Ano ang Posibleng Mangyari Pagkatapos ng 10-15 Days Countdown sa Iran?
Naka-deploy na ang pinakamalaking pwersa ng militar ng U.S. sa Middle East at ayon kay Pangulong Donald Trump, may countdown na 10–15 araw para sa Iran para makipag-kasundo sa usapin ng nuclear program. Sabi rin ni Trump, kung ayaw ng Iran na sumang-ayon, BAD THINGS WILL HAPPEN.
Pero habang hindi pa tapos ang countdown, tumugon ang Iran na ayaw naman nila ng digmaan pero kung sakaling umatake ang U.S., sasagot sila ng buong lakas.
Ano ang tinutukoy ng deadline na ito?
Bakit hindi agad nag-utos ng opensiba si Trump?
Yan ang tatalakayin natin ngayon.
------------------------------------------------------------------------------
Ngayon, linawin natin ang pinaka-critical na bahagi ng usapin…
Kailan ba talaga nagsimula ang countdown?
Ayon sa mga ulat, noong February 19–20, 2026, naglabas si Donald Trump ng malinaw na ultimatum: may 10 hanggang 15 araw ang Iran para makipag-ayos at makabuo ng isang “meaningful deal” tungkol sa kanilang nuclear program.
Pero kung mapapansin mo, hindi nagbanggit si Trump ng eksaktong oras. Wala siyang sinabi na ang deadline ay “hanggang 5:00 PM” o “hatinggabi.” At sa geopolitics, mahalaga ang ganitong detalye.
Kung bibilang tayo:
Kung 10 araw mula Feb 19, papatak ng bandang March 1
Kung 15 araw naman, aabot ng bandang March 6
Pero tandaan, ang ginamit niyang salita ay “10 to 15 days… pretty much maximum.”
So ibig sabihin, may strategic ambiguity.
Hindi ito corporate contract na may legal timestamp. Ito ay political ultimatum. At kapag hindi eksakto ang deadline, may dalawang epekto ito:
1. Psychological pressure ito sa Iran – Hindi alam ng Iran kung kailan eksaktong gagalaw ang U.S.
2. Operational flexibility para sa U.S. – Ibig sabihin, may kalayaan si Trump na kumilos anumang araw sa loob ng window na 'yan.
Sa military strategy, ang hindi malinaw na oras ay isang sandata. Ang uncertainty ay bahagi ng pressure.
Mahalagang maintindihan natin mga kaibigan na ang ganitong deadline ay hindi laging literal na “pagpatak ng oras, may bomba na.”
Minsan, ito ay pang-pressure para pabilisin ang negosasyon. Minsan din ay pang-signal sa allies na seryoso ang U.S.
Minsan, pang-message sa domestic audience na may kontrol ang administrasyon.
Kaya ang tunay na tanong ay hindi lang “kailan matatapos ang deadline?”
Ang mas mahalagang tanong:
Ano ang mangyayari habang tumatakbo ang countdown?
Dahil habang naghihintay ang mundo ngayong Marso…
May mga bagay na gumagalaw sa likod ng kamera:
Military positioning
Diplomatic backchannels
Intelligence assessments
At dito na tayo papasok sa mas malaking tanong…
Kung malinaw na may deadline na,
at malinaw na handa na ang military…
Bakit hanggang ngayon, wala pa ring utos?
Ano ba talaga ang hinihintay ni Trump?
Sa geopolitics, ang pag-antala ay minsan mas makapangyarihan kaysa sa agarang pag-atake.
Ang pagbibigay ng deadline ay hindi lang simpleng ultimatum. Ito ay isang strategic squeeze. Kapag nagbigay ka ng deadline, ibig sabihin, pinipressure mo ang kalaban, pinapakita mong may limitasyon ang pasensya mo pero binibigyan mo rin sila ng pagkakataon na makapag-isip.
Kung agad nag-utos si Trump ng opensiba, mawawala ang diplomatic leverage. Ngunit habang tumatakbo ang oras, tumataas ang psychological pressure sa Iran. Sa puntong 'yon, hindi alam ng Iran kung bluff ba ito o hindi.
Nagkalkula ang U.S. dahil hindi ito katulad ng pag-strike sa isang militia group. Ang Iran ay may malakas na missile capability. May proxy networks sa rehiyon. May kakayahang i-target ang U.S. bases. Kung magkamali ang timing o mali ang intelligence ng U.S., maaaring umatake ang Iran sa U.S. troops na nakapwesto sa Iraq o Syria. Maapektuhan ang shipping lanes. Tataas ang oil prices globally. At kapag tumaas ang langis, hindi lang Middle East ang apektado. Pati mga ordinaryong tao sa Asia, sa Europe, at U.S..
Ang isang utos ng opensiba ay maaaring magbukas ng chain reaction.
Kaya hindi ito simpleng military decision. Ito ay economic decision. Ito ay political decision. Ito ay global decision.
Para lang itong larong chess, minsan hindi mo agad gagalawin ang pyesa.
Inaantay mo ang kalaban na ma-pressure.
Hindi rin natin pwedeng ihiwalay ang domestic politics. Ang isang military strike ay may epekto sa approval ratings. May epekto sa markets. May epekto sa Congress. May mga mambabatas na mananawagan ng oversight bago ang anumang major strike. Kaya maaaring hinihintay din ni Trump ang mas malinaw na public support. Mas solid na justification. Mas matibay na legal footing. Dahil ang modernong digmaan ay hindi lang laban sa labas kundi laban din sa narrative sa loob ng bansa.
May isa pang mahalagang factor, sa ganitong sitwasyon, habang may countdown, bawat oras ay may bagong kinukuhang impormasyon. May satellite image. May bagong signal intercept. May bagong assessment.
Kung may indikasyon na gumagalaw ang Iran, naghahanda rin ang U.S. ng retaliation. O kung may internal shift sa stance ng Iran, maaaring baguhin ng U.S. ang timing.
So ang 10–15 days ay hindi lang diplomatic window. Ito rin ay intelligence window. Sa ngayon, parehong naghihintay ang dalawang panig.
Ngayon, kung malinaw na hindi simpleng pag-aalangan ang dahilan ng pagkaantala…
Kung malinaw na may mas malalim na strategic calculation ang U.S.…
Dito na papasok ang mas mahalagang tanong:
Ano ang Mangyayari Kapag Lumampas ang Deadline?
Kapag umabot tayo sa dulo ng 10–15 day window at walang malinaw na kasunduan… Ano ang susunod?
To be honest, walang nakakaalam sa plano ng U.S.. pero bago tayo magpatuloy, gusto kong malaman mo na hindi ko hinuhulaan ang galaw ng U.S.. Hindi rin ito conspiracy. At mas lalong hindi rin ito sensationalism.
Ang mga scenario na babanggitin ko ay base sa publicly available data, historical patterns, at kung paano karaniwang kumikilos ang mga bansa sa ganitong sitwasyon.
Ibig sabihin, hindi ko sinasabing ito ang tiyak na mangyayari. Ang sasabihin ko ay ang mga pinaka-lohikal na posibilidad kapag lumampas ang deadline.
Sa geopolitics mga kaibigan, bihirang diretso agad sa full-scale conflict.
Mas madalas, dadaan muna ito sa controlled escalation.
So, ang unang senaryo o posibilidad ay limited strike. Posibleng targetin lang ng U.S. ang air defense systems ng Iran, missile facilities, selected nuclear infrastructure para ipakita sa Iran na seryoso ang ultimatum. Ito ay tinatawag na “punitive strike”. Pero may risk din. Kahit limitado ang strike, maaaring mag-retaliate ang Iran sa pamamagitan ng proxy forces sa Middle East. Magpapalipad rin ng missiles ang Iran sa U.S. bases, posibleng magsara ang Strait of Hormuz at doon magsisimula ang domino effect.
Sa ikalawang senaryo, maaaring mauna ang cyber operations, intelligence disruption at economic pressure intensification. Ito ang tinatawag na “gray zone conflict.”
Hindi ito headline-grabbing tulad ng missile strike, pero mas tahimik at minsan mas strategic. Layunin nitong palambutin ang target bago ang mas malaking aksyon.
Sa ganitong scenario, maaaring pahabain ang pressure nang hindi agad tumatawid sa linya ng open war.
Sa ikatlong senaryo, posibleng ma-extend ang deadline. Halimbawa, nagpakita ang Iran ng willingness sa inspection ng kanilang nuclear sites o may backchannel agreement o may kompromisong nasa draft stage.
Sa ganitong sitwasyon, maaaring i-extend ang deadline. Hindi ito kahinaan. Sa negotiation theory, ang extension ay indikasyon na may gumagalaw sa likod ng kamera.
At kung ang goal ni Trump ay leverage, hindi digmaan, mas makatuwiran ang extension kaysa immediate strike.
Sa ikaapat na senaryo, posibleng may accidental escalation. Minsan kasi kapag mataas ang tensyon, may maliit na insidente lang, magbabago ang lahat. Halimbawa, isang drone interception lang. Isang missile misfire. Isang misinterpretation ng radar signal. Sa ganitong sitwasyon, ang maliit na spark ay maaaring maging wildfire.
At sa ganitong sitwasyon, kahit hindi gustong mag-gera ng dalawang panig, maaari silang mahila papasok sa sitwasyong ito.

Comments
Post a Comment