At higit sa lahat, protect your respect sa sarili mo.
Number 5
Paulit-ulit na nanloloko
May mga tao na minsan ka lang niloko, pwede mo pang palampasin. Pwede mong sabihin, “Siguro nagkamali lang siya.” Pero iba na kapag paulit-ulit. Ibang usapan na ‘yon. Hindi na ‘yon simpleng pagkakamali, choice na ‘yon.
Alam mo yung pakiramdam na binigyan mo na siya ng chance? Tapos isa pa. Tapos isa pa ulit. Kasi umaasa ka na baka magbago na. Baka this time, magiging totoo na siya. Baka this time, hindi ka na masasaktan. Pero ang ending, same story… same lies… same disappointment. At doon ka unti-unting napapagod.
Kasi bawat panloloko, hindi lang ‘yan about sa ginawa nila. It’s about trust. Every time na niloloko ka, parang may piraso ng tiwala mo na nawawala. At ang masakit, ikaw pa yung nag-eeffort buuin ulit ‘yon, habang sila… parang wala lang.
Minsan pa nga, ang kapal ng mukha, sila pa yung galit kapag nahuli mo. They flip the situation. Bigla kang mapapaisip kung ikaw ba yung mali? That’s manipulation. That’s how they keep you stuck.
At kung hindi ka magiging maingat, masasanay ka. Masasanay ka sa bare minimum. Masasanay ka sa excuses. Masasanay ka sa “sorry” na walang kasunod na pagbabago. You start accepting less than what you deserve, kasi iniisip mo, “At least nandiyan pa siya.”
But real talk, kung ang isang tao paulit-ulit kang niloloko, malinaw na ‘yan. Hindi na niya nirerespeto yung tiwala mo. Hindi ka niya pinapahalagahan the way you deserve. Kasi kung mahalaga ka talaga sa kanya, matatakot siyang masaktan ka. Matatakot siyang mawala ka.
Pero kung hindi siya natatakot? Ibig sabihin, kampante siya na kahit anong gawin niya… tatanggapin mo pa rin siya. At doon ka dapat magising.
Hindi mo trabahong ayusin ang taong ayaw magbago. Hindi mo responsibilidad turuan siya kung paano maging tapat. Hindi mo kailangan ubusin ang sarili mo para lang patunayan na worth it kang mahalin o respetuhin.
You deserve honesty. You deserve peace of mind. Yung hindi mo kailangan mag-overthink gabi-gabi kung totoo ba sinasabi niya o hindi. Yung hindi mo kailangang magduda sa bawat kilos niya. Kasi ang totoo, ang taong gusto maging totoo… magiging totoo. Walang palusot. Walang paulit-ulit na kasinungalingan.
Kaya kung paulit-ulit ka nang niloloko, hindi ka na tanga kung nasaktan ka. Tao ka lang. Pero magiging choice mo na kung mananatili ka sa cycle na ‘yan. And sometimes, the strongest thing you can do is walk away not because you stopped caring, but because you finally chose yourself.
Number 6
May masamang intensyon
May mga tao na lalapit sa’yo na parang kailangan nila ng tulong… pero ang totoo, may iba silang agenda. Hindi agad halata. Minsan mabait ang approach, minsan pa-victim, minsan parang sobrang genuine. Pero deep inside, may masamang intensyon at kapag hindi ka naging maingat, ikaw ang magiging daan para mangyari ‘yon.
Alam mo yung pakiramdam na parang may “off”? Yung may kutob ka pero binabalewala mo kasi ayaw mong mag-isip ng masama sa kapwa? That’s exactly where it starts. Kasi as a good person, gusto mong tumulong. Gusto mong magtiwala. Gusto mong isipin na lahat ng tao may mabuting side. Pero hindi lahat ng lumalapit sa’yo ay may malinis na hangarin.
May mga tao na gagamitin ang kabaitan mo bilang shortcut para makuha ang gusto nila. They will say the right words, act the right way, even pretend that they care… pero ang end goal nila is para lang mapakinabangan ka. Pwedeng pera, koneksyon, impormasyon, o kahit simpleng pabor na makakasakit sa iba.
At ang pinaka-delikado dito, minsan hindi lang ikaw ang maaapektuhan. Dahil sa pagtulong mo sa taong may masamang intensyon, pwede kang maging bahagi ng problemang hindi mo naman sinasadya. Parang unknowingly, nagiging instrumento ka para may masaktan, malinlang, o maloko.
Isipin mo, tinulungan mo siya kasi akala mo kailangan niya. Pero later on, malalaman mo na ginamit lang pala niya ‘yon para makapanglamang ng iba. Ang bigat nun. Hindi lang dahil niloko ka, kundi dahil nadamay ka sa bagay na labag sa prinsipyo mo.
That’s why hindi sapat na mabait ka lang. Kailangan matalino ka rin. Hindi porke’t humihingi ng tulong, automatic na dapat mong ibigay. Hindi porke’t mukhang kawawa, totoo na agad ang kwento. You have to observe. You have to listen carefully not just sa sinasabi nila, kundi sa ginagawa nila.
Kapag may inconsistency, kapag may red flags, kapag may pakiramdam ka na parang may mali… huwag mo ‘yang i-ignore. Your intuition exists for a reason. Hindi ka nagiging judgmental—nagiging aware ka lang.
Kasi ang taong may malinis na intensyon, kahit tulungan mo o hindi, hindi ka ilalagay sa alanganin. Hindi ka gagamitin. Hindi ka dadalhin sa sitwasyon na ikakapahamak mo. Pero ang taong may masamang intensyon? Kahit hindi obvious, unti-unti kang hihilahin pababa kasama nila.
At kapag huli mo na narealize, minsan sira na ang tiwala mo, sira na ang peace of mind mo, at worst… sira na rin ang reputasyon mo. So learn to protect yourself. Hindi lahat ng tulong ay dapat ibigay. Hindi lahat ng lumalapit ay dapat pagkatiwalaan. Sometimes, the strongest thing you can say is “pass muna ako” kahit wala kang solid na ebidensya, basta alam mong may mali.
Kasi sa mundong ‘to, hindi lang kabaitan ang kailangan para maging safe. Kailangan mo rin ng discernment. Dahil may mga tao talagang lalapit sa’yo na parang nangangailangan… pero ang totoo, naghahanap lang sila ng taong pwede nilang gamitin. At huwag mong hayaan na ikaw ‘yon.
Number 7
Inggit at mapanira
May mga tao na kahit anong bait mo sa kanila, kahit anong tulong ang ibigay mo, may kakaibang bigat kapag sila na ang kaharap mo, hindi dahil may ginawa kang mali, kundi dahil may dala silang inggit. At ang mas delikado, hindi lang sila naiinggit… naninira pa.
Alam mo yung tipo na sa harap mo, okay sila. Nakangiti, parang supportive, parang proud pa sa’yo. Pero pag talikod mo, doon na lumalabas ang tunay na kulay. May side comments, may parinig, may kwentong binabaluktot para lang bumaba ka sa paningin ng iba. Quiet sabotage kumbaga. Hindi lantaran, pero ramdam mong may mali.
Minsan nga mapapaisip ka, “Bakit? Anong ginawa ko?” Pero ang totoo, hindi ikaw ang problema. Sila ‘yon.
Insecurity has a very subtle but dangerous way of showing itself. Instead na i-improve nila ang sarili nila, mas pinipili nilang hilahin ka pababa. Kasi mas madali ‘yon. Mas komportable silang sirain ka kaysa ayusin ang sarili nila.
At mas masakit pa, kadalasan, sila pa yung mga taong tinulungan mo. Yung pinagbigyan mo, yung pinakinggan mo, yung sinuportahan mo noong wala silang kakampi. Tapos ngayon, sila pa yung unang magpapakalat ng negativity tungkol sa’yo. That hits different.
Kasi hindi ka lang nasasaktan, napapatanong ka rin sa sarili mo kung mali bang tumulong. Kung mali bang maging mabait. Kasi parang ang balik sa’yo, paninira. Ganito ang realidad: hindi lahat ng tinutulungan mo, matutuwa sa pag-angat mo. May iba na habang tumataas ka, lalo silang nakakaramdam ng inggit. At imbes na gawing inspirasyon ka, gagawin ka nilang target.
Mapapansin mo ‘yan sa maliliit na bagay. Yung compliment na may halong insulto. Yung “buti ka pa” na may kasamang bigat. Yung hindi sila masaya kapag may good news ka, pero alert na alert kapag may problema ka. That’s not normal. That’s not support. That’s envy slowly turning into destruction.
At kapag ganitong klase ng tao ang tinutulungan mo, parang binibigyan mo lang sila ng mas maraming pagkakataon na mas makilala ka… at mas makahanap ng paraan para sirain ka.
Kaya kailangan mong maging wise. Hindi sapat na mabait ka lang, kailangan marunong ka ring mag-observe. Kasi hindi lahat ng ngiti, totoo. Hindi lahat ng “I’m happy for you,” genuine.
Protect your peace. Protect your progress.
Hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa kanila. Hindi mo kailangang ipilit ang kabutihan mo sa taong baliktad ang puso. Sometimes, the best move is to distance yourself quietly. Walang drama, walang confrontation kung hindi kailangan. Just step back. Hayaan mong ang actions nila ang mag-expose sa kanila.
At tandaan mo, ang taong tunay na para sa’yo, hindi maiinggit sa success mo. Hindi ka sisirain sa likod mo. Sila pa yung unang magce-celebrate kapag may naabot ka.
So kapag may napapansin kang inggit at paninira, huwag mo nang pilitin. Hindi mo trabaho baguhin ang ganung klaseng tao.
Ang trabaho mo? Ingatan ang sarili mo. At piliin kung sino lang ang dapat mong tulungan… kasi hindi lahat, deserve ng kabutihan mo.
Number 8
Mapagmanipula
May mga tao na hindi direktang nananakit… pero marunong maglaro ng isip at emosyon mo. Hindi sila obvious sa una. Sa simula, parang mabait, parang kawawa, parang kailangan lang ng konting tulong. Pero habang tumatagal, mapapansin mo na parang may mali, parang lagi kang napupunta sa sitwasyon na ikaw ang talo, ikaw ang pagod, ikaw ang nag-aadjust. Ito yung mga taong mapagmanipula.
Hindi nila sasabihin nang diretso kung ano ang gusto nila. Instead, gagamit sila ng guilt. Yung tipong, “Ikaw lang kasi ang maaasahan ko,” o kaya “Sige, okay lang, sanay naman akong walang tumutulong sa’kin.” Bigla kang makakaramdam ng awa… at bago mo pa ma-realize, napapayag ka na. You didn’t choose to help freely, you were pushed into it emotionally.
Minsan, gumagamit sila ng pa-victim strategy. Kahit sila yung may kasalanan, sila pa yung lalabas na kawawa. They twist the story just enough para ikaw ang makaramdam ng guilt. Mapapaisip ka tuloy, “Ako ba yung mali?” kahit deep inside, alam mong hindi.
At ang pinaka-delikado dito, hindi mo agad napapansin. Because they don’t attack you directly. Dahan-dahan. Subtle. Parang slow poison. Hanggang sa dumating yung point na hindi mo na kilala sarili mo, lagi ka nang nag-aadjust, lagi ka nang natatakot tumanggi, lagi mo nang inuuna yung feelings nila kaysa sa sarili mo.
Alam mo yung pakiramdam na parang may utang ka sa kanila kahit wala naman talaga? That’s manipulation.
Gagamit sila ng words, ng tone, ng silence… para kontrolin ka. Minsan, tatahimik sila para ikaw ang maghabol. Minsan, magiging sweet sila kapag may kailangan, tapos biglang cold kapag nakuha na nila. It’s a cycle. Push and pull. At ikaw, naiipit sa gitna.
Tapos kapag nag-set ka ng boundary? Bigla kang lalabas na masama. Sasabihin nila nagbago ka na, na hindi ka na tulad ng dati. They will make you question yourself. They will make you feel guilty for choosing yourself.
Pero eto ang totoo, real people who care about you will respect your boundaries. Hindi ka nila pipilitin. Hindi ka nila paparamdamin na obligado ka.
Ang manipulative na tao, hindi humihingi… kumukuha. Hindi sila nagre-request… nagko-control. At kung hindi ka magiging aware, mauubos ka. Emotionally, mentally, even physically. Kasi hindi lang oras mo ang kinukuha nila, pati peace of mind mo.
Kaya mahalagang matutunan mong pakinggan ang instinct mo. Kapag may nararamdaman kang discomfort, confusion, o guilt na hindi mo ma-explain… stop. Think. Hindi lahat ng “awa” dapat sinusundan. Hindi lahat ng “sad story” kailangan mong solusyunan. You are not a puppet. Hindi ka dapat kontrolin ng kahit sino gamit ang emosyon mo.
At tandaan mo, hindi ka masamang tao kung pipiliin mong umiwas sa mga ganitong klase ng tao. Hindi ka madamot kung tatanggi ka. In fact, that’s strength. That’s self-respect. Kasi sa mundo na puno ng manipulation, ang pinakamahalaga mong protektahan… ay yung sarili mo.
Number 9
Walang respeto sa boundaries mo
May mga tao na hindi talaga marunong rumespeto ng boundaries mo. Yung tipong kahit ilang beses mo nang sinabi na “hanggang dito lang,” parang hindi nila naririnig. O mas malala, naririnig ka nila pero sinasadya nilang balewalain. Parang sa isip nila, optional lang ang limitasyon mo na pwede pa rin nilang i-push kapag gusto nila.
Sa simula, maliit lang ‘yan eh. Tatawag sila kahit gabi na, kahit alam nilang nagpapahinga ka. Magme-message sila ng paulit-ulit kahit hindi ka agad sumasagot. Sasabihin mo “busy ako,” pero ang sagot nila “sandali lang naman.” Yung “sandali lang” na ‘yon, biglang magiging oras-oras ng abala sa’yo.
Hanggang sa dumating ka sa point na napapansin mo na hindi ka na talaga free. Parang laging may nakaabang na kailangan ka, laging may gustong kunin sa oras mo, sa attention mo, sa energy mo. And slowly, hindi mo na maramdaman yung peace na dati meron ka.
Ang mahirap pa, kapag nag-set ka ng boundary, ikaw pa yung lalabas na masama. Bigla kang magiging “cold,” “selfish,” or “nagbago.” Pero ang hindi nila gets, hindi ka nagbago overnight. Matagal ka nang inuubos, paunti-unti, hanggang sa wala ka nang matira para sa sarili mo.
There’s a big difference between helping someone and being controlled by someone. Kapag walang respeto sa boundaries mo, hindi na tulong ang nangyayari, parang ikaw na yung nag-aadjust sa buhay nila habang nawawala yung sarili mong space.
Minsan simple lang yung request mo: “wag muna ngayon,” “kailangan ko ng time for myself,” or “hindi ko kaya ngayon.” Pero sa kanila, parang hindi valid ‘yan. Parang lagi nilang iniisip na mas importante yung kailangan nila kaysa sa nararamdaman mo.
At doon nagsisimula yung pagod na hindi lang physical, kundi emotional. Yung klase ng pagod na kahit tulog ka, hindi nawawala. Kasi hindi lang oras mo yung nauubos pati yung sense of control mo sa sarili mong buhay.
Real talk, kapag paulit-ulit na hindi iginagalang ang boundaries mo, hindi na ‘yon misunderstanding. Pattern na ‘yon. And patterns like that, if you keep allowing them, will slowly teach people that it’s okay to overstep you.
Kaya mahalaga na matuto kang manindigan. Hindi mo kailangan maging rude, hindi mo kailangan sumigaw, but you need to be firm. Kasi every time you say “yes” when you really mean “no,” you’re teaching people that your boundaries are negotiable.
At kapag natuto kang panindigan ‘yan, doon mo makikita kung sino talaga ang nirerespeto ka, at kung sino yung gusto lang ng access sa’yo without regard for your peace.
Kasi at the end of the day, ang totoong nagmamalasakit sa’yo, hindi ka ipipilit. Hindi ka susubukang i-overstep. They will respect your “no,” even if it’s inconvenient for them.
Number 10
Sumisira sa mental health mo
May mga tao na akala mo normal lang tulungan, pero habang tumatagal, hindi mo namamalayan… sila na pala yung unti-unting sumisira sa mental health mo. Hindi siya biglaan. Hindi siya isang bagsakang pagod. Dahan-dahan siya. Parang everyday unti-unti kang nauubos hanggang sa mapansin mo na lang, “Bakit parang wala na akong energy kahit sa sarili ko?”
Kaya importante na matutunan mong huminto, kahit minsan lang. Huminga ka. Mag-step back. Tanungin mo sarili mo, “Kumusta na ba ako?” Kasi kung lagi mong inuuna ang lahat ng tao, pero ikaw hindi mo na ma-prioritize… darating talaga yung point na ikaw na yung mawawala sa sarili mo.
And remember this: you are not a machine for fixing other people’s problems. You are a person too. You need care, rest, and respect. Kasi kung hindi, kahit gaano ka kabait, kahit gaano ka ka-giving… mauubos ka rin.

Comments
Post a Comment