Hindi Ikaw ang Problema, Yung Iniisip Mo Lang (9 Eye-Opening Truths) By Brain Power 2177





Minsan, hindi naman talaga mabigat ang buhay. Nagiging mabigat lang dahil sa dami ng bagay na pinipili nating problemahin. Kung mapapansin mo, hindi lahat ng iniisip mo ay dapat mong dalhin araw-araw. May mga bagay na okay lang bitawan. Pero ang tanong, ano ang mga bagay na 'yon?

Sa video na ‘to, pag-uusapan natin ang 9 bagay na pwede mong tigilan nang problemahin para mas gumaan kahit papaano ang takbo ng isip at buhay mo.


NUMBER 1
Huwag mong problemahin yung timeline ng buhay mo kumpara sa iba


Nag scroll ka sa social media, tapos makikita mo: may ka-batch ka na may sariling bahay na, may iba na engaged na, may iba na six digits na ang income, tapos ikaw… parang nag-iisip ka pa rin kung tama ba yung path mo. And deep inside, may boses na nagsasabi, “Dapat nandito na rin ako ah…”

Pero eto yung hindi mo nakikita. Hindi pare-pareho ang starting point ng bawat tao. Hindi pare-pareho ang opportunities. Hindi pare-pareho ang struggles na pinagdadaanan. Yung timeline nila, hindi blueprint ng buhay mo.

Kasi kung iisipin mo, parang race lang ‘yan pero hindi ito sprint na sabay-sabay kayong tumatakbo sa iisang track. Iba-iba kayo ng lane, iba-iba ng haba ng dadaanan, at iba-iba ng obstacles. So bakit mo iko-compare yung takbo mo sa takbo nila?

Minsan kasi, you’re measuring your behind-the-scenes against someone else’s highlight reel.

Yung nakikita mo online, “success.” Pero hindi mo nakita yung breakdowns nila, yung failures, yung mga gabi na gusto na rin nilang sumuko. Hindi mo nakita yung proseso kaya ang dating sa’yo, ang bilis ng progress nila, habang ikaw parang stuck. Pero ang totoo, hindi ka stuck. You’re just in a different phase.

May mga season talaga sa buhay na tahimik. Yung parang walang nangyayari. Walang malaking breakthrough, walang dramatic na success. Pero doon ka hinuhubog. Doon ka pinapalakas. Doon ka pinapaready sa next level na hindi mo pa nakikita ngayon.

And here’s the truth na mahirap tanggapin pero kailangan mong marinig: hindi ka late, nagiging impatient ka lang.

Because we live in a world na gusto lahat instant. Instant success, instant money, instant validation. Pero ang real growth? Mabagal ‘yan. Minsan boring pa nga. Kaya kapag kinukumpara mo yung sarili mo sa iba, parang minamadali mo yung proseso mo. Parang sinasabi mo sa sarili mo, “Dapat tapos na ako dito.” Kahit hindi pa naman talaga. But what if… you’re exactly where you need to be right now?

What if yung delay na nararamdaman mo is actually protection? Or preparation?
Kasi hindi naman goal ng buhay na mauna. Ang goal is makarating ka na buo ka, handa ka, at hindi ka nawasak sa pagmamadali. So next time na maramdaman mong nahuhuli ka, tumigil ka sandali. Remind yourself: “Hindi ko kailangang makipagkarera sa timeline ng iba.”

Focus ka lang sa sarili mong pace. Sa sarili mong growth. Kasi sa dulo, hindi naman paramihan ng achievements ang labanan, kung hindi kung gaano ka naging totoo sa journey mo. Take your time. Hindi ka nahuhuli.
You’re just becoming.


NUMBER 2
Huwag mong problemahin yung hindi pa nangyayari


Ito yung isa sa pinaka-sneaky na dahilan kung bakit ka napapagod kahit wala ka namang ginagawa.

Yung tipong nakahiga ka lang, tahimik ang paligid, pero ang utak mo… ang ingay. Bigla kang mag-iisip, “Paano kung mag-fail ako?” “Paano kung hindi ako mag-succeed?” “Paano kung i-judge nila ako?” Hanggang sa dumami na nang dumami yung “what ifs” mo, at hindi mo namamalayan, kinakain ka na ng sarili mong isip. And the crazy part? Wala pa namang nangyayari.

You’re stressing over scenarios na hindi pa totoo. Parang gumagawa ka ng sariling horror movie sa utak mo.

Ganito kasi ‘yan… ang mind mo, gusto ka niyang protektahan. So ang ginagawa niya, iniisip niya lahat ng pwedeng mangyaring mali para maging “handa” ka. Sounds helpful, right? Pero minsan, sumosobra na.

Instead na makatulong, nagiging prison siya.
Kasi habang iniisip mo yung worst-case scenario, nararamdaman na ng katawan mo yung stresskahit wala pa namang actual na problema. Tumitibok ang puso mo, nai-stress ka, napaparalyze ka… all because of something na baka hindi naman mangyari.
You’re suffering twice. Once in your imagination, and once kapag nangyari talagal, kung mangyari man. And most of the time, hindi naman mangyari.

Ilang beses ka na bang nag-aalala dati na akala mo katapusan na ng mundo… pero nung dumaan na, napaisip ka, “Ba’t ko ba ‘to pinroblema nang sobra?”

Ganun tayo madalas. We borrow pain from the future. Imbes na gamitin mo yung energy mo sa present, inuubos mo siya sa mga bagay na wala ka pang kasiguraduhan. Kaya tuloy, hindi ka makagalaw. Hindi ka makapag-decide. Hindi ka makapag-take ng risk. Kasi sa isip mo, natalo ka na agad, even before ka pa sumubok.

Pero paano kung baliktarin mo?
Instead na puro “what if something goes wrong,” tanungin mo rin sarili mo, “What if everything works out?” “What if mas okay pa pala ang mangyayari kaysa sa iniisip ko?”
Hindi naman kasi automatic na negative ang future. Pero dahil sa fear, doon tayo naka-focus.

The truth is, hindi mo makokontrol ang future. Kahit anong overthink mo, hindi niya mapipigilan ang mangyayari. Ang kaya mo lang kontrolin… kung paano ka gagalaw ngayon.

So instead na paulit-ulit mong i-replay yung mga bagay na wala pa, try mo bumalik sa present. Huminga ka. Tingnan mo kung anong nasa harap mo. Ano yung kaya mong gawin ngayon kahit maliit lang. Kasi doon nagsisimula ang tunay na pagbabago. Hindi sa imagination. Kundi sa action.

At tandaan mo ‘to, hindi lahat ng iniisip mo ay totoo. Minsan, kwento lang ‘yan ng takot mo.
Don’t let a future that hasn’t happened yet… steal your peace today.


NUMBER 3
Huwag mong problemahin yung mga bagay na outside your lane


Ito yung isa sa pinaka-underrated na dahilan kung bakit nauubos ang energy mo, yung pakikialam sa mga bagay na hindi naman talaga para sa’yo.

Alam mo ‘yung pakiramdam na parang ang dami mong iniisip, pero kapag tinignan mo nang mabuti, hindi naman lahat ng problema na ‘yon ay sa’yo? May issue sa ibang tao, may drama sa paligid, may desisyon na hindi mo naman kontrolado… pero somehow, dinadala mo pa rin sa isip mo. That’s what happens kapag lumalabas ka sa “lane” mo.

Parang nagda-drive ka sa highway, tapos imbes na mag-focus ka sa sarili mong lane, lagi kang nakatingin sa ibang sasakyan. “Bakit ang bilis niya?” “Bakit siya nag-overtake?” “Bakit ganun yung takbo niya?” Hanggang sa hindi mo napapansin, nawawala ka na sa sarili mong direksyon. Ganun din sa buhay.

Hindi mo kailangang makialam sa lahat ng issue. Hindi mo kailangang mag-react sa bawat opinyon. Hindi mo kailangang i-solve ang problema ng lahat ng tao sa paligid mo.
Kasi kapag ginawa mo ‘yan, ang nangyayari, nagiging crowded ang isip mo. You start carrying emotional weight na hindi naman talaga sa’yo. Stress na hindi mo dapat pinapasan. Responsibility na hindi mo naman obligasyon.

Halimbawa, may dalawang taong may conflict. Hindi ka naman involved, pero pinipilit mong intindihin, kampihan, o ayusin. Hanggang sa ikaw na yung napapagod, ikaw pa yung naaapektuhan emotionally. Sa dulo, mapapaisip ka, “Bakit parang ako pa yung drained?” Because you stepped outside your lane.

Minsan din, nakikisawsaw tayo sa desisyon ng iba. Kahit hindi naman sila humihingi ng advice. And when things don’t go the way we expect, tayo pa yung naiinis o nadidisappoint.
Pero ang totoo? Hindi natin buhay ‘yon. You have your own lane. Sarili mong goals, sarili mong healing, sarili mong growth. Doon pa lang, puno na ‘yan. Hindi mo na kailangan dagdagan ng problema ng iba.

Hindi ibig sabihin na magiging selfish ka. It just means you’re setting boundaries.
May difference ang pagiging caring sa pagiging over-involved. Pwede kang makinig, pwede kang mag-support, pero hindi mo kailangang akuin lahat. Hindi mo kailangang gawing mission ang ayusin ang buhay ng iba.

Kasi kapag lagi kang nasa lane ng iba, napapabayaan mo yung sarili mong takbo.
And here’s the reality, hindi mo makokontrol ang buhay ng ibang tao, pero kaya mong kontrolin kung saan mo ilalagay ang energy mo. So choose wisely.

Tanungin mo sarili mo minsan: “Concern ko ba talaga ‘to? May control ba ako dito? Makakatulong ba kung iisipin ko pa ‘to?”
Kung ang sagot ay hindi, then let it go. Protect your peace. Stay in your lane. Kasi doon ka lang talaga makakausad nang maayos, kung saan ka dapat.


NUMBER 4
Huwag mong problemahin yung pagkakaroon ng bad days


May mga araw talaga na gigising ka… pero parang ayaw mong bumangon. Hindi dahil tamad ka. Hindi dahil wala kang pangarap. Pero parang may bigat sa dibdib mo na hindi mo ma-explain. Yung simpleng bagay na ginagawa mo araw-araw, biglang ang hirap gawin. Kahit mag-reply sa messages, kahit mag-focus, kahit ngumiti, parang effort lahat.
And on those days, ang pinaka-dangerous na nangyayari hindi yung bad day mismo… kundi yung iniisip mo tungkol sa sarili mo.
“Bakit ganito ako ngayon?” “Ang hina ko naman.” “Dapat okay lang ako eh.”
Tapos doon na nagsisimula yung spiral. From a bad day… nagiging bad thoughts… hanggang feeling mo, parang ikaw na yung problema.

Pero eto yung kailangan mong maintindihan: having a bad day doesn’t mean you have a bad life. Hindi ibig sabihin na dahil hindi ka productive today, failure ka na. Hindi ibig sabihin na dahil hindi ka masaya ngayon, wala nang magandang mangyayari. It just means… tao ka.

Even the strongest people you look up to, may days din sila na pagod, drained, at wala sa sarili. The difference? Hindi nila ginagawang permanent yung temporary feeling. Kasi ang emotions, parang alon ‘yan. Minsan mataas, minsan mababa. Pero hindi siya steady. Kung ano man yung nararamdaman mo ngayon, lilipas din ‘yan.

Ang problema kasi, minsan pinipilit mong labanan agad. Pinipilit mong maging okay kahit hindi ka pa okay. Pinipilit mong maging productive kahit ubos ka na. Tapos kapag hindi mo nagawa, mas lalo mong sinisisi yung sarili mo.

What if… instead of fighting it, you allow it?
Hindi ibig sabihin na susuko ka. Ang ibig sabihin lang, bibigyan mo yung sarili mo ng space para huminga. Kasi minsan, ang kailangan mo lang hindi motivation… kundi pahinga. Hindi ka robot. Hindi ka designed para laging “on.” Kahit phone nga, kailangan i-charge. Ikaw pa kaya?

So kapag may bad day ka, hindi mo kailangang ayusin lahat agad. Hindi mo kailangang i-figure out ang buong buhay mo in one day. Pwede mong sabihin sa sarili mo, “Today, I’ll just survive.”
And that’s okay. Kasi minsan, showing up kahit nahihirapan ka, that’s already strength.

Minsan, yung simpleng pagbangon mo, pagkain mo, paghinga mo, panalo na ‘yon.
At tandaan mo, hindi nasisira ang buong kwento ng buhay mo dahil lang sa isang pangit na chapter. Bad days are part of the process. Hindi sila sign na mali ka, sign sila na napapagod ka lang.

So be gentle with yourself. Hindi mo kailangang maging okay araw-araw. Hindi mo kailangang maging strong palagi. Ang importante, hindi ka sumusuko, even on your worst days.


NUMBER 5
Huwag mong problemahin yung opinion ng mga taong hindi ka naman kilala deeply


Ito yung isa sa pinaka-common na dahilan kung bakit nawawala yung peace mo—yung sobra mong pag-iisip sa opinion ng mga taong, kung tutuusin, hindi ka naman talaga kilala.

Ang bigat no? Isang comment lang, isang tingin lang, isang opinyon lang… tapos buong araw mo na siyang dinadala.

May magsasabi, “Ang yabang mo naman,” kahit hindi ka naman nagsasalita. May mag-iisip, “Hindi siya magaling,” kahit hindi ka pa nila nakikita mag-perform. Minsan nga, kahit simpleng post mo lang, may interpretation agad sila na malayo sa kung sino ka talaga.

And the problem is, pinapaniwalaan mo.
You start questioning yourself. “Ganun ba talaga ako?”
You start shrinking. “Baka dapat hindi ko na lang gawin ‘to…”

Pero eto yung kailangan mong marealize: hindi nila alam yung buong story mo.
Hindi nila alam yung pinagdaanan mo bago ka naging ganyan. Hindi nila alam yung struggles mo, yung insecurities na nilalabanan mo, yung growth na tahimik mong ginagawa. Ang nakikita lang nila ay isang maliit na parte ng buhay mo. Isang snapshot. Isang moment.
And yet, hinahayaan mong yung maliit na observation nila ang mag-define ng buong pagkatao mo. Parang hinayaan mong ang stranger ang magsulat ng kwento ng buhay mo kahit wala naman siyang alam sa plot.

Real talk: people will always have something to say. Kahit anong gawin mo, may masasabi sila. Kapag tahimik ka, sasabihin nila “mahiyain” ka. Kapag expressive ka, sasabihin nila “papansin.” Kapag nag-improve ka, may magsasabing “nagbago ka na.” So anong point na i-please mo sila? You can’t win that game.

At masakit man tanggapin, minsan yung mga taong pinakamalakas magbigay ng opinion… sila pa yung hindi naman invested sa growth mo. Hindi sila yung nandiyan kapag nahihirapan ka. Hindi sila yung tutulong kapag bumagsak ka. Pero sila yung unang may sasabihin kapag may nakita silang mali.

So bakit mo ibibigay sa kanila yung power na kontrolin yung tingin mo sa sarili mo?
Here’s a shift na makakatulong sa’yo: not all opinions deserve access to your mind. Kung ang isang tao hindi ka naman kilala deeply then bakit magiging valid ang judgment niya tungkol sa’yo?

Hindi ibig sabihin na sarado ka sa feedback. May mga criticism na kailangan mo ring pakinggan lalo na kung galing sa mga taong kilala ka, mahal ka, at gusto kang makita na mag-grow. Pero iba ‘yon sa random opinions na walang depth, walang context, at minsan galing pa sa projection ng sarili nilang insecurities.

Kasi minsan, hindi ka nila jina-judge dahil sa kung sino ka… kundi dahil sa kung ano ang nakikita nila sa sarili nila kapag nakikita ka.
And once you understand that, something changes. Hindi ka na basta-basta natitinag. Hindi ka na agad naapektuhan. Hindi dahil wala kang pakialam kundi dahil alam mo na kung sino ka. You become grounded.

Kasi at the end of the day, mas importante yung tingin mo sa sarili mo kaysa sa tingin ng taong hindi ka naman talaga kilala. So next time na may marinig kang opinion na parang sumasakit yung loob mo, ask yourself: “Kilalang-kilala ba ako ng taong ‘to para paniwalaan ko siya?” Kung hindi… maybe it’s time to let it go. Protect your mind. Protect your identity. Hindi lahat ng boses deserve ng space sa utak mo.


NUMBER 6
Huwag mong problemahin yung mga bagay na wala ka nang kontrol


Kasi natural sa’tin bilang tao, gusto natin hawak natin lahat. Gusto natin sigurado. Gusto natin predictable ang outcome. Pero ang realidad? Hindi ganun ang buhay. May mga bagay talagang kahit anong isip mo, kahit anong worry mo, kahit anong “what if” mo… hindi na magbabago.

Yung mga nangyari na sa past. Kahit balikan mo pa ‘yan ng paulit-ulit sa isip mo, hindi mo na mababago yung outcome. Pero minsan, ginagawa pa rin natin, nire-replay natin yung scenario sa utak natin, iniisip natin, “Sana ganito sinabi ko… sana ganito ginawa ko…”
And without realizing it, you’re mentally living in a place na wala ka nang power.

Ganun din sa mga bagay na hawak ng ibang tao, yung decisions nila, yung feelings nila, kung paano ka nila tratuhin. Kahit anong effort mo, hindi mo kayang kontrolin kung pipiliin ka nila o hindi. Kahit gaano ka kabait, hindi mo kayang i-force ang respeto o pagmamahal.
And that’s painful. Kasi gusto mo sana ayusin. Gusto mong i-fix. Pero hindi lahat naaayos ng effort.

Minsan, kahit ibigay mo na yung best mo, wala pa rin. Not because kulang ka pero dahil hindi talaga para sa’yo yung sitwasyon.

Ito yung part na mahirap pero freeing at the same time: you have to learn when to let go.
Hindi ibig sabihin na wala kang pakialam. Hindi ibig sabihin na sumuko ka. Ang ibig sabihin lang… tinatanggap mo na may hangganan ang control mo. Cuz the more na pinipilit mong kontrolin ang hindi mo kaya, the more kang napapagod. Para kang humahawak ng tubig, habang mas hinihigpitan mo, mas lalo lang siyang nawawala.

And honestly, a lot of your stress doesn’t come from the situation itself, galing ‘yan sa pagpilit mong kontrolin ang isang bagay na hindi naman talaga controllable. What if instead na i-control mo lahat, you shift your focus?
Instead of asking, “Paano ko babaguhin ‘to?”
Try asking, “Paano ako magre-respond dito?”
Kasi doon ka may power. Sa response mo. Sa mindset mo. Sa kung paano mo haharapin yung sitwasyon. You can’t control everything but you can control how you show up.

At kapag natutunan mong i-let go yung mga bagay na wala ka nang control, parang may bigat na mawawala sa dibdib mo. Parang first time, makahinga ka ulit nang maayos.
Hindi na kailangan pilitin. Hindi na kailangan i-overthink. Hindi na kailangan i-fix lahat.
Minsan, ang pinaka-mature na move na pwede mong gawin… is to accept things as they are, and choose peace anyway. Kasi hindi lahat ng laban, kailangan mong ipanalo. Yung iba, kailangan mo lang bitawan.


NUMBER 7
Huwag mong problemahin yung iniisip ng ibang tao tungkol sa’yo


Ito yung isa sa pinaka-nakakapagod na habit, yung lagi mong iniisip kung ano ang tingin ng ibang tao sa’yo. Yung tipong kahit simpleng galaw lang, ino-overanalyze mo. “Okay lang ba sinabi ko?” “Baka ang awkward ko kanina.” “Baka hindi nila ako gusto.” Tapos paulit-ulit mo ‘yang nire-replay sa utak mo, parang naka-loop na video na hindi mo ma-stop.

And the truth is… most of the time, ikaw lang ang nagbibigay ng sobrang bigat sa moment na ‘yon. Kasi habang ikaw, iniisip mo kung anong impression mo sa kanila, sila rin, busy kakaisip kung anong impression nila sa ibang tao. Everyone is caught up in their own world. Hindi ka nila pinagmamasdan 24/7 the way you think they are.

Pero gets naman kung bakit ganito. Natural sa’tin na gusto nating matanggap tayo ng iba. Gusto nating magustuhan tayo. Ayaw nating ma-judge. It’s human. Pero nagiging problema na siya kapag doon na umiikot yung decisions mo, kapag hindi mo na ginagawa yung gusto mo kasi natatakot ka sa sasabihin nila. Doon ka na unti-unting nawawala. Kasi imbes na maging totoo ka sa sarili mo, nag-a-adjust ka para lang mag-fit. You filter your personality. You shrink yourself. You hold back your opinions. Lahat para lang masabing “okay ka” sa mata ng iba.

Pero eto yung reality na minsan mahirap tanggapin: kahit anong gawin mo, may masasabi at masasabi pa rin ang tao. You can be kind, and someone will say you’re weak. You can be confident, and someone will say you’re arrogant. You can stay quiet, and someone will say you’re boring. Walang version ng sarili mo na universally approved ng lahat.

So kung ganon din lang… bakit mo pa ibibigay sa kanila yung control kung paano mo i-live yung buhay mo?

Imagine mo, you’re living your life based on opinions na pabago-bago, subjective, at kadalasan hindi naman talaga about sa’yo. Minsan, projection lang ‘yan ng sariling insecurities nila.

At eto pa, masakit pero totoo: yung mga taong pinaka-kinatatakutan mong ma-judge ka… malamang hindi ka naman talaga ganon ka importante sa araw-araw nilang iniisip. Hindi dahil wala kang halaga kundi dahil lahat tayo may sarili-sariling mundo na iniintindi. So habang ikaw, natatakot mag-post, mag-salita, mag-try, dahil baka may masabi sila… ikaw din ang nawawalan ng pagkakataon na ma-express kung sino ka talaga.

You miss opportunities. You miss growth. You miss being yourself. And here’s a shift na makakatulong sa’yo: instead of asking, “Anong iisipin nila sa’kin?” try asking, “Ano bang gusto kong gawin, kahit walang nanonood?”
That’s where freedom starts.

Kasi kapag dumating ka sa point na okay ka kahit may magustuhan ka man o hindi, doon mo mararamdaman yung gaan. Yung hindi ka na controlled ng external validation. Yung kaya mo nang maging sarili mo without constantly looking over your shoulder.

Hindi ibig sabihin nito na wala ka nang pakialam sa lahat. It just means pinipili mo kung kaninong opinion ang may bigat. At sa totoo lang, hindi dapat lahat may access sa peace of mind mo.

So unti-unti, sanayin mo sarili mo na i-let go ‘yan. Hindi overnight mawawala, pero every time na pipiliin mong maging totoo kaysa mag-pretend, you’re taking your power back.
At doon nagsisimula yung totoong confidence, hindi yung galing sa approval ng iba, kundi yung galing sa tahimik na paniniwala na “okay na ako kahit hindi nila ako maintindihan.”


NUMBER 8
Huwag mong problemahin yung rejection


Isa ‘to sa pinaka-masakit na maranasan, lalo na kapag binigay mo na yung best mo. Yung tipong nag-effort ka, nag-invest ka ng time, ng feelings, ng energy tapos sa dulo, hindi ka pa rin pinili. Masakit ‘yan. Walang sugarcoat. Kahit gaano ka katatag, may part sa’yo na mapapatanong: “Ano bang kulang sa’kin?”
And that question… minsan ‘yan pa yung mas masakit kaysa sa rejection mismo.

Kasi ang tendency mo, you take it personally. Iniisip mo na baka hindi ka enough. Na baka may mali sa’yo. Na baka kung mas magaling ka lang, mas maganda, mas matalino, mas confident, baka pinili ka na.

Pero eto yung hindi agad nare-realize ng karamihan… Rejection is not always a reflection of your worth. Minsan, reflection lang ‘yan ng fit.

Parang sapatos lang ‘yan. Kahit gaano kaganda yung sapatos, kung hindi kasya sa paa mo, hindi mo pipilitin isuot, ‘di ba? Hindi ibig sabihin pangit yung sapatos, hindi lang talaga siya para sa’yo. Ganun din sa buhay.

May mga pagkakataon na hindi ka pinili, hindi dahil kulang ka, kundi dahil hindi kayo aligned. Hindi kayo match. Hindi para sa path na tatahakin nila, o sa direction na pupuntahan mo. Pero dahil tao ka, mas madali mong sisihin sarili mo kaysa tanggapin na hindi lang talaga ikaw yung para doon.

And here’s the dangerous part…
Kapag paulit-ulit mong dinidikit yung rejection sa identity mo, unti-unti mong binababa yung tingin mo sa sarili mo. You start shrinking. Nagse-settle ka. Natatakot ka nang sumubok ulit. You start playing small, just to avoid getting hurt again.

Pero isipin mo ‘to…
What if every rejection is actually redirection?
What if yung “no” na ‘yan is saving you from something na hindi mo pa nakikita? From a situation na eventually masasaktan ka rin, o mapipilitan kang baguhin yung sarili mo para lang mag-fit? Kasi hindi lahat ng opportunity na gusto mo, makakabuti sa’yo. At hindi lahat ng taong gusto mo, tama para sa’yo.

Minsan, rejection is protection in disguise.
Hindi mo lang siya nakikita ngayon kasi focused ka sa pagkawala, sa hindi nangyari. But in the long run, doon mo mare-realize na may dahilan kung bakit hindi nag-work.
And here’s something you need to hear…
Hindi mo kailangang ipilit yung sarili mo sa lugar o sa taong hindi ka kayang piliin.

You deserve to be chosen, hindi yung pinipilit mo lang kumbinsihin sila na piliin ka. Kasi ang tamang tao, ang tamang opportunity, hindi mo kailangang habulin ng todo. Hindi mo kailangang baguhin yung core mo para lang mag-fit. They will see you. They will value you. Without you begging for it.

So oo, masakit ang rejection. Ramdamin mo ‘yan. Valid ‘yan. Pero huwag mong hayaang i-define ka nito. Kasi hindi ka “rejected person.” Isa ka lang taong nasa proseso ng paghahanap kung saan ka talaga belong.

And one day, darating ka sa lugar na hindi mo na kailangang magtanong kung enough ka ba kasi mararamdaman mo na lang na tanggap ka, buo ka, at sakto ka. Hanggang doon, keep showing up. Keep trying. Kasi bawat rejection, hindi katapusan, isa lang siyang step papunta sa tamang “yes.”


NUMBER 9
Huwag mong problemahin lahat ng sasabihin ng critics


Ito naman yung isa sa pinaka-common na struggle, yung bigat ng opinion ng ibang tao. Yung tipong isang comment lang, isang side remark, isang “parang hindi bagay sa’yo ‘yan ah,” tapos buong araw mo na siyang iniisip.
Ang hirap no? Kahit gaano ka ka-confident, minsan may isang boses talaga na tumatagos. Pero eto yung reality na kailangan mong tanggapin: hindi lahat ng opinion ay mahalaga at hindi lahat ng critics ay dapat pinapakinggan.

Kasi kung iisipin mo, ang daling magsalita. Anyone can have an opinion. Libre lang ‘yan. Kahit sino pwedeng magbigay ng comment tungkol sa buhay mo, sa mga desisyon mo, itsura mo, ginagawa mo. Pero hindi ibig sabihin na dahil may sinabi sila, may bigat na agad ‘yon.

Minsan kasi, binibigyan mo ng mic yung mga taong hindi naman qualified magsalita sa buhay mo. Think about it. Yung taong nagki-criticize sa’yo, kilala ka ba talaga nun? Alam ba niya yung pinagdaanan mo? Yung sacrifices mo? Yung reasons mo kung bakit mo ginagawa ‘yung ginagawa mo? Most of the time, hindi. They’re judging a chapter they didn’t even read.

Kaya kapag masyado mong pinapakinggan ang critics, parang hinahayaan mong sila ang magsulat ng kwento mo. Parang ikaw yung main character, pero sila yung may hawak ng script. And that’s dangerous.

Kasi unti-unti, mababago ka not because you’re growing, but because you’re trying to fit into expectations na hindi naman para sa’yo.
Minsan pa nga, yung criticism nila hindi naman talaga tungkol sa’yo. Projection lang ‘yan. Insecurities nila, frustrations nila, or even jealousy, nilalabas lang nila sa’yo.

So kung tatanggapin mo lahat ng sinasabi nila, parang sinasalo mo rin yung bigat na hindi naman dapat sa’yo. Pero hindi rin ibig sabihin na isasara mo na lahat ng tenga mo. There's a difference between constructive criticism at destructive noise.

Yung constructive, kahit masakit pakinggan, may laman. May intent na makatulong. May direction kung paano ka gaganda o gagaling.
Pero yung destructive? Walang ambag. Puro lait, puro doubt, puro negativity, walang solusyon, walang malasakit. Learn to filter. Hindi lahat ng sinasabi sa’yo ay dapat mong dalhin.

Kasi kung papansinin mo lahat, mapapagod ka lang. Mauubos energy mo kakaisip kung paano mo ipu-prove yung sarili mo sa mga taong hindi naman satisfied kahit anong gawin mo.

And here’s the truth: kahit anong gawin mo, may masasabi at masasabi pa rin sila.
Kung magaling ka, sasabihin nila mayabang ka. Kung tahimik ka, sasabihin nila wala kang pangarap. Kung sumubok ka ng bago, sasabihin nila hindi ka sigurado sa buhay mo.
So if you can’t please them anyway… why are you still living for their approval? Mas okay pang piliin mong makinig sa mga taong may ambag sa growth mo.

At higit sa lahat, matuto kang pakinggan ang sarili mong boses. Because at the end of the day, ikaw ang mabubuhay sa mga desisyon mo not them. So protect your peace. Hindi lahat ng bato na ibinabato sa’yo ay kailangan mong pulutin. Minsan, ang pinaka-powerful na move ay hindi sumagot… kundi magpatuloy.
Keep going. Let them talk.

Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

God Is Talking To You (Don't Ignore These Signs) By Brain Power 2177

10 Dark Psychology Tricks na Epektibo sa Lahat ng Tao By Brain Power 2177