Iran Lumalaban sa Presyon ng Amerika By Awakened Mind
Ngayong 2026, muling umiinit ang tensiyon sa Middle East. Marami tayong napanood o nabasang balita tungkol sa U.S. at Iran, pero bago tayo magsimula… Gusto kong linawin sa lahat ng nanonood na ang video na ito ay purely analytical, ibig sabihin na hindi ako nakabase sa emosyon ko dahil wala akong kinikilingan. Dapat din nating pakinggan ang side ng bawat panig para mas malinaw nating maintindihan ang mga hakbang at dahilan ng U.S. at Iran. Kaya panoorin mo hanggang dulo dahil tatalakayin natin nang malinaw at maayos kung bakit iniipit ng Amerika ang Iran at bakit hindi nagpapaipit ang Iran sa presyur ng U.S., at ano ang epekto nito sa rehiyon at sa buong mundo.
Segment 1: Nuclear Program at Seguridad
Kapag sinasabi nating “iniipit ng U.S. ang Iran,” alam ng karamihan na isa itong sensitibong isyu, ang nuclear program ng Iran.
Ang Iran ay matagal nang nag-eenrich ng uranium. Sa simpleng paliwanag, ang uranium enrichment ay proseso para pataasin ang purity ng uranium.
Teka lang, ano ba ang Uranium?
Ang uranium ay isang natural na element na matatagpuan sa lupa. Isa itong radioactive metal, ibig sabihin, may kakayahan itong maglabas ng energy mula sa loob ng atom nito.
Sa periodic table, ang uranium ay may atomic number na 92. Natural itong nakikita sa mga bato at lupa sa iba’t ibang bansa. Pero hindi lahat ng uranium ay pare-pareho. May iba’t ibang uri ito na tinatawag na isotopes.
Karamihan ng natural uranium ay U-238, hindi ito madaling gamitin sa bomba. Pero ang U-235, napakaliit lang ang porsyento kumpara sa U-238, pero ito ang mahalaga dahil ito ang madaling mag-fission
Kung 3–5% enrichment - sapat na ito para gamitin bilang fuel sa karamihan ng civilian nuclear reactors para sa paggawa ng kuryente.
Kung 20% pataas - mas sensitibo na.
Kung 90% pataas na ang enrichment - weapons-grade na ito, puwede na itong gamitin sa nuclear bomb.
Ayon sa mga huling ulat ng International Atomic Energy Agency bago mag-2026, hanggang 60% uranium enrichment ang naabot ng Iran. Teka lang, di ba kung 90% pataas na ang enrichment, weapons-grade na ito? Pero ang Iran ay nasa 60% pa lang, bakit natataranta na ang U.S. at Israel?
Mataas ang concern ng U.S. at ng iba pang bansa ay dahil ang kasalukuyang level ng enrichment ng Iran ay malapit na sa weapons-grade at nagpapabilis kung lalabnawin pa ito, kaya ito'y itinuturing na malaking banta kahit hindi pa 90%.
Hindi pa ito direktang ebidensya ng paggawa ng bomba, pero sa mata ng U.S., kung magdesisyon ang Iran, mabilis silang makakagawa ng nuclear weapon.
Ito ang tatlong dahilan kung bakit ayaw ng U.S. na magkaroon ng nukes ang Iran.
Una, ayaw ng U.S. na hindi balanse ang kapangyarihan sa Middle East. Halimbawa, kung papayagan ng U.S. ang Iran na magkaroon ng nukes, magbabago ang military equation. Maaaring mag-trigger ito ng arms race. Ibig sabihin ng arms race, siguradong susunod ang ibang bansa na magkaroon ng nukes.
Ikalawa, pinoprotektahan ng U.S. ang Israel. Ang Israel ay isa sa pinakamalapit na kaalyado ng Amerika. Ilang beses nang sinabi ng mga lider ng Israel na hindi nila papayagan ang Iran na magkaroon ng nuclear weapon. Kaya kapag tumataas ang enrichment level ng Iran, tumataas din ang posibilidad ng preventive strike.
Ikatlo, ang Iran ay may impluwensya sa mga grupo sa Lebanon, Iraq, Syria, at Yemen. Kung magkakaroon sila ng nuclear deterrent, maaaring mas maging agresibo ang kanilang regional posture, dahil mas magiging confident sila na hindi sila basta gagalawin.
'Yan ang pangunahing dahilan kung bakit pinipigilan sila ng U.S. Pero matagal nang ipinapahayag ng Iran na ang kanilang programa sa uranium enrichment ay para lamang sa enerhiya at para sa iba pang civilian na gamit, at hindi para gumawa ng nuclear weapons. At ang enrichment ay bahagi ng kanilang sovereign right bilang signatory ng Nuclear Non-Proliferation Treaty. Kaya ngayon, may deadlock.
Gusto ng U.S. na bawasan ng Iran ang enrichment. At payagan ng Iran ang mas mahigpit na inspection.
Ang sagot naman ng Ang Iran ay dapat alisin muna ng U.S. ang sanctions at igalang ang kanilang soberanya.
At habang walang sumasang-ayon sa request ng isa't-isa, patuloy na tumitindi ang tensyon.
Pero may isang problema. Ang U.S. ay hindi agad pwedeng gumamit ng direct military force laban sa Iran dahil ang gastos nito ay napakalaki, at maaaring magdulot ng mas malawak na digmaan sa rehiyon.
Kaya ang tanong:
Kung hindi agad military strike… Paano pinipilit ng U.S. ang Iran na baguhin ang nuclear policy nito? Ginagamit ng U.S. ang ECONOMIC PRESSURE
Segment 2: Economic Pressure
Ang Iran ay isang bansa na sobrang nakadepende sa oil exports para sa kita ng gobyerno. Maraming infrastructure at social programs ang pinopondohan mula sa export ng langis. Kaya ang ginawa ng U.S. para maipit ang Iran, pinipigilan ng U.S. ang mga kumpanya at bansa na bumili ng oil sa Iran. Nililimitahan ng U.S. ang access ng Iran sa global banking at dolyar, na mahalaga para sa international trade. Ang resulta? Nabawasan ang pangunahing kita ng Iran. Tumataas ang presyo ng pagkain, gasolina, at pangunahing pangangailangan. Nagkakaroon ng frustration at public unrest, na syang dagdag kalamangan sa U.S.
Ang goal ng sanctions ay hindi lang pahirapan ang Iran, kundi pwersahin ang Iran na pumasok sa kompromiso sa nuclear issue.
Isipin mo ito: Kapag nagkakaroon ng matinding krisis sa ekonomiya, mas malaki ang pressure sa pamahalaan na makipag-usap. Iniisip kasi ng U.S. na baka ito ang paraan para makipag-deal ang Iran na bawasan ang uranium enrichment, payagan ang inspections, at limitahan ang ballistic missile program, at maaari nilang bawasan ang sanctions.
Ngunit kahit gaano kalakas ang economic pressure, may limitasyon ito. Ang sanctions at trade restrictions ay nagpapahirap sa Iran, pero hindi nito direktang napipigilan ang kanilang military o nuclear program. Alam ng U.S. na hindi basta-bastang luluhod ang Iran dahil sa economic pressure lang dahil ang Iran ay hindi totally isolated. Patuloy pa rin ang trade ng Iran sa China at Russia, lalo na sa langis.
Ito ay nagiging buffer para hindi tuluyang gumuho ang ekonomiya ng Iran. May kakayahan ang Iran na humanap ng paraan para tumagal kahit may optimal pressures tulad ng sanctions.
Alam ng U.S. na hindi nila mapasunod ang Iran sa pamamagitan ng economic pressure, dito pumapasok ang military at strategic presence ng Amerika sa Middle East, para siguraduhin na may deterrent force kung sakaling mag-escalate ang tensiyon.
Segment 3: Militar at Strategic Presence
Habang ipinapakita ng U.S. ang mga aircraft carriers at warships bilang signal ng lakas at deterrent, malinaw ang pahayag ng mga opisyal ng Iran na hindi sila natatakot o nagpapasindak sa banta ng militar.
Para sa Iran, ang pagpapakita ng lakas ay normal sa geopolitics, at ang kanilang response ay nakatuon sa diplomacy at strategic readiness, hindi sila nakapokus sa takot. Ang Iranian government ay tumitingin sa sarili bilang isang bansang may sovereign rights, kaya’t sabi nila na hindi sila susunod sa sinumang nagtatangkang magdikta ng kanilang mga kilos, lalo na sa usaping nuclear at depensa.
Hindi ito puro salita lang. Bilang tugon sa presyur ng U.S., ang Iran ay nagpatawag ng naval drills sa Strait of Hormuz, hindi bilang banta, kundi para ipakita na kaya nilang protektahan ang kanilang teritoryo at maritime access kahit pa may foreign forces sa paligid.
Ang Iran mismo ay nagpahayag na hindi sila tutungo sa negosasyon kung ito ay gaganapin sa ilalim ng banta o ultimatum.
Sabi nila, ang diplomacy sa ilalim ng banta ay hindi epektibo.
Sa madaling salita, ang Iran ay hindi nagpapasindak dahil nakikita nila ang sarili nilang military capability at strategic alliances kasama na ang suporta o malalim na relasyon sa ibang bansa bilang batayan para hindi maging passive sa mga panlabas na pressure.
Ngayon, naiintindihan na natin kung bakit iniipit ng U.S. ang Iran. At naintindihan din natin kung ano ang ipinaglalaban ng Iran at kung bakit hindi sila nagpapasindak sa U.S.
Ang mundo ng geopolitics ay komplikado, at bawat hakbang ay may malalim na epekto sa milyong-milyong tao.

Comments
Post a Comment