Hindi Ka Nila Nila Rerespetuhin Kung Patuloy Mong Ginagawa ito By Brain Power 2177
Kung napapansin mong hindi ka sineseryoso, hindi ka pinapakinggan, o parang kulang ang respeto ng tao sa’yo, may dahilan yan. At kadalasan, hindi ito tungkol sa kanila kundi sa mga habits at ugali mo na hindi mo namamalayan.
Ang respeto hindi yan hinihingi at lalong hindi pinipilit. Pinapatunayan yan sa paraan mong magsalita, kumilos, at tumayo para sa sarili mo.
Diretsohin na natin. Heto ang 9 na dahilan kung bakit posible na hindi ka nirerespeto ng mga tao.
NUMBER 1
Kapag sobra kang people-pleaser
Kapag sobra kang people-pleaser, akala mo mabait ka lang. Akala mo generous ka lang, understanding ka lang, selfless ka lang. Pero minsan, hindi na 'yan kabaitan, takot ka lang. Takot ka na baka hindi ka magustuhan. Takot ka na baka iwan ka. Takot ka na baka may masabi sila tungkol sa’yo.
Ikaw yung tipong kahit pagod ka na, sasama ka pa rin. Kahit wala ka nang oras, umu-o ka pa rin. Kahit labag sa loob mo, pipilitin mo pa rin ang sarili mo. Lagi mong sinasabi na “okay lang” kahit hindi okay. Lagi mong sinasabi “sige” kahit gusto mong tumanggi. At paulit-ulit mo itong ginagawa hanggang sa masanay ang mga tao na lagi kang available, lagi kang adjustable, lagi kang mag-aadjust para sa kanila.
Sa una, parang ang ganda ng imahe mo. Masasabi bila na ang bait-bait mo at ang dali mong kausap. Pero habang tumatagal, may nangyayaring hindi mo namamalayan. Unti-unting nawawala ang boundaries mo. At kapag wala kang boundaries, nawawala rin ang respeto ng ibang tao sa’yo.
Because here’s the truth: people don’t respect someone who doesn’t respect their own limits.
Kapag lagi kang oo nang oo, hindi ka na special. Hindi na effort ang pagkuha sa’yo kasi alam nilang hindi ka tatanggi. Kapag lagi mong inuuna ang iba kaysa sa sarili mo, tinuturuan mo silang okay lang na ikaw ang laging mag-sacrifice. And the painful part? Kapag ikaw naman ang nangailangan, hindi lahat babalik ng same energy.
Nakakapagod maging “always available.” Nakakapagod maging “the good one.” Lalo na kapag sa huli, ikaw ang ubos.
Minsan kaya ka hindi nirerespeto ay dahil hindi mo kayang tumanggi. Takot kang maka-disappoint. Pero isipin mo ito: every time you say yes to something you don’t want, you’re saying no to yourself. Sa oras mo. Sa peace of mind mo. Sa self-respect mo.
At ramdam ng tao kapag hindi genuine ang oo mo. Ramdam nila kapag napipilitan ka lang. Kahit hindi nila aminin, nawawala ang authenticity mo. You start losing your identity because your personality revolves around pleasing everyone.
Ang respeto, hindi nakukuha sa pagiging sunod-sunuran. Nakukuha ito kapag malinaw ang standards mo. Kapag may mga bagay kang hindi tinotolerate. Kapag kaya mong tumayo sa desisyon mo kahit may ma-disappoint.
Hindi mo kailangang maging harsh o bastos. Hindi mo kailangang maging cold. Pero kailangan mong matutong mag-set ng boundaries. You can be kind and still say no. You can be loving and still protect your energy. You can be generous and still prioritize yourself.
Kasi sa totoo lang, mas nirerespeto ng tao yung may sariling paninindigan. Yung marunong tumanggi kapag kailangan. Yung hindi basta-basta napipilit.
At kapag natutunan mong piliin ang sarili mo, doon ka mas nagiging totoo. Doon ka mas nagiging confident. Doon nagsisimulang mabuo ang genuine respect, hindi dahil pinlease mo sila, kundi dahil pinili mong irespeto ang sarili mo.
NUMBER 2
Kapag hindi mo nirerespeto ang sarili mo
Kapag hindi mo nirerespeto ang sarili mo, hindi mo namamalayan na tinuturuan mo ang ibang tao kung paano ka tratuhin.
Minsan hindi ito obvious. Hindi naman laging may sumisigaw sa’yo o tahasang minamaliit ka. Minsan hindi halata na wala silang respeto sa 'yo. Yung pumapayag ka sa bagay na alam mong hindi tama. Yung tinatawanan mo na lang kahit nasaktan ka. Yung sinasabi mong “okay lang” kahit deep inside, hindi talaga okay. Mawawala ang respeto nila sa 'yo kung ganyan ka.
You lower your standards just to keep people. You tolerate behavior that hurts you because you’re afraid of being alone. You accept less than what you deserve because you think this is all you can get. At doon nagsisimula ang problema.
Kapag hindi mo pinapahalagahan ang oras mo, iisipin ng iba na disposable ang oras mo. Kapag hinahayaan mong i-cancel ang usapan niyo last minute nang walang respeto, masasanay silang gawin iyon. Kapag okay lang sa’yo na kausapin ka nang pabalang o bastos, unti-unti nilang iisipin na normal lang iyon sa’yo.
Because people will test your boundaries, consciously or unconsciously. At kapag nakita nilang wala kang malinaw na limit, they will keep pushing.
Self-respect is not arrogance. Hindi ito pagiging mayabang o mataas ang tingin sa sarili. It’s knowing your worth and acting like it. It’s choosing not to beg for attention. It’s walking away when something clearly disrespects you.
Pero mahirap ito lalo na kung sanay ka na laging ikaw ang nag-aadjust. Sanay kang ikaw ang umiintindi. Sanay kang ikaw ang nagpapakumbaba kahit ikaw ang nasasaktan. You convince yourself na “ganito talaga ako, mabait lang ako.” Pero minsan, it’s not kindness anymore, it’s self-neglect.
Kapag hindi mo nirerespeto ang sarili mo, bumababa ang confidence mo. You start doubting your value. Tapos kapag may hindi magandang trato sa’yo, iniisip mo na baka kasalanan mo rin. Baka sobra ka. Baka kulang ka. Baka hindi ka lang talaga enough. Pero hindi ganun ang totoo.
The way people treat you is often a reflection of what you allow. Hindi mo kontrolado ang ugali nila, pero kontrolado mo kung hanggang saan mo sila papayagan.
Kapag marunong kang magsabi ng “hindi,” kahit nanginginig ka sa loob, that’s self-respect. Kapag pinili mong umalis sa sitwasyong paulit-ulit kang dinidisrespect, that’s strength. Kapag hindi mo na hinahabol ang taong malinaw namang hindi ka pinapahalagahan, that’s growth.
At oo, may mawawala. May maiinis. May magsasabing nagbago ka. Pero minsan, kailangan mong magbago para hindi ka maubos.
You cannot expect people to value you if you don’t value yourself. Hindi mo pwedeng ipaglaban ang respeto mula sa iba kung ikaw mismo, hindi mo kayang ibigay iyon sa sarili mo.
Simulan mo sa maliliit na bagay. Pahalagahan mo ang oras mo. Ingatan mo ang energy mo. Piliin mo ang mga taong kaya ka ring piliin. Huwag mong i-justify ang malinaw na disrespect.
Kasi sa sandaling matutunan mong irespeto ang sarili mo, may magbabago sa aura mo. May tatapang sa boses mo. May titibay sa tindig mo. At mapapansin ng tao iyon.
Hindi dahil pinilit mo silang irespeto ka, kundi dahil nakita nila na hindi ka na papayag na tratuhin ka nang mas mababa kaysa sa halaga mo.
NUMBER 3
Kapag lagi kang negative
Kapag lagi kang negative, baka hindi mo napapansin pero unti-unting lumalayo ang mga tao sa’yo. Hindi dahil ayaw ka nila. Hindi dahil masama kang tao. Kundi dahil mabigat kang kasama.
Alam mo yung tipong kahit anong topic, may kontra ka agad? Kapag may good news ang kaibigan mo, may “pero…” ka agad. Kapag may opportunity, ang una mong nakikita ay problema. Kapag may plano, ang focus mo agad ay kung bakit hindi ito gagana. Parang default setting mo na ang worst-case scenario.
Sa isip mo, realistic ka lang. Practical ka lang. Pero sa perspective ng iba, nakaka-drain ka na.
Imagine mo ito: may isang kaibigan na excited mag-share ng bagong business idea. Punong-puno siya ng energy. Tapos ang sagot mo agad, “Mahirap ‘yan, baka malugi ka lang.” Oo, posibleng malugi. Pero minsan hindi naman advice ang kailangan e, support ang kailangan. Kapag paulit-ulit na ganyan ang approach mo, unti-unting hindi na sila mag-o-open sa’yo.
Energy is contagious. Kung dala mo palagi ay reklamo, sama ng loob, at frustration, nahahawa ang paligid mo. Hindi naman kailangang fake positivity. Hindi mo kailangang magpanggap na okay ang lahat. Pero kung palaging problema ang spotlight, nakakabigat talaga.
Minsan kaya ka hindi nirerespeto ay dahil nawawala ang emotional safety sa’yo. Kapag alam ng tao na bawat pagkakamali nila ay pupunahin mo, bawat plano nila ay dududahan mo, hindi sila magiging comfortable sa presensya mo. At kapag hindi sila comfortable, hindi sila magbibigay ng mataas na respeto.
May difference ang pagiging honest sa pagiging negative. Honesty speaks truth with wisdom. Negativity speaks doubt without hope.
Kapag lagi kang nagrereklamo sa trabaho, sa traffic, sa gobyerno, sa pamilya, sa buhay, parang wala nang magandang nangyayari sa mundo mo. At ang tanong, gusto mo ba talagang maging kilala bilang “yung laging may problema”?
Nakakaapekto rin ito sa confidence mo. Kapag lagi mong sinasabi na “hindi ko kaya,” “pangit ang sistema,” “wala namang mangyayari,” unti-unting pinapaniwala mo ang sarili mo na powerless ka. And people don’t usually respect someone who looks defeated all the time.
Pero eto ang totoo: hindi ka naman ipinanganak na negative. Madalas, galing ito sa disappointments. Sa past failures. Sa trauma. Sa paulit-ulit na pagkabigo. It becomes a defense mechanism. Parang sinasabi mo sa sarili mo, “Unahan ko na ang worst para hindi na masakit kapag nangyari.”
The problem is, habang pinoprotektahan mo ang sarili mo, nasasakal mo rin ang growth mo.
Hindi ibig sabihin na bawal kang maglabas ng frustration. Healthy ang mag-vent. Healthy ang umamin na nahihirapan ka. Pero may difference ang pag-vent at ang pagiging identity ang negativity.
Subukan mong maging aware sa words mo. Kapag may nagkwento ng pangarap, kaya mo bang sabihing “Kaya mo ‘yan” imbes na “Mahirap ‘yan”? Kapag may problemang dumating, kaya mo bang hanapan ng solusyon imbes na puro blame?
Respect grows when people feel uplifted around you. Kapag alam nilang kahit mahirap ang sitwasyon, hindi ka agad susuko. Kapag alam nilang realistic ka pero may hope, honest pero may empathy, rerespetuhin ka nila.
Hindi mo kailangang maging the most positive person in the room. Pero pwede kang maging the most grounded. Yung tipong may problema man, hindi ka nagkakalat ng panic. Yung tipong may bad news man, hindi ka nag-aamplify ng negativity.
Tanungin mo ang sarili mo: kapag umalis ka sa isang kwarto, mas gumaan ba ang pakiramdam ng mga tao, o mas bumigat?
Doon mo makikita kung bakit minsan nawawala ang respeto at doon mo rin makikita kung paano ito ibalik.
NUMBER 4
Kapag hindi ka marunong umako ng mali
Kapag hindi ka marunong umako ng mali, unti-unting nawawala ang respeto sa’yo kahit hindi mo napapansin. Kasi sa bawat pagkakataon na nagkamali ka tapos may dahilan ka agad, may sisisihin ka agad, may excuse ka agad, may maliit na bitak na nabubuo sa credibility mo.
Ikaw ba yung tipong kapag may sablay sa trabaho, ang unang lumalabas sa bibig mo ay, “Kasi naman…”? “Hindi ko kasalanan…” “Ganito kasi sila…” Imbes na huminto sandali at sabihing, “Oo, nagkamali ako.”
Alam mo, mas powerful ang simpleng linyang iyon kaysa sa isang mahabang defense speech.
Kapag hindi ka marunong umako ng mali, nagmumukha kang insecure. Kahit hindi mo intention. It shows na mas importante sa’yo ang imahe mo kaysa sa integrity mo. Mas importante na tama ka kaysa maging totoo ka. And people can feel that.
Walang taong perfect. Lahat tayo nagkakamali. Pero ang pinagkaiba ng nirerespeto at hindi nirerespeto ay hindi kung sino ang mas konti ang mali kundi kung sino ang marunong mag-take responsibility.
Kapag lagi kang defensive, parang lagi kang nakikipaglaban. Kahit simpleng feedback, ginagawa mong personal attack. Kahit constructive criticism, tinatanggap mo bilang insulto. And over time, napapagod ang mga tao sa ganung energy. They start walking on eggshells around you. Hindi ka na nila kinakausap nang direkta kasi alam nilang hindi ka marunong tumanggap.
At kapag dumating sa point na hindi na sila nagsasabi ng totoo sa’yo, delikado na iyon. Kasi ibig sabihin, wala na silang tiwala na kaya mong i-handle ang truth.
May mga pagkakataon na masakit umamin. Masakit sabihin na nagkulang ka. Masakit tanggapin na ikaw ang may sablay. Pero doon nagsisimula ang growth. Growth begins where ego ends.
Kapag marunong kang umako ng mali, lumalakas ka. Hindi ka bumababa. In fact, tumataas ang tingin ng tao sa’yo. Kasi bihira ang taong kayang magsabi ng, “I was wrong.” Bihira ang taong kayang mag-sorry nang walang kasunod na “pero.”
Subukan mong pansinin ang mga taong tunay na may leadership aura. Hindi sila perpekto. Pero kapag nagkamali sila, hindi sila nagtatago. Hindi sila nagdadrama. They own it. They fix it. They move forward. At iyon ang respeto.
Kapag hindi ka marunong umako ng mali, parang pinipili mong manatiling maliit para lang maprotektahan ang pride mo. Pero kapag natutunan mong lunukin ang ego mo, doon ka nagiging emotionally mature.
Hindi ka nirerespeto dahil lagi kang tama. Nirerespeto ka dahil kaya mong maging totoo kahit mali ka. That kind of honesty hits different. That kind of humility builds real authority.
At minsan, ang simpleng “Pasensya na, nagkamali ako” ang pinakamalakas na statement na pwede mong sabihin.
NUMBER 5
Kapag mahilig kang mang-tsismis
Kapag mahilig kang mang-tsismis, minsan hindi mo namamalayan na unti-unti mong sinisira ang sarili mong credibility. Sa una, parang harmless lang. “Kuwento lang naman.” “Update lang.” “Concern lang ako.” But let’s be honest, hindi lahat ng concern ay kailangang ikalat.
Alam mo yung pakiramdam na may bagong balita, may issue, may sikreto… tapos parang nangangati ka na ikwento sa iba? Parang ang sarap maging unang nakakaalam. Parang may sense of power kasi ikaw ang source. For a moment, you feel important. You feel relevant. May nakikinig sa’yo.
Pero habang nagkukuwento ka tungkol sa buhay ng iba, may tahimik na tanong sa isip ng kausap mo: “Kung kaya niyang pag-usapan ang iba sa harap ko, ano kaya ang sinasabi niya tungkol sa’kin kapag wala ako?”
Doon nagsisimula ang pagkawala ng respeto.
Kahit gaano ka pa ka-entertaining magkwento, kahit pa may halong “concern” o “advice,” kapag nasanay ang mga tao na lagi kang may tsismis, hindi ka nila makikita bilang safe space. Hindi ka nila makikita bilang taong mapagkakatiwalaan. You become a source of information, but not a source of trust.
At ang masakit pa, minsan hindi mo napapansin na nagiging habit na siya. Simpleng kwento nagiging analysis ng buhay ng iba. Simpleng observation nagiging judgment. Unti-unti, nagiging normal ang pag-comment sa decisions, relationships, failures, at mistakes ng ibang tao na para bang mas maayos at perpekto ang buhay mo.
Minsan ang tsismis ay distraction lang. Mas madaling pag-usapan ang problema ng iba kaysa harapin ang sarili mong insecurities. Mas madaling i-analyze ang pagkakamali ng iba kaysa i-reflect ang sarili mong growth. It feels easier to look outward than inward.
Pero tandaan mo ito: strong people talk about ideas, growing people talk about lessons, insecure people often talk about other people.
Kapag kilala ka bilang mahilig mang-tsismis, may invisible wall na nabubuo sa paligid mo. People will smile at you, yes. Makikisama pa rin sila. Pero magiging careful sila sa sasabihin nila kapag nandiyan ka. Hindi ka nila fully pagbubuksan ng puso. At kahit hindi nila sabihin, may level ng distance.
At kung iisipin mo, masakit din kung ikaw ang maging subject ng tsismis, ‘di ba? Yung may nagkukuwento tungkol sa’yo na kulang ang detalye, kulang ang context, tapos hinuhusgahan ka. So kung ayaw mo maranasan iyon, bakit mo gagawin sa iba?
Hindi ibig sabihin na bawal na magkwento o mag-share. Natural lang iyon. Pero may difference ang sharing sa gossip. Sharing builds connection. Gossip builds division. Sharing respects privacy. Gossip invades it.
Kapag marunong kang mag-ingat sa bibig mo, mas tumataas ang respeto sa’yo. Kapag kaya mong sabihing, “Hayaan na natin sila, buhay nila iyon,” o “Mas mabuting hindi na natin pag-usapan,” doon ka nagiging mature. Doon ka nagiging different.
Kasi ang reputation mo hindi lang nakabase sa kung ano ang ginagawa mo kundi sa kung ano ang lumalabas sa bibig mo. And once trust is broken, ang hirap na niyang buuin ulit.
Mas powerful ka kapag marunong kang manahimik. Mas nirerespeto ka kapag alam ng tao na safe ang pangalan nila sa’yo. That’s real influence. That’s real character.
NUMBER 6
Kapag kulang ka sa self-control
Kapag kulang ka sa self-control, madalas hindi mo agad napapansin na ito pala ang dahilan kung bakit unti-unting nababawasan ang respeto ng tao sa’yo. Akala mo normal lang na mainis. Normal lang na sumagot agad. Normal lang na ilabas lahat ng nararamdaman. Pero ang hindi mo nakikita, every time na hindi mo makontrol ang emosyon mo, may imahe kang nabubuo sa isip ng iba at hindi iyon maganda.
Ikaw yung tipong isang maliit na comment lang, triggered ka agad. Isang biro lang, pikon ka agad. Kapag may nag-correct sa’yo, feeling mo inaatake ka na. Instead of listening, you react. Instead of pausing, you explode. At sa bawat outburst mo, may mga taong tahimik lang na nag-oobserve.
Sa una, baka iniintindi ka pa nila. “Okay lang, bad day lang siguro.” Pero kapag paulit-ulit na, nagiging pattern na siya. At kapag pattern na, nagiging reputation na.
The truth is, self-control is power. Kapag hindi mo kayang kontrolin ang sarili mong emosyon, paano ka rerespetuhin ng iba? Paano ka pagkakatiwalaan sa mas malaking responsibilidad kung sa simpleng stress lang, bumibigay ka na?
Hindi lang ito tungkol sa galit. Pwedeng tungkol din ito sa bibig mo. Yung tipong hindi mo kayang pigilan ang sarili mong magkwento ng sikreto. Hindi mo kayang pigilan ang sarcastic na comment. Hindi mo kayang i-filter ang words mo. “Ganito lang talaga ako, prangka.” Pero minsan hindi na prangka, insensitive ka na.
Minsan naman, self-control sa lifestyle. Hindi mo kayang disiplinahin ang oras mo. Lagi kang late. Laging last minute. Laging “next time na lang.” You say you want success, pero hindi mo kayang kontrolin ang distractions mo. You say you want respect, pero hindi mo kayang kontrolin ang impulses mo. At napapansin iyon ng mga tao.
Kapag nakikita nilang madali kang ma-pressure, madali kang ma-provoke, madali kang matukso, subconsciously, bumababa ang tingin nila sa stability mo. Kasi ang respeto, kadalasan nakadikit sa consistency at emotional maturity.
Think about it. Sino ang mas nirerespeto mo? Yung taong kalmado kahit magulo ang sitwasyon? O yung taong sumisigaw agad kapag may problema? Yung taong kayang maghintay ng tamang timing bago magsalita? O yung taong basta na lang bumabanat?
Self-control doesn’t mean wala kang emotions. It means you choose when and how to express them. Hindi mo hinahayaan na emosyon mo ang mag-control sa’yo, ikaw ang may control.
Minsan kailangan mo lang ng pause. Isang malalim na hinga. Isang sandaling pag-isip bago mag-react. Because one uncontrolled moment can damage years of credibility. Isang maling post. Isang maling salita. Isang maling decision. At pagkatapos noon, ikaw din ang magsisisi.
Kapag natutunan mong kontrolin ang sarili mo, nag-iiba ang aura mo. Mas composed ka. Mas grounded ka. Mas secure ka. At kahit hindi ka magsalita nang marami, mararamdaman ng tao ang presence mo.
Discipline is attractive. Emotional stability is powerful. At kapag kaya mong hawakan ang sarili mo sa gitna ng pressure, doon nagsisimulang tumibay ang respeto ng iba sa’yo, hindi dahil perpekto ka, kundi dahil controlled ka.
NUMBER 7
Kapag masyado kang dependent sa validation
Kapag masyado kang dependent sa validation, para kang laging naghahanap ng “approval stamps” mula sa iba. Feeling mo, hindi kumpleto ang araw mo kapag walang nag-like sa post mo, walang nag-comment ng “ang ganda mo,” o walang nag-praise sa effort mo. You’re constantly measuring your worth based on what others think, hindi sa kung sino ka talaga.
Parang rollercoaster ang emotions mo araw-araw. Kapag may nagbigay ng praise, happy ka na parang nakarating ka sa moon. Pero kapag walang pumansin, o may nag-comment na medyo kritikal, bigla kang na-down, na-insecure, parang wala ka nang value. It’s exhausting, kasi hindi mo narerealize na ang self-worth mo, dapat manggaling sa sarili mo, hindi sa external applause.
Minsan, gagawin mo ang mga bagay hindi dahil gusto mo o dahil tama sa’yo, kundi dahil gusto mong tangkilikin ka ng tao. You bend, you adjust, you overthink sa every action mo para lang mag “fit in” o para may mag-validate sa’yo. And slowly, nakakaligtaan mo na yung sarili mong opinion, gusto, at limits.
At kapag dependent ka sa validation, nakikita ito ng ibang tao. Nakikita nila na kailangan mo sila para maging okay ka. Kahit hindi nila sinasadya, nawawala ang respeto nila sa’yo. Bakit? Kasi subconsciously, iniisip nila na laging puwede kang ma-manipulate o ma-pressure sa desisyon nila. People respect those who value themselves first.
Ang tricky dito, minsan confident ka sa labas pero sa loob mo, lagi kang naghahanap ng confirmation. Kahit simpleng compliment lang, parang life support na sa’yo. You start defining your achievements not by your own standards, kundi kung paano tinitingnan ng ibang tao.
Kaya mahalaga na matutunan mong maging your own cheerleader. Learn to say, “I did this for me,” at maramdaman mo ang pride without needing someone else’s nod. Kapag natutunan mo itong i-prioritize, mas natural na lalabas ang true confidence mo. Mas magaan ang pakiramdam mo, mas grounded ka, at mas nirerespeto ka ng tao hindi dahil kailangan nilang i-approve ka, kundi dahil nakikita nila na meron kang sariling backbone at identity.
NUMBER 8
Kapag wala kang malinaw na direksyon sa buhay
Kapag wala kang malinaw na direksyon sa buhay, parang naglalakad ka lang sa dilim, hoping na may mahuhuli kang sign or guide. Parang bawat hakbang mo ay random lang, at kahit gaano ka ka-effort, parang walang malinaw na patutunguhan. People notice this, kahit hindi nila sinasabi, nakikita nila na ikaw ay nasa “floating mode,” kung saan everything is go-with-the-flow, pero sa totoo lang, wala kang kontrol sa sariling landas.
Kapag walang direction, madali kang madala ng ibang tao. You follow others’ plans, you say yes to opportunities kahit hindi mo gusto, and you let people define your path. Hindi mo namamalayan na unti-unti, nagiging reactive ka sa buhay, instead of proactive. Naiinfluence ka ng bawat trend, bawat suggestion, bawat opinion na dumadaan sa harap mo. At sa mata ng iba, nagmumukha kang walang initiative. People don’t respect someone who drifts aimlessly, kasi sa kanila, parang wala kang “purpose” or “vision.”
Minsan, ang dahilan kung bakit nawawala ang respeto ay hindi dahil sa kakulangan mo ng talento o galing. Kundi dahil nakikita ng iba na parang hindi mo alam kung ano ang gusto mo. Parang kahit anong sabihin mo, wala kang solid stand o decision. They sense uncertainty. And uncertainty often translates to lack of authority.
Kapag ikaw ay walang malinaw na direksyon, even simple commitments like goals, deadlines, or promises feel shaky. People can’t rely on you, kaya madali silang mawalan ng tiwala at respeto. Ang respect, in many ways, is connected to confidence not arrogance, kundi yung natural na confidence na galing sa pagkakaalam mo kung saan ka pupunta at kung ano ang pinapahalagahan mo.
Pero hindi ibig sabihin na forever ka na dapat lost. You can start small, set short-term goals, discover what really matters to you, and slowly build habits that align with your vision. Kapag nakikita ng tao na may malinaw kang path, kahit hindi perfect, automatic na may sense of credibility at respect.
Remember, people are drawn to direction. They respect someone who knows where they’re going, kahit maliit ang steps, kaysa sa palaging nag-iikot sa gubat ng uncertainty. Being intentional about your life, even sa maliliit na desisyon, shows maturity, focus, and strength. Those are qualities that naturally earn respect.
NUMBER 9
Kapag nagbabago ang ugali mo depende sa kausap
Kapag nagbabago ang ugali mo depende sa kausap, parang ikaw yung laging nag-aadjust para mag “fit in” sa bawat tao na nakapaligid sa’yo. Sa isang grupo, quiet at maayos ka; sa kabila, loud at outgoing; sa ibang kausap, sobrang polite, sa iba naman medyo sarcastic. Parang may dalawang, tatlong persona ka na nakatira sa loob mo, at ginagamit mo kung alin ang pinaka-comfortable sa paligid mo.
At sa simula, akala mo clever ito. “Uy, magpapakabait ako sa kanya.” “Uy, ang friendly ko dito, nagustuhan nila ako.” You’re trying to be likable, to avoid conflict, to gain approval. Pero while it seems harmless, dahan-dahan itong nagiging problema. People notice inconsistencies kahit subconscious lang. Kapag palaging iba-iba ang behavior mo, mahirap silang magtiwala sa’yo. Hindi nila alam kung sino ka talaga.
Imagine this: gusto mong magbigay ng opinion, pero nagdadalawang-isip ka kasi baka iba ang reaction ng kausap mo. Minsan nagtatago ka ng tunay na sarili mo kasi natatakot kang hindi tanggapin. At kapag nangyari ‘to paulit-ulit, unti-unti mong nakalimutan kung ano talaga ang boses mo. You start molding yourself into what you think others want, not what you truly are.
Ito rin ang dahilan kung bakit minsan hindi ka nirerespeto. Kasi respect grows from authenticity. Kapag ramdam ng tao na iba-iba ka depende sa mood o kausap, iniisip nila na wala kang sariling backbone. Ang iniisip nila, “Napipilitan lang siya para magustuhan namin”. At kahit may kabutihan sa intensyon mo, nawawala ang credibility mo.
Ang irony, kahit gusto mong magustuhan ng lahat, minsan mas nagiging distant ka sa kanila. People relate to realness, not a chameleon personality. Mas mahirap mag-connect sa taong laging nagbabago depende sa paligid, kasi parang hindi mo sila nakikita, nakikita lang nila ang projection ng iba’t ibang version mo.
Kaya mahalaga na malaman mo kung saan ka mananatili consistent. Hindi ibig sabihin na hindi ka friendly o approachable. You can adjust politely, but hindi mo kailangang i-compromise ang values mo or personality mo para lang “mag-fit in.” Kapag consistent ka sa sarili mo, kahit iba-iba ang kausap mo, mas mararamdaman nila ang integrity mo. At iyon ang tunay na respeto, hindi dahil nagbabago ka para sa kanila, kundi dahil malinaw na ikaw mismo sa bawat situation.

Comments
Post a Comment